LOGINNang malaman niyang niloloko siya ng kanyang asawa, hindi na siya nagsayang pa ng oras na iwan ito! Kaya magiging asong hahabulin siya ng kanyang ex-husband!
View MoreELYRIAKINABUKASAN, maaga akong nagising kahit pakiramdam ko ay halos wala akong tulog. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame bago ko tuluyang naalala ang nangyari sa ospital. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako sa study room dahil sinabi ng family lawyer namin na kailangan naming ayusin ang mga dokumento ni Daddy bago magsimula ang funeral arrangements.Pagpasok ko sa study room, nakita ko agad ang ilang folder na nakapatong sa malaking mesa. Naroon na ang family lawyer namin kasama ang dalawang legal staff ng Ashbourne Group."Good morning, Miss Elyria. Alam kong napakabigat ng sitwasyon ninyo ngayon, pero kailangan nating ayusin ang ilang dokumento dahil bilang nag-iisang anak ni Mr. Ashbourne, kayo ang magiging legal successor ng ilang personal at corporate interests na naiwan niya."Umupo ako sa tapat niya at tumingin sa mga folder. "Alam kong kailangan kong gawin iyon, Attorney, pero gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin ang bawat dokumento bago ako p
STEVEN NANLAKI ang mga mata ko sa sinabi niya.Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa monitor dahil nakatingin ako sa kanya.“Steven, alam kong hindi na ako magtatagal. Ano mang oras, puwede na akong mawala.”"Sir, huwag po kayong magsalita ng ganoon. Magpapahinga muna kayo at gagaling kayo. Kapag naging stable na kayo, kayo mismo ang kakausap sa board at tutulungan ninyo si Elyria na ayusin ang kumpanya."Hindi na siya sumagot nang muli siyang pumikit. Napansin kong hindi na gumagalaw ang dibdib niya gaya kanina."Sir?"Tiningnan ko ang monitor. Biglang naging tuloy-tuloy ang tunog nito at nagkaroon na ng flat line. Tumayo ako agad at pinindot ang call button."Nurse!"Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse. Kasunod nila ang doktor."Step outside, Mr. Laurent."Lumabas ako ngunit nanatili ako malapit sa pintuan. Naririnig ko ang mga utos ng doktor habang sinusubukan nilang i-revive si Adrian."Start CPR.""Prepare the medication.""Again."Hindi ako makagalaw hab
STEVENPAGKARATING namin sa ospital, diretso kami ni Elyria sa ICU. Halata sa mukha niya ang pagod dahil ilang araw na siyang halos walang maayos na tulog. Kanina pa siya nakikipag-usap sa board at alam kong hindi naging madali para sa kanya ang buong meeting dahil bukod sa problema ng kumpanya, iniisip din niya ang kalagayan ng Daddy niya.Pagdating namin sa hallway ng ICU, agad siyang tumingin sa loob ng kuwarto ni Adrian."Pwede ba akong pumasok?""Tatanungin natin ang nurse, pero bago iyon, kumain ka muna."Napatingin siya sa akin."Steven, hindi ako gutom.""Alam kong hindi mo nararamdaman na gutom ka, pero buong araw ka ng halos walang kinakain. Kanina sa conference room, ilang oras kang nakaupo at nakikipagtalo sa board. Hindi mo puwedeng ipilit ang sarili mo hanggang sa ikaw naman ang bumagsak.""Marami pa akong kailangang gawin.""Alam ko, pero hindi mawawala ang mga problema ng Ashbourne dahil lang kumain ka ng ilang minuto. Mas kailangan mong may lakas ka dahil mas marami k
ELYRIA"Wala ka namang magagawa,” nakangising sabi ni Damian.Mabilis akong tumayo."Huwag kang masyadong kampante.""Ano ang gagawin mo? Tatanggalin mo ako? Kailangan mo muna ng board approval. Babaligtarin mo ang resolution? Kailangan mo ulit silang kumbinsihin. Maghahanap ka ng bagong investors? Samantalang ako, may existing investors na handang sumuporta sa akin. Gusto mong harapin ako ngayon habang nasa ICU ang Daddy mo at ikaw pa mismo ang kailangang mag-asikaso ng kumpanya?""Kumpanya ng Daddy ko ito.""Sa ngayon.""At hindi ito magiging iyo."Muli siyang ngumisi."Ang gusto ko sa iyo, Elyria, matapang ka pa rin kahit alam mong wala ka nang sapat na resources para labanan ako. Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita mamadaliin. Mas gusto kong makita kung gaano katagal mong kayang lumaban bago mo tanggapin na hindi mo na kayang iligtas ang kumpanya.""Hindi ako susuko.""Sinabi mo na iyan.""At uulitin ko hanggang marinig mo.""Ulitin mo kahit ilang beses. Hindi naman mababago ng












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews