Home / Romance / Can’t Let You Go / Chapter 3: Guilt

Share

Chapter 3: Guilt

Author: Moon Grey
last update Last Updated: 2024-12-18 16:46:20

Nang mag-lunch break, ay agad kong tinanggal ang chef hat and coat ko, pagkatapos ay lumabas na ng culinary lab. Kinuha ko agad sa bag ang phone ko at tinawagan ang Nanay Gloria, ko.

“Kring! Kring!”

“Hello, nay? Buti naman po sumagot na kayo,” masaya kong bungad.

“Pasensya ka na nak, napakarami kasing costumer kanina. Nasa palengke kasi ako ngayon. Ibinenta ko lang ang mga nahuling isda ng kuya mo kahapon. Sayang naman, pagdagdag na rin ‘to sa gastusin namin sa ospital.”

“Ganon po ba? Eh natanggap niyo na po ba ang perang pinadala ko, nay?”

“Oo nak, at napakalaking tulong no’n. Siya nga pala nak, sa’n ka nga pala nakakuha ng gano’n kalaking halaga?” Natigilan ako at ‘di agad nakasagot kay nanay.

“N-nangutang po ako sa mga kakilala ko dine, nay,” pagsisinungaling ko, at agad na iniba ang usapan.

“Ah, si bunso po pala nay, kumusta?” panimula ko.

“Pinabantayan ko muna siya ngayon sa kuya mo sa ospital, nak. Hindi muna siya gawang ma-chemotherapy dahil laging mataas ang lagnat at mababa raw ang hemoglobin at platelets, niya. Awang awa na nga ako sa kapatid mo, nak. Natatakot ako, pa’no kung hindi na kayanin ng kapatid mo?” malungkot na tono ni nanay at nagsimula siyang maiyak.

“Nay ‘wag na ho kayong mag-isip ng kung ano-ano, okay? Maging positive lang po tayo. ‘Yan nga ang lagi niyong sinasabi sa ‘min, ‘di ba? Saka kayang kaya ni bunso ‘yan. Napakatapang non, eh.”

“Pasensya ka na nak, hindi ko lang maiwasang maging praning, lalo na kung tungkol na sa inyong mga anak ko na ang pinag-uusapan,” maluha-luhang ani nanay.

“Nay, may awa po ang Diyos, hindi niya po pababayaan si bunso.”

“Oh siya sige nak, ibababa ko na ‘tong cellphone, may costumer kasi. Mag-iingat ka palagi riyan, ha? Saka ‘yung lagi kong bilin sayo. ‘Wag magbo-boyfriend hangga’t ‘di pa nakakatapos ng kolehiyo. Ingatan mo ang pagka-birhen mo nak, at ‘wag magpapabola sa mga lalaki riyan sa Maynila.”

“O-oho nay, mag-iingat rin ho kayo,” sagot ko at malungkot na binaba ang phone ko. Until now, nako-konsensya pa rin ako. Hindi ko na kasi nasunod ang mga bilin ni nanay. “Sorry, nay.”

Tumungo na agad ako ng canteen para mag-lunch, hinihintay na kasi ako ro’n ni Cherry. Nang makarating ako ay nagkasalubong agad kami ng tingin ni Elleon, and as usual, nag-alis agad siya ng tingin. Kasama niya ngayon ang mga kaibigan niya at kumakain din sila ng lunch nila. Nag-alis na rin ako ng tingin at tumuloy na sa paglalakad.

Mayamaya habang kumakain kami ni Cherry, ay bigla na lang may sumigaw sa likuran namin at pamilyar sa ‘kin ang boses nito.

"Uy Neriah, best friend!" Sabay napalingon kami rito at si Kino 'to, ang boy best friend ko.

"K-Kino? Anong ginagawa mo rito?" masaya kong tanong tapos inakbayan niya ako, at naupo siya.

"Ah nag-apply kasi akong janitor dito. Natanggap naman ako at ngayon ang start ko,” nakangiti niyang sagot. Mabait si Kino at kasama ko siya sa part time job ko dati. Pero ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Ah Kino, si Cherry nga pala, best friend ko."

"Hi!” Kumaway lang si Cherry.

"Hello rin, tsk, may bago ka na palang best friend ngayon Neri, ha?" Nakasimangot na ani Kino.

"Sus, nagtampo, eh ikaw nga 'tong hindi na nagpaparamdam, eh," nakangisi kong sabi sabay kinurot ang dalawang pisngi niya.

"Oo nga eh, sorry, ha? Med'yo busy kasi ako. Pero ngayong nandito na ako mapapadalas na pagkikita natin. Grabe, na-miss talaga kita, best friend," nakangising ani Kino sabay inakbayan ulit ako at pinisil din ang pisngi ko.

Pero nang mapatingin ako kay Elleon ay nadatnan kong sinasamaan niya ng tingin si Kino, habang naka-cross arm siya, at ngumunguya ng pagkain. Naisip ko naman agad na baka dahil 'yun sa pag-akbay sa ‘kin ni Kino.

"Ah K-Kino, aalis na pala kami, tapos na kasi ang break time, namin," aligaga kong sabi sabay alis ng kamay ni Kino sa balikat ko, tapos sininyasan si Cherry na tumayo na.

"Ay, ganon ba? Sige kita-kits na lang mamaya, best friend. Hintayin kita," malambing na ani Kino sabay mahigpit akong niyakap at mas lalo pang sumama ang mga tingin ni Elleon, sa ‘min.

"S-sige, Kino, bye na," nagmamadali kong sabi at hinila na si Cherry, kahit ‘di pa siya tapos kumain.

“Ba’t gano’n kung makatingin si Elleon? Nagsiselos ba siya?” nagtataka kong tanong sa isip habang napapangiti.

Mayamaya habang naglalakad ako sa second floor, papuntang department namin ay bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang may humila sa ‘kin sa may fire exit area.

"Elleon?!” gulat kong sabi, tapos maingat niya akong isinandal sa pader.

"Who’s that jerk, huh?" seryoso niyang boses at alam kong si Kino ang tinutukoy niya.

"S-si Kino 'yun, one of my best friend," nauutal kong sagot.

"Best friend? Ga'no na katagal?" mausisa niyang tanong.

"W-wala pang isang b'wan." Natigilan si Elleon at kunot noong tumingin sa ‘kin.

"What? Recently mo lang nakilala, best friend mo na agad?" ‘di makapaniwalang aniya sabay alis ng tingin sa ‘kin at napahilot sa noo niya.

“Elleon, mabait naman si Kino, and he’s not a jerk,” pagtatanggol ko sa kaibigan, at kunot noo muling tumingin si Elleon, sa ‘kin.

"Damn, It’s easy to pretend na mabait, Neri? Kahit sino p'wedeng gawin 'yun? Kaya 'wag kang nagtitiwala agad? And that Kino? I don’t like the way he looks at you? Lalo no’ng hinahawakan ka niya. At alam kong may something do’n kasi lalaki rin ako? Stay away from that jerk,” galit niyang tono tapos tumalikod na sa ‘kin.

“Pero Elleon, mali ka ng iniisip,” pagpupumilit ko at muli siyang napabuntong hininga.

“Neri, makinig ka na lang, okay? Nasa deal na aalagaan kita, and that includes protecting, you. Again, stay away from that jerk,” naiinis niyang dagdag saka muling tumalikod at tuluyan ng umalis.

Hayst, akala ko pa naman nagsiselos na siya, part lang pala ‘yun ng deal. Pero ang hirap ng pinapagawa niya sa ‘kin. Napakabait ni Kino para iwasan ko ‘yun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Can’t Let You Go   Chapter 90

    Dahil nga sa nangyari kay Neri at Elleon, ay napasugod agad sina Vivian at Zia sa Kusina Ni Inang. “Are you sure, son, na okay lang kayo ni Neri? Do you want me to call our family doctor?” tanong ni Vivian sa nag-aalala nitong tono. "Ah…okay lang naman po ako, Mommy Vivian," sagot naman ni Neri. "Me too, mom. I'm okay…don't worry," sabi lang din ni Eon, at ngumiti ito sa ina. “What happened ba kasi, cous? Ba’t muntik nang masagasaan si Neri? Nahuli na ba ng mga police ‘yong driver?” mausisang tanong naman ni Zia. "Hindi pa namin alam, Z. Wala pang update ang mga pulis,” sagot ni Elleon, tapos napahilot ito sa kanyang noo. “Son…what if may kinalaman dito sina Carlota at Kayla?" hinala naman ni Vivian. "Naiisip ko rin ‘yan, mom. But, hintayin muna natin ang tawag ni Diego. Pinapunta ko na siya sa police station para makibalita,” sagot lang ni Elleon. Habang sina Kayla at Calvin naman sa mga oras na iyon ay tuluyan na ngang nakatakas sa mga pulis. Kasalukuyan na silang nasa isa

  • Can’t Let You Go   Chapter 89

    Nang tuluyan na ngang makalapit si Elleon kay Neri ay mabilis nitong hinablot ang braso ng babae at hinila ito. Dahilan para pareho silang matumba at bumagsak sa sahig. At ang naging posisyon nila ay pumaibabaw si Neriah kay Elleon.Si Kayla naman ay hindi na huminto at tuloy lang sa pagpapaharurot. “Argh! Damn you, Elleon! Why are you so in love with that woman?!" nainis agad na sigaw ni Kayla, matapos niyang makita ang pagligtas ni Elleon kay Neriah."Love… are you okay?" nag-alalang tanong naman ni Elleon kay Neri. At sa sandaling iyon ay nakahiga pa rin sila sa sahig."Oo lovey!" sagot naman ni Neriah at tila shock pa rin ang itsyura nito. “Damn that jerk!” nagalit pang sabi ni Elleon, tapos hinawakan nito ang dalawang pisngi ng babae."Muntik ka na ro’n, love," tila maiiyak pang dugtong nito, tapos niyakap nito si Neriah. Hinalikan niya rin ang noo ng babae habang nakahilata pa rin sila."S-sir! Ayos lang po ba kayo?!" Biglang sulpot naman ng isang pulis na nakakita sa pangyaya

  • Can’t Let You Go   Chapter 88

    Kinabukasan “Sure ka ba lovey na kaya mo nang magtrabaho ngayon?" tanong ni Neri kay Elleon nang may halong pag-alala.At sa mga oras na iyon ay nakasakay sila sa kanilang kotse, at kasalukuyang bumabyahe.Si Neriah ay nakaupo sa passenger's seat, habang si Elleon naman ang siyang nagmamaneho.“Of course, love. Kinaya ko nga kagabi, eh," mayabang namang sagot ni Elleon, at hinimas himas nito ang malambot na hita ni Neriah. Naka-skirt lang kasi ang babae.“Tsk, pasaway ka talaga," sabi lang ni Neriah at inirapan nito ang lalake. Tapos ay nag-holding hands sila habang nakangiti sa isa’t isa.Lingid naman sa kaalaman nila na may nagmamanman na pala sa kanila, at si Kayla ito. Nakasakay ang babae sa itim na kotse at kunot ang noo nitong nagmamaneho, habang nakabuntot sa sinasakyang kotse nina Elleon. At makaraan nga ang ilang minuto ay medyo malapit na sila sa Kusina Ni Inang—ang restaurant ni Neriah."Dito mo na lang ako ibaba, lovey. H’wag mo nang itawid ‘tong kotse," ang biglang sabi

  • Can’t Let You Go   Chapter 87

    Hindi naman nagtagal at na-discharge rin si Elleon sa hospital. Pinayagan ito ng doctor na sa bahay na lang tuluyang magpagaling.Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse nila at magkatabing nakaupo sa backseat. Habang ang nagmamaneho naman para sa kanila ay ang driver ni Zia na si Mang Ruben.Maya-maya nga ay nakarating na sila sa kanilang bahay at nasa may garahe na.“Oh, lovey. Dahan-dahan lang," ani Neri sa mahinahong boses, habang inaalalayan nito si Elleon palabas ng kanilang kotse.“Thank you my love," may ngiti namang sabi ni Elleon. At nang makababa na sila pareho ay huminto muna sila saglit at nakangiting pinagmasdan ang kanilang bahay."Finally we're home! Nakaka-bore ring tumambay sa hospital," sabi ni Elleon habang nakaakbay ito kay Neriah.“Grabe. Sobrang na-miss ko ang bahay na ‘to, lovey. Matagal tagal rin akong ‘di nakabalik dito," sabi naman ni Neri, at binigyan nito nang may lambing na yakap si Elleon. “Let’s go?!" pag-aya na ni Elleon, at nakangiti namang tumango

  • Can’t Let You Go   Chapter 86

    Makaraan ang ilang oras ay nasa loob na ng isang private room si Elleon, nakahiga ito at hindi pa nagkakamalay. Kasama nito sa loob ang kanyang Mommy Vivian. Nakaupo ito sa sofa at malungkot ang mukha habang pinagmamasdan siya. Maya-maya ay nakita ni Vivian ang biglang paggalaw ng kanang kamay ni Elleon, at kasabay no’n ang daghan-dahang pagbuka ng mga mata nito.“Oh, son! Thank God you're awake!” Masayang reaksiyon ni Vivian, at kaagad itong lumapit kay Elleon, tapos umupo sa tabi ng anak.“You’ve worried me so much, son. Buti na lang hindi malala ang nangyari sayo. Good thing na walang organs ang natamaan sayo sabi ng doctor," dugtong pa ni Vivian sa malungkot nitong boses habang may tumutulong mga luha sa mga mata nito.Dahan-dahan namang inangat ni Elleon ang isang kamay niya na may IV lines, at hinimas ang mukha ng kanyang mommy.“Shhh, stop crying na, mom. I'm safe now, and I'm okay,” nanghihinang anito sa kanyang ina at binigyan niya ito nang malaking ngiti.“By the way, mom.

  • Can’t Let You Go   Chapter 85

    At nang tuluyan nang makatayo si Brando ay mabilis itong naglakad at hinila nito ang buhok ni Cherry. “A-aray ko!" malakas na daing agad ni Cherry sabay ni-head lock siya ni Brando.“Cherry!” sabay namang sigaw nina Neri at Lexter.“Sige! Subukan niyong lumapit at pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ‘to!” pagbabanta ni Brando, at sunod nitong tinutukan ng baril sa ulo si Cherry.“B-bro, please! Ibaba mo ‘yang baril! Ako na lang ang i-hostage mo. Pakawalan mo na ‘yang babae!” sabi ni Lexter sa nakikiusap na tono. “Ano ako tanga?! Atras! Umatras kayo!” galit na sabi lang ni Brando, at dahan-dahan na itong umaatras habang hostage niya pa rin si Cherry.“Bro, please!” pakiusap pa rin ni Lexter. Akmang hahakbang na sana siya para lumapit sa dalawa, hanggang sa.“Sabi nang ‘wag kang lalapit, eh!” nayayamot nang ani Brando at agad nitong binaril si Lexter sa may braso.“Lexter!” sigaw naman ni Cherry at nagsisimula na itong maiyak.“Ahhh! Shit!" daing ni Lexter at napaluhod agad ito sa lupa.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status