Share

Chapter 3

Author: CESSYPRINCE
last update publish date: 2026-02-04 16:54:26

PAGDATING ni Selene sa condo ni Tristan, nag-park siya sa usual spot niya sa basement parking. Ground level, malapit sa elevator.

Bumaba siya ng kotse, kinuha 'yung dalawang eco bags puno ng groceries, 'yung wine na binalot niya ng maayos, at 'yung maliit na paper bag na naglalaman ng cufflinks, and... well, 'yung lingerie.

Grabe ang bigat. Pero okay lang. Kasi excited siya.

Kahit wala pang text si Tristan, okay lang.

Kahit walang greeting, okay lang.

Baka naman talaga may surprise. Baka pagbukas niya ng pinto, nandun na si Tristan, nag-prepare ng dinner, may flowers, may candles, tapos...

Tapos mag-propose.

Oo, baka 'yun na nga.

Ngiti ni Selene habang naglalakad papunta sa elevator. Sumakay siya. Pinindot ang 28th floor.

Habang umaangat ang elevator, tiningnan niya ang sarili niya sa reflection ng metal doors. Okay pa naman. Ayos pa ang make-up. Okay pa ang buhok. Maganda pa rin ang dress.

Perfect.

*Ding.*

28th floor.

Lumabas si Selene. Naglakad sa hallway papunta sa Unit 2804. 'Yung condo ni Tristan.

Huminto siya sa harap ng pinto.

Kinabahan siya bigla.

Bakit? Hindi naman niya alam. Ilang beses na siyang pumunta dito. Pero ngayong gabi, may iba.

Parang may something na hindi maganda.

Hinugot niya ang spare key mula sa purse niya. 'Yung susi na binigay ni Tristan ilang buwan na ang nakakaraan.

"Para pag gusto mong bisitahin ako kahit anong oras, pwede," sabi ni Tristan noon.

Pero ngayon, habang hawak ni Selene 'yung susi, nag-dalawang-isip siya.

Dapat ba niyang i-text muna si Tristan?

Dapat ba niyang kumatok?

Pero... pero surprise 'to, diba? Kaya dapat walang text, walang tawag.

Kaya ibinaba niya ang eco bags sa sahig. Hinawakan ang door knob. Nilagay ang susi.

Twist.

Click.

Bumukas ang pinto.

Tahimik.

Walang ilaw sa foyer. Pero may ilaw galing sa loob—sa living room area.

Pumasok si Selene. Dahan-dahan. Kinuha ulit niya 'yung eco bags. Maingat na naglakad papasok.

"Tristan?" tawag niya, mahinang boses.

Walang sagot.

Pero narinig niya ang tunog.

Parang... parang ungol?

Tumigil si Selene sa daan papunta sa living room.

Kumunot ang noo niya.

Ano 'yun?

Lumapit pa siya ng kaunti.

Tapos narinig niya ulit.

Ungol.

Daing.

'Yung tipong... 'yung tipong parang...

Napatigil si Selene.

Nanlamig ang katawan niya.

Parang may bumara sa lalamunan niya.

Hindi.

Hindi pwede.

Hindi naman siguro.

Pero lumapit pa rin siya.

Dahan-dahan.

Parang ayaw niya makita kung ano 'yung nandun, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya.

At pagdating niya sa gilid ng hallway, nakita niya.

Nakita niya ang living room.

At nakita niya sila.

Si Tristan.

Naka-hubad.

Nakaupo sa couch.

At sa ibabaw niya...

Naka-patong...

Naka-hubad din...

Gumagalaw...

Si Ashley Reyes.

'Yung kaibigan niya.

'Yung best friend niya nung college.

'Yung laging kasama niya noon.

'Yung tinuring niyang kapatid.

Naka-patong kay Tristan.

Naka-hubad.

Halatang nag-se-sex.

Bumagsak ang eco bags na hawak ni Selene.

**CRASH.**

'Yung wine bottle, nabasag sa marble tiles.

Kumalat ang red wine sa sahig. Parang dugo.

Napatingin silang dalawa sa direksyon ni Selene.

Nanlaki ang mata ni Ashley. Namutla. Sumigaw.

"Oh my God!"

Kumuha siya agad ng throw blanket mula sa gilid ng couch. Tinakpan ang sarili.

'Yung blanket na binigay ni Selene kay Tristan last Christmas.

Tangina.

Si Tristan, tumayo.

Naka-hubad pa rin.

Walang kahihiyan.

May gulat sa mukha, oo. Pero hindi 'yung guilt. Hindi 'yung pagsisisi.

Parang... parang inis lang na nadisturbo.

"Selene—" sabi ni Tristan, tapos nagsimula siyang maglakad papunta kay Selene.

Pero hindi gumalaw si Selene.

Nakatayo lang siya doon.

Nakatingin.

Blangko ang mukha.

Walang emosyon.

Kasi parang... parang na-shut down ang utak niya.

Parang hindi niya ma-process kung ano 'yung nakikita niya.

Kasi imposible 'to, diba?

Imposible.

Ngayong gabi, fifth anniversary nila.

Ngayong gabi, dapat masaya sila.

Ngayong gabi, dapat sila lang dalawa.

Pero... pero bakit nandito si Ashley?

Bakit naka-hubad sila?

Bakit...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Caged by Desire   Chapter 55

    SELENE FLORES POVChapter 54IIsang linggo na naman ang nakalipas ng halo-halong emosyon,lungkot, galit, pag-asa, at takot. Paulit-ulit. Animo'y parang rollercoaster na hindi ko kontrolado.Pero isang linggong iyon, may nagbago.Hindi ko alam kung ano o paano, pero parang unti-unting bumabawi ang mundo sa pagpapahirap sa akin. Hindi naman totally okay dahil malayong-malayo sa katotohanan ng estado ng puso ko ngayon, pero parang may liwanag na sumisilip sa dulo ng mahaba at madilim na tunnel na kinaroroonan ko.Ang S.F. Design Studio? Tuloy-tuloy ang pag-angat nito. Dumadami ang clients. Lumalaki ang portfolio. At sa wakas, nakakapag-focus na ulit ako nang hindi umiiyak sa gitna ng meeting.Si Mika? Araw-araw nagte-text. Hindi na masyadong pushy tungkol kay Drake. Sa katunayan ay mas focus siya sa akin, lagi itong nagtatanong kung kumakain ba ako, kung natutulog ba ako, kung okay lang ako. At kahit papano, malaking tulong iyon.Si Drake?Araw-araw may simpleng message. Hindi naman nag

  • Caged by Desire   Chapter 54

    Selene Flores POVTatlong linggo ko sinubukang mag-isa. Tatlong linggong pinilit na ituon ang atensyon sa trabaho, sa studio, sa mga designs na kailangang ipasa. Kung may isang bagay na nagligtas sa akin sa mga oras na gusto ko nang sumuko, iyon ay ang S.F. Design Studio.Araw-araw, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi nang hatinggabi. Iniiwasan ang lahat ng puwedeng magpaalala sa akin kay Drake, kasama na ang pagdaan sa mga lugar na pinupuntahan namin, ang pagkain ng mga pagkaing pinagsaluhan namin, at ang pagsuot ng mga damit na regalo niya.Pero hindi ko maalis ang singsing.Nakatingin ako rito habang nagkakape sa opisina. Mag-isa. Alas-otso ng gabi. Walang ibang tao kundi ako at ang mga blueprint na nakakalat sa mesa."Selene?"Napalingon ako. Si Carla, ang secretary ko, nakatayo sa may pinto."Ms. Carla? Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nagtataka."Dapat po," sabi niya, nag-aalangang pumasok. "Pero may... may nagpapahatid po sa inyo nito."Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kaho

  • Caged by Desire   Chapter 53

    SELENE FLORES POV Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin si Drake. Hindi dahil handa na ako. Hindi dahil okay na ako. Kundi dahil kailangan kong marinig galing sa kanya nang personal, at harapin ang lahat kahit na durog na durog na ako. Nagkita kami sa Tagaytay. Sa parehong lugar kung saan siya lumuhod at nagbigay sa akin ng singsing na iyon. Nang makita ko siya, parang may pumitik sa dibdib ko. Ang dating pogi niyang mukha ay mababanaag na ang kapayatan. May malalim na eyebags. Halatang hindi kumakain, hindi natutulog. "Selene," sabi niya, basag ang boses. "Sabihin mo sa akin," simula ko, diretso sa mata niya. "Lahat. Wala kang itatago. Ngayon na." At ginawa niya iyon. Kinwento niya ang lahat, mula sa gabing iyon hanggang sa kung paano niya dinala ang lihim na iyon nang ilang linggo. Umiiyak siya habang nagsasalita. Nanginginig. Basag na basag. At sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko ang pagsisis

  • Caged by Desire   Chapter 52

    SELENE FLORES POV Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi bumangon mula sa kama. Hindi ko binuksan ang pinto ng condo ko kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Mika. Hindi ko binasa ang sunod-sunod na messages ni Drake na dumadating sa phone ko na parang walang katapusang alon. Basta nakahiga lang ako. Nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na pinapatugtog sa utak ko ang mga salitang iyon. Buntis siya, Selene. Anim na linggo na raw. Anim na linggo. Anim na linggong may lihim siyang dala-dala. Anim na linggong may kasinungalingan sa pagitan namin, habang ako, akala ko okay na ang lahat. Akala ko, wala nang tinatago. Akala ko, sa wakas, totoo na ang lahat. Gago pa rin pala ako. Sa ikaapat na araw, may kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas. Paulit-ulit. Hindi tumitigil. "Selene! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto na 'to o ipapasara ko ito sa'yo gamit ang mukha ko!" boses ni Mika. Hindi ako kumilos. "Selene Marie Flores! Bibilang ako hanggang tatlo! Isa... dalawa...

  • Caged by Desire   Chapter 51

    MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula nung mag-propose si Drake sa Tagaytay. Hindi naman talaga proposal yun, sabi niya. Pero para sa akin, yun na yun. Yung singsing na simpleng simple pero sobrang bigat ng ibig sabihin, suot-suot ko pa rin hanggang ngayon.Hindi ko pa rin maiwasang titigan yung kamay ko habang nagtatrabaho sa studio. Si Mika, napapailing na lang tuwing nakikita akong nakatulala."Teh, ikaw na talaga," sabi niya isang hapon nung dumalaw siya sa office. "Para kang bagong kasal. Ano ba naman kasi yang si Drake, pinahirapan ka pa sa paghihintay."Tumawa lang ako. "Hindi naman sa ganun. Masaya lang talaga ako."At totoo naman. Simula nung nagkaayos kami, parang ibang-iba na ang lahat. Yung dating bigat na dala-dala ko araw-araw, parang nawala. Yung lagi kong pag-aalala na baka may itinatago nanaman siya, wala na. Nagbago talaga si Drake.Araw-araw, may effort siya. Simpleng text lang na "Kain ka na" o "Naiisip kita." Minsan, nagpapadeliver siya ng kape sa studio ko ka

  • Caged by Desire   Chapter 50

    SELENE's POV Tatlong buwan matapos kaming magkausap ni Drake sa office ko. Tatlong buwan ng unti-unting pag-aayos. Ng mabagal na pagbabalik. Ng mga date na hindi naman talaga date kundi mga pagkakataong magkasama kami nang walang pressure. At ngayon, nakaupo ako sa harap ni Mr. Santillan. Oo. Si Don Rafael Santillan mismo. Ang ama ni Drake. "Miss Flores," bati niya, kalmado ang boses. "Thank you for agreeing to meet with me." Nasa private office kami ng Valencia Hotels. Yung pinakataas. Yung may view ng buong Maynila. "Thank you po sa pag-imbita, Sir," magalang kong sagot. Hindi ako kinakabahan. Well, konti lang. Tiningnan niya ako nang matagal. Parang tinitimbang. "I know about you and my son," sabi niya. Tumango lang ako. "I also know na alam mo na ang tungkol kay Patricia." "Opo." Napabuntong-hininga siya. "I'm not proud of what I did. Pinilit ko si Drake sa kasal na 'yun. Akala ko, tama. Akala ko, para sa future niya. Para sa kumpanya." Hindi ako nagsali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status