Share

Kabanata 5

Author: MissLeaf
last update Last Updated: 2025-01-12 15:16:43

"Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan.

Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?"

Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa.

Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan.

Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.

Muli, nagpakita ng simpatiya si Clark. Mabuti na lamang at hindi siya ang panganay, kundi siya ang mapipilitang magpakasal sa tagapagligtas ni lola.

---

Samantala, walang kaalam-alam si Alex tungkol dito. Pagkatapos malaman kung saang palapag matatagpuan ang bago niyang bahay, kinaladkad niya ang kanyang maleta at hinanap ang bago niyang tirahan.

Pagbukas niya ng pinto, pumasok siya sa bahay at napansin niyang napakalaki nito—mas malaki kaysa sa bahay ng kanyang kapatid. Bukod pa rito, napakagarbo rin ng dekorasyon.

Pagkatapos ibaba ang maleta, inikot muna ni Alex ang bahay. Ito na ang magiging tahanan niya mula ngayon.

Mayroong dalawang sala, apat na kwarto, isang kusina, dalawang banyo, at dalawang balkonahe. Malalaki ang bawat espasyo. Tinataya ni Alex na hindi bababa sa 200 metro kuwadrado ang sukat ng bahay.

Kaunti lamang ang mga muwebles. Sa sala, mayroong isang set ng sofa, isang maliit na lamesa, at isang kabinet ng alak. Dalawa lang sa apat na kwarto ang may kama at aparador. Ang natitirang dalawang kwarto ay bakante pa.

Ang master bedroom ay isang suite na may sariling kwarto, maliit na walk-in closet, maliit na study, at banyo. Kahit hinati ang ilang espasyo, napakalaki pa rin ng master bedroom—kasing laki na ng sala.

Tila ito ang teritoryo ni Morgan.

Pumili si Alex na tumira sa isa pang kwarto na may kama, malapit sa balkonahe, may magandang liwanag, at nakahiwalay sa master bedroom ng isa pang kwarto. Sa ganitong paraan, magkakaroon pa rin sila ng sariling pribadong espasyo bilang mag-asawa.

Bagaman may marriage certificate na sila, iniisip ni Alex na kung hindi magpapakita ng intensyon si Morgan para sa isang buhay-mag-asawa, hinding-hindi rin siya magpapasimula ng usapan tungkol dito.

Pagkatapos ipasok ang maleta sa kanyang kwarto, pumunta si Alex sa kusina.

Malinis at maayos ang kusina, ngunit walang anumang kagamitan. May mga balkonahe sa magkabilang gilid.

Dahil walang gamit sa balkonahe, mas lalong lumaking tignan ang espasyo sa buong bahay. Iniisip ni Alex na maganda sigurong magtanim ng mga bulaklak at halaman sa balkonahe, pagkatapos ay bumili ng isang swing chair at ilagay ito roon. Sa mga libreng oras, maaari siyang maupo sa swing chair, magbasa ng libro, at pagmasdan ang mga bulaklak. Napakakumportable nito.

Tila bihira kumain si Morgan sa bahay.

Ngayon na nakalipat na siya, kailangan niyang magluto. Kaya’t nagsimula si Alex sa kusina—bumili siya ng mga gamit sa kusina online. Tungkol naman sa pagtatanim ng mga bulaklak sa balkonahe at pagbili ng iba pang kasangkapan, gusto niyang hintayin muna ang opinyon ni Morgan.

Kahit kasal na sila, bahay pa rin ito ni Morgan. At hindi nawawala ang katotohanang nakikitira lamang siya.

Pagkatapos maglagay ng order para sa mga kagamitan sa kusina, tiningnan ni Alex ang oras at napagtantong kailangan na niyang bumalik sa tindahan upang tumulong.

Kinuha niya ang mga susi at nagmadaling bumaba habang hawak ang kanyang cellphone.

---

Pagbalik niya sa tindahan, saktong uwian ng mga estudyante mula sa eskwelahan.

Nag-aalalang tinanong siya ng kanyang mabuting kaibigan na si Carol "Alex, ano ang ginawa mo kaninang umaga? Bakit parang sa ibang direksyon ka nanggaling?"

"Sobrang madalas mag-away ng ate at bayaw ko kamakailan dahil sa akin. Kaya naisip ko na mabuti nang lumipat ako," sagot ni Alex, habang tumingin sa kanyang kaibigan at kumibit-balikat. "Kaya ayun, lumipat na ako kaninang umaga!"

Naisip ni Carol ang tungkol sa bayaw ng kanyang kaibigan. Napakahirap ilarawan ito, kaya’t napabuntong-hininga siya: "Ang mga lalaki, laging sinasabi, 'Aalagaan kita,' pero kapag dumating na sa puntong kailangang gawin nila iyon, puro reklamo na at pinapagalitan ka nang walang tigil. Kapag nag-asawa ang mga babae, kailangan nilang magsakripisyo para sa pamilya at magtiis ng iba’t ibang maling akala. Napaka-unfair. Sa tingin ko, dapat maghanap ng trabaho ang ate mo! Kailangan nating mga babae na panatilihin ang financial independence sa lahat ng pagkakataon. Kapag may pera tayo, puwede tayong tumayo nang tuwid."

Habang nagsasalita siya, bigla siyang napakunot-noo at medyo nagtatakang nagtanong: "Pumayag ba ang ate mo na lumipat ka?"

"Nag-asawa na ako."

"Ano? Nag-asawa ka? Wala ka namang boyfriend, sino ang pinakasalan mo?" Unang tumango si Carol, pero biglang napatingin siya nang gulat, at tumaas ang kanyang boses.

Alam ni Alex na hindi niya ito maitatago sa kanyang kaibigan, kaya’t napilitan siyang sabihin ang lahat ng totoo.

Matagal siyang tinitigan ni Carol, pagkatapos ay iniunat nito ang kanyang kamay at tinapik ang noo ni Alex. Sinabi niya "Ang tapang mo talaga. Naglakas-loob kang kumuha ng marriage certificate kahit unang beses mo lang siyang makita. Kung talagang wala kang malipatan, puwede kang lumipat sa bahay ko. Marami pa akong bakanteng kwarto. At kung gusto mo lang magpakasal, edi sana iyong pinsan ko nalang!"

Nanlaki ang mga mata ni Alex.

Ngumiti si Alex at nagsabi "May girlfriend na ang pinsan mo, bakit ko siya kailangang piliin? At isa pa, nakuha na ang marriage certificate, huli na para magsisi! Pero kailangan mong itago ito para sa akin, huwag mong ipaalam sa ate ko ang totoo, baka masaktan lang siya."

Walang masabi si Carol.

Talagang napakatapang ng kaibigan niya.

"Sa mga kwento ng iba, ang mga bidang babae bigla na lang napapakasal sa mga bilyonaryo, Alex ang napangasawa mo ba ay isa rin sa kanila?"

Pagkasabi nito, tinapik ni Alex ang kaibigan niya at ngumiti. "Nakikita mo naman ang mga tao sa tindahan natin. Pangarap mo lang 'yan. Akala mo ba napakaraming bilyonaryo sa paligid na madaling mapangasawa?"

Hinawakan ni Carol ang parte kung saan siya tinapik at napagtanto niyang tama ang sinabi ni Alex. Matapos siyang bumuntong-hininga, nagtanong ulit siya, "Nasaan ang bahay na binili ng asawa mo?"

"Sa High View."

"Maganda 'yan. Maayos ang kapaligiran doon, maginhawa ang transportasyon, at hindi malayo sa tindahan natin. Saang kumpanya nagtatrabaho ang asawa mo? Kung nakabili siya ng bahay doon, na isang high-end na komunidad, tiyak na mataas ang kita niya. Magkano ang binabayaran niya buwan-buwan? Kailangan mo bang tumulong magbayad ng mortgage?"

"Alex, kung hihingin niyang tumulong ka sa pagbabayad ng mortgage, kailangan mong ipagpatong ang pangalan mo sa property certificate. Kung hindi, dehado ka. Sa totoo lang, kung hindi maging maganda ang relasyon ninyong dalawa at maghiwalay kayo, ang bahay ay pag-aari niya bago kayo ikasal, at wala kang makukuha kahit kaunti."

Tiningnan ni Alex ang kanyang kaibigan at sinabi, "Pareho kayo ng iniisip ng ate ko. Binili niya ang bahay nang buo, walang kailangang bayarang mortgage. Wala akong ginastos kahit piso, kaya hindi tama na hilingin kong idagdag ang pangalan ko sa titulo."

Sabi ni Carol, "Kung maganda ang relasyon ng mag-asawa, hindi na mahalaga ang mga bagay na ‘yan."

Bigla na lang naalala ni Alex na ang bahay na tinitirhan ng ate niya ngayon ay binili rin ng bayaw niya bago sila ikinasal.

Ang mortgage ng bahay ng ate ni Alex ay binayaran ng kanyang bayaw, ngunit ang lahat ng gastos sa renovation ay mula sa ate niya. Sa kabila nito, hindi pa rin naipapatong ang pangalan ng ate niya sa titulo ng bahay. Naalala ni Alex kung paano laging sinisisi ng bayaw ang ate niya na puro paggastos lang ang alam at wala raw ambag sa pagbuo ng kabuhayan. Dahil dito, nakaramdam siya ng pag-aalala.

Binalak niyang paalalahanan ang ate niya sa susunod na magkaroon siya ng pagkakataon.

