Share

Chapter 2

"Where the hell is my daughter?!!" Malakas na sigaw nito sa mga tauhan niya.

"E sir sabi niya po doon lang daw po siya sa bahay ni miss Lizzy kaya nag-antay po kami sa labas tapos po nagtaka kami na hating gabi na hindi parin lumalabas kaya nagtanong kami tapos sabi ng kasambahay umalis na daw," paliwanag nito.

"Hindi niyo man lang hinanap?" Nagngangalit na tanong nito.

"Hindi naman daw po kasi sinabi kung saan pupunta, baka po alam ng kaibigan niya"

"Call Lizzy now!" Sigaw nito na naghatid ng takot sa kanila.

"E-eto na po sir"

"Hello Tito"

"Lizzy kasama mo ba ang anak ko?"

"P-po? Eh tito nauna 'yong umuwi kagabi, baka po nagtaxi yon, wala pa po ba dyan?"

"Wala pa, do you know a place na pwede niyang puntahan?"

"Wala po, dito lang po kasi 'yon pumupunta, pero kapag tumawag po sasabihan ko na lang po kayo"

"Okay, thank you"pinatay na nito ang tawag.

"Bakit kasi napakatigas ng ulo ni Hadlee? 'yan na nga ba ang kinatatakutan ko" he started over thinking things that led him to his nightmare.

"No not my daughter"

Hadlee

I woke up in a dark and unknown room, I want to get up but I can't because of this f*cking hangover.

Pero nasaan ba ako at ano ba ang nangyari kagabi?

All I can remember is there's a guy who approached me but I left him and started drinking again, nothing else.

Don't tell me sumama parin ako sa lalaking iyon? But no alam ko na hindi dahil hindi ko type ang isang 'yon

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong napapaligiran kami ng dagat

After a few minutes a hot stranger entered the room, wait what? May nangyari ba samin at dinala niya ako sa isang resort? No! Hindi pwede! Wag naman sana...

Then waves of memories started popping out in my mind, shit! oo nga pala, I got kidnapped, how can I forget that?

"Gising ka na pala"

"A-anong kailangan mo sakin? Pera ba? You can call my dadz he will give you everything just please don't hurt me" pagmamakaawa ko, siyempre baka patayin pa ako nito, I still want to live even though my life is useless.

"Money? Do you really think I need money?" Natatawang sagot nito sa akin. Pero kung hindi pera eh ano? Baka naman pinagnanasaan ako nito?

"At hindi rin kita pinagnanasaan Kung yan ang iniisip mo, tingnan mo nga yang sarilili mo" tinignan ko naman ang sarili ko, maayos naman ah, bukod sa gusot gusot ang damit ko at parang nirape ako dahil sa ayos ng buhok ko.

"Napaka advance mo naman mag isip nagsabi ba akong pinagnanasaan mo ako? Napaka defensive nito, eh ano ba ang kailangan mo? Don't tell me trip mo lang na kidnapin ako?"

"Bakit kailangan ko pang sabihin sayo?"

"Siyempre ako yung involved eh, ano mamamatay ako tapos hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako pinatay? Nasaan ang hustisya pre?"

May pagkagago din ako e, ako lang yata ang kinidnap tapos kung makipag usap parang magbarkada lang. I don't know, I just feel comfortable with him though I just saw him now. I didn't even know who he is.

"You won't want to know" gusto ko ngang malaman e, tanga ba siya o sadyang bobo lang?

"Where am i?"

"You're in my private island, and don't ever think of escaping because there's no other way to escape, unless you want to swim you way home" shit! Private island? Akala ko resort lang, tsaka mayaman naman pala siya kaya bakit ako nandito? Bakit sa lahat ng tao ako pa talaga?

"Bakit ba ako nandito?! Mayaman ka naman pala, hindi naman katawan ko ang habol mo! Bakit ba?!" Ayoko na dito.

Mas lalo akong nagalit ng tumawa siya, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Am I even joking for him to laugh? I'm not! I won't joke around with a monster like him!

"Kilala mo ba talaga ang daddy mo?" He asked the most uncertain question in me.

"Oo naman, anak niya ako eh" I answered him with my voice full of sarcasm.

"Even his bad deeds?" He smirked at me when I stopped from talking.

"What do you mean?"

"What if your dad is a killer?"

"No he's not! My dad is a good person he can't do anything monstrous, I know that!"

"Devils are not good honey, remember that"

hindi ko madalas na nakakasama si dad pero alam kong hindi niya kayang pumatay, I know him and I trust him, pero paano kung nagsasabi siya ng totoo? Ano ang gagawin ko?

Maniniwala ba ako sa taong ngayon ko lang nakilala and worst sa taong kumidnap pa sakin kaysa sa taong nagpalaki sa akin?

His words kept on repeating in my mind after our conversation, I don't know if I'll believe him or what.

A knock on the door brought me back to my senses, I opened the door and saw an old lady, siguro katulong nila, akala ko siya na naman.

"Mam kakain na daw po sabi ni sir" kakain pa pala ako? Akala ko hindi na, diba ganon 'yon? Kapag kinidnap ka hindi ka na pakakainin, mali ba ako ng napuntahan?

"Sige susunod na lang ako" tumango na lang siya at umalis na

Mag-aayos na muna ako, meron naman sigurong gamit dito, hello sila ang nangidnap tapos wala man lang damit? Sabagay mabuti na nga lang hindi ako kinadena sa basement e, diba ganon sa mga movies?

Nalibot libot ako sa kwarto at may nakita akong dalawang pinto at hula ko ay bathroom ang isa.

Binuksan ko ito and to my surprise I saw a Jacuzzi, wow sosyal, kung ganto lang naman ang kikidnap sakin magpapakidnap na ako lagi- just kidding, gusto ko pang umuwi ano.

Binuksan ko ang isa pang pintuan and hell parang hindi naman yata ako nakidnap, feeling ko bakasyon lang 'to at sinet up lang ako because behind that door is a walk in closet with signature dress and bags.

I'm tempted to use the jacuzzi but I decided to just use the shower then go to the walk in closet and wore a white oversized shirt and a short shorts.

Lumabas na ako at bumaba pero dapat pala sumama na lang ako sa katulong nila, naliligaw pa yata ako

"Mam"

"Ay palaka!!"shit! sorry huhu nakakagulat naman kasi e.

"Sorry mam, kasi po kanina ka pa hinihintay ni sir" mabuti na lang talaga nakita mo ako manang.

"Ah saan ba? Hindi ko kasi alam ang daan"

"Sumunod ka na lang po sakin mam" tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok ko sa dinning room nagtaka ako kasi maraming pagkain, fiesta ba? May birthday? O-

"Bibitayin na ba ako?" Kumunot naman ang noo ng kidnapper ko

"Anong bibitayin?"

"Bakit andaming pagkain?"

"Di ko kasi alam ang gusto mo, but you just gave me a great idea"

"Hala nagjojoke lang ako, ano ka ba di ka na mabiro" huhu mamiii wag naman po sana gusto ko pang mabuhay

"Kumain ka na nga lang"

Umupo na ako pero napatitig muna ako sa muka niya, ngayon ko lang napansin gwapo pala siya, a pair of mesmerizing green eyes, a perfect jawline, pointed nose, and pinkish lips, parang greek god gosh.

Sa totoo lang kung hindi naman nila ako sasaktan mas gusto ko pa dito kaysa sa bahay, pareho lang naman na laging wala ang parents ko at least dito may mga kasama at nasa dagat pa, I really love the sea lalo na kapag sunset.

"Stop staring" nahuli niya pala ako nakakahiya.

"By the way where's my phone?" I asked but he just answered me simply.

"In the depth of the ocean"

"Seriously? Bakit mo tinapon?

"Tanga ka ba o sadyang bobo lang? May nangingidnap bang hindi kinukuha ang phone?"

"May nangingidnap din bang may sariling kwarto na may jacuzzi at walk in closet tapos madami pa ang pagkain?" Sagot ko, akala niya ba magpapatalo ako?

"Bakit ayaw mo?" Gusto po

"Siyempre gusto" sino ba ako para tumanggi, gusto kong idagdag pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"Mr-"

"Mavis, Axel Mavis Villafuerte" Pati pangalan maganda shit.

"Mav pwede ba akong magswimming?" Tumango naman ito, mabuti na lang mabait tong kidnapper ko, kanina ko pa kasi gustong maligo sa dagat.

After breakfast pumunta muna ako sa kwarto para maghanap ng pwedeng masuot and luckily may nahanap akong mga two piece, I chose the black one and wore it, I put some sunblock and immediately go to the shore.

Alam kong nababaliw na ako kung sasabihin kong nag-eenjoy ako, pero oo, I don't know, I just love it here at baka marealize din nila mommy na mas kailangan ko sila kaysa sa pera kapag nawala muna ako.

After swimming pumasok na ako at nakita kong nagluluto sila, matagal ko nang gustong matutong magluto kaya dali dali akong nagbanlaw at nagbihis para magpaturo sa pagluluto.

"Ano po ang lulutuin niyo??"

"Adobo, bakit may gusto ka bang ipaluto iha? Siya nga pala ako si Estella, pero pwede mo akong tawaging Lola Estella"

"Hindi po Lola, magpapaturo po sana ako magluto, pwede po?"

"Oo naman, ano ka ba"

Fast learner naman ako kaya hindi siya nahirapang truruan ako pero mahirap palang magluto jusme.

"Lola Estella matagal na po ba kayo dito?" Tanong ko habang nagluluto kami, curious lang talaga ako.

"Oo, eh halos ako na nga ang nagpalaki sa kanya eh"

"Edi kilalang kilala niyo po siya"

"Oo"

"Ano po bang klaseng pamilya ang meron siya?"

"Maayos naman ang pamilya niya dati, halos perpekto na hanggang sa mamatay ang kanyang ina at hindi lang basta namatay dahil pinatay ito"

"Nakilala po ba kung sino ang pumatay?"

"Hindi nga eh kaya naaawa ako sa batang iyan, nang mamatay ang ina, wala na siyang ibang ginawa kundi hanapin ang gumawa non kaya nga sobrang saya ko ng dinala ka dito ni sir"

Magtatanong pa sana ako pero may nagsalita sa likod ko

"Manang, luto na po ba?"

"Ah oo, teka lang"

Tumulong na ako kay manang sa paghain at kumain na

"Masarap ba Mav?"

"Siyempre naman manang kayo ang nagluto eh"

"Hindi ako ang nagluto Mav, si Hadlee"

Aishh bakit pa kasi sinabi ni lola, lumingon sakin si mav at kumunot ang noo.

"You know how to cook?" Ano ba yan hindi ako makapag focus, ang ganda kasi ng mata niya.

"H-hindi nagpaturo lang ako kay Lola estella"

Hindi na ito sumagot at nagpatuloy na sa pagkain kaya kumain na lang din ako.

Pagkatapos ay nagalakad lakad, pero kapag siniswerte ka nga naman nakakita ano ng duyan sa di kalayuan

Feeling ko talaga inaakit ako ng duyan para matulog kaya nagpaakit na lang ako.

Naalimpungatan ako dahil sa isang sigaw, si mav yata ang sumisigaw

"Where the heck is she?" Ako ba ang hinahanap nito?

Tumayo na ako at sakto naman na nakita niya ako

"Nandiyan ka lang pala, alam mo ba na kanina pa kita hinahanap?"

"Hindi, mukha bang alam ko?"

"Sa susunod kasi magpaalam ka!" Abat bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko?

"Bakit naman ako magpapa-alam sayo? tatay ba kita? Tsaka wag kang mag alala hindi ako tatakas, mukha bang makaka-alis ako dito? Ano lalanguyin ko?tsaka ayoko naman na mabulok dyan sa loob, bakit mo pa kasi ako kinidnap?"

Hindi na ito nagsalita at umalis na lang, nakakabwiset pero diba nanalo ako, walk out na lang kapag wala nang masabi.

Hanggang mag gabi ay hindi ko siya pinansin bahala siya dyan, ano ba yan daig ko pa ang girlfriend na tinotoyo jusme.

"Hadlee" tawag niya pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Sayang ipapasyal sana kita sa isla pero mukang ayaw mo naman" ano daw?

"T-teka lang ikaw naman kailan ba, bukas? Anong oras?"

"8 am bukas kapag nalate ka ng gising hindi na tuloy"

"Sige dyan ka na, matutulog na ako byeee"

Yeyy excited na ako....

Meanwhile

Someone

"Hello dad"

"How is it going?"

"Don't worry dad, everything is happening according to plan"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status