Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.
Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina.
Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe.
4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon.
Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera.
Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte.
Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone para i-connect sa laptop. Nang matapos ako ay agad kong tinignan kung nasaan na ang tracking device. Kumunot ang noo ko nang nasa bahay na ulit ito nila Atasha. So sya ang nakakita at nakakuha ng maliit na tracking device? Parang imposible naman yatang mangyari iyon.
Hmm. Kung hanggang bukas ay dala nya pa rin iyon sa school ay sigurado ngang nakita nya iyon. Pero hindi sya magiging interisado sa isang bagay na 'yon dahil una sa lahat ay mukang wala iyong kwenta at parang dumi lang na nakadikit sa kanya.
Hindi sya mag aaksaya ng oras para lang hawakan at suriin ang bagay na iyon. Unless kunin nya at itapon sa b****a dahil wala iyong kwenta. Nararamdaman ko kasing wala syang alam sa mga ganoong bagay kaya hindi sasagi sa utak nya na tracking device ang bagay na iyon.
Hanggang sa pagtulog ay buma-bagabag sa akin ang lintek na mga bagay na iyon. Napabangon ako sa masamang panaginip. Malagkit ang pawis ko at hinihingal ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil parang totoo ang napanaginipan ko.
Ibang bangungot ito at hindi ang dating nangyari sa mga magulang ko. It was me and Zack on the dark street, umu-ulan. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril na itinutok ko sa kanya. Bumagsak ang kanyang katawan sa malamig na sahig at nawalan ng buhay. I killed him in my dreams.
God! Hindi iyon ang plano ko. Bakit ba iyon ang napanaginipan ko? Sabi nila kabaliktaran daw ang panaginip kapag nangyari talaga ito. Sana nga.
Dahil si Don Alejandro ang dapat na patayin ko. Sya ang dapat makaranas ng paghihiganti ko.
Tumingin ako sa relong pambisig, alas sinco y media ng madaling araw. Bumangon na ako dahil hindi na ako makakatulog. Naligo at nag ayos na ako para maghanda sa pagpasok kahit alas otso pa ang klase namin sa unang subject.
Minabuti kong tumambay na lang muna sa karinderya nila Ate Sexy.
"Ang aga mo ganda ah?" Hindi ko alam kung inu-uto nya lang ako o talagang nagsasabi sya ng totoo.
"Ganon talaga 'pag estudyante Ate Sexy." Natawa sya sa tinawag ko.
Umupo ako sa dulong parte. Pansin kong puro mga construction worker ang nandito ngayon at mga tricycle driver.
"Anong sa 'yo ganda?" tanong nya habang naghihintay ng sasabihin ko dahil isusulat nya sa papel.
"Isang order ng pusit at dalawang kanin."
"Buti walang nangyari sa 'yo kagabi? Nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo bakla!" Hinampas nya ang braso ko.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Anong meron?" Natatawang tanong ko.
"Eh kasi may mga sira ulong puta tuwing gabi. Nakatambay sila roon." Itinuro nya ang nadaanan ko kagabi, 'yung grupo ni Itlog. "Doon sila lagi tumatambay para manakot ng estudyante at hingian ng pera, jusko! Ewan ko ba naman sa mga dugyot na mga batang iyon." Umiiling na rant nya.
Natawa ako sa sinabi nya.
"Wala naman eh," tanggi ko.
"Ah basta, ingat ka minsan baka matipuhan ka ni Itlog nakuu!" babala nya bago umalis sa harap ko nang kumekembot.
Natapos akong kumain ay naghintay pa ako ng isang oras bago tumulak at naghanda sa pagpasok sa eskwela. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na naghihitay sa akin sa labas ng pinto sila kambal at si intsik, nasa pinto ng room ko sa unang subject.
Nang makita ako ni Allison ay sumugod sya ng yakap sa akin.
"I miss you, Sky!" Tumili sya kaya nakuha namin ang atensyon ng iba.
"Woy! Teka..." Halos hindi na kasi ako makahinga sa ginawa nyang yakap.
Humiwalay sya sa yakap at nag peace sign.
"Sya nga pala Sky, kami na ang kumuha ng uniform mo." Nakangiting inilahad ni Almira ang dalawang uniform at isang p.e.
"Salamat." Kinuha ko ito at inilagay sa backpack.
"Eto dalawa sadya bigay sa 'yo ngayon 'yan, pala law makita lin nila Zack," sumbong ni Kio. Agad syang kinutusan ng kambal.
"Panira ka talagang labanos ka," si Almira.
"Hindi ka nga namin tulungan kay Abby." Pananakot ni Allison.
"Issa plankkk! Kami lito talaga Sky pala bigay iyo unifolm mo." Ngumiti ng malapad si Kio at tumango tango.
"Mag-silayas na nga kayo, gulo nyo haha, see you sa lunch." Ipinagtulakan ko na sila paalis para makapasok na ako sa room.
Wala na rin silang nagawa kung hindi ang kumaway. Pumasok na ako sa room nang hindi ko na sila matanaw.
Kumunot ang noo ko nang pagbukas ko sa pinto ay may nag aabang na galon nang mabahong tubig sa itaas. Mabuti na lang at mabilis akong naka-ilag. Tinignan ko ang tatlong mukang clown na babae, halata ang panghihinayang sa mga muka nila nang hindi ako nasabuyan.
What the hell?!
"Bakit ka umiwas?!" Aba! Sya pa ang galit?
Bobo ka ba? Malamang mabubuhusan ako ng tubig kaya ako umiwas! Gusto ko 'yang isigaw sa mismong pagmumuka nya.
"Sabi sa 'yo Jamie literal na lang natin na ibuhos sa kanya," sinabi pa ng isa nyang kaibigan.
Pilit ang ngiting ipinakita ko, tinignan ko kung nandon na si Zack sa kanyang upuan pero wala pa.
Sayang at hindi nya nakita.
Tahimik akong pumasok sa loob at umupo sa upuan ko. Kitang kita ko ang panlilisik nila ng mata sa akin.
Hindi ko na lang iyon pinansin. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang pagpasok ni Zack na bahagyang nakangiti kasama si Atasha na humahagikgik. Ano naman kayang pinag uusapan nilang nakakatawa? Tsk! kailangan ko pa ba 'yong alamin? Ngumuso ako at iniiwas ang tingin nang madatnan ni Zack ang titig ko.
Nandito na sila. Mag concentrate ka na Sky. Huminga ako ng malalim nang dumiretso sila sa kanilang upuan.
"Nakakainis ka naman Zack eh." Malambing ang pagkakabigkas ni Atasha sa bawat salitang binitiwan. Mahina nyang inihampas ang kamay sa braso ni Zack. Hindi ko alam kung galit ba sya o sadyang malandi lang talaga.
Kumunot ang noo ko. Ano 'yan? Landian pero as a friend? Iniikot ko ang mga mata sa kawalan at kinagat ang pang ibabang labi upang walang makalabas na salita.
"Please Tash, 'wag si Aaron. Find someone else better than him." Tinignan ko si Zack habang nagsasalita, diretso syang nakatingin sa mga mata ni Atasha. May bahid doong pag-aalala at isang emosyong hindi ko mapangalanan. Nakaramdam ako ng kaba at bahagyang kirot sa dibdib ko, the fvck? Ano 'to?
"Kung ganon, sino ang tingin mong mas better para sa akin? Hmm." Inilapit ni Atasha ang muka nya sa muka ni Zack.
Parang may sarili silang mundo at hindi alintana ang mga tao sa paligid nila. Tipong hindi nila kami nakikita.
Napalunok si Zack at napatingin sa labi ni Atasha, kitang kita ko ang ngising pinakawalan ni Atasha dahil doon.
Bahagya kong binuka ang bibig ko para makalanghap ng hangin, dahil kinakapos ako sa hininga.
Hindi nakapagsalita sa Zack sa tanong ni Atasha, and that means one thing. Halata naman na gusto nila ang isa't-isa. Siguro ay nasa indenial stage pa lang si Zack.
Kung wala sigurong naghiyawan at nang asar sa kanila ay paniguradong nasa awkward pa rin silang posisyon.
"Yiieehh! Kayo na ba?" nakangising wika ni Jamie.
Tawa lang ang isinagot ng dalawa, napa-iwas ng tingin si Zack samantalang si Atasha ay pulang pula.
"Kayo na ano? Bakit kasi nahihiya pa kayong umamin? Bagay naman kayo," sabi ng grupo sa unahang upuan.
"Alam kong hindi talaga kayo magkaibigan lang," sabi naman nung iba.
Habang ako? Hindi nakangiti o nakasimangot, pinanatili ko ang blangkong tingin habang palipat lipat sa mga sumisigaw ang aking paningin.
Wala akong atensyong naagaw nang tumayo ako mula sa pagkaka-upo, dire-diretso ang lakad ko palabas ng pintuan. Halos takbuhin ko ang rooftop para lang makalayo sa room namin, wala na akong pakialam kahit hindi ako pumasok sa kahit ilang subjects dahil hindi naman ako nandito para mag aral.
Wala akong ideya kung bakit ako nag walk out. Ano bang nangyayari sa akin? Nandito ako para mag-imbestiga at gawin ang plano ko hindi ba? Anong drama 'to Sky?
Binuga ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan nang tuluyang makarating sa rooftop. Dahan dahan akong naglakad palapit sa railings at doon humilig. Pumikit ako at dinama ang hindi pa kainitang araw.
Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi
Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n
"Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He
After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so
"Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak
Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a