Home / LGBTQ+ / Can I be Him? / Chapter 1.1

Share

Chapter 1.1

Author: Raeliana
last update Last Updated: 2021-05-05 13:43:30

Chapter 1.1

ILANG taon din ang lumipas mula noong makilala ni Lyle si Ridge at matanto niya ang nararamdaman para sa binata. Hanggang ngayon, natutuwa pa rin siyang isipin na ito ang pinakaunang tumanggap sa buong pagkatao ni Lyle. Maliit na bagay para sa iba pero ang laki ng epekto noon sa kanya.

Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa kabila ng mga naranasan. Kung bakit hindi na siya nanghihina sa kabila ng mga insultong natatanggap mula sa mga taong tunay na makikitid ang utak.

Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo, pag-asa, inspirasyon, at ang nagtulak sa kanya upang makamit kung sinuman siya ngayon.

Hindi niya masukat ang pagmamahal para sa binata. Ngunit kasabay ng paglago ng nararamdaman niya para rito ay ang katotohanang sumasampal sa kanya—hindi ito magiging kanya kailanman.

*

Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago napahilamos ng mukha at napasabunot sa sariling buhok. Napapikit siya bago bumuntong hininga, dinadama ang pagkasiphayo sa mga kaganapan ngayon sa buhay niya.

Sa kasalukuyan, kailangan niya ng mga modelo para sa upcoming fashion event na gaganapin sa Manila. Isa ang brand niya sa mga naimbita na maglabas ng panibago nitong set of clothes para sa theme na naka-assign sa kanila.

Naihanda na rin naman niya ang lahat. It is just that… if he wants to raise the rate of his success, he has to contact one of the most well-known model in the Philippines, Ridge Gonzales. Ang problema, wala siyang lakas ng loob na kontakin ang manager ng binata!

“Naaalala ko pa lahat. Ang linaw pa sa isip ko, gusto kong lumubog,” bulong niya sa sarili bago tuluyang tinakpan ang mukha, “kung anu-anong ginawa ko noon. ‘Di ka ba marunong mahiya, Lyle?!”

Isa sa mga pinaka dahilan kung bakit pinanghihinaan siya ng loob na kontakin ang manager ni Ridge e dahil nahihiya rin siya sa binata. Paano ba naman kasi, ang dami niyang kalokohan noong huli silang magkita na dalawa. Sa Italy pa iyon pero at taon na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin talaga nabubura sa isip niya ang mga nangyari!

Napakagat siya sa pang-ibabang labi at nagpatuloy sa pagwawala sa isipan. Hanggang sa kalaunan, unti-unti na niyang inalis ang pagkakatakip ng mukha upang silipin ang nakakalat na mga papel sa lamesa niya.

Hala, iyong iba, nahulog na sa sahig. Nang mapagtanto niya kung nasaan siya ngayon, mabilis siyang napalingon sa paligid. Umaasang walang nanonood sa katangahan niya. Yumuko rin siya para dali-daling kunin ang mga nahulog na piraso ng papel.

How can he forget that he is inside a café? Wala siya sa teritoryo niya! Dapat nag-iingat siya. Itigil na rin niya dapat ang pag-arte dahil nagmumukha siyang tanga.

Kung bakit ba naman kasi ang cozy ng ambience rito, hindi niya tuloy maiwasang ilabas ang tunay na kulay.

Ah, nanisi pa siya.

Habang iginagala ang mga mata sa buong café, para siyang nabunutan ng tinik nang mapansing walang nanonood sa kanya. Ngunit nilulukob pa rin ng takot ang puso niya. Marahil dala ng kabang mag-e***l sa manager ni Ridge.

“What should I do, though?” Balik niya sa kanina pang iniisip. “Kung gusto ko ng maraming sale, kailangan ko ng magdadala ng brand ko. And all I could ever think of is Ridge.”

Liban doon, kahit labag man sa loob niya na aminin, iyong pang-finale-ng damit na dinesign niya, personal niya iyong ginawa para kay Ridge. Ito lang ang iniisip niya noong dinidisenyo niya iyon. Siya rin mismo ang nagtahi dahil gusto niyang si Ridge talaga ang magsuot.

“What? Gusto ko ba talaga ng sale o gusto ko lang makita si Ridge na suot iyong damit na ‘yon?”

Nakaramdam siya ng hiya sa naisip.

“B-bahala na,” nauutal niyang pagkausap sa sarili bago tumikhim, “magse-send na ‘ko ng e-mail at aasang bakante pa si Ridge.”

Humigop siya ng malalim na hininga at inihanda ang sarili na kontakin ang manager ng binata. Halos maduling pa siya habang nagtitipa ng mensahe, mahilo dahil hindi siya nakukuntento sa ise-send lalo na at ayaw niyang magmukhang patay na patay sa modelo.

Ngunit sa awa ng Diyos, matapos ang matagal yatang panahon, nakuha niya ring mai-send ang e-mail request para kunin si Ridge bilang modelo niya.

Nakahinga siya ng maluwang nang para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ngayon, ang hihintayin nalang niya ay ang magiging sagot ng manager ni Ridge. Natigilan sandali si Lyle hanggang sa maalalang doon pala nakasalalay ang pang-finale niya at ang makapag-accumulate ng mas maraming sales sa iba pang brand!

Gago joke lang na nawala kaba niya. Dumagdag pa pala lalo ang iniisip niya!

Nag-isang linya ang mga labi niya habang napapaisip. Hanggang sa, may mahagip siyang pamilyar na imahe mula sa gilid ng mga mata. Mabilis na napukaw noon ang atensyon niya kaya nilingon niya kung anuman iyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang masasaksihan.

Napasinghap siya nang makita na dumaan si Ridge sa labas ng café. Hindi lang iyon, kasama nito ang kasintahang si Zamiel. Sabay silang naglalakad at mukhang nag-aasaran habang magkahawak ang mga kamay.

‘Ah, mukhang ang saya niya.’ Ito ang unang pumasok sa isip niya nang makita ang mga ngiti ng binatang pinakamamahal niya. Sumikip ang dibdib niya. Hindi  ganoon ngumiti si Ridge sa ibang tao. Espesyal lagi ang trato nito sa kasintahan.

Marahan niyang sinapo ang dibdib at pinakiramdaman ang maliliit na kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Hindi niya napansin ang unti-unting pagkuyom ng mga kamao habang sinusundan ng tingin ang papawalang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito.

Oh, how jealous he is.

“Ang swerte talaga ni Zamiel,” bulong niya sa sarili na tinutukoy ang kasintahan ni Ridge, “ah. Sana ako na lang ‘yon.”

Kaso, imposible. Suntok sa buwan iyong pangarap niya at nakakaya na lamang niyang pukawin ang atensyon nito dahil related ang trabaho nilang dalawa. Pero, ano kayang pakiramdam na maging boyfriend ni Ridge? Ang sarap yata sa noon lalo na at matagal na niya itong mahal.

“Ba’t kaya ‘di ko napansin noon pa lang na magiging sila rin sa huli?”

Masyadong nagpakampante si Lyle noon na babae ang tipo ni Ridge. Iyon ang nakakapagpatigil sa kanya kaya wala siyang magawa bilang pagpapapansin dito noon. Tapos isang umaga, sumabog na lamang sa buong eskwelahan nila na nagdi-date ito at si Zamiel—naging tsismis iyon dahil si Ridge ang lakan ng batch nila, si Zamiel naman ang running for valedictorian.

Unti-unting nilukob ng kalungkutan si Lyle. Nagbaba siya ng tingin at inilapag ang mga kamay sa lamesa bago pinaglaruan ang mga daliri. Noong hindi na makuntento sa ginagawa, pinasadahan niya ng tingin ang mga design na nakalatag sa harap niya.

Ang iilan dito, idina-draft niya para sa susunod na release ng brand nila. Si Ridge rin ang inspirasyon halos para sa mga damit na ito. Ganoon lang naman siya ka-smiten. Lahat na lang ng ginagawa niya, inaalay niya kay Ridge.

Bumuntong hininga siya at inisa-isa na inayos ang mga sketches nang mayroong lumapit na waitress sa kanya.

“Here’s your order, sir.”

Natigilan si Lyle sa pag-aayos ng mga gamit nang biglang may coffee latte sa harapan niya. He cannot remember ordering? Ang alam din niya, aabalahin niya lang ang sarili sa pagre-relax dahil sa nalalapit na event—kind of kidding about the ‘relax’ part since he will be stressed waiting for Ridge’s manager’s response, but still!

‘Must’ve been from someone I know?’ Pero wala siyang maalala na mayroon siyang kakilala na pumunta rin ngayon sa café na ito.

Looking around, he cannot see anyone he knew around the café. Sabi na nga ba, e! Modus ba ito?! Lalo na, ito pa talagang paborito niyang ino-order ang ibinibigay sa kanya! Noong makumpirma na ang pagsususpetya, tumikhim si Lyle at kaagad na pinukaw ang atensyon ng waitress na naghatid sa kanya ng coffee latte.

“Sandali lang ho,” pigil niya rito. Nang lumingon ito, mabilis niyang iminuwestra ang coffee latte, “‘di pa kasi ako nag-oorder. ‘Di ba kayo nagkamali ng hatid sa ‘kin nito?”

