LOGIN"Selene, baby—" sabi ulit ni Tristan, mas malapit na siya.
Pero umurong si Selene. Ayaw niyang lapitan siya ni Tristan. Ayaw niyang hawakan siya. Kasi... kasi parang... parang ang dumi niya. Ang dumi nilang dalawa. "Baby, please. It's not what it looks like," sabi ni Tristan, taas ang mga kamay na parang sumusuko. Natawa si Selene. Hindi 'yung tawa na nakakatawa. 'Yung tawa na parang nababaliw na. "Not what it looks like?" ulit niya, boses niya parang pabulong lang. "Not what it looks like?" Tumango si Tristan. "Yes. Baby, I can explain—" "Explain what?" putol ni Selene. "Explain kung bakit naka-hubad kayo? Explain kung bakit si Ashley—" hindi niya natapos kasi tumingin siya kay Ashley. Si Ashley na hanggang ngayon, naka-upo pa rin sa couch, naka-takip ng blanket, namumula ang mukha. "Sel, I'm so sorry—" nagsimula si Ashley. "Sorry?" ulit ni Selene. "Sorry?!" Tumayo si Ashley. Hinawakan ang blanket nang mahigpit. "Sel, please. Hindi ko naman sinasadya. It just... it just happened—" "It just happened?" singhal ni Selene. "Putangina, Ashley! Kaibigan kita! Best friend kita nung college! Tinuring kitang kapatid! Tapos 'yan?! 'Yan ang gagawin mo sa akin?!" Umiyak si Ashley. "I'm sorry, Sel. I'm really sorry. Pero... pero mahal ko siya." Natigilan si Selene. Mahal? Mahal? "Mahal?" ulit ni Selene, parang nag-confirm kung tama ba ang narinig niya. Tumango si Ashley. "Yes. Mahal ko si Tristan. At... at mahal niya ako." Napatingin si Selene kay Tristan. Nakatingin si Tristan kay Ashley. Hindi siya nag-deny. Hindi siya nagsalita. Ibig sabihin... Ibig sabihin totoo? Naramdaman ni Selene ang pagtulo ng luha sa pisngi niya. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya. "How long?" tanong niya, boses niyang parang basag na. Walang sumagot. "How long?!" sigaw ni Selene, mas malakas ang boses niya. Nag-iwas ng tingin si Tristan. "Sel—" "Ilang buwan?! Ilang taon?! Kailan pa?!" sunud-sunod na tanong ni Selene, lumapit siya kay Tristan, tinulak siya sa dibdib. "Kailan ka pa nagloloko sa akin?!" Humakbang paatras si Tristan. "Selene, calm down—" "Calm down?! CALM DOWN?!" sigaw ni Selene. "Nahuli kitang nakikipag-sex sa kaibigan ko, sa mismong gabi ng anniversary natin, at sasabihan mo akong mag-calm down?!" "Sel, please—" "Sagutin mo lang ako! Ilang buwan na kayong ganito?!" Huminga nang malalim si Tristan. Tumingin kay Ashley. Tapos tumingin pabalik kay Selene. "Six months," sagot niya. Napaatras si Selene. Six months. Anim na buwan. Anim na buwan na silang nanloloko sa kaniya. Anim na buwan na may relasyon si Tristan at Ashley. Ibig sabihin... ibig sabihin habang sweet si Tristan sa kaniya, habang nag-dedate sila, habang nag-I love you sila... Kasama niya si Ashley. "Oh my God," bulong ni Selene, hawak niya ang dibdib niya kasi parang hindi siya makahinga. Lumapit si Tristan. "Baby, I'm sorry. I didn't mean for this to happen. I swear—" "Don't touch me!" sigaw ni Selene, umiwas siya. "Don't you dare touch me!" Tumigil si Tristan. Tumingin si Selene sa dalawa. Kay Tristan. Kay Ashley. Dalawang tao na mahal niya. Dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya. Dalawang tao na... na niloko siya. Sabay pa talaga sa dapat celebration ng anniversary nila. Umiyak si Selene nang mas malakas. Pero hindi niya hinayaang makita nila 'yun nang matagal. Binalikan niya ang sahig kung nasaan 'yung basag na wine bottle. 'Yung pagkain na dala niya. 'yung maliit na paper bag na may lingerie at cufflinks na regalo niya. Tiningnan niya 'yung lahat. 'Yung effort niya. 'yung pag-asa niya. 'Yung kagagahan niya. Tumalikod si Selene. Naglakad papunta sa pinto. "Selene! Wait!" sumigaw si Tristan sa likod niya. Pero hindi siya tumigil. Mas binilisan pa niya ang lakad. "Selene, please! Let me explain!" sigaw ulit ni Tristan. Pero ayaw niyang marinig. Ayaw niya nang marinig ang boses ni Tristan. Ayaw niya nang marinig ang kahit ano. Lumabas si Selene ng unit. Sinara niya nang malakas ang pinto.SELENE FLORES POVChapter 54IIsang linggo na naman ang nakalipas ng halo-halong emosyon,lungkot, galit, pag-asa, at takot. Paulit-ulit. Animo'y parang rollercoaster na hindi ko kontrolado.Pero isang linggong iyon, may nagbago.Hindi ko alam kung ano o paano, pero parang unti-unting bumabawi ang mundo sa pagpapahirap sa akin. Hindi naman totally okay dahil malayong-malayo sa katotohanan ng estado ng puso ko ngayon, pero parang may liwanag na sumisilip sa dulo ng mahaba at madilim na tunnel na kinaroroonan ko.Ang S.F. Design Studio? Tuloy-tuloy ang pag-angat nito. Dumadami ang clients. Lumalaki ang portfolio. At sa wakas, nakakapag-focus na ulit ako nang hindi umiiyak sa gitna ng meeting.Si Mika? Araw-araw nagte-text. Hindi na masyadong pushy tungkol kay Drake. Sa katunayan ay mas focus siya sa akin, lagi itong nagtatanong kung kumakain ba ako, kung natutulog ba ako, kung okay lang ako. At kahit papano, malaking tulong iyon.Si Drake?Araw-araw may simpleng message. Hindi naman nag
Selene Flores POVTatlong linggo ko sinubukang mag-isa. Tatlong linggong pinilit na ituon ang atensyon sa trabaho, sa studio, sa mga designs na kailangang ipasa. Kung may isang bagay na nagligtas sa akin sa mga oras na gusto ko nang sumuko, iyon ay ang S.F. Design Studio.Araw-araw, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi nang hatinggabi. Iniiwasan ang lahat ng puwedeng magpaalala sa akin kay Drake, kasama na ang pagdaan sa mga lugar na pinupuntahan namin, ang pagkain ng mga pagkaing pinagsaluhan namin, at ang pagsuot ng mga damit na regalo niya.Pero hindi ko maalis ang singsing.Nakatingin ako rito habang nagkakape sa opisina. Mag-isa. Alas-otso ng gabi. Walang ibang tao kundi ako at ang mga blueprint na nakakalat sa mesa."Selene?"Napalingon ako. Si Carla, ang secretary ko, nakatayo sa may pinto."Ms. Carla? Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nagtataka."Dapat po," sabi niya, nag-aalangang pumasok. "Pero may... may nagpapahatid po sa inyo nito."Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kaho
SELENE FLORES POV Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin si Drake. Hindi dahil handa na ako. Hindi dahil okay na ako. Kundi dahil kailangan kong marinig galing sa kanya nang personal, at harapin ang lahat kahit na durog na durog na ako. Nagkita kami sa Tagaytay. Sa parehong lugar kung saan siya lumuhod at nagbigay sa akin ng singsing na iyon. Nang makita ko siya, parang may pumitik sa dibdib ko. Ang dating pogi niyang mukha ay mababanaag na ang kapayatan. May malalim na eyebags. Halatang hindi kumakain, hindi natutulog. "Selene," sabi niya, basag ang boses. "Sabihin mo sa akin," simula ko, diretso sa mata niya. "Lahat. Wala kang itatago. Ngayon na." At ginawa niya iyon. Kinwento niya ang lahat, mula sa gabing iyon hanggang sa kung paano niya dinala ang lihim na iyon nang ilang linggo. Umiiyak siya habang nagsasalita. Nanginginig. Basag na basag. At sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko ang pagsisis
SELENE FLORES POV Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi bumangon mula sa kama. Hindi ko binuksan ang pinto ng condo ko kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Mika. Hindi ko binasa ang sunod-sunod na messages ni Drake na dumadating sa phone ko na parang walang katapusang alon. Basta nakahiga lang ako. Nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na pinapatugtog sa utak ko ang mga salitang iyon. Buntis siya, Selene. Anim na linggo na raw. Anim na linggo. Anim na linggong may lihim siyang dala-dala. Anim na linggong may kasinungalingan sa pagitan namin, habang ako, akala ko okay na ang lahat. Akala ko, wala nang tinatago. Akala ko, sa wakas, totoo na ang lahat. Gago pa rin pala ako. Sa ikaapat na araw, may kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas. Paulit-ulit. Hindi tumitigil. "Selene! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto na 'to o ipapasara ko ito sa'yo gamit ang mukha ko!" boses ni Mika. Hindi ako kumilos. "Selene Marie Flores! Bibilang ako hanggang tatlo! Isa... dalawa...
MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula nung mag-propose si Drake sa Tagaytay. Hindi naman talaga proposal yun, sabi niya. Pero para sa akin, yun na yun. Yung singsing na simpleng simple pero sobrang bigat ng ibig sabihin, suot-suot ko pa rin hanggang ngayon.Hindi ko pa rin maiwasang titigan yung kamay ko habang nagtatrabaho sa studio. Si Mika, napapailing na lang tuwing nakikita akong nakatulala."Teh, ikaw na talaga," sabi niya isang hapon nung dumalaw siya sa office. "Para kang bagong kasal. Ano ba naman kasi yang si Drake, pinahirapan ka pa sa paghihintay."Tumawa lang ako. "Hindi naman sa ganun. Masaya lang talaga ako."At totoo naman. Simula nung nagkaayos kami, parang ibang-iba na ang lahat. Yung dating bigat na dala-dala ko araw-araw, parang nawala. Yung lagi kong pag-aalala na baka may itinatago nanaman siya, wala na. Nagbago talaga si Drake.Araw-araw, may effort siya. Simpleng text lang na "Kain ka na" o "Naiisip kita." Minsan, nagpapadeliver siya ng kape sa studio ko ka
SELENE's POV Tatlong buwan matapos kaming magkausap ni Drake sa office ko. Tatlong buwan ng unti-unting pag-aayos. Ng mabagal na pagbabalik. Ng mga date na hindi naman talaga date kundi mga pagkakataong magkasama kami nang walang pressure. At ngayon, nakaupo ako sa harap ni Mr. Santillan. Oo. Si Don Rafael Santillan mismo. Ang ama ni Drake. "Miss Flores," bati niya, kalmado ang boses. "Thank you for agreeing to meet with me." Nasa private office kami ng Valencia Hotels. Yung pinakataas. Yung may view ng buong Maynila. "Thank you po sa pag-imbita, Sir," magalang kong sagot. Hindi ako kinakabahan. Well, konti lang. Tiningnan niya ako nang matagal. Parang tinitimbang. "I know about you and my son," sabi niya. Tumango lang ako. "I also know na alam mo na ang tungkol kay Patricia." "Opo." Napabuntong-hininga siya. "I'm not proud of what I did. Pinilit ko si Drake sa kasal na 'yun. Akala ko, tama. Akala ko, para sa future niya. Para sa kumpanya." Hindi ako nagsali






![[Tag] My Step-Uncle's Plaything](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
