LOGINPagkapasok ko sa loob ng mansyon ay agad kong narinig ang masayang tawanan nina Lily at Ezekiel sa labas.Napailing na lamang ako habang pilit na pinipigilan ang ngiting gustong sumilay sa aking mga labi."Makulit talaga," mahina kong bulong sa aking sarili.Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at pumasok din sina Ezekiel at Lily.Nakakarga pa rin kay Ezekiel ang aming anak habang mahigpit itong nakayakap sa kaniyang leeg."Mommy, Daddy said he's going to read me a bedtime story later!" masaya nitong sabi sa akinNapatingin ako kay Ezekiel."Totoo ba 'yon?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.Ngumiti lamang siya bago sumagot. "Promise ko sa anak ko," maikli niyang sagot niya. Napabuntong-hininga na lamang ako bago tumalikod."Sige. Pero pagkatapos niyang makatulog, uuwi ka rin," seryoso kong sabi nang hindi siya nililingon.Hindi siya agad nasumagot sa akin. Nang lingunin ko siya ay nakatitig lamang siya sa akin habang bahagyang nakangiti."Titingnan natin," kalmado niyang
Nang marinig ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ni Riguel, agad niya itong kinapa sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pagkabunot niya rito ay mabilis niyang sinilip ang screen bago bahagyang napatingin sa amin."Sandali lang, sasagutin ko lang ang tawag," paalam ni Riguel bago siya tumayo at dahan-dahang naglakad palabas ng dining room.Tahimik lamang namin siyang pinanood hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng mansyon. Walang ni isa sa amin ang nagsalita at hinayaan na lamang namin siya pagkatapos ay ipinagpatuloy na lang namin ang aming pagkain.Samantala, nanatiling kalmado si Ezekiel habang tahimik na hinihiwa ang pagkain sa kaniyang plato, na para bang wala siyang pakialam sa biglaang paglabas ni Riguel.Marahan kong napatingin kay Erah. Tahimik niyang sinusubuan ng pagkain ang kaniyang anak na si Rebecca.Alam kong sa mga oras na iyon ay nililibang lamang niya ang kaniyang sarili upang maiwasan ang mga posibleng tanong ni Ezekiel.Napailing na lamang ako habang unti-unting na
Tahimik lamang ang buong biyahe. Tanging ang mahinang ugong ng makina ng sasakyan ang maririnig sa loob.Nakasandal lamang ako sa upuan ng backseat habang nakatanaw sa bintana. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa harapan kung saan magkatabing nakaupo sina Ezekiel at Erah.Tahimik lamang si Ezekiel habang nakatutok sa pagmamaneho. Gaya ng dati ay hindi mababakas sa kaniyang mukha ang anumang emosyon.Samantalang si Erah naman ay halatang hindi mapakali. Ilang beses ko siyang nakitang palihim na napapatingin sa side mirror na para bang sinusubaybayan niya ang sasakyang minamaneho ni Riguel na nakasunod lamang sa amin.Bahagya akong napangiti. Mukhang kinakabahan ka na, Erah. Bulong ko sa aking sarili. Sa totoo lang ay matagal ko nang nahulaan ang plano ni Ezekiel. Hindi niya kami iimbitahan sa mansyon nang walang dahilan. Kilalang-kilala ko siya. Hindi siya ang tipo ng taong gumagawa ng hakbang na walang malinaw na layunin.At kung tama ang hinala ko...Gusto niyang pagsamahin sina
Saglit na natahimik ang buong venue matapos kong ipakilala ang aking sarili.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ng bawat isa habang hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang narinig.Bahagya akong ngumiti bago marahang inilapit ang mikropono sa aking bibig."Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo sa event na ito," kalmado at propesyonal kong saad."Sa loob ng maraming taon ay pinili kong manatiling nasa likod ng mga proyektong aking binuo. Hindi ako naniniwala na ang tagumpay ay nasusukat sa kasikatan ng isang pangalan, kundi sa kalidad ng trabahong naiiwan nito."Sandali akong tumigil at pinasadahan ng tingin ang buong venue."Ngayon, narito ako hindi para patunayan ang aking sarili sa kahit kanino, kundi upang simulan ang isang bagong yugto ng pakikipagtulungan sa inyong lahat."Bahagya akong ngumiti."Sana ay maging matagumpay ang collaboration na ito at makalikha tayo ng mga teknolohiyang makatutulong hindi lamang sa ating mga kumpanya, kundi maging s
