CHAPTER 14.1
"SIR, mauuna na po 'ko! Good day po sa inyo," paalam ng isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Gian.
Awtomatikong napalingon ang binata sa gawi nito at tinanguan lamang si Anna, ngunit makalipas ang ilang segundo, bigla siyang may naalalang itatanong dito. Kaya naman bago pa man makaalis ang dalaga, agad siyang tumikhim at pinukaw ang atensyon nito.
"Sandali lang, Anna, may itatanong pala ako sa 'yo!" Pigil niya rito. Mukhang didire-diretso kasi ng lakad kung hindi pa niya tatawagin. Hindi yata napansin ang maliliit na ginagawa niya para mapansin nito.
When Anna heard him call her, she instantly flinched as though she did something. The reaction made Gian amused, but he did not pay too much attention over that. He has something important to inquire about, after all. It is not like it is too important, but for Gian, it matters since it served as a puzzle for him for weeks now.
CHAPTER 14.2"HE… hello, Lyle?"Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lyle noong oras na marinig niya ang boses ni Gian. Ang tagal na mula noong huli silang mag-usap na dalawa. Ilang linggo rin ang lumipas! Hindi na siya nakapunta sa café nito magmula nang maging abala sa trabaho, wala ring oras na mai-text o matawagan ang binata dahil nilamon siya ng mga gawain. Kaya nga, hindi niya itinago ang pagkaginhawang naramdaman noong sagutin nito ang tawag niya.Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napahawak sa dibdib.It took them long, but at least, he's here now.Marahil, ang overreacting niya sa iba, pero mayroong mas malalim na dahilan bukod sa ilang linggo nilang hindi pag-uusap ng binata. Noon kasing nagsisimula nang lumuwang ang schedule niya, ilang beses niya itong sinubukang tawagan ngunit ni minsan, hindi ito sumagot. Ngayon pa lamang, samantalang limang araw na rin mula noong simulan niya ang pag-contact dito. Mula pa no
CHAPTER 15.1 ALAS otso na ng umaga nang dumating si Lyle sa kwartong ipinahiram sa kanila ng dati niyang boss. Naabutan niya ang mga kasama na noo'y abala nang kumpletuhin ang mga dapat gawin, at nakaramdam siya ng kaunting konsensya dahil naisip niya talagang magpa-late. "Mukhang nahuli ka ng gising ngayon, sir? Maganda rin naman 'yan, ilang araw ka nang hindi natutulog." Natigilan siya sa pasimpleng pag-iinspeksyon ng mga damit na kasalukuyan pang inaayos nang marinig ang boses ni Kaleb sa tabi niya. Awtomatiko siyang tumingin sa gawi nito at marahang tumango, nginitian niya rin ang binata bago mahinang tumawa. "Hindi naman. Na-late lang ako dahil mayroon akong kinausap. Pasensya na kayo." Umangat ang mga kilay ni Kaleb. "Ah, oo nga pala, sir… nakausap mo na ba iyong kaibigan mo? Nitong minsan, nag-aalala ka na hindi mo ma-contact." Napahimig siya. Hindi mapigilang mas lumawak ang pagkakangiti at kinuha naman na iyong sapat na sagot
CHAPTER 15.2"SIR Gian, nailagay na po namin 'yong bagong coffee grinder sa kitchen. Pina-set ko na rin po kay Miguel nang mai-check kung walang problema. May ipapagawa pa po ba kayo?" Pagbabalita sa kanya ni Anne."Ah, wala na. Pakisabi nalang sa kanila, magtanghalian muna. Balik na lang kayo ng alas dos kasi parating na rin 'yong isa pang machine na in-order ko.""Sige po, sir. Thank you po!"Nakangiting tinanguan ni Gian si Anne bago siya nito tinalikuran at tuluyang umalis. Noong wala na ito sa paningin niya, saka pa lamang pinakawalan ng binata ang buntong hininga na kanina pa niya pinipigilan.Kanina pa niya gustong bumuntong hininga ngunit hindi rin talaga siya nagkaroon ng pagkakataon. Ayaw niya kasing makita iyon ng crew niya at baka isipin, pagod na siya. Samantalang wala pa naman siyang ginagawa liban sa pag-aasikaso rin ng deliveries at paminsan-minsang pagtulong sa mga ito.Isa pa, hindi naman iyong panghihinayang sa mga nawalan
CHAPTER 15.3 "NAKAPAG-SORRY na nga 'ko! Ba't ka ba nagdududa sa 'kin? Parang walang tiwala, a! Balak nga naming mag-coop 'pag na-build na niya 'yong Klee niya sa Genshin. Kaswerte pa yata no'n at maganda 'yong party niya," kwento ni Keegan kay Lyle. Dahil maagang nagising si Lyle ngayon at ngayon din ang most dreadful day nila — ang araw ng event! — mas maaga siyang nagising kaysa sa mas madalas na nakasanayan. Ala singko pa lamang ng umaga at hinihintay niya ang agahan niya sapagkat nagpahatid nalang siya sa customer service, pagkatapos nito, didiretso na siya sa trabaho. Pero maaga pa at may oras siya, kung kaya naman habang naririto pa sa suite niya, naisip ni Lyle na makipag-video call kay Keegan. Noong isang araw kasi... o kahapon yata, sinabihan niya itong kumustahin si Gian para sa kanya. Hindi niya ito sinabihang pumasok sa café nito pero ang unexpected na iyon ang ginawa ni Keegan. Ayaw pa naman sana n
CHAPTER 16.1 "ARE you sure he's not coming?" Lyle paused from watching his models walk by the runway when he heard Eutalia ask. Nahigit pa sandali ang hininga niya noon ngunit mabilis din siyang kumalma. Marahan siyang lumingon sa dating boss. Nakangiti ito ngunit wala sa kanya ang mga mata. Sa halip, nakatuon ang buong atensyon sa line up niya. "What do you mean, miss?" Aniya. Napahalakhak ang ginang. "You know what I mean, Mr Villariza. I'm talking about your new inspiration." "Oh." Ibinalik ni Lyle ang mga mata sa sariling line up bago tumikhim. "No, he won't be coming. I don't think he'll catch up either, something came up and he's... probably not interested in watching fashion events." As miss Eutalia hummed, Lyle brought his gaze back to the stage and watched as to how models walked down the runway, exhibiting the clothes they are wearing. Dito pumwesto si Lyle dahil ipinatawag din siya ng hukom. Bagamat, tinanggihan niya
CHAPTER 16.2 IN the end, they settled to watch the video in Gian's office. Natatawa pa siya noong igiya siya ng binata patungo sa opisina nito dahil para na itong robot kung kumilos. Ang tigas, parang kalkulado pa ang bawat galaw, tipong kahit hindi niya ugali ang mang-asar o mampuna, sa pagkakataong ito e hindi niya mapigilan! "Baka madapa ka sa ginagawa mo, Gian. Calm down, will you?" "I can't," Gian stammered, "kakain tayo sa opisina ko, e. I haven't really brought anyone there aside from my circle of friends." Oh. Is he talking about Ridge and his other friends? "Oo nga pero ano naman? May makikita ba 'kong 'di ko dapat makita? 'Wag mo sabihin sa 'king may altar diyan sa opisina mo at ako 'yong santo," pilyo niyang sabi. "Huh?!" Napalingon sa kanya ang binata at halos idikit nito ang likod sa pinto ng opisina. Tila ba mayroong pinoprotektahan do
CHAPTER 16.3 Naiwang nakaawang ang bibig ni Gian. Iyon tuloy tinawid ni Lyle ang distansya sa pagitan nila, inabot ang baba ng binata upang tulungan itong muling itikom ang bibig. Noong una, wala namang extreme na reaksyon ang binata, pero noong mapagtantong mga daliri ni Lyle ang nasa baba nito, halos mapaigtad ito mula sa kinauupuan! Maging si Lyle, nagulat at natigilan! "'Wag mo 'kong gugulatin, Lyle!" Natataranta nitong sabi bago itago ang sarili sa ilalim ng lamesa. Nakasilip pa rin naman ang kalahati ng mukha ni Gian pero nakatulala si Lyle dahil sa itsura nito. He can also clearly see how pink Gian's cheeks are. Napakurap-kurap siya. "Pasensya na, 'di ko naman inasahang tatalon ka nalang bigla sa kinauupuan mo." "Ah! Na— nagulat kasi ako!" Sa pagkakataong ito, buong mukha na ni Gian noon ang nakalabas mula sa lamesa dahil abala ito sa pag-aalibi. Katunayan, nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanya, sa telebisyon, at sa pagkain
CHAPTER 17.1 HINDI niya napigilan ang mahinang humagikhik nang malamang may binili na naman palang video game si Gian. Hindi niya rin naiwasan na takpan ang bibig at magpameywang. Iniiwang clueless si Gian. "Kailan ka bumili ng mga video game?" Naitikom nito ang bibig at napaisip. "Noong isang araw? Pagkatapos namin na i-arrange iyong ibang kitchenwares na in-order ko." Napahimig siya. "Noong linggong abala pa kayo sa pagri-redeem ng café mo, hindi ba?" "O-oo…" Napahawak si Gian sa sariling batok bago tuluyang pumalya ang ngiting balak sana nitong ikurba sa mga labi. Samantala, napatawa na naman si Lyle dahil nahihiya na naman ito sa kanya. "Is that because of stress?" Dahil hindi lingid sa kaalaman ni Lyle na may hindi magandang nangyari sa negosyo ni Gian noong minsan. He still feels bad about it, too. Pero hindi naman maibabalik