Share

Chapter 41

Paano mo ba malalaman kung totoong inlove ka?

Ang sabi sa nabasa ko, isa daw sa mga sintomas para malaman mo kung nagmamahal ka na ba ay hirap kang makatulog. ‘Yong tipong paulit-ulit na nagpi-play sa isipan mo ang mga sweet moments n’yo.

“Hay! Gusto ko nang matulog,” ungot ko habang pagulong-gulong sa kama. Pasado alas-dos na ng umaga pero mulat na mulat pa din ang mga mata ko.

Uminom na ako ng gatas at nakinig sa mga kantang pampatulog pero tila wala iyong sinabi sa kwintas na ibinigay ni Zid. Maramdaman ko lang iyon sa leeg ko ay wala na, siya na ulit ang naiisip ko. Ayoko din naman na hubarin iyon dahil natatakot akong baka ma-misplace ko.

Ganito ba talaga pag-inlove?

Napagpasyahan kong buksan ang social media account ko dahil baka mabaliw na ako sa kakaisip na boyfriend ko na si Zid. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Fredo kapag nalaman niya ito? Baka mamatay na siya sa kilig o ‘di kaya sa inggit.

Napangiti

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status