---

Hindi isinara ni Alex ang bookstore hanggang alas-onse ng gabi.

Ang bahay ni Carol ay malapit lang sa bookstore, at may mga kamag-anak na nag-imbita sa kanya ng hapunan nang gabing iyon. Kaya’t pinauwi na muna siya ni Alex.

Pagkatapos isara ang pinto ng bookstore, kinuha ni Alex ang susi mula sa kanyang bulsa at naglakad papunta sa kanyang electric bike.

Sumakay siya rito at inabot siya ng mahigit dalawampung minuto bago makarating sa ibaba ng bahay ng kanyang ate. Pagkaparada ng bike, naalala niyang lumipat na pala siya.

Tumingala siya sa palapag kung saan naroon ang bahay ng ate niya at napansin niyang patay na ang mga ilaw doon. Nakaramdam si Alex ng bahagyang lungkot, ngunit hindi na niya ginulo ang pamilya ng ate niya. Bumalik siya sa kanyang electric bike at umalis.

---

Pagbalik niya sa bahay ni Morgan, maghahatinggabi na.

Pagbukas niya ng pinto, madilim ang buong bahay, at walang anumang bakas ng aktibidad o amoy ng nilutong pagkain.

Kumuha siya ng pajama mula sa kanyang maleta, naligo gamit ang mainit na tubig, at nahiga sa kama, lubos na pagod at antok.

---

Samantala, sa VLM Hotel,

Lumabas si Morgan mula sa hotel na pagmamay-ari ng kanyang kumpanya, napapalibutan ng mga bodyguard. Kakatapos lang niyang makipagkasundo sa isang malaking transaksyon sa isang importanteng kliyente, na inarrange niyang manatili sa presidential suite ng hotel.

Naalala niya ang bagong asawa na kanina lang niya nakuha ang marriage certificate. Napagpasyahan niyang umuwi.

"Sir, pupunta po ba tayo sa manor o sa mountaintop villa?"

Ang manor ay ang lumang bahay ng pamilya Villamor, samantalang ang mountaintop villa ay isang malaking villa sa pangalan ni Morgan. Karaniwang sa mountaintop villa siya nakatira mag-isa at paminsan-minsan lang bumabalik sa manor upang kumain kasama ang mga nakatatanda bilang pagpapakita ng kanyang paggalang.

"Pumunta tayo sa High View."
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kristal
susunod na pahina ulit pls
goodnovel comment avatar
jolina sapacan
ano po tittle nito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 593

    Hindi nila nakita si Alex na nakaupo sa cashier counter. Ang nakita lang nila ay ang mga gamit niya sa paghahabi, tahimik na nakapatong sa mesa ng cashier. May ilang patak ng dugo sa ibabaw ng lamesa, at may mga bakas din ng dugo sa gunting.Nasugatan ba si Alex?“Alex.”“Alex.”Tawag nina Carol at

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 592

    “Ano bang ginagawa mo? Ako dapat ang magtanong—ano bang ginagawa mo?”Mas galit pa si Samantha kaysa kay Morgan.Agad na nagpaliwanag si Alex, parang likas na reaksyon, “Samantha, hindi namin sinasadya na itago ito sa’yo. Ngayon ko lang din nalaman ang tunay niyang pagkatao.”Kung alam pa lang niya

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 591

    Tahimik si Alex nang matagal bago siya nagsalita, "Sampung daliri ay magkakaiba ang haba. Kahit na sinasabi nilang parehong laman ang palad at likod ng kamay, may diperensya pa rin sa kapal, at ang laman ng palad ay laging mas makapal."Tinitigan ni Carol ang kaibigan niya nang may awa.Lubos siyang

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 590

    Ang mga kaaway ay wala nang hihigit pa rito.“Manugang, ngayong nandito ka na, dapat kontrolin mo ang asawa mo. Tingnan mo si Alex, hindi marunong gumalang sa matatanda at umunawa sa mas bata. Ang batang hindi nadidisiplina ng mga magulang ay walang pinagaralan. Ikaw ang panganay na anak, siguradong

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 589

    Kung tumanggi si Alex, pupuntahan nila si Morgan at gagawa ng gulo mismo sa pamilya niya. Kahit masama ang relasyon nila kay Alex, pamilya pa rin sila nito. Kahit anong manugang ay mahihiya na magkaroon ng ganoong klaseng mga kamag-anak.Sa simula pa lang, wala namang matibay na pinagmulan si Alex.

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 588

    Ang ginawa ng mga "pinakamagagaling" ng pamilya Galvez sa magkapatid na Alex at Bea ay alam ng buong bansa.Matapos nilang malaman na si Morgan ay si President Villamor, naglakas-loob pa rin silang magyabang. Dapat aminin, makakapal talaga ang mukha ng mga taong ito—sobrang kapal na kahit panukat ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status