Share

Chapter 5.3

KABANATA 5.3

DAMANG-dama ni Gian ang bilis ng bawat pintig ng puso niya noong manatili lamang ang mga mata ni Lyle sa kanya. Ilang beses siyang napalunok, dumating na sa puntong hindi kinaya ang intensidad ng pagkakatitig nito kung kaya naman nag-iwas na ng tingin. Paano ba naman kasi, animo’y may hinahanap din si Lyle sa sariling mga mata niya. Umawang ang labi nito nang marinig ang tanong niya, tanda na hindi nito inasahan ang katanungang lumabas mula sa bibig niya. Kahit naman siya, hindi rin inaasahang ganoon ang itatanong ngunit dala ng kuryosidad sa panay nitong pag-aangat ng bangko para kay Ridge, hindi niya napigilan ang sariling bibig.

Kasama talaga ito sa tanga moments niya.

Kinabahan si Gian nang tuluyan nang mamutawi ang katahimikan sa pagitan nila ni Lyle. Tila ba nilamon na sila ng nakabibinging kawalan. Ilang beses siyang napalunok at inilibot ang mga mata huwag lang magtama ang paningin nila ng binata. Napapaisip na rin siya kung ano ba ang magan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status