Share

Chapter 96

Author: Moon Grey
last update Last Updated: 2025-07-09 19:25:56
Dahil nga sa pagka-aksidente ni Kayla, agad itong sinugod nina Neri at Elleon sa ospital.

Kasalukuyan nang nakahiga sa stretcher ang babae, at ‘tinatakbo nila ito kasama ng mga nurse, papuntang ER.

Maya-maya nga ay tuluyan na itong naipasok, at hanggang sa labas na lang sina Neri at Elleon.

“Lovey, si Kayla. Sana makaligtas siya,” ani Neri nang may lungkot. Niyakap naman agad ‘to ni Elleon, at tinapik ng bahagya ang likod nito.

Maging ang lalake ay hindi rin masaya sa kinahinatnan ni Kayla.

“Dude!" Agad naman silang napalingon sa kanilang likuran nang marinig nila ang boses ni Calvin.

“How's Kayla, dude?" hinihingal nitong tanong, at bakas sa mukha ang pag-aalala.

Pero hindi ito sinagot ni Elleon. Tahimik lang ang lalake at matalim ang mga titig sa kaibigan. Hindi pa rin kasi nito nakakalimutan ang pagtulong ni Calvin kay Kayla noon.

Naputol naman kaagad ang eksenang ‘yon nang bigla na lang makaramdam ng pagkahilo si Neri.

“E-Elleon," mahinang sambit nito habang nakahawak sa kanyang u
Moon Grey

Lumalablyf ang Kuya Ringo. (Hahaha)

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Jülie Rigös
asan po kaya chapter 97
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update.....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Can’t Let You Go   Chapter 96

    Dahil nga sa pagka-aksidente ni Kayla, agad itong sinugod nina Neri at Elleon sa ospital.Kasalukuyan nang nakahiga sa stretcher ang babae, at ‘tinatakbo nila ito kasama ng mga nurse, papuntang ER.Maya-maya nga ay tuluyan na itong naipasok, at hanggang sa labas na lang sina Neri at Elleon.“Lovey, si Kayla. Sana makaligtas siya,” ani Neri nang may lungkot. Niyakap naman agad ‘to ni Elleon, at tinapik ng bahagya ang likod nito.Maging ang lalake ay hindi rin masaya sa kinahinatnan ni Kayla.“Dude!" Agad naman silang napalingon sa kanilang likuran nang marinig nila ang boses ni Calvin.“How's Kayla, dude?" hinihingal nitong tanong, at bakas sa mukha ang pag-aalala. Pero hindi ito sinagot ni Elleon. Tahimik lang ang lalake at matalim ang mga titig sa kaibigan. Hindi pa rin kasi nito nakakalimutan ang pagtulong ni Calvin kay Kayla noon.Naputol naman kaagad ang eksenang ‘yon nang bigla na lang makaramdam ng pagkahilo si Neri.“E-Elleon," mahinang sambit nito habang nakahawak sa kanyang u

  • Can’t Let You Go   Chapter 95

    Pagdating nga ni Neri sa ladies room, ay pumasok agad ito sa CR at umihi. Maya-maya, nang matapos siyang mag-flash… bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo.Pakiramdan rin niya ay masusuka siya. Hinawakan pa niya ang kanyang noo at hinilot ‘yon. Hndi na nga niya napigilan ang kanyang sikmura, at naduwal na siya. Tapos agad niyang naisuka ang lahat ng kinain niya sa anidoro.Lumabas naman agad siya ng Cr pagkatapos niyang i-flash ang sinuka niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa lababo na may salamin para ayusin ang sarili.“Damn it! That woman is so, careless!” biglang sabi ng isang babae na lumabas sa kabilang CR…at pamilyar agad kay Neri ang boses nito.Mabilis niya naman itong nilingon at hindi nga siya nagkamali. “Kayla?!" gulat na ani Neri at gano’n din si Kayla. "Neri,” kunot noo namang ani Kayla, at agad itong tumalikod.“Kayla, tigil!" malakas na ani Neri, at hinablot niya agad ang braso ng babae, bago pa ito makapunta sa may pintuan.“Argh! Ano ba, Neri! Let me go!" Pagp

  • Can’t Let You Go   Chapter 94

    Wala nga lang isang oras… nasa isang fine dining restaurant na sina Neri at Elleon. At habang kumakain sila ay napinsin ng lalake ang pagiging matakaw ni Neri. Pero, naaliw lang si Elleon habang pinagmamasdan ang babae. Nakangiti siyang ngumunguya habang nakapatong ang siko sa mesa at nakadampi ang palad sa pisngi.“B-bakit?" tanong naman ni Neri nang mapansin nito ang nakatitig na si Elleon.“Wala naman. Ang cute mo lang tingnan pag matakaw ka," may ngiting sagot ng lalake…tapos inabot nito ang gilid ng bibig ni Neri na may naiwang sauce.Pinahiran ‘yon ni Elleon gamit ang hinlalaki nito at ipinasok sa bibig ng babae. Na agad rin namang sinipsip ni Neri."S-sorry, lovey. Gutom na gutom kasi ako. Wala kasi akong ganang kumain lately. Ngayon nga lang ako nagkagana, eh,” paliwanag ni Neri, at tinuloy na nito ang paglamon."I see. Pansin ko nga sa bahay. ‘Di mo na nga inuubos ang food mo, eh. Feeling ko tuloy hindi ka na nasasarapan sa luto ko," tila nagtampo namang ani Elleon."Uy, h

  • Can’t Let You Go   Chapter 93

    Matapos ang isang buwan.“Hoy, gising! May gustong kumausap sayo!” malakas na sabi ng jail guard sa preso na natutulog sa loob ng selda. At ito’y walang iba kundi si Brando—’yong spy ng Infinity Jewels.Matapos itong maka-recover mula sa mga tama nito ng baril sa katawan, ay agad itong dinala sa kulungan nang ma-discharge sa ospital. Bumangon naman agad si Brando at tumayo.Maya-maya…naroroon na ito sa isang visiting room…at pagpasok palang nito ay bumungad agad sa kanya si Elleon. Nakaupo ito ro’n at naka-crossed arms, habang nakakunot ang noo."Ikaw na naman?! Ang kulit mo talaga, noh?!" Nainis agad na reaksiyon ni Brando. Mabilis namang tumayo si Elleon at dahan-dahang lumapit sa lalake. "Kung ako sayo, umamin ka na lang para matapos na ‘to,” seryosong ani Elleon, at matalim ang mga titig nito kay Brando.“Eh ano nga ang aaminin ko? Wala nga akong alam. Pagkatapos kong makuha ang perang binayad sa’kin ni Carlota…wala na kaming connection pa,” maangas na pag-sagot ni Brando."Rea

  • Can’t Let You Go   Chapter 92

    Dahil nga sa nangyari ay nasagot na ang katanungan sa isipan ni Cherry, tungkol sa babae na gusto ni Calvin, at hindi ito makapaniwala sa narinig.“Tsk! Sa dami ba naman ng babae sa mundo…ba’t sa bruhang Kayla pa na ‘yon?” malungkot at tulalang anito sa sarili, habang naglalakad sa gilid ng kalsada."Peep! Peep! Peep!”"Ay kalabaw!” Gano’n na lamang ang gulat nito nang biglang may bumusina…at ito’y walang iba kundi si Lexter. "Hey, sakay na!” sabi ng lalake at ngumiti ito nang pilyo.“Wala ka talagang manners, noh?" nainis namang sabi ni Cherry."Sorry naman, Cherry cake. Tara na… sakay,” aya ni Lexter nang may ngiti."Hindi na. Magta-taxi na lang ako," tanggi naman ni Cherry at tumuloy na ‘to sa paglalakad.Ngunit likas na makulit si Lexter at sinundan pa rin nito ang babae.“Peep! Peep! Peep!" “Hey, matatagalan ka lang makasakay dahil rush hour ngayon," sabi muli ni Lexter, pero hindi pa rin humihinto si Cherry."Peep! Peep!” Pangungulit pa rin ng lalake, at noo’y pinagtitinginan

  • Can’t Let You Go   Chapter 91

    Nang makarating na nga si Calvin sa Kusina Ni Inang. Nagmadali agad itong lumabas ng kotse, at pumasok sa loob ng restaurant."Dude…what happened?” nag-alalang tanong agad nito sa may pintuan pa lang. Pero ang lahat ay tahimik lang at seryoso ang mukha, lalo na si Elleon."Eh ikaw, Calvin? Wala ka bang sasabihin sa ‘min?" tanong din ni Elleon at matalim ang mga titig nito sa kaibigan."W-what do you mean, dude?" maang-maangan namang ani Calvin…kahit pa may kutob na itong alam na nila Elleon ang tungkol sa pagtulong nito kay Kayla."Talaga ba, huh, Calvin? Wala ka talagang sasabihin?” nayayamot nang tanong ni Elleon, kaya pinakita na nito sa kaibigan ‘yong tablet na may CCTV footage.Nanlaki naman kaagad ang mga mata ni Calvin matapos nitong makita ang mga mukha nila ni Kayla sa footage.“D-dude, let me explain," nauutal na nito.“What’s the meaning of that, huh, Calvin? Tell me…matagal na ba kayong nagkikita ni Kayla? or should I say…alam mo ba kung sa’n sila nagtatago, huh?” sunod-s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status