Home / LGBTQ+ / Call Girl / Chapter 2

Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2025-11-30 22:06:08

Matapos Ang isang linggo may client na ulit agad si Alora.

Pinagdadasal niya kahit suntok sa buwan na sana maging kagaya din ito ng huling client niya. Buong magdamag nagkwentuhan at binigyan pa Siya ng malaking tip.

Dinalaw niya kinabukasan noon Ang kapatid sa hospital. Tuwang tuwa si Arhon na Makita Ang ate niya. Ibinalita pang malapit na Siyang makalabas ng hospital ayon sa kanyang personal nurse.

"Room 666.." Gaya ng kinagawian ay bungad sa kanya ng receptionist ng makarating sa premises ng Call Girl.

Mabigat na Ang kutob niya sa malas na Numero pa lang. Sa kabila nun ay nagpatuloy Siya sa paglakad Hanggang makapasok ng elevator.

Pinindot niya Ang 6th floor. Segundo lang At narating Ang pakay.

Tahimik Siyang naglakad. Kung nung nakaraan ay naka pula, Ngayon Namay itim na itim Ang kanyang suot Hanggang sa talampakan nito kung kaya mas lumabas pa Ang kaputian at kakinisan ng kanyang balat.

"What are you waiting?!" Saka lang naputol Ang pagkatulala ni Alora. Isang Hindi pang karaniwang babae Ang tumambad sa kanya.

Saksakan ito ng Ganda Mula ulo Hanggang paa. Perpekto Ang pagkaka hugis ng Mukha nito. Mala dyosa Ang tindig.

nakaka akit. Hindi mo pagsasawaang Tignan kahit gaano pa katagal.

Ang pagkakahulma sa kanyang katawan ay para bang ginawa ng isang matayog na sculptor.

Ito Ang tangi ng isang babaeng pag aagawan ng mga kalalakihan, kaiinggitan ng mga kababaihan.

Napaka expensive ng awra nito. Mabango at mamahalin na maituturing.

Namali ata Siya ng kwartong napasok.

"S-sorry I think I got the wrong room." Akmang lalabas ng muli pero agad Siyang nahapit sa braso ng babae.

"You are exactly at the right place honey." Sabay hila sa kanyang batok at sunggaban ng mapaghanap na halik sa labi.

Para Kay Alora masakit pa ito kaysa sa pakikipagtalik sa lalaki.

Nang matapos Ang buong magdamag niya sa piling ni Zephy ay agad Siyang umuwi. Pagdating sa kanila ibinaba lang Ang kanyang bag saka nagtungo ng banyo.

Hindi pa man nakakapag hubad, pinihit niya pabukas Ang shower. Siyang pagbagsak ng tubig sa kanyang Mukha, kasunod ng pagpikit ng kanyang mga mata.

Kiniskis niya gamit Ang kamay agad Ang parteng leeg na animoy duming dumi. Hanggang marahas na hubarin Ang saplot upang buong katawan Naman Ang linisin.

Nasusuka Siyang Maalala kung paanu Siya inangkin ni zephyra, isang babae kagaya niya. Nadidiri Siya.

Ito Ang unang pagkakataong na involve Siya sa babaeng client. At hinding Hindi na iyon mauulit pa. May karapatan Siyang tumanggi sa mga magiging customer kung Hindi niya nais, Yun nga lang at Wala Siyang kikitain ni singko.

Sandali lang at nanumbalik sa dati Ang lahat Kay Alora na parang walang nangyari. Patuloy pa din sa buhay dahil Wala Naman Siyang choice.

Hindi niya afford mag dwell ng matagal sa isang bagay na Wala Siyang control. Tama na iyong isang araw na iniyak at tila pinagluksa niya Ang naging madilim na karanasan na iyon.

Makalipas ulit Ang isang araw ay muli Siyang binook ni Zephyra at gaya ng Plano niyay tinanggihan ito.

Malakas Ang loob niya dahil alam niyang marami pang pwedeng mag book sa kanya na regular vip client nila.

Makakabawi Siya sa isang beses na pumalya. Isang client bawat linggo lamang Ang pwede nilang tanggapin. Kasama ito sa rules ng Call Girl upang panatilihin Ang kalidad ng offer nilang serbisyo.

Sa madaling salita Ang pagiging fresh ng bawat call girl nila. Ito Ang dahilan kung bakit sila dinadagsa dahil malinis, safe at dekalidad Ang mga babae nila.

Dumaan pa Ang isang linggo at Wala pa ding booking si Alora. Bahagya Siyang nangamba dahil ito Ang unang beses na nabakante Siya matapos tanggihan ang booking sa kanya ni Zephyra.

Pumunta Siya sa receptionist na kilalang kilala din Naman Siya dahil nasa top 5 Siya ng rank ng mga malakas na Call Girl.

"Talaga bang Wala pa akong booking?" tanong niya Kay Arya. Ang may hawak ng schedule ng bawat call girl.

Umiling din ng may pagkadismaya si Arya matapos Tignan Ang system nila. Maski Siya ay nagtataka dahil never pa nawalan ng client si Alora.

"Sorry Alora. Meron lang Dito at Hindi pa din nawawala ay Ang booking Sayo ni Ms. Zamora." Agad na nagsalubong Ang kilay niya ng marinig Ang pangalan na yun.

Mabigat Ang pag hinga niyang tinanguan si Arya saka umalis. Nangingilid Ang mga luha niya sa mabigat na nararamdaman.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Call Girl   Chapter 12

    Isang private wedding Ang magaganap sa Mansion. Ilang tao lang Ang imbitado. Ang kanyang kapatid na si Arhon na sakay ng wheelchair at may naka kabit pang dextrose rito. Ang kaibigang si Arya sa Call Girl na dati niyang pinanggalingan. Si Hellena na nagpakilalang kanang kamay ni Zephyra. Ang magkakasal... At Ang huli.. Ang babaeng Hindi niya magawang Tignan sa mga mata. Ang babaeng inaalisan ng kapanatagan Ang kanyang puso sa tuwing andyaan. Ang babaeng sa isang iglap bigla na lang dumating sa buhay niya at binago Ang lahat sa isang kumpas lang nito. Ang babaeng makakasama anumang oras naisin nito. Ang babaeng ayaw niya pero pakikisamahan habang humihinga. "Ate!" Sigaw ng kapatid niyang si Arhon sanhi upang matuldukan Ang bagyo Hindi lang sa utak niya kundi ganun na din sa kanyang buong Sistema. "Arhon." Mahinang sambit nitong nagpahid ng kanyang luha bago lapitan at harapin Ang kapatid. "Ate kanina ka pa hinahanap ni Ate Zephy." Buong galak na hayag nito. Na

  • Call Girl   Chapter 11

    "Stand up, honey. I didn't tell you to do that." Agad na sumunod si Alora na may hikbi pa ring mahihimigan Mula sa kanya. "Nakikiusap Ako please." kinuha niya Ang magkabilang kamay ni Zephyra at pinaka titigan Ang mga mata nitong muling nagmakaawa. "Lahat gagawin ko wag mo lang Alisin sa hospital Ang kapatid ko." "But Alora. It's better if he's near you. Don't you want that?" Umiling iling si Alora. "Listen to me. There will be a medical team that will take care of your brother, just like in the hospital facilities." Saglit na nag isip si Alora. Ina analyze Ang mga sinasabi ni Zephyra. "All that he needs will be set up here at the mansion. Okay. So anytime you can go visit or take good care of him." Dagdag pang paliwanag nito. Hindi inaasahan ni Alora Ang ganito Kay Zephyra. Aminin man niya sa Hindi ay may busilak na puso rin pala Ang babaeng ito. Hindi Naman pala ito ganun kasama pero kahit pa ay buo pa din Ang pagkamuhi niya rito. pinilit Siya nito sa

  • Call Girl   Chapter 10

    Nang magising si Alora ay ramdam agad niya Ang pangangalay ng buong katawan pero mas Lalo sa parteng iyon. masakit. punit Ang mukhang napa ngiwi Siya ng tangkahing gumalaw upang umalis sa kama. "Tang Ina niya talaga." naalala niya Ang pagmamakaawa Kay Zephyra na tama na pero Wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman at nagpatuloy lang Hanggang sa limitasyun niya. "Ms. Alora andito na po ang dinner na pinahanda para sa inyo ni Ma'am Zephyra." tumango Ang silbidora sa kanyang harapan ng maka pasok ito at maka lapit sa kanyang gawi. napalibot Ang mga mata niya sa paligid. Gabi na ba? dahil hindi niya malaman kung anong oras na ba. Wala naman kasing nagbago sa kabuuan ng kwarto. maliban sa uri ng liwanag Mula sa maliliit na chandelier. Hindi na ito kasing liwanag kanina na halos masaktan Ang kanyang mga mata. "Iiwan ko na lang ho rito. Bilin po ni Ma'am kung may kailangan raw ho kayo wag daw po kayong mahihiyang magsabi o mag utos po sa akin. Ako po Ang magsisilbi

  • Call Girl   Chapter 9

    Nanlalambot Ang mga binti ni Alora na lumabas ng kotse dahil ito sa namagitan sa kanila ni Zephyra habang nasa byahe. sumilay Ang malokong ngiti sa labi ni Zephyra ng Makita sa paglakad ni Alora Ang pagka irita. basa pa ito roon kaya Hindi ito komportable. hinila niya at hinawakan sa braso si Alora para igiya sa loob ng mansion. "From now on this is your home, Alora. Everything you see is yours after our wedding." Wala Siyang naririnig at abala lang Ang mga mata niya sa paligid. May ganito pala kalaking bahay sa isip isip niya. "Saan Ang kwarto ko?" Gusto niyang maligo dahil sa Hindi magandang nararamdaman sa katawan. "My room.. is your room. Follow me." Naunang maglakad si Zephyra na walang ganang sinundan ni Alora. Isang malaking pinto Ang hinintuan ni Zephyra Kaya tumigil din Siya. Sa pag pasok nila ay manghang Napatingin Siya sa kabuuan nito. Parang isang bahay na rin Ang itsura nito. may malaking kama. sa kanan may tila isang living room dahil may mga so

  • Call Girl   Chapter 8

    Huminto Ang itim na sasakyan sa harap ng bahay ni Alora. Nakita niya ito sa bintana. huminga Siya ng malalim at pinilit maging matatag para sa nag iisang taong dahilan ng lahat ng ito. kung bakit niya kinakaya Ang lahat ng hirap ay para Kay Arhon. Ang tanging lalaking laman ng kanyang puso. Ang nakababata niyang kapatid. Kinuha niya Ang bag saka lumabas at kinandado Ang gate ng bahay. Pinagbuksan Siya ng lalaking naka uniform din ng black. Papasok na sana Siya sa loob ng matigilan dahil Hindi pala Siya mag iisa roon. "What taking you so long, honey?" pinalo ni Zephyra Ang bandang gusto niyang upuan ni Alora. Ito ay sa Kandungan niya. "Seat here." inalis niya sa pagkaka dikwatro Ang mga tuhod para maglapat Ang mga ito. "Don't make me wait, Alora." walang nagawa si Alora kundi Ang umupo sa Kandungan nito. Lumabas Ang satisfaction sa Mukha ni Zephyra. Ipinulupot pa niya Ang isang kamay sa tyan nito. inamoy Amoy niya na parang isang addict Ang leeg ni Alora. Nag

  • Call Girl   Chapter 7

    Alora Andrade Ilang araw na ang lumipas pero tulala pa din si Alora. Tagos Ang bawat tingin niya. Ang isip nitong malayo na Ang narating. Napaluha na lang Siya ng sumuko at tanggapin na ito na marahil Ang nakaukit na kapalaran sa kanyang palad. Hindi niya na mababago pa Ang hinaharap. Nagpunta Siya sa kanyang kapatid dahil ito lang Ang tanging makakapag pagaan ng kanyang kalooban. "Ate.. May problema po ba?" Hindi robot si Arhon para Hindi maintindihan Ang nangyayari. Wala Siyang Hindi alam pagdating sa ate niya. Alam niya kapag may malalim itong iniisip. may problema man o Wala. Alam niya Ang bawat sulok ng puso nito. "Ate may sakit lang Ako pero kapatid mo ko. Pwede mong sabihin sakin kahit na anu." Napayuko si Alora dahil tumulo Ang luha niya. pinahid niya ito bago binalingan Ang kapatid. "Okay lang Ako Basta okay ka." naalala niya Ang deal nila ni Zephyra. Sinabi nitong Hindi na Siya magkaka problema sa mga gamutan ng kapatid. Kasama Ang privilege n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status