Warning ⚠️ Spg ⚠️ First year college pa lang si Neri ay secret crush niya na ang ngayo’y SSG President ng kanilang campus na si Eon. Pero hanggang tingin lang siya sa binata dahil napakasungit nito at batid rin niyang engage na ito at nag-aaral sa America ang fiancée nito. Si Neriah “Neri” Salvacion, ay lumaking mahirap. Siya ay laking isla at kaya lamang lumuwas ng Maynila, upang ipagpatuloy ang pagkokolehiyo niya matapos makakuha ng scholarship. Habang si Elleon “Eon” Ignacio naman ay lumaki sa marangyang buhay. Siya ay nag-iisang anak ng isang bilyonarya at businesswoman. Neri thought na hanggang tingin na lang talaga siya kay Eon. Ngunit nang mabalitaan niya na may leukemia ang bunso niyang kapatid, ay napilitan siyang tanggapin ang inaalok ng best friend niya, at iyon ay ang pagpo-prostitute. Ngunit lingid sa kaalaman ni Neri na ang taong pagbibentahan niya pala ng kan'yang katawan ay ang long time crush niya na si Eon. Matagumpay na nakuha ni Eon ang kanyang pagkababae at nakipag-deal ito sa kanya na simula sa gabing ‘yon ay si Eon lamang ang gagamit ng katawan niya. Sumang-ayon naman agad si Neri, dahil sasagutin ng binata ang chemotheraphy ng bunso niyang kapatid. Pero agad siyang binalaan ni Elleon na 'wag siyang mai-in love rito, dahil hindi siya masusuklian nito, at kung ano man ang magandang pagtrato nito sa kanya ay ‘wag niyang seseryosohin. Dahil kaya sa fiancee ni Elleon kaya niya iyon nasabi? I-le-let go na kaya ni Neri ang feelings niya for Elleon? o mas lalo lang siyang ma-fall dito dahil mas madalas na silang magkakasama dahil sa kanilang deal?
Lihat lebih banyakNagpatuloy lang si Neriah sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa isang area na may abandunadong gusali. Pero wala siyang kaalam-alam na natunugan na pala siya ni Brando. Tahimik lang itong nakamatiyag sa kanya habang nasa likod ito ng puno.Maya-maya’y agad na napahinto sa paglalakad si Neri nang may narinig siyang kaluskos sa kanyang likuran, at nang lingunin niya ito ay. “A-ahhh!” daing niya agad nang may mga kamay na humawak sa leeg niya, at mahigpit siya nitong sinakal. At nang maaninag niya ‘to ay nanlaki ang mga niya dahil si Brando ito. “Sino ka, ha?! Ba’t mo ‘ko sinusundan?!” tanong ni Brando sa galit nitong boses habang nanlilisik ang mga mata nito.“B-bitawan mo ‘ko!” daing ni Neri habang sinusubukang tanggalin ang mga kamay ni Brando sa kanyang leeg.“Teka, kilala kita, ah? Ikaw ‘yong nobya nung CEO ng Infinity Jewels!” ani Brando sa gulat nitong ekspresyon.“Ako nga! Nasa’n sila Carlota, ha?! Kung ako sayo sumuko ka na baka sakaling bumaba pa ang sintensya mo! Sabih
“Nay? Si Neri ba ‘yong kausap niyo kanina? Nasa’n na raw po siya?” may ngiti namang tanong ni Elleon kay Gloria.“Oo nak. Pero biglang na lang namatay ang tawag, eh,” tugon ni Gloria, at napansin agad ni Elleon ang bakas ng pag-aalala sa mukha nito.“Relax lang po, nay. Baka naman po na-low bat lang si love,” kalmadong sabi lang ni Elleon at bahagya nitong tinapik ang likod ni Gloria.Hindi naman talaga pumunta ng America si Elleon. Kinonsiyaba niya lang si Gloria na sabihin ‘yon kay Neriah dahil may pa-birthday surprise sila sa babaeng minamahal.Halos nakahanda na rin ang lahat. Mula sa mga pagkain at inumin. Mga regalo at pa-bouquet of flowers ni Elleon.Naroroon na rin ang mom niyang si Vivian at ang pinsan niyang si Zia. Pati ang friends niyang sina Calvin, Dwayne at Lexter ay naroroon na rin. Maging ang mga staff nila Neri na sina Chona, Ate Hilda at Chef Dan, ay imbitado rin. Sina Mia at Diego naman ay hindi pa dumating.***“Oh? Nasa’n na ‘yong babaeng ‘yon? Ba’t biglang nawa
Kinaumagahan, masarap pa sana ang tulog ni Neriah nang bigla siyang magising dahil sa sobrang ingay ng pamilya niya. Tapos may tumatalon-talon pa sa kama niya, at si Biboy ito—ang bunso niyang kapatid.“Argh, ang ingay naman!” nainis na sabi niya sabay talukbong ng unan, habang nakapikit pa rin.“Happy birthday, ate!” malakas na bati naman ng bunso niyang kapatid, at doon pa lang siya napamulat ng tuluyan. Birthday niya na nga pala sa araw na yon. Kaya napabangon na siya at humarap sa pamilya niya.“Happy birthday, nak!” may ngiting bati ni si Gloria sa kanya, tapos niyakap siya nito. Kaagad rin naman niya itong niyakap pabalik.“Thank you po, nay!” may lambing na aniya.Sunod namang pumasok sa kanyang silid ay sina Tisay at ang Kuya niyang si Ringo. May dala-dala pang cake ang mga ito, at hawak-hawak iyon ni Tisay.“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” masayang awit nung dalawa. “Oh, hipan mo na ‘to, ate!” ani Tisay
“Hoy, Eon, dude?!” At doon pa lang naputol ang imagination ni Elleon nang marinig niya ang boses na iyon ni Dwayne.“Ba’t tulala ka lang diyan, dude?” napangisi pang tanong pa ni Dwayne saka inakbayan nito si Elleon.“Wala, tara na!” masungit lang na sagot ni Elleon, at nauna na itong tumungo sa kinaroroonan nila Neri.“Tsk, ba’t ang init ng ulo no’n?” Nagtakang reaksiyon lang ni Dwayne, at sumunod na agad sa kaibigan.“Cous!” may ngiti namang tawag ni Zia nang una siyang makita nito.“Lovey!” masaya ring reaksiyon ni Neri sabay tumayo.. Hahalik na sana siya sa pisngi ni Elleon nang malamig itong umiwas sa kanya. Tapos umupo na ito sa tabi ni Calvin, kung sa’n siya nakaupo.Agad namang nanibago si Neriah dahil sa kilos nito, pero hindi niya na lang ito pinansin at naupo na lang sa tabi nito. Maging si Calvin ay naramdaman din ang cold treatment na iyon ni Elleon.“Ano ng balita dude? Wala pa rin bang lead ang mga police kung nasa’n ngayon sina Kayla at Carlota?” tanong ni Lexter,
Kinaumagahan. At Carlota’s mansion.“Hmm. So, Kayla. Wala ka na bang balak bumalik ng US? How about your modeling career?” tanong ni Carlota sa pamangkin, habang naghihiwa ito ng beef stake.Nasa dining area sila ngayon at nagbe-breakfast, kasama si Elleon. Ang lalake ay seryoso lang ang mukha habang kumakain.“Uhm, I decided to quit na, tita, eh. Gusto ko kasing mag-focus sa marriage namin ni Elleon,” tugon ni Kayla na may kasamang ngiti, tapos ipinulupot ang mga kamay sa braso ni Elleon.“At saka, para makagawa na rin kami ng baby,” dugtong pa ni Kayla at bigla na lamang nasamid si Carlota.“A-are you okay, tita?” tanong ng pamangkin.“Y-yes, hija. I'm okay,” may ngiting tugon ni Carlota, saka uminom ito ng tubig.Maya-maya ay dinampot ni Kayla ang kanyang cellphone at tila may ni-check siya rito. Pero bigla na lamang siyang napahinto at napatakip sa kanyang bibig.“Oh my gosh!” gulat nitong reaksiyon.“Why, Kayla? Ano ‘yan?” tanong ni Carlota. Agad namang pinatingin ni Kayla sa kan
“Babae dude, at ahead ka lang sa kanya nang ilang months,” tugon ni Diego na mas lalong ikinagulat ni Vivian. Nagduda na agad ito na baka nagkaanak ang asawa niyang si Elmer at si Carlota, nang may mangyari sa mga ito noon.“Nagbunga pala! Nagbunga pala ang kalandian ng babaeng ‘yon!”galit na ani Vivian sa kanyang isip, habang napapahilot ito sa kanyang dib-dib.“Mom, what’s wrong? Are you okay?” nag-alalang tanong ni Elleon.“Y-yes, son,” palusot naman ni Vivian.“Wait, mom. ‘Di ba best friend mo ang mom ni Kayla na si Tita Celestine? May na-kwento ba siya sayo tungkol sa anak ni Tita Carlota?” curious na tanong ni Elleon.Hindi naman agad nakasagot si Vivian, at bumuhos lang ang mga luha nito.“Mom, bakit?”“Son, I’m really sorry kung ngayon ko lang ‘to sinabi sayo,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Vivian. “But ‘yong batang sinasabi ni Diego, may posibility na kapatid mo siya,” dagdag pa nito.“What? Pa’no naman mangyayari ‘yon mom?” tanong ni Elleon at naguguluhan na ito.“Kaming tatl
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen