Share

Chapter 5

Author: Moon Grey
last update Last Updated: 2024-12-18 16:48:40

Mayamaya’y nakahiga na kami ni Elleon sa kama, at sa pagod ay nakatulog siya habang nakakulob. Nakangiti ko lang siyang pinagmasdan habang nakaharap ang mukha niya sa ‘kin.

Kahit tulog siya at humihilik ay sobrang g’wapo niya pa rin. ‘Di ko pa rin maiwasang ma-attract sa napakatangos niyang ilong, mistiso niyang balat at makakapal niyang kilay.

Gustong-gusto kong hawakan ang mukha niya ngayon pero 'di ko magawa dahil baka magising siya at kung ano pa ang isipin niya.

Kahit nauna niya ng sinabi na 'wag akong maa-attach sa kanya ay 'di ko na ‘yon masusunod. Kasi matagal ko na siyang gusto at mas lalo lang akong nahuhulog sa kan'ya ngayong nakakasama ko na siya. Apat na taon ang agwat ng edad namin ni Elleon. He is 25 years old while ako naman ay 20 years old.

Mayamaya ay agad akong napaalis ng tingin sa kanya ng bigla siyang gumalaw at naalis ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Akala ko’y magigising siya pero hindi pala, kaya pinagmasdan ko ulit siya, habang nakangiti ako.

Pero bigla na lang nawala ang mga ngiti sa labi ko nang masagi ng mga mata ko ang tattoo na nakasulat sa tagiliran niya, at ngayon ko lang ‘to napansin.

"Kayla my only love." Nakalagay rito at agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib, after ko ‘tong mabasa. Alam kong pangalan 'to ng fiancée niya, dahil ito ang lagi kong naririnig sa mga marites ng campus namin.

I know naman na wala akong karapatang masaktan kasi wala namang kami ni Elleon, pero, kahit na, masakit pa rin.

Kaya bago pa bumagsak ang mga luha sa mata ko ay inabot ko na agad ang puting tuwalya sa gilid ko, saka tinapis ‘to sa hubad kong katawan at dahan dahang umalis ng kama.

"Where are you going? We’re not done." Lalabas na sana ako ng kwarto para umalis na nang biglang magising si Elleon at magsalita.

Pinahiran ko agad ang konting luha sa mga mata ko at lumingon sa kan'ya. "Ah, iinom lang ako ng tubig," palusot ko.

"Pakikuha mo na rin ako, please," kalmadong utos niya.

"O-okay," sagot ko tapos lumabas na.

Nang makarating ako ng kitchen, ay kumuha agad ako nang malamig na tubig sa ref, tapos uminom ako nang marami.

“Kalma lang, Neriah. P’wede namang memories na lang ang tattoo na ‘yon, ‘di ba? Hangga’t wala kang nababalitaan na sila pa rin ng fiancée niya, hindi mo kailangan mag-alala,” pangungumbinsi ko sa sarili.

Mayamaya’y lumabas na ako bitbit ang isang mahabang baso na may lamang tubig. Pero nang pumasok na ako sa kwarto ni Elleon, “ay, kalabaw!” Muntik ko na ‘tong mabitawan.

Wala kasi siyang saplot pang-ibaba, at ewan ko ba, kahit ilang beses ko ng nakita ang mataba at mahaba niyang pagkalalake ay hindi pa rin ako komportable.

“Ba’t ba lagi kang gulat everytime you saw me naked? You already saw it, but until now ganyan pa rin ang reaction mo,” masungit na ani Eon, while tinatapis ang tuwalya sa kahabaan niya.

“S-sorry, hindi pa rin kasi ako comfortable,” tugon ko habang ‘di makatingin sa kanya.

“Masasanay ka rin,” seryosong aniya tapos may kinuha siyang folder sa desk

niya.

“Here, sign our deal. Two million, kapalit ng paggamit ko sa katawan mo sa loob ng isang b’wan, nakasaad diyan. I just want to make sure, na hindi mo talaga ako tatakbuhan, Neri,” dagdag niya tapos inabot sa ‘kin ‘yung folder.

“H-hindi naman ako gano’n, marunong naman akong tumupad sa usapan.”

“Hindi ako basta nagtitiwala sa salita lang, Neri. Magbihis ka na after you signed it, ihahatid na kita. Next time na lang natin ‘to ituloy, kailangan ko pang pumunta sa resto bar, ko,” seryosong aniya saka tumalikod na sa ‘kin.

“Mauna ka na sa labas after mong magbihis,” dagdag niya, tapos tumungo na siya ng banyo.

Medyo matagal-tagal rin akong matatali sa kanya. Pero sana magka-feelings siya sa ‘kin bago matapos ang isang b’wan.

Mayamaya’y nandito na ako sa garahe niya at grabe, napakagara ng mga sports car at big bike niya. Sa pagkakaalam ko mahal ang mga ‘to at aabot sa milyones ang halaga. Napakayaman talaga nila Elleon, halatang ‘di ako nababagay para sa kanya.

“Let’s go.” Agad akong napalingon sa likuran ko ng biglang magsalita si Elleon, tapos saglit akong natulala. Lutang na lutang kasi ang kag’wapuhan niya ngayon sa suot niyang sporty dark gray leather jacket, at maong na pantalon. Tapos may bitbit siyang dalawang helmet.

“Hey, wear this,” seryosong aniya sabay abot sa ‘kin nong isang helmet, at binuksan niya na ‘yung gate. Tapos lumapit na siya sa big bike niya at pinaandar ‘to.

“Aacck! Ang cool niya!” kinikilig kong saad sa isip, pero pinigilan ko lang ang sarili dahil baka makahalata siya.

Nang makalabas na kami’y ako na lang ang nagsara nong gate, tapos umangkas na ako sa motor niya at humawak sa balikat niya.

“Hey, ‘wag ka d’yan humawak,” masungit niyang sita at agad niyang ‘nilipat ang mga kamay ko’t pinayakap sa bewang niya.

“Kumapit ka ng mahigpit, baka mahulog ka,” dagdag niya at ‘di ko maiwasang kiligin dahil sa pinapakita niya. Tapos ay lumarga na kami.

Mayamaya sa kaligitnaan ng biyahe namin ay halos lumabas na ang kaluluwa ko, dahil tila sasalubungin na namin si kamatayan ngayon.

Kung ga’no kasi kabilis bumayo si Elleon, ay gano’n din siya kabilis magpatakbo ng motor. Kaya pala sinabi niya na humawak ako ng mahigpit.

Kanina ko pa siya gustong kurutin sa tagiliran pero ‘di ko magawa kasi nahihiya ako.

Kaya wala akong choice kundi yumakap na lang talaga ng mahigpit sa bewang niya, at sinamantala na lang iyon.

Ilang sandali lang ay nandito na kami sa tapat ng boarding house, at hilong-hilo ako ngayong bumababa sa big bike, niya.

Tatanggalin ko pa sana ‘yung helmet para ibigay ‘yun sa kanya ng agad na siyang nagpaharurot.

“H-hoy, Elleon? ‘Yung hel—“

“Grabe, wala man lang goodbye?”

Kumaway na lang ako at binigyan siya ng flying kiss. Hindi niya naman ‘yun makikita kasi malayo na siya. “Goodnight, my love,” nakangiti kong saad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Can’t Let You Go   Chapter 90

    Dahil nga sa nangyari kay Neri at Elleon, ay napasugod agad sina Vivian at Zia sa Kusina Ni Inang. “Are you sure, son, na okay lang kayo ni Neri? Do you want me to call our family doctor?” tanong ni Vivian sa nag-aalala nitong tono. "Ah…okay lang naman po ako, Mommy Vivian," sagot naman ni Neri. "Me too, mom. I'm okay…don't worry," sabi lang din ni Eon, at ngumiti ito sa ina. “What happened ba kasi, cous? Ba’t muntik nang masagasaan si Neri? Nahuli na ba ng mga police ‘yong driver?” mausisang tanong naman ni Zia. "Hindi pa namin alam, Z. Wala pang update ang mga pulis,” sagot ni Elleon, tapos napahilot ito sa kanyang noo. “Son…what if may kinalaman dito sina Carlota at Kayla?" hinala naman ni Vivian. "Naiisip ko rin ‘yan, mom. But, hintayin muna natin ang tawag ni Diego. Pinapunta ko na siya sa police station para makibalita,” sagot lang ni Elleon. Habang sina Kayla at Calvin naman sa mga oras na iyon ay tuluyan na ngang nakatakas sa mga pulis. Kasalukuyan na silang nasa isa

  • Can’t Let You Go   Chapter 89

    Nang tuluyan na ngang makalapit si Elleon kay Neri ay mabilis nitong hinablot ang braso ng babae at hinila ito. Dahilan para pareho silang matumba at bumagsak sa sahig. At ang naging posisyon nila ay pumaibabaw si Neriah kay Elleon.Si Kayla naman ay hindi na huminto at tuloy lang sa pagpapaharurot. “Argh! Damn you, Elleon! Why are you so in love with that woman?!" nainis agad na sigaw ni Kayla, matapos niyang makita ang pagligtas ni Elleon kay Neriah."Love… are you okay?" nag-alalang tanong naman ni Elleon kay Neri. At sa sandaling iyon ay nakahiga pa rin sila sa sahig."Oo lovey!" sagot naman ni Neriah at tila shock pa rin ang itsyura nito. “Damn that jerk!” nagalit pang sabi ni Elleon, tapos hinawakan nito ang dalawang pisngi ng babae."Muntik ka na ro’n, love," tila maiiyak pang dugtong nito, tapos niyakap nito si Neriah. Hinalikan niya rin ang noo ng babae habang nakahilata pa rin sila."S-sir! Ayos lang po ba kayo?!" Biglang sulpot naman ng isang pulis na nakakita sa pangyaya

  • Can’t Let You Go   Chapter 88

    Kinabukasan “Sure ka ba lovey na kaya mo nang magtrabaho ngayon?" tanong ni Neri kay Elleon nang may halong pag-alala.At sa mga oras na iyon ay nakasakay sila sa kanilang kotse, at kasalukuyang bumabyahe.Si Neriah ay nakaupo sa passenger's seat, habang si Elleon naman ang siyang nagmamaneho.“Of course, love. Kinaya ko nga kagabi, eh," mayabang namang sagot ni Elleon, at hinimas himas nito ang malambot na hita ni Neriah. Naka-skirt lang kasi ang babae.“Tsk, pasaway ka talaga," sabi lang ni Neriah at inirapan nito ang lalake. Tapos ay nag-holding hands sila habang nakangiti sa isa’t isa.Lingid naman sa kaalaman nila na may nagmamanman na pala sa kanila, at si Kayla ito. Nakasakay ang babae sa itim na kotse at kunot ang noo nitong nagmamaneho, habang nakabuntot sa sinasakyang kotse nina Elleon. At makaraan nga ang ilang minuto ay medyo malapit na sila sa Kusina Ni Inang—ang restaurant ni Neriah."Dito mo na lang ako ibaba, lovey. H’wag mo nang itawid ‘tong kotse," ang biglang sabi

  • Can’t Let You Go   Chapter 87

    Hindi naman nagtagal at na-discharge rin si Elleon sa hospital. Pinayagan ito ng doctor na sa bahay na lang tuluyang magpagaling.Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse nila at magkatabing nakaupo sa backseat. Habang ang nagmamaneho naman para sa kanila ay ang driver ni Zia na si Mang Ruben.Maya-maya nga ay nakarating na sila sa kanilang bahay at nasa may garahe na.“Oh, lovey. Dahan-dahan lang," ani Neri sa mahinahong boses, habang inaalalayan nito si Elleon palabas ng kanilang kotse.“Thank you my love," may ngiti namang sabi ni Elleon. At nang makababa na sila pareho ay huminto muna sila saglit at nakangiting pinagmasdan ang kanilang bahay."Finally we're home! Nakaka-bore ring tumambay sa hospital," sabi ni Elleon habang nakaakbay ito kay Neriah.“Grabe. Sobrang na-miss ko ang bahay na ‘to, lovey. Matagal tagal rin akong ‘di nakabalik dito," sabi naman ni Neri, at binigyan nito nang may lambing na yakap si Elleon. “Let’s go?!" pag-aya na ni Elleon, at nakangiti namang tumango

  • Can’t Let You Go   Chapter 86

    Makaraan ang ilang oras ay nasa loob na ng isang private room si Elleon, nakahiga ito at hindi pa nagkakamalay. Kasama nito sa loob ang kanyang Mommy Vivian. Nakaupo ito sa sofa at malungkot ang mukha habang pinagmamasdan siya. Maya-maya ay nakita ni Vivian ang biglang paggalaw ng kanang kamay ni Elleon, at kasabay no’n ang daghan-dahang pagbuka ng mga mata nito.“Oh, son! Thank God you're awake!” Masayang reaksiyon ni Vivian, at kaagad itong lumapit kay Elleon, tapos umupo sa tabi ng anak.“You’ve worried me so much, son. Buti na lang hindi malala ang nangyari sayo. Good thing na walang organs ang natamaan sayo sabi ng doctor," dugtong pa ni Vivian sa malungkot nitong boses habang may tumutulong mga luha sa mga mata nito.Dahan-dahan namang inangat ni Elleon ang isang kamay niya na may IV lines, at hinimas ang mukha ng kanyang mommy.“Shhh, stop crying na, mom. I'm safe now, and I'm okay,” nanghihinang anito sa kanyang ina at binigyan niya ito nang malaking ngiti.“By the way, mom.

  • Can’t Let You Go   Chapter 85

    At nang tuluyan nang makatayo si Brando ay mabilis itong naglakad at hinila nito ang buhok ni Cherry. “A-aray ko!" malakas na daing agad ni Cherry sabay ni-head lock siya ni Brando.“Cherry!” sabay namang sigaw nina Neri at Lexter.“Sige! Subukan niyong lumapit at pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ‘to!” pagbabanta ni Brando, at sunod nitong tinutukan ng baril sa ulo si Cherry.“B-bro, please! Ibaba mo ‘yang baril! Ako na lang ang i-hostage mo. Pakawalan mo na ‘yang babae!” sabi ni Lexter sa nakikiusap na tono. “Ano ako tanga?! Atras! Umatras kayo!” galit na sabi lang ni Brando, at dahan-dahan na itong umaatras habang hostage niya pa rin si Cherry.“Bro, please!” pakiusap pa rin ni Lexter. Akmang hahakbang na sana siya para lumapit sa dalawa, hanggang sa.“Sabi nang ‘wag kang lalapit, eh!” nayayamot nang ani Brando at agad nitong binaril si Lexter sa may braso.“Lexter!” sigaw naman ni Cherry at nagsisimula na itong maiyak.“Ahhh! Shit!" daing ni Lexter at napaluhod agad ito sa lupa.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status