Share

Chapter 6: Hanz and Nikita

NIKITA

"Naubos ko nalang 'tong cookies ko hindi pa rin nagpaparamdam sa 'kin 'yung Panot na 'yun." Sambit ko sabay dukot sa lalagyanan ko ng cookies. Gusto ko rin sana ng matcha milktea kaso wala na 'kong pera.

Saan na kasi 'yung isang 'yun? Hanggang ngayon wala pa ring paramdam. Tumingin ulit ako sa pinto at sa cellphone ko, ni tawag o text ay wala man lang.

Sabi na nga ba't may problema ang Panot na Wizard na Iyakin na Baklang 'yun.

Pangatlong araw na kasi simula noong huling nagkita kami. Chinachat ko nga, hindi naman nagrereply. Noong hinatid niya kasi ako, parang iba ang mood niya. Parang malalim ang iniisip, parang may problema. Tapos sinusubukan ko siyang kausapin sa text at sa chat, hindi man lang nagrereply. Nag-aalala tuloy ako.

Nang tumunog ang doorbell ay bigla akong napahinto sa pagnguya. Napatingin agad ako sa pinto namin at dali-daling tumayo para tingnan kung sino 'yung nag-doorbell, baka si Panot na 'yun.

"Witch na Buntis!" Sigaw niya agad pagkapasok sabay yakap sa '
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status