"Ate, ikaw na rin ang nagsabi, iyon ay ari-arian niya bago kami ikinasal. Wala akong naibigay kahit isang kusing, kaya ang hingin sa kanya na ilagay rin ang pangalan ko sa titulo ay parang hindi naman tama. Huwag na nating pag-usapan iyon."
Pagkakuha pa lang ng certificate, ibinigay na agad ni Morgan ang susi ng bahay sa kanya, at maaari na siyang lumipat kaagad. Napakalaking tulong na ang masolusyunan ang problema niya sa tirahan.
Hindi niya kailanman hihilingin kay Morgan na idagdag ang pangalan niya sa titulo. Ngunit kung kusa itong gagawin ni Morgan, hindi niya ito tatanggihan. Sa pagiging mag-asawa, desidido na silang magkasama sa buhay.
Sinabi lang iyon ni Bea, ngunit alam niyang ang kapatid niya ay hindi mapaghanap at masyadong ma-prinsipyo. Hindi na siya nagpumilit pa sa isyu.
Matapos ang maraming tanong mula sa kanyang kapatid, sa wakas ay nakalipat si Alex mula sa bahay nito.
Gusto sanang ihatid siya ng kanyang kapatid sa bago nitong tutuluyang bahay, ngunit nagkataon na nagising ang pamangkin niyang si Jack. Pagkagising nito, agad itong umiyak at hinanap ang kanyang ina.
"Ate, alagaan mo nalang muna si Jack. Kaunti lang naman ang gamit ko, kaya ko nang mag-isa."
Kailangan ring pakainin ni Bea ang kanyang anak, at pagkatapos ay maghahanda ng tanghalian. Kung dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho sa tanghali at wala pang nakahandang pagkain, siguradong pagagalitan siya nito sa pagiging mabagal sa gawaing bahay.
Wala siyang magawa kundi sabihin, "Sige, mag-ingat ka sa daan. Kakain ka ba ng tanghalian dito mamaya? Imbitahan mo kaya ang asawa mo?"
"Ate, babalik pa ako sa tindahan sa tanghali, kaya hindi ako makakapunta. Abala rin sa trabaho ang asawa ko. Sabi niya, kailangan niyang mag-business trip mamaya. Baka matagalan pa bago ko siya madala rito para makilala sa inyo."
Bigla niyang naalala na nagsinungaling siya.
Hindi niya talaga kilala si Morgan, ngunit narinig niya mula kay Lola Paula na abala ito sa trabaho. Maaga itong umaalis at gabi na kung bumalik. Minsan ay may mga business trips na inaabot ng sampung araw o kalahating buwan. Hindi niya alam kung kailan ito puwedeng imbitahin, kaya hindi siya nangahas magbigay ng pangako sa kanyang kapatid, baka masira lang ang salita niya.
"Kakakuha n'yo pa lang ng marriage certificate ngayong araw, pero magba-business trip na siya kaagad," puna ni Bea. Ramdam niyang hindi masyadong pabor ang kaniyang ate sa kaniyang asawa.
"Kakakuha pa lang namin ng marriage certificate, pero wala pa kaming kasal. Kung kailangan niyang mag-business trip, hayaan mo siya. Makakagawa pa siya ng mas maraming pera. Marami pang gastusin sa hinaharap. Ate, aalis na ako. Pakainin mo na si Jack."
Kumaway si Alex bilang pamamaalam sa kanyang kapatid at pamangkin, saka kinuha ang kanyang maleta at bumaba ng hagdan.
Alam niya kung nasaan ang High View Village, ngunit hindi pa siya nakapapasok dito.
Tumawag siya ng taxi at dumiretso roon. Pagdating niya, naalala niyang nakalimutan niyang itanong kay Morgan kung saang building mismo at ang palapag ng bahay nito.
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Morgan, ngunit hindi niya alam ang kanyang numero… nalimutan niyang hingin.
Hindi niya ma-contact si Morgan gamit ang tawag. Sakto namang nakita niya ang text ni Morgan kanina lamang. Pinapaalalang nalimutan niyang kunin ang numero niya.
Kaagad niya itong tinawagan.
Nasa meeting naman si Morgan noong mga oras na iyon, at lahat ng nasa conference room ay naka-mute ang kanilang mga telepono. Isa sa kanyang mga mahigpit na patakaran ay bawal ang pagsagot ng personal na tawag habang nasa meeting.
Pati ang kanyang telepono ay naka-mute, ngunit ito ay nasa mesa niya kaya agad niyang nakita ang voice call mula sa di rehistrading numero.
Nang kunin ang numero ni Alex ay nalimutan niya naman itong ilagay sa mismong telepono niya. Dahil hindi niya ito nakilala, agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinanggihan ang tawag nang hindi nag-iisip.
Pagkatapos, diretsahan niyang dinilete si Alex mula sa call history.
Walang kaalam-alam si Alex sa serye ng mga ginawa ni Morgan. Nang makita niyang hindi sinagot ni Morgan ang kanyang voice call, sinubukan niyang magpadala ng mensahe sa halip.
Nag-type siya, "Mr. Morgan Villamor? Nandito na ako sa High View Village, pero hindi ko alam kung anong numero at palapag ang bahay ninyo."
Pagkatapos niyang pindutin ang send, at maghintay ay laking gulat niya ng wala siyang matanggap na mensahe pabalik.
Napatitig siya sa kanyang telepono nang tulala. Binabaan agad siya ng tawag at di manlang sagutin ang text niya.
"Bakit walang reply?"
Bulong ni Alex sa sarili habang sinusubukang alalahanin kung nagkamali ba siya ng tinawagan? Pero may text naman ito sa kaniya.
Sigurado siyang tama ang numerong iyon.
"Nakalimutan ba niyang mag-asawa na kami?"
Sa totoo lang, kung hindi lang siya lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid, malamang makakalimutan din niyang may asawa siya.
Kaya tumawag na lang siya kay Lola Paula. Nang sagutin ni Lola Paula ang tawag, sinabi ni Alex, "Lola, lumipat na po ako mula sa bahay ng kapatid ko at nandito na ako sa High View Village. Pero hindi ko po alam kung saang palapag nakatira si Mr. Morgan—uh— este si Morgan. Lola, alam niyo po ba?"
Sandaling natigilan si Lola Paula, "..."
"Alex, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko ang apo ko ngayon."
Dahil hindi rin alam ni Lola Paula.
Para mapag-aralan si Alex, sinigurado ni Morgan na ipaalam sa kanya na bago lang nabili ang bahay at sasakyan. Ang tanging alam ni Lola Paula ay ang bahay sa High View ay binili ng kanyang apo bago sila magpa rehistro ng kasal.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, ibinaba ni Lola Paula ang tawag kay Alex at agad na tumawag kay Morgan.
Samantala, si Morgan ay dinilete ang bagong numero ng asawa at ibinalik ang kanyang telepono sa mesa upang magpatuloy sa meeting. Hindi pa lumilipas ang tatlong minuto nang muli itong mag-ilaw, at nakita niyang ang tumatawag ay ang kanyang lola.
Nang tumunog ang telepono ni Morgan, wala siyang nagawa kundi sagutin ito.
"Lola, nasa meeting po ako ngayon," sabi niya nang mababa ang boses. "Kung hindi naman po masyadong importante, pwede po ba nating pag-usapan ito pag-uwi ko?"
"Apo, anong gusali at palapag ang bagong apartment na binili mo sa High View Village? Nasa lugar na si Alex pero hindi niya alam kung anong palapag ang bahay ninyo. Hindi mo ba tinext? Sabihin mo na agad sa kanya," sabi ni Lola Paula.
Napataas ang kilay ni Morgan, bigla niyang naalala na ikinasal siya ngayong araw. Pinakasalan niya ang isang babaeng mahal na mahal ng kanyang lola ngunit hindi naman niya kilala. Parang Alex ang pangalan nito. Naalala rin niya na kakadelete lang niya sa numero nito kanina.
"Lola, sabihin mo po sa kanya nasa ikawalong palapag ng Building B, Room 808," sagot niya.
"Sige, Apo. Sasabihin ko na sa kanya. Balik ka na sa trabaho mo," sagot ni Lola, agad na binaba ang tawag para iparating ang impormasyon kay Alex.
