The least favorite-- not even close to favorite part of my day is always the afternoon. Specifically, summer afternoon. I feel extra sad and depressed. Ito ‘yong mga oras na gusto kong antukin pero hindi ko magawa. When afternoon comes, I do my best to distract myself from hurting myself. But it is just… sometimes. Hindi naman palaging gusto kong mawala. Pero palagi akong sobrang lungkot kapag sumasapit ang hapon. I really don't like the struggle to wait until night comes. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga o mahaba at matagal lang talaga ang hapon kaysa gabi at umaga.
Kadalasan ay nilulunod ko ang sarili ko sa pagsusulat. Pero kapag hindi nakikisama ang utak ko sa tanging bagay na alam kong gawin ay nasa sulok lang ako ng bahay at tahimik na umiiyak habang nilalabanan ang kagustuhan kong gumawa ng masama sa sarili ko. Ang hirap mabuhay pero nandito parin ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito parin ako.
I stared at the only picture on my table. The frame of it got broken and I don't have a heart to buy a new one. After so many years, I am still hurting like everything was just yesterday. I quit counting the days because I know it is impossible to heal in a certain duration of time. They said, time heal all wounds. It is not true. They said, acceptance and forgiveness is the only way to have a peaceful and happy life. I tried to accept it, to forgive them. But I guess acceptance and forgiveness requires honesty and willingness to do it to finally free from hatred.
"I hate you all,” I sob. Pinilit ko namang kalimutan ang nangyari pero hindi parin maalis alis sa isip ko ang nakaraan. Naging permanenteng mantsa na ito sa pagkatao ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang mabura na ang sakit na idinulot ng iba't ibang taong dumaan at umalis sa buhay ko.
Years ago, I used to spend the weekends with my family. But then after the whole betrayal happened, I left with no choice but to stay away from all of them. Nilisan ko ang tahanan na ito at nagkubli sa isang apartment na malapit sa dating pinagtatrabahuan ko. Yes, I had jobs before but sadly, It didn't last long. Mas nanaig palagi ang takot at alinlangan ko sa mga bagay bagay kaya sa huli ay nagreresign ako, na siyang pinagsisisihan ko. Palagi na lang akong natatalo nitong sakit ko.
Sakit ko na hindi tanggap ng pamilya ko. Pilit nilang itinatanggi sa mga sarili nila na totoong may problema. Gusto nilang isiksik sa isip ko na lahat ng nararamdaman ko ay pawang imahinasyon ko lang. Na pinili ko lang na maramdaman. Pero alam ng Diyos na hindi ko ginusto 'to. Kung may antidote lang na puwede kong inumin ay matagal ko ng binili. Pero katulad ng muli nilang pagka buhay, impossible ‘yong mangyari.
But before everything turns into mess, I used to be a happy shy. Mahiyain ako, oo. Pero kahit na ganoon ay hindi ako kailanman nag alala dahil kasama ko naman ang pamilya ko. Sila ang nasa isip ko na magtatanggol sa akin kapag naging malupit ang mundo. Pero akala ko lang pala 'yon. Sila pala mismo ang malupit na mundong kinatatakutan ko.
Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko habang sinasariwa ang pinakamadilim na alaala na ayaw ko na sanang balikan pa.
I was studying in a university kung saan nagtapos ang mga magulang ko. I took up Bachelor of Arts major in English and I wonder why I took that up. I honestly don't have any plan to really enroll and proceed to a bachelors degree. Kaya lang madalas sabihin ng iba na magandang makatapos ng pag aaral dahil magiging sandata mo raw iyon sa pagharap sa kinabukasan. So without any violent reaction, nag enroll ako. I must say, college is a whole different experience. Mas may freedom kaysa noong nasa secondary education pa lang ako. Akala ko mawawala na sa landas ko ang mga taong nambully sa akin noon. Until one unfortunate day, Gregory, one of my bully in high school found me. We accidentally bumped each other at the university's field. He is grinning when he finally recognize me. The mouse they used to play appeared in front of him once again. I was scared of what will happen in the next following days. Siguradong gagawa at gagawa siya ng paraan para pagtripan na naman ako ulit. At hindi nga ako nagkamali.
Greg is like one of my permanent bruise. When he died, the bruise became more tender and painful. It serves as a receipt of my youth. Yes, the non-existent but still exist bruise. No one knows why he died so young. Everyone in town still wondering why. When I learned that he died, I felt nothing.
Alam ng mga magulang ko ang nangyayari. But they did nothing to save me. None of them took an action to help me. Ang sabi lang nila ay umiwas ako sa gulo. Umiwas na lang daw ako. So I did. Hindi ako lumalaban. And they have been pretending like bullying never happened to me. They treated me the usual. Walang nagtanong kung naapektuhan ba ako ng mga pangyayaring iyon.
But I let it all pass.
Until I graduated college. Nagkatrabaho ng hindi minimum ang suweldo. Doon ko nalaman na hindi pala ako tinuring na pamilya ng aking mga magulang. Gusto lang nila ako maging retirement plan-- whatever they called it. The money that I will brought on the table is the only thing that matters to them.
Lalong nakapagpatibay ng paniniwala ko ay noong isang araw na pauwi ako sa dating apartment ko. May namataan akong pulang van na nakaparking sa harap ng pintuan ng main room ng buong building. Kilala ko ang lalaki. Kaibigan ito ng daddy ko. Noon pa man ay wala na akong tiwala kay George De Castro kaya nagtago ako sa gilid ng malaking vase ng landlady namin. Narining ko mula sa usapan nila ng kaniyang mga tauhan na ako talaga ang sadya nila. Bigla naman akong kinabahan. Walang dahilan para sadyain nila ako puwera na lang kung tama ang hinala ko.
Dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko at tumakbo para makakuha ng taxi. Uuwi ako sa bahay para humingi ng tulong.
Matapos kong makapagbayad ay dumiretso ako sa likod ng bahay namin. Madalas akong dumaan sa likod bahay dahil ayaw kong naiistorbo ang panunuod ng telebisyon ng mga magulang ko. Nagmamadaling binuksan ko ang pinto at natagpuan kong nagkakape si mommy at humihithit ng sigarilyo si daddy.
"Ano na kayang nangyayari doon?" rinig kong tanong ni mommy.
"Kaya na nila 'yon. Aba wala yatang nakakalusot kay pare," natatawang sagot naman ni daddy.
Dahil lumalakas ang hinala ko ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay daddy na kailangan ko ng tulong niya. Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono nito.
"Sino 'yan?" kuryosong tanong ni mommy na hindi inalis ang tingin sa nagpatong patong na mga papel na hula ko ay ang mga monthly bills namin. She doesn't look bothered to me. Dati rati ay sumasakit ang ulo niya sa mga bayarin buwan buwan. Lalong lumalakas ang kutob ko. May mali talaga.
Humithit pa ang daddy sa kaniyang sigarilyo bago sumagot. "Si Hendell. Humihingi ng tulong. Hula ko ay nakita na niya sila pareng George," balewalang sagot niya na parang hindi niya anak ang pinag uusapan.
"Ganoon ba? Sana ay maayos na siyang sumama para sulit naman ang binayad sa atin. Ang laki din ng hirap natin sa batang 'yon. Hanggang ngayon ay hindi parin natin mapagkunan ng malaking halaga. Idinadahilan pa na may sakit siya. Ayaw lang talaga niyang magtrabaho dahil tamad siya. Hindi niya gayahin ‘yong anak ni Dahlia na si Alicia. Manager na ng bangko at marami ng negosyo."
My world suddenly stopped when I heard it from mom. I never thought that she was thinking of me that way.
There's a long pause in the conversation. Huminga ng malalim si daddy at ibinaba ang kaniyang telepono. "Huwag ka nang mag alala diyan. Siguro ngayon ay nasa kamay na nila si Hendell. Hindi na tayo maghihirap. Maisasalba na natin ang factory."
Tipid na ngumiti si mommy. Wala akong makapang pag aalala o pagsisisi sa mga mukha nila. All I can see is just two individual whom I don't know anymore. Parang hindi na sila ang magulang na minahal at kinamulatan ko. How could they do this to me? To their own daughter? Dahil ba sa pera? Gaano ba kahalaga ang pera at pati ang sarili nilang anak ay kaya nilang ibenta? Ganoon na ba sila kawalang puso?
I crawl quietly to the door and went out faster. I don't want to listen any further. Nasusuka ako. Hindi ko masikmura ang ginawa nila. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong halaga kahit na sa kanila mismo na magulang ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tabing dagat. Ang alam ko lang ay hindi na nila ako mahahanap dito. I am safe. For now. Sa tingin ko ay gagawa at gagawa ng paraan si George para matunton ako, lalo pa't bayad na pala ako. Hindi ko parin matanggap na ibenenta ako at ginawang puhunan sa matagal ng naluluging factory namin.
Sa isang seaside restaurant ako dinala ni Marcio. He is craving seafood raw kaya kahit hindi ko feel na kumain ngayon ng mga lamang dagat ay pumayag na lang ako. Naawa ako dahil mukhang gutom na siya sa tagal ng paghihintay niya sa akin kanina.Agad na umorder si Marcio pagkaupo namin sa pinakadulong puwesto ng restaurant. Huminga ako nang malalim at napapikit, ninanamnam ang malakas na ihip ng hangin.“Are you okay?” Napadilat ako sa tanong ni Marcio. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.Ibinaling ko ang atensiyon ko sa box ng tissue na nakapatong sa lamesa at nilaro iyon. “Okay lang ako. Pagod lang siguro sa maghapon na pagtatrabaho.”Tumango ito at tinanggap ang sagot ko. May katotohanan naman din ‘yon. Pagod na pagod ako hindi lang sa pagtatrabaho, pagod din ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko munang
HENDELL’S POVMabagal na lumipas ang mga araw. That night was horrible and traumatic. Harken and I never talk about what happened that night. We never talk about anything. At all. Sa limang araw na lumipas ay puro iwasan at ilangan. Like there’s no one would dare to open up about it. And heck, I will never see Alejandro’s bar the same way again. Even the alcohol would surely taste like new but familiar for sure.I simply put my right palm on my forehead. Every time that one specific memory comes into my mind, I couldn’t help but feel uncomfortable. Bakit ko ba sinabi iyon? Nakakahiya!“Mukha kang sabog, H. Ano bang nangyari habang wala ako?”Hindi ako agad makasagot sa tanong ni Marcio. Anong sasabihin ko? Na nagkalat ako sa harapan mismo ng kapatid niya at nagmukhang tanga? Na parang isang baliw na
Hendell’s POVAfter I utter a single prayer I decided to sort things out by walking. Wala akong destinasyon. Lakad lang ako ng lakad. Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay gulong gulo na ako sa lahat.I don’t want to be the villain but I did something bad to someone. To Harken. Pero iyon lang ang alam kong tama. Ang saktan siya dahil sinaktan niya ako. Akala ko iyon ang tama. Akala ko iyon ang makapagpapasaya sa akin. Lahat na lang ng inakala kong tama siguro ay mga maling akala lang. I can’t feel any satisfaction. Instead, all I felt was a burden, never-ending hatred, and loneliness. Pagod na pagod na ako.“It’s okay. Gagawin ko ang lahat para maaprubahan ang investment mo. Trust me Harken, kapag sinabi ko, tutuparin ko.”“Huwag na. I think it’s all over for me Jelena. Sa tingin ko
Hendell."Rinig ni Hendell ang pagtawag sa kaniya ni Harken. Palabas na sana siya nang mamataan niyang nasa labas si Harken at tila may hinihintay. At marahil siya ang hinihintay nito. Bumuga siya ng hangin saka ito nilingon. "Bakit?" tanong niya. Madilim ang mukha nitong naglakad palapit sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamay nito na parang gusto nitong manakit. "Totoo ba?!" Nabigla siya sa bulyaw nito. Hindi pa siya nakakahuma sa gulat ay muli itong sumigaw. "Ikaw ba 'yong kumuha ng package ko kahapon?!"Nag iwas siya ng tingin at patay malisyang sumagot. "Hindi. Saan mo naman napulot 'yang balitang 'yan? Binalita ba sa TV?""Huwag mo akong pilosopohin. Hindi mo kasama si Marcio ngayon kaya wala kang rason para magsalita ng pabalang." Masama ang tingin nito sa kaniya. Sobrang sama na halos makaramdam siya
Lately, everyone’s quite busy doing their own businesses. Hendell wasn’t ready for the silence and aloneness after a long time of loud and chaotic days she had. At first, it was okay. Tolerable. Having no one around felt like an end of the world for her. The silence really does.Marcio was out of town. He has some music gigs in the city. She wanted to come but he won’t let her. Maybe because Marcio was very particular in doing his thing alone. While Tres, on the other hand, went to his hometown to visit some immediate family. Christmas is fast approaching and the need to be with one family member is a must. And that made her sad.Sinubukan niyang tawagan si Monica ngunit nasa isang business seminar ito sa Singapore at hindi nito sinabi kung kailan ito uuwi. There is one person she knew, so far, available. But in the past weeks, Harken was always seen with Jelena. That girl helped him with his business and they’re quite closer than the last time
Ilang minutong nakatunganga lang si Hendell sa loob ng restaurant. Ilang minuto na rin mula noong makaalis si Jelena at Harken ngunit heto pa rin siya at halos hindi makagalaw sa kinauupuan.Nagseselos nga ba talaga siya? O dinadaya lang siya ng kaniyang imahinasyon? Possible iyon. Galit siya kay Harken at ang maging masaya ito sa piling ng iba ay ang pinakahuling bagay na hihilingin niya. Hindi maaaring siya lang ang nahihirapan."Miss oorder ka ba?" Napakurap siya sa tanong ng waiter na mukhang kanina pa nakatayo sa gilid niya. Umiling siya at nagmadaling lumabas ng restaurant. Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi siya dapat pumasok doon. Hindi siya dapat nagpadala sa agos ng damdamin.Pumasok siya ng sasakyan na tila wala pa rin sa maayos na pag-iisip. Kagat kagat ang labing isinandal ang sarili sa upuan, iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Naiinis siya hindi kaninuman, kung hindi sa sarili niya. Na