Share

Capítulo Uno

Capítulo Uno

Braveheart

I walked my way to the coffee shop with a big smile plastered on my face. Gracefully pushing the heavy glass door and was greeted by one the shop's server, Jorgina who was holding a salver.

"Ella! Hala, bakit ka andito oy?" gulat na tanong niya habang dali-dali akong sinusundan papasok sa counter.

"Your orders will be served in a minute Ma'am." rinig ko pang madalian niyang paalam sa lamesang pinagkuhanan niya ng order. Baliw talaga. I smiled at Evane who's busy entertaining the costumer's bill in the counter.

"Bran! Ikaw muna bahala sa order nung costumer sa may labas oh. Yung nasa may dulong lamesa ha? Please." pakiusap niya na ikinairap ko. Makiki-chismis na naman ito panigurado. Pumasok na ako sa may kitchen at naglakad patungo sa employees ward.

"Magandang gabi po!" masayang bati ko sa mga nadadaanan na staff sa kitchen.

"Magandang gabi rin, Hija! O, 'bat ka andito?" rinig ko pang tanong ni Mang Celo. Tumigil muna ako sa paglalakad at mabilis na nagnakaw ng tikim sa ginagawang icing-cake ni Chef. Pabiro niya pa akong sinaway at umiling. Tinawanan ko nalang at nagpa-cute.

"Pasok na po muna ako! Salamat!" hagikhik ko at tuluyan nang pumasok sa Employees Ward na malapit sa Exit. Lumapit ako sa locker na nakalaan sa akin at mabilis na nilabas ang kulay royal blue na uniporme ng shop. Pagtalikod ko ay laking gulat ko nang makitang nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay ni Jorgina sa gawi ko.

Umirap ulit ako at inabala ang sarili sa pagbibihis. Kahit babae si Jorgina ay nakakailang pa rin isipin na may nakatingin sa 'kin habang nagbibihis kaya tumalikod ako sa kaniya.

"Ano? Naa kay plano mag chicka dzai? Oh magiirapan nalang tayo dito, ano? Kaloka to." wika niya nang matapos na ako. Sinakop ko ng buo ang mahaba ko pa ring itim na itim na buhok tsaka ito tinalian pataas.

"Wala... ano ka ba." walang ganang sambit ko at hindi siya tinignan man lang.

"Anong wala?! Sa pagkakaalam namin dito lahat ha, na may date ka ngayon! Halos ipalandakan mo pa buong linggo tapos ngayon andito ka? Anyareh bess?" halos maghysterical siya habang sinasabi iyon. Bakit ba gulat na gulat sila na andito ako? Eh sa dito kaya ako nagtatrabaho.

Umirap na naman ako muli nang maharap siya ay ang naghihintay ng sagot na titig niya ang bumungad sa akin. Kulit talaga. Napabuntong hininga nalang ako.

Yes.

Happily, I was supposed to have my first date tonight. Just a simple dinner, supposedly with a guy named Karl, a computer analyst of the Elizalde Empire just a few meters away from the shop. He was really nice and a very persistent guy too. He did alot of things to persue my attention for several months that I'm too lazy to even state or remember those, the reason why I said YES for a dinner and nothing more.

Regular costumer eh. Kibit balikat na isip ko.

We were just starting our fine dinner with a nice conversation when suddenly a furious woman stormed in front of us like a mad Kingkong. She was accusing things and saying things like she's his pregnant girlfriend and such. I was really disappointed though obviously I don't care about them nor to Karl. So I decided to leave and ignored Karl's endless calls. Nakakainis lang ha.

And so, I ended up here- working in the middle of my rest day. Just great. Pero mabuti na rin dahil at least mag ha-half day nalang ako. Buti nalang at bago pa lang nag 6pm kaya nakaabot pa ako sa half-day na hanggang alas diyes ng gabi. Okey na rin ang hating sweldo na makikita ko ngayon kaysa naman wala.

Siyempre, makulit si Jorgina kaya napakwento ako sa kanya. Buong detalye ang nilahad ko sa kaniya habang naglalakad kami pareho palabas sa Kitchen. Gusto kong matawa sa bawat reaksyon niya sa kwento ko. Minsan nakanga-nga na parang hindi makapaniwala, minsan nangungunot ang noo, pigil ang tawa at sa huli ay napasinghap siya at galit na dumuro sa kawalan.

"Aba naman talaga! Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon?! Gago rin yung Karl na yun ah! Aba aba! Wag lang siyang bumalik dito kundi nako talaga sinasabi ko." halos matawa ako sa panggigigil ni Jorgina. Kinuyom pa niya ang magkabilang kamay niya sa harap namin at mistulang dinudurog ang kung ano sa loob noon. Napailing nalang ako.

"Hoy! Wag ka ngang tatawa-tawa jan! Ikaw na nga naloko. Ano?!" pinandilatan niya pa ako. Hindi ko na napigilan at tumawa na talaga ako ng malakas. Nakakatawa ang itsura niya, naka pameywang ang isang kamay tapos nakaturo ang hintuturo niya sakin at dilat na dilat pa ang mabibilog niyang mga mata.

Para siyang terror teacher ko noong elementary pa ako kung makapanggigil siya.

"Ano ka ba. Wala lang yun noh, pinagbigyan ko lang naman si Karl ng isang dinner nang matigil na siya sa kakakulit dito sa shop. Masisante pa 'ko ni Ma'am Shi ng wala sa oras noh." I gave her an assuring smile and pulled her out of the counter.

Nginitian ko ulit si Evane nang paglabas ko ay nakatutok na ang mala-lawin na mata niya sakin. Kumuha nalang ako ng isang orders note sa drawer tsala lumabas sa counter.

Pinalibot ko ang mga mata sa buong shop at naghanap ng kakapasok lang na costumer para maasikaso. May nakita akong lalaking kakaupo lang sa may dulong lamesa na nasa tabi lang ng glass window.

Mabilis akong nagmartsa doon at iniwan si Jorgina nang may ibang costumer na kailangan niyang puntahan din. Nakangiti kong binabati ang bawat lamesang nadadaanan kong may costumer na nakaupo habang pinaglalaruan ang hawak na ballpen at note pad sa kabilang kamay ko. Nakatalikod pa ang lalaki kaya ng malapit na ako sa likuran niya ay napahugot muna ako ng malalim na hininga at hinanda ang pinakamatamis na ngiti ko.

"Good Evening, Sir. Welcome to Café de Móira, the home of coffee lovers. What would be your order?" masayang bati ko nang hinarap siya. Ngunit agad ko rin nahugot ang hiniga nang makita at makilala kung sino iyon.

"G-Gio?!" gulat na sigaw ko sa mahinang boses. Malaking ngisi naman ang iginawad niya sa akin at itinataas-baba pa ang magkabilang kilay.

"Caenaella Solace, mi paboritó." aniya habang tumatayo at umamba pang yayakapin ako. At dahil sa pinaghalong gulat at galak ay yumakap na rin ako sa pinakapaborito ko ring pinsan kahit na pitong taon ang agwat namin.

My God! Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. The last time I check, nasa Miami, Florida ang lalaking ito.

Nang tuluyang mahimasmasan ay agaran kong hinampas ang likuran niya. Tumawa naman ang loko tsaka ako mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi ko bago tuluyang humiwalay.

"Seat, please." aniya. Bumaling ako sa gawi ng Jorgina at sinenyasan siya habang tinatanggal ang  royal blue naming apron. Tumango lang naman siya tsaka nag thumbs-up kahit na may pagtataka rin sa kunot-noong mukha niya. Hindi ko nalang muna pinansin at mas importante ang lalakeng nasa harap ko ngayon.

My God, Gio!

"Caenaella, kailangan mo ng umuwi." maya-maya ay wika niya sa seryosong boses pagkatapos ng aming kamustahan. Napahugot muna ako ng hininga at nag-iwas ng tingin.

"Gio..." buntong-hiningang wika ko nang napatungo nalang.

Oo. Sa ilang taon na lumipas ay namimiss ko rin naman ang Hacienda. Ang mga masasayang tauhan, ang mga kapatid ko sina Zoryñe at Mari, sina Máma at Pápa, sina Pápito at Pápita, sina Abuelo at Abuela, Tita at Tito, ang mga pinsan ko at si Lola at...Lolo. May mga pagkakataon na naiiyak na lang ako dahil sa lungkot at minsan ay naiisipan ko kung paano kung umuwi nalang ako? Paano kung bumalik na lang ako? Paano kung hindi ako umalis? Paano kung...

Subalit sa bawat pagkakataon na iyon ay lage rin sumasagi sa isip ko ang lahat lahat ng pinagdaanan ko at sinakripsiyo ko para lang maabot ko kung ano ang pinaglalaban ko. Sa bawat "paano kung" ay pilit kong pinapaintindi sa sarili ko na pawang mga 'consequences' lang lahat ng pinagdadaanan ko at kailangan kong lagpasan lahat ng iyon hanggang maabot ko na iyon.

At heto nga at naitaguyod ko ang sarili sa pag-aaral sa kolehiyo. I graduated just this year as Cum Laude of Xavier University's College of Business Administration. Got through it all as a working scholar who is living and providing my own daily needs. It was hard but it was all worth it because it was my dream.

Pero umuwi? Sa Hacienda? Parang... ayoko...muna. Hindi ko pa lubos naabot ang mga gusto kong gawin. I want to work on any places and save money to build my own business. Travel some places with some beautiful field of flowers. And then I'll finally have my own--

"Nandito ako para ipaalam sa iyo na kailangan mong umuwi dahil baka huli na ang lahat." napahinto ako dahil sa sinabi niya. Kunot-noong napatagilid ang ulo ko at nagtatanong ang matang tinignan ang nagdadalawang isip niyang mukha.

He took a deep breath and that made me seat properly because I know then that there is a problem.

"Remember Clarisse Sy?" lumalim ang kunot sa noo ko dahil sa binanggit niyang pangalan. Ano namang ang kinalaman ng babaeng iyon? Hindi ako nagsalita at isang beses na tumango lang bilang tugon.

"Well, she was bound to marry the eldest grandson of the Valiente's a month from now." kumalabog ang puso ko sa narinig. I swallowed the lump in my throat as I tried to ignore that feeling again.

So what?

"Oh tapos?" hindi ko na napigilan pa ang sarili. Bakit ba kasi kailangan banggitin ang pangalan ng babaeng iyon? Huwag lang sana niyang mabanggit ang pangalan ng 'eldest grandson' na yun.

"Chill."

"Clarisse was found beaten up inside our boarders. And some says it was done by Zoryñe's men." I was beyond shock at what he said. Wait! Si Clarrise ginulpi? What the hell? At teka, mga tauhan ni Zoryñe? Ang kakambal ko? I was about to ask a sudden question but I guess he already knows what I was about to ask,

"Clarisse is still currently lying on bed, coma for about 4 days already in CUMC." literal na hindi ako makapagsalita sa gulat.

"Anong kinalaman ni Zoryñe dito? Bakit siya ang napagbintangan?" I panicly asked when I finally found my voice to speak.

"Unfortunately, a couple of months ago, well, your sister and --" I narrowed my eyes at him. Sige, subukan mong banggitin pangalan niya. " uhm... that 'eldest grandson' was rumored to be dating or whatever. Basta madalas daw magkasama ang dalawa." I look away and swallowed hard. Dating huh? Iba ka talaga Valiente, wala ka ng pag-asang magbago.

"Then, a month ago, Clarisse Sy and 'that' Valiente was announced to be wed a month from now." napapikit ako habang naikuyom ang kamao. Grabe talaga. Kahit kailan, Valiente. "At maraming beses nang nagpang-abot ang dalawang babae at sa bawat pagkakataon ay nagbibigay ng pahayag si Zoryñe na sasaktan niya daw si Clarisse." I slammed the table hard!

"Hindi! Hindi kayang gawin ni Zoryñe iyon! Hindi niya kayang manakit ng tao! That can't be a basis for them to conclude that it was done by Zoryñe!" I almost shouted through gritted teeth. Never minding the other costumer, I tried to take a deep breath and calm down. Tumingin ako sa banda sa counter ng shop at nakita ang nagtataka at nag-aalalang mukha ng mga kasamahan. Even Jorgina was about to come near us but I gestured her that its okey.

"It was considered as a threat, Caenaella." he said. Nanlumo ako.

I'm okey. God, how will I be okey? My poor twin.

"Lalo na at hindi makita si Zoryñe ngayon. Wala siya sa Hacienda pati na ang mga gamit niya. Speculations of some, baka ay nagtatago na." I shook my head. No. They are all wrong! How dare them accuse my sister? She can't do that! No! She...can't. Right?

"And worst is..." I blink twice, waiting for him to say something more.

Meron pa?

"Clarisse was found on the little lake beside the Casa Console." I swallowed hard again.

Shit.

No.

"As Clarrise's future family-in-law and husband, the Valiente's took full charge of the investigation. Closing the entire area close to the boarders of Casa Console and the Lake for further investigation of the case."

"What?! They can't do that!" hindi ko na napigilan ibulalas. B-bakit pati ang Casa Console ay pinapakialaman nila?

"And here comes the greatest bad news, cousin, brace yourself." for a moment there, I want to smack Gio's head for that thrill. Nababad trip na nga ako!

"The eldest grandson of Valiente's are taking back the land they gave where the Casa Console is located." laglag ang panga na napabuga ako ng hangin. Halos hindi ako makahinga sa gulat at pagkamangha. Ano bang kalokohang nangyayare na ito?

All of a sudden? Everything just piled up to worst?

"Sakop ng mga Valiente ang lupain kung saan nakatayo ang Casa Console. Walang permahan sa kahit anong kontrata ang naganap noon. Talagang binigay lang iyong... alam mo na, yung lupain sa Casa Console kay Lolo noon."

"Mas alam mo ang naging kwento nila noon kaya alam kong mas naiintindihan mo ang sinasabi ko sayo ngayon." tiim na wika niya. T-teka, ano?

"P-pero... binigay ng mga Valiente ang lupain na iyon kay Lolo Epi noon at kahit na walang legal na papel na makaka-pagpatunay na ibinigay na nila sa atin, bigay pa rin nila iyon! Bakit nila kinukuha ngayon?!"

"Wala ba talagang Palabra de honor ang pamilyang iyon?!" galit na bulong ko sa kaniya. Jusko, I badly want to lash out but I can't. Not here, atleast.

"Matagal ng may alitan ang dalawang pamilya. Noon naman kahit may cold war na nangyayare sa atin sa mahabang panahon, ni minsan hindi naman nila pinapakialaman yun ah? Bakit ngayon?"

"Opisyal ng pamumunuan ng nakakatandang apo ng mga Valiente ang hacienda nila. Last week ay nagsagawa na ng legal transfer sa pangalan niya at siguro... nakitang sakop ng lupain nila kung saan ang maliit na ilog hanggang sa Casa Console."

"Nakatatandang apo?"

teka, tama ba yung iniisip ko? May iba pa bang nakatatandang apo ang mga Valiente?

"Oo. Yung si Jaffen Emmanuel Valiente Jr."

What the? Naikuyo ko ng mahigpit ang kamay ko. I look away as I remember that old man.

Ano bang problema niya? Alam niya kung gaano ka importante sa akin ang Casa Console.

Saksi siya kung gaano ko kamahal ang lugar na iyon. Tapos... tapos...

"Walang hiya ka talagang matanda ka..." mahinang bulong ko sa hangin ang talim ng tingin ko ay kasing bagsik ng pagkamuhi na namumuo sa puso ko.

"So what now, cous?" napabalik ang tingin ko kay Gio ngunit ang matalim na mata ay hindi nagbago pa rin. I stared at his face when a crept smile slowly rose from his mouth.

"You think you still have that bravery you had in your heart to fight?" he mockingly smirk. And that made me gritted my teeth more as I felt that pounding throb of beat in my stupid heart. Slowly, I took a deep breath and exhaled a loud one.

I am Caenaella Solace de Hidalgo Felicidad and I always stand with a brave heart to fight no matter what. And not even a Valiente blood can make me tremble.

Never again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status