Vhianne's POV"Good afternoon, Mr. Ezekiel," seryoso kong saad sa kanila habang nakatalikod at busy sa paguusap. Nangmarinig nila ang boses ko ay sabay-sabay silang napalingon sa direksiyon ko at ggad na nagtama ang aming mga mata ni Erah. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata at kitang-kita ang pagkabigla sa kaniyang mukha."I-Ikaw?!" gulat niyang saad habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.Mula sa pagkagulat ay mabilis na napalitan ng matinding inis ang kaniyang ekspresyon."Hindi ba pinagbawalan ka na na huwag magpakita rito? Ang kapal talaga ng mukha mo!" Galit niyang sigaw sa akin. Nang marinig ko ang sinabi niya, gaya ng inaasahan ko ay bahagya lamang akong napangiti habang nananatiling kalmado ang aking mukha."I'm not here para maghanap ng gulo, Erah," malamig at matalim kong saad sa kaniya habang diretsong nakatingin sa nga mata niya. Nang marinig ito Ni Erah ay mas nanlaki ang mga maya niya dahil sa mga sinabi ko pero hindi ko lamang ito pinansin at agad na inal
Ezekiel's POVNasa opisina ako habang tahimik na nakaupo sa aking swivel chair habang nakatanaw sa malawak na bintana. Mula roon ay tanaw ko ang abalang lungsod sa ibaba, ngunit wala roon ang aking atensyon nakatuon lamang ang isip ko sa event na gaganapin mamaya.Mayroon na lamang isang oras bago magsimula ang event na matagal naming pinaghandaan. Nakalatag sa mesa ko ang ilang dokumento tungkol sa collaboration, ngunit kabisado ko na ang lahat ng detalye kaya hindi ko na iyon gaanong pinapansin.Maya-maya pa ay may marahang kumatok sa pintuan ng aking opisina koNapakunot naman ang aking noo ng marinig ko ito. "Come in," malamig kong saad.Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin harapan si Erah na may matamis na ngiti sa kaniyang labi."Babe..." saad niya habang papasok sa loob ng opisina. Malamig at kalmado lamang ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin pagkatapos ay huminto siya sa harapan ng mesa ko bago muling nagsalita."Excit
"Gulat ko siyang hinarap. 'What are you doing here, Riguel?'" saad ko sa kaniya."Ohh, relax lang, Ezekiel, para kang nakakita ng isang multo," tugon niya sa akin.magsasalita na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Ahhhhh! sabay hawak sa aking ulo. What's wrong with me, and pagkatapos ay may mg
"Agad na nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko.""Oh my gosh… I'm so sorry, Uncle Emilio; I didn't mean it," Saad ko sa kaniya. "Ayus lang Vhianne, hanggang ngayon ay hindi pa din niya ako nakikilala; nakikisama lamang siya sa akin dahil kay Ele. Let's eat, Vhianne," saad niya sa akin. "Kakata
"Goshhh!" Reaksyon ko ng makita ko ang aking sarili sa salamin. "Kailangan ko na atang mag diet!" Bulong ko sa aking sarili habang dismayado na pinipisil ang taba sa aking tiyan.Pagkatapos ay dumeretso ako sa walk-in closet at hinalungkat ko ang mga damit doon.Nasaan na kaya iyong leggings ko at
Pag dating ni Kiro sa harap ng pinto, binuksan niya ito kaagad, habang ako ay seryoso na nakatitig sa kaniya. "Putangina, doon kayo manggulo sa iba, wag dito, pisting mga spoiled brat," galit na sigaw ni Kiro.Nagulat naman ako kaagad dahil sa ginawa ni Kiro. "What happened Kiro,...Sino iyon?" "







