Share

Chapter 42

Ang huling punta ko ng dagat ay noong bata pa ako. Buhay pa noon si lola at mayroong pa-swimming ang mayor ng bayan namin. Iyon ang huli. Hindi rin naman kasi ako isinasama noon ni Tiya Chona tuwing may outing sila dahil walang magbabantay sa bahay.

Ginawa pa akong aso. Mabuti pa nga minsan ‘yong aso, isinasama ng may-ari kapag aalis sila dahil wala itong kasama sa bahay.

Kapag naman may outing sa paaralan ay mas pinipili ko na lang na hindi sumama lalo na’t wala din naman akong maibabayad. Hindi din ako papayagan.

Ipinulupot ni Zid ang kan’yang braso sa aking bewang. Hinagkan niya ang aking sintido habang pinagmamasdan namin ang papasibol pa lamang na araw sa Ginana Island. Apat na oras ang naging byahe namin patungo dito.

“Do you like here?” tanong niya. Tumango ako. Iba talaga ang hatid na kapayapaan ng amoy ng dagat at tunog ng alon mula dito.

Isinukbit niya sa aking leeg ang camera na madalas naming gamitin kapag

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status