Tinitigan ni Morgan ang telepono niya nang sandali, saka nagpasya na itext muli si Alex gamit ang numero nito.
"Pasensya na, nakalimutan kong ikaw pala iyon, nawala sa isip ko." mensahe ni Morgan bilang paghingi ng tawad.
Si Alex ay nakatulong noon kay Lola Paula, dahilan para maging malapit siya sa pamilya ng matanda. Noong una, ang mga anak ni Lola Paula ang nagpasalamat kay Alex. Ngunit si Morgan, na laging abala, ay hindi pa siya personal na nakilala. Kahit madalas banggitin ni Lola Paula si Alex, hindi niya iyon pinansin at hindi ito tumatak sa kanya.
Sumagot si Alex, "Ayos lang. Abala ka naman sa trabaho. Ikaakyat ko na ang mga gamit ko."
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Morgan.
"Isang maleta lang naman ang dala ko. Kaya ko na itong iakyat mag-isa. Pero kung kailangan ko talaga ng tulong, babalik ka ba para tulungan ako?"
"Hindi," sagot ni Morgan nang prangka.
Sobrang dami ng trabaho niya at wala siyang oras para bumalik.
Nagpadala si Alex ng laughing-crying emoji bilang sagot at hindi na muling nag-reply. Natawa na lamang siya sa sagot ni Morgan. Naiintindihan niya ang sitwasyon at piniling huwag na itong istorbohin.
Masaya si Morgan na wala nang abala. Dahil hindi pa sila gaanong magkakilala, pakiramdam niya wala rin naman silang masyadong mapag-uusapan.
Tahimik siyang umaasa na magiging masunurin si Alex bilang asawa at hindi siya iistorbohin para sa maliliit na bagay. Wala siyang sapat na oras para asikasuhin ang mga iyon.
Pagkababa ng telepono sa mesa, tumingala si Morgan at napansin na nakatingin ang lahat sa loob ng meeting room sa kanya.
Hindi nila nakita si Alex na nakaupo sa cashier counter. Ang nakita lang nila ay ang mga gamit niya sa paghahabi, tahimik na nakapatong sa mesa ng cashier. May ilang patak ng dugo sa ibabaw ng lamesa, at may mga bakas din ng dugo sa gunting.Nasugatan ba si Alex?“Alex.”“Alex.”Tawag nina Carol at
“Ano bang ginagawa mo? Ako dapat ang magtanong—ano bang ginagawa mo?”Mas galit pa si Samantha kaysa kay Morgan.Agad na nagpaliwanag si Alex, parang likas na reaksyon, “Samantha, hindi namin sinasadya na itago ito sa’yo. Ngayon ko lang din nalaman ang tunay niyang pagkatao.”Kung alam pa lang niya
Tahimik si Alex nang matagal bago siya nagsalita, "Sampung daliri ay magkakaiba ang haba. Kahit na sinasabi nilang parehong laman ang palad at likod ng kamay, may diperensya pa rin sa kapal, at ang laman ng palad ay laging mas makapal."Tinitigan ni Carol ang kaibigan niya nang may awa.Lubos siyang
Ang mga kaaway ay wala nang hihigit pa rito.“Manugang, ngayong nandito ka na, dapat kontrolin mo ang asawa mo. Tingnan mo si Alex, hindi marunong gumalang sa matatanda at umunawa sa mas bata. Ang batang hindi nadidisiplina ng mga magulang ay walang pinagaralan. Ikaw ang panganay na anak, siguradong
Kung tumanggi si Alex, pupuntahan nila si Morgan at gagawa ng gulo mismo sa pamilya niya. Kahit masama ang relasyon nila kay Alex, pamilya pa rin sila nito. Kahit anong manugang ay mahihiya na magkaroon ng ganoong klaseng mga kamag-anak.Sa simula pa lang, wala namang matibay na pinagmulan si Alex.
Ang ginawa ng mga "pinakamagagaling" ng pamilya Galvez sa magkapatid na Alex at Bea ay alam ng buong bansa.Matapos nilang malaman na si Morgan ay si President Villamor, naglakas-loob pa rin silang magyabang. Dapat aminin, makakapal talaga ang mukha ng mga taong ito—sobrang kapal na kahit panukat ay