THREATS indicated deep fears. Halos matuod ako sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang malamig na pagbabanta ni Orion kay Dra. Sophia habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Dra. Sophia para hindi ako nito masaktan. “Who the f*ck do you think you were, ha? Bitawan mo nga akong buwiset ka! Kilala mo ba kung sino ako? Baka gusto mong pabagsakin kita at tignan lang natin kung saan pupulutin ang kayabangan mo!” asik ni Dra. Sophia.Hindi masyadong makalakad nang maayos si Dr. TJ na panay ang pagwasiwas ng mga kamay na parang kinakapkap kung saan ba siya pupunta. “F*ck! Don’t you dare hurt Sophia! Pumili ka ng kalaban at huwag kang pumatol sa babae! Ako ang kalabanin mong gago ka! Bitawan mo siya!”Panay ang pagpalag ni Dra. Sophia para makaalis siya mula sa pagkakahawak ni Orion ngunit wala namang nangyayari. “Ano ba! Bitawan mo nga ako! Teka nga, bakit mo ako pinagbabantaan, ha? Isa ka rin ba sa lalaking naging biktima ng babaeng oportunista na iyan? Sumagot ka kapag kinakausap kit
LIFE WASN’T PERFECT, but it had perfect moments. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Bumaliktad ang lahat at alam na ng lahat ang katotohanan. Lutang na lutang pa rin ako sa nangyari. Ngunit wala naman akong magagawa lalo na’t gusto na ng mga anak kong triplets na sumama kay Orion dahil nararamdaman nilang gustong bumawi ng kanilang ama sa kanila. Si Dra. Sophia naman ay umalis na habang hiyang-hiya sa kaniyang ipinaggagawa. Takot na takot din siya habang panay ang paghingi ng tawad sa akin pati na rin sa aking mga anak na triplets. “Kate,” pagtawag sa akin ni Dr. TJ. Napalingon naman ako sa kaniya habang inaayos ko ang gamit namin nina Hunter, Ravi at Stella Diana at ipinapasok iyon sa loob ng travelling bag. Sinabihan ako ni Orion na aalis na kami. Aalma sana ako ngunit umiiyak sina Ravi at Stella Diana habang si Hunter naman ay tahimik lamang at nakikiramdam lang sa mga nangyayari. Medyo aloof pa siya at ayaw ko naman pilitin dahil kilala k
THE REVELATION of the truth would definitely change everything. Sobrang nag-enjoy sina Hunter, Ravi at Stella Diana. Sa una ay medyo nahihiya pa si Hunter pero kalaunan ay nakikipagkulitan na siya kasama si Orion. Hindi ko napigilang ngumiti dahil nakikita kong nagkakaro’n ng mga pagkakataon sila na makasama ang kanilang ama. Sa buong durasyon na namasyal kami sa Hong Kong Disneyland ay masasabi kong napaka-magical lalo na’t daig ko pa ang bumalik mula sa aking pagkabata. Hindi ko naman kasi naranasan ang ganito at kuntento na rin ako sa mga simpleng bagay. Hanggang perya nga lang ang kaya ng aking budget at hindi ko rin aakalain na makararating ako nang walang kahirap-hirap sa Hong Kong Disneyland nang dahil kay Orion. Sadya talagang makapangyarihan si Orion at hindi basta-bastang tao. Binibili niya ang lahat ng mga gusto ng triplets at parang balewala sa kaniya iyon. Halos malula naman ako sa presyo sa tuwