Share

Chapter 3

Maaga akong nagising ngayon, siyempre baka hindi na maulit 'to kasi narealize niya na dapat pala nakakulong ako diba? Grab the opportunity daw kasi.

Naligo na ako at nagbihis ng white two piece at pinatungan ng white beach dress, kailangan ready, nasa Isla kami kaya for sure mags-swimming.

Naglagay na rin ako ng sunblock.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si mav na kakalabas din lang at ohlala topless siya shit, 1, 2, 3, 4 ,5, 6, gosh 6 packs! Pengeng palaman mga mare.

"Are you ready?" Ready saan? 

"O-oo" Hindi ko parin maalis ang tingin sa katawan niya.

"Like what you're seeing?" And that snapped me out to reality, I looked away and my face turned red instantly.

"Hindi ah assuming ka naman" 

"Anong hindi"

"Tinitingnan lang naman eh"pabulong kong sabi, huhu sana hindi niya narinig.

"Ha?"

"Hatdog"

"Nevermind, let's go"

He started to walk so I followed him, napaka-ungentleman naman nito.

"Teka hindi man lang ba tayo kakain" dirediretso lang kasi ang lakad niya palabas

"There are already foods in the cottage" 

"Magjejetski tayo?" May nakita kasi akong dalawang jet ski.

"Hinsi design lang lang" sagot niya pero obvious naman na sarcastin 'yon.

"Nagtatanong lang eh, pwede ko bang gamitin?"

Haka pwede ko 'tong gamitin para tumakas.

"Yes but don't ever think of escaping because there are only enough fuel for you to enjoy here" konti na lang talaga iisipin ko na na manghuhula 'to.

"May sinabi ba ako?" Nasa isip lang naman eh tsaka di ako marunong gumamit non.

"Mabuti nang malinaw"

Mas maganda pala kapag may kasama kang mamasyal, mas ma-aapreciate mo yung linaw ng tubig, at ganda ng tanawin.

It's a whitesand beach, and the water is crystal clear, the sun was just rising and it's really the best time for me to enjoy.

Nakarating na kami sa cottage and wow, andaming pagkain, puro seafood, may nagdedeliver ba nito dito?

"May nagdadala ba ng pagkain dito sa Isla"

"Nope, it's fresh from the sea"

"Talaga? Pwedeng sumama?" halos pumalakpak naman ang tenga ko nang tumango siya.

"Next time, well go fishing" Yey!

"Sige, maliligo muna ako, hindi pa naman ako gutom"

"No you'll eat first"

"Eh hindi pa nga ako gutom, bat ba parang mas marunong ka pa sakin?"

"Eat or else"

"Or else what? you'll kiss me?" Nabasa ko na to sa w*****d eh yung iba pa nga 'eat or I'll eat you'.

"You'll be staying inside from now on, but if you want to be kissed just tell me"

"Sabi ko nga gutom na ako, ang kapal naman ng apog mo" pati ba naman dito ibablackmail ako 

"Your the one who suggested it anyway"

"Hula ko lang kaya 'yon, feeling mo naman magpapahalik ako sayo"

Kumain na ako, kaunti lang pero, mag t-two piece pa ako eh, nauna akong matapos kaya minadali ko na rin si mav.

Inalis ko na ang beach dress ko kaya naka two piece na lang ako, nahuli ko si mav na nakatingin sakin.

"Like what you're seeing?" Panggagaya ko sa kanya pero blanko niya lang akong tiningnan.

"What are you wearing?"

"A two piece?" Hindi niya ba alam kung ano 'to?

"I know that, what I mean is why are you wearing that?"

"Nahanap ko sa closet, and isn't this the proper attire in the beach?"

"Tsk"

"Bakit sa girlfriend mo ba 'to kaya ayaw mong ipahiram?"

"I don't have one" he answered shortly.

"Tara na nga turuan mo muna ako mag jet ski tapos magsurfing tayo daliii" di naman halata na excited ako diba.

"You know how to surf?"

"Yup, I love surfing" bata pa lang kinukulit ko na si daddy na gusto kong mag aral ng surfing, and because he can't resist my charm, pumayag siyam

"Aangkas na lang ako sayo a" Hindi ako marunong eh, bakit ba.

"Gusto mo lang makachansing eh"

"Feeling neto, hindi lang talaga ako marunong"

Sumakay na siya kaya sumakay na rin ako.

"Teka hindi ba yan tataob?"

"Hindi naman yata"

"Ba't parang di ka sure?"

"Hindi nga, bilis na iiwan kita dito"

Sumakay na rin ako pero gumagalaw talaga eh huhu, may kinalikot siyang kung ano ano, hindi ko alam ang tawag, bigla na lang itong umandar kaya napayakap ako sa kanya.

"Hindi daw chansing" bumitaw ako sa kanya pero yumakap din agad ng mas binilisan niya pa.

Ang tigas bes nararamdaman ko 'yong mga abs.

"Hindi ah, assuming ka din eh ayoko lang mahulog"

"Palusot ka pa, ilayo mo ng konti katawan mo, nararamdaman ko yung ano eh"

"Yung ano?"

"Dibdib"

"Bastos!" Hinampas ko siya

"Ako ba ang yumakap? Diba ikaw?"

"Bwiset"

"Hulugin kita dyan eh" wag naman nasa malalim na kami eh

"Joke haha di ka naman mabiro, gusto ko din magdrive, palit tayo"

"Edi tumaob to" oo nga pala

"Balik mo na tapos palit tayo ng pwesto"

Pumayag naman siya kaya palit na kami ngayon, mahirap pala magdrive nito hindi naandar eh

"Ayoko na nga magsurfing na lang tayo, ayaw ata sakin nito eh"

Ginaya ko kasi yung ginawa niya kanina pero parang may galit yata sakin 'tong jet ski.

"Tanga" ako ba kausap ng abnormal na to?

"Sinong tanga?"

"Ikaw, alangan naman sarili ko ang sinasabihan ko"

"Nyenyenye" Hindi lang marunong tanga na agad.

I took the surfboard with me and minutes later I started paddling, I'm not a pro but I know a thing or two in surfing.

I saw a wave coming so I decided to do the snap.

I move from the bottom, turned up to the top of the wave at a 50- degree angle. I also did the bottom turn, 360, air,cut back, foam climb, tube ride and many more.

I looked at mav and he seemed so amazed at me, told yah you will droll over me, bumalik na ako para mang asar.

"Tsk tsk. Laway mo tumutulo, baka mainlove ka na sakin niyan"

"Tsk that's basic"

"Basic my *ss"

I walked away walking like I'm in a pageant, bumalik ako sa cottage and I saw him holding another surfboard, marunong pala siya?

I watched him do some tricks and hell he is so good, i bet his a pro, I kept on watching him until, shit is that the backside air reverse? That's the trick that I've been wanting to learn but I just can't even do it right and yet he managed to make it look so easy.

"Magaling pala siyang magsurfing manang?"

"Oo, nung buhay pa mama niya sumasali yan sa mga contest at laging nananalo pero nawalan na ng gana ng mamatay ang taong itinuring niyang inspirasyon, ngayon ko na nga lang yan nakitang magsurf eh"

"Sayang naman po"

"Oo pati mga trophy niya itatapon niya na sana pero tinago ko"

"Talaga manang? pwedeng makita?"

"Oo naman, mamaya ipapakita ko sayo

Nanahimik na kami ng makita naming palapit na ito at nakangisi pa, niready ko na ang sarili ko, alam ko na malakas na hangin nanaman ang dala nito.

"That's what you called surfing" 

"Yabang"

"Parang kanina lang ganito ka din ah"

Aisshh sabi ko na nga ba dapat inayos ko ang pag aaral ng surfing noon haist, may time machine ba kayo dyan? Pahiram naman o.

"Ewan ko sayo, kakain na nga lang ako"

"Okay lang yan nakakagutom talaga kapag napapahiya"

Tumawa ka nga sana pero dahil naman yon sa pang aasar.

"Nyenyenye masamid ka sana sa kakatawa"

"Asar talo hahahah, pero may kamuka ka"

"Wala akong kamukha, duhhh my beauty is unique"

"Meron nga"

"Sino?"

"Hindi sino, ano"

"Ano ngaa, pasuspense pa 'to parang tanga"

"Yung surfboard hahahha"

"G*go, Hindi kaya, tingnan mo nga yung surfboard flat- teka" sinasabi niya bang-

"Diba flat karin" anak ng

"Anong- hoyy hindi ah, kitang kita naman" Hindi kaya ako flat, sadyang manyak lang talaga siya

"Oo kaya"

"Hindi kayaa, napakamanyak mo lang kasi"

"Wag mong hahayaan ang sarili mong maniwala sa kasinungalingan hahahah"

"Ikaw din may kamuka"

"Sige nga, ano?"

"Yung unggoy sa zoo hahahha"

"Tawang-tawa ka na dun, teka dapat ba naasar ako? Sorry ah madami na kasi ang nakapagsabing sobrang gwapo ko daw eh"

"Bat parang ang hangin ngayon? may bagyo bang parating?"

"Baka nilalamig ka lang, kulang kasi sa tela yang suot mo"

"Kumain ka na nga lang daig mo pa ang babae sa kadaldalan"

"Bakit? wala naman yan sa kasarian ah"

"Edi inamin mo rin na madaldal ka"

"At least ako inaamin ko, eh ikaw hindi mo nga maamin na para kang surfboard"

"Paulit ulit, wala ka nang ibang baon? Napakaingay nito, bakla ka ba?"

"Gusto mo lang magpahalik eh"

"Anong-hoyy Kung sayo lang naman wag na lang"

"I know you can't resist me"

Unti unti siyang lumapit, shit anong gagawin niya? Di ko alam pero napapikit na lang ako

"Ba't ka pumikit? Hahaha akala mo ba hahalikan kita? Huh you wish"

Tae ano ba yan nakakahiya ka kahit kailan talaga hadlee...

"Ako pa talaga eh ikaw nangidnap edi ikaw ang may pagnanasa sakin, wala naman ng ibang dahilan"

"Di kita type" awts gege.

"Tingnan natin" operation seduce my kidnapper.

Tumakbo na ako papunta sa tubig baka kung ano ano na naman sabihin non maliligo na lang ako.

May naisip ako wahahahah, magpanggap kaya ako na nalulunod? 

Pumunta ako sa malalin at nilubog ko ang sarili ko sa tubig bahagya ko inahon ang ulo ko ta sumigaw

"Tu-longgg"

"Mav h-elp"

"Shit hadlee"

Nang makita kong malapit na siya ay lumangoy ako sa mas malalim na parte na para bang walang nangyari 

"Hahahah you should have seen your face hahaha it's priceless"

"You woman! That's not a good joke"

"Hahahah sorry na, ikaw kasi eh"

Lumangoy na siya palayo, susundan ko sana siya pero pinulikat ako, shit bat ngayon pa? Karma ba 'to huhu bat ang bilis naman yata

"Mav, shit pinupulikat ako, tulungan mo ko" 

"You can't fool me again woman"

Hindi na ako makahinga ng maayos at unti unti nang lumulubog sa tubig 

"Sir nalulunod na talaga si mam!" Sigaw ni manang.

And that's the last thing I heard before everything went black.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status