LOGIN"D-Darius... hindi mo naman kailangang bigyan ako ng..."Hindi natapos ni Scarlett ang sasabihin niya nang yumuko si Darius. Hinapit nito ang bewang niya at siniil siya ng halik. His lower lip was caught gently between hers, tugged just a little before she released it, inviting him closer. He responded by pressing back, lips moving in an unhurried rhythm, fitting against hers as if they already knew the shape."I wanted to give you everything, Scarlett," mahinang sambit ni Darius matapos bitawan ang labi ni Scarlett. "Alam kong hindi ka hihingi ng kahit ano, pero hayaan mo akong ibigay sa’yo ang mga bagay na kaya ko namang ibigay."Ngumiti si Scarlett at tinanggap ang susi ng sasakyan. Isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ni Darius at niyakap ito. Hinagod naman ni Darius ang buhok niya. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto."Tatapusin ko muna ang hinuhugasan ko, tapos matutulog na tayo, hmm?"Tumango si Scarlett.Pagbalik ni Darius sa lababo ay kinuha ni Scarlett ang fol
Nakatunghay si Scarlett mula sa countertop habang nakatalikod si Darius, nakasuot ng apron at abala sa pagluluto. Iyon ang unang beses na makakatikim siya ng luto ni Darius. Ni hindi niya nga alam kung marunong ba talaga si Darius magluto dahil kanina pa ito naroon sa harapan ng stove."I'm hungry," reklamo ni Scarlett, nakanguso pa. "Matagal pa ba ’yan?"Mahinang natawa si Darius at bahagya siyang nilingon. "One minute to go, love. Matatapos na rin ito. Can you please set up the table?"At ginawa naman ni Scarlett iyon. Naglagay siya ng placemat sa magkaharap na upuan, nagpatong ng dalawang plato at iba pang utensils. Sakto namang matapos niyang i-set up ang table, natapos na rin si Darius.Paglapag ng putahe sa lamesa ay pumasok sa ilong ni Scarlett ang aroma ng manok. Hindi niya maiwasang mapangiti at namnamin ang amoy noon."What dish is this?" natatakam niyang tanong.Tumingin si Darius sa kanya na nakataas ang sulok ng labi, tila ba proud sa naging resulta ng niluto. "That is ch
"Don Anton, nasa labas si Devine Saroza," anunsyo ng butler sa ama ni Darius.Napahinto sa pagbabasa ng libro ang matanda, inalis ang salamin sa mata at saka dahan-dahang nag-angat ng tingin sa pintuan na nakabukas."Hatinggabi na. Anong ginagawa niya rito?" curious na tanong ni Don Anton. "Hinahanap niya ba si Darius?"Mabilis na umiling ang butler. "Kayo raw nina Ma'am Magdalene at Sir Tobias ang sadya niya rito. Lasing na lasing din siya."Nangunot ang noo ng matanda. Tumayo ito sa upuan bago inayos ang pantulog na bahagyang nagusot. Sumenyas naman siya sa butler na mauna na ito kaya isinarado na nito ang pintuan.Dinampot ni Don Anton ang kanyang tungkod at muling isinuot ang salamin. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang elevator."Dad..." tawag ni Magdalene para humabol papasok sa loob. "Nariyan daw si Devine sa labas? Bakit niya tayo gustong makausap? Anong nangyayari?"Hindi sumagot si Don Anton sa tanong ng anak. Wal
Mula sa terrace ng kabilang villa ay kitang-kita ni Alfonso ang pangyayari sa villa ni Darius. Hindi man niya naririnig ang kaganapan doon, alam niyang nagmamakaawa si Devine kay Darius.Tinungga niya ang beer mula sa bote at mariing ikinuyom ang mga kamao. Noong una ay akala niya ay humahanga lang siya sa galing at talino ni Scarlett. Hindi niya namalayan na tuluyan na niya pala itong nagugustuhan. He planned to admit his feelings towards her, pero hindi niya alam na may namamagitan na pala kina Darius at Scarlett. He likes her a lot. At ngayon, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa nararamdaman niya. Ayaw niya iyong alisin. Ang gusto niya ay gustuhin din siya pabalik ni Scarlett.Aamin na sana siya ngayong dinner na plinano niya. Pero bigla na lamang sumulpot si Darius at inangkin si Scarlett sa mismong harapan niya. Ang nakakainis pa roon, wala man lang siyang nakitang pagprotesta sa mga mata ni Scarlett, para bang kinilig pa ito at nagustuhan ang ginawa ni Darius."Sir..." tawag
Malakas na tumawa si Devine, tumingala habang hawak-hawak ang sariling buhok. Dumadagundong ang boses nito sa buong parking, humahalo sa malamig na hangin, parang tuluyan nang nawalan ng katinuan.Maya-maya ay may tumulo na naman na luha sa mga mata nito. Bigla itong huminto sa pagtawa at saka mariing tinapunan ng tingin si Scarlett. Ang mga mata nito ay puno ng galit at paninisi, para bang doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.“Ikaw... ikaw pala,” nanginginig ang boses ni Devine. “Ikaw ang babae... sa hotel. Ang kapal ng mukha mo, Scarlett. Akala mo kung sino kang santasantita, pero malandi ka. Isa kang malandi. May asawa ka, kasal ka, at nagagawa mo pang sumiping sa ibang lalaki!”Bago pa makapagsalita si Scarlett, biglang sumugod si Devine. Diretso itong tumakbo patungo kay Scarlett, nakataas ang kamay na para bang sasampalin o sasakalin, wala nang iniisip kundi ang galit.“Devine!” sigaw ni Darius.Mabilis na humarang si Darius sa harap ni Scarlett. Isang malakas na tu
Kinuwelyuhan ni Darius ang pulis na nag-interrogate kay Scarlett kanina. Kitang-kita sa mga mata nito ang galit at pagpipigil na huwag ito suntukin."You are all fùcking stupid!" dumagundong ang sigaw ni Darius sa buong istasyon. Walang pulis ang nakapagsalita. Lahat ay natahimik sa isang tabi, para bang mga tuta."This is a dàmn police station at sasabihin niyong sira ang CCTV niyo? Ano ang silbi niyo sa mga tao kung ganoon?!" Mas diniinan pa ni Darius ang pagkakawak sa kuwelyo. Kulang na lang ay masakal ang pulis. "And you have the guts to question her being involved in her friend's deàth? The fùck, she's the real suspect's target!"Sunod-sunod ang paglunok ni Scarlett. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya sa takot kanina. Kung nahuli si Darius ng paghila sa kanya ng ilang segundo lang, baka nasagasaan na siya ng sasakyang iyon.Pasimple niyang hinaplos ang tiyan niya sa ilalim ng upuan. Muntik na may mangyaring masama sa kanila ng baby niya. This is serious. Ku







