PAGDATING ni Selene sa condo ni Tristan, nag-park siya sa usual spot niya sa basement parking. Ground level, malapit sa elevator. Bumaba siya ng kotse, kinuha 'yung dalawang eco bags puno ng groceries, 'yung wine na binalot niya ng maayos, at 'yung maliit na paper bag na naglalaman ng cufflinks, and... well, 'yung lingerie. Grabe ang bigat. Pero okay lang. Kasi excited siya. Kahit wala pang text si Tristan, okay lang. Kahit walang greeting, okay lang. Baka naman talaga may surprise. Baka pagbukas niya ng pinto, nandun na si Tristan, nag-prepare ng dinner, may flowers, may candles, tapos... Tapos mag-propose. Oo, baka 'yun na nga. Ngiti ni Selene habang naglalakad papunta sa elevator. Sumakay siya. Pinindot ang 28th floor. Habang umaangat ang elevator, tiningnan niya ang sarili niya sa reflection ng metal doors. Okay pa naman. Ayos pa ang make-up. Okay pa ang buhok. Maganda pa rin ang dress. Perfect. *Ding.* 28th floor. Lumabas si Selene. Naglakad sa hallway p
Last Updated : 2026-02-04 Read more