Natigilan ang waitress at napangiti nang mapansin ang pagkalito na nakapinta sa mga mata niya. Ipinilig nito ang ulo bago mahinang natawa, ngunit tinakpan nito ang kalahati ng mukha gamit ang tray na hawak.

‘Don’t tell me that she likes me? I'm not even interested in women!’ Sigaw niya sa isipan, kinakabahan at napapaisip kung paano niya ito ire-reject kung sakali.

“It’s in the house po!” Kalauna’y sagot nito bago ito iminuwestrang ayos lang na inumin niya ang pa-freebie na inabot nito, “ipinapabigay po talaga ‘yan sa inyo ni sir Gian dahil po regular customer kayo.”

Bahagyang kumalma si Lyle nang marinig ang sagot nito. Ngunit muling nakuryoso noong mabanggit na ibinigay ito sa kanya dahil regular customer siya. Ang special naman pala niya rito sa café, e. Bagamat lugmok siya nang makita si Ridge at ang boyfriend nito, kahit paano’y umayos ang pakiramdam niya dahil sa libre.

“Ganito ba talaga rito ‘pag regular customer na?” Dahil medyo gustong malaman ni Lyle kung kailan may ganitong palibre ang café. “Curious lang naman ako.”

Humagikhik ang waitress at mayroong itinuro sa kung saan. “Kung may tanong po kayo, nasa counter po ang boss namin.”

‘Ha, ni-refer na ‘ko sa boss e pwede namang siya ang sumagot?’ Nahiya tuloy si Lyle at imbes na itulak ang pag-uusisa, bumaling siya sa itinuturo nito. ‘It’s really weird that they are giving out free coffee lattes since I've never seen someone 'round here receive one?’

Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang mga naroon sa counter, at ang pinaka unang pumukaw sa pansin niya ay ang isang binata na pasimpleng nakatanaw sa kinaroroonan niya.

Dahil nasa malayo, mukhang kasingtangkad niya lang ang binata. Medyo blond ang buhok nito at maputi. Para itong kumikinang? Ina-assume niya lang naman iyon. Masyadong malayo ang kinaroroonan ng boss ng waitress pero iyon kasi ang nakikita niya.

That man is shining!

When their eyes met, Lyle was surprised when he saw that man flinch and act as if he was a lost puppy, trying to find a place to hide. He looked around and seemed as if he was in a hurry that before Lyle could ask about him, the male abruptly opened a door from his side and entered there—never to be seen again.

Napapantastikuhang napatitig si Lyle sa kawalan nang para siyang nakapanood ng comic skit. Gusto niyang matawa na ewan.

“Sino ‘yon?” Wala sa sarili niyang tanong.

“Iyon po ang boss namin!” Masigla namang sabi ng waitress.

Napapitlag siya nang mapagtantong nasa tapat niya pa rin pala ang waitress. Hindi pa pala umalis! Mabilis niya rin itong nilingon bago nagpabalik-balik dito at sa coffee latte ang paningin niya.

“A-ah, eh.” Nag-iwas siya ng tingin bago inabot ang coffee latte na nasa lamesa na naman niya. “Pakisabi, maraming salamat sa libre.”

It is probably because he was too amused of the free drink or of the owner of this café, but he took with his body moving on its own, his mouth speaking the words he never thought he would say.

“Makakarating po!” With that, the waitress left Lyle dumbfounded and confused.

Noong masigurong wala na ito sa paningin niya, wala sa sarili niyang tinignan ang coffee latte na hawak-hawak.

“Bakit ko nga kinuha ‘to?” Wala sa diwa niyang tanong, “dahil libre?”

Gusto niyang matawa sa sarili. Bahala na, sinabi rin naman sa kanyang libre kaya bakit pa siya mag-aabala na ibalik? Isa pa, dahil sa biglaang palibre ng café, nawala sa isipan niya ang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito na nagde-date.

It must be a coincidence but… he appreciated that chance to temporarily forget something that only hurts him.

“Abusado ba ako o mabait lang talaga ‘yong nagbigay nito?” Napapikit siya at napangiwi. Binatukan niya rin ang sarili sa isipan. “I should make a mental note to thank that man one day.”

He even acted so cute today, Lyle wanted to see it again.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kkk
may part 2 poba ito ?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Can I be Him?   Epilogue

    EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.

  • Can I be Him?   Chapter 30

    CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag

  • Can I be Him?   Chapter 29.2

    CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m

  • Can I be Him?   Chapter 29.1

    CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st

  • Can I be Him?   Chapter 28.2

    CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en

  • Can I be Him?   Chapter 28.1

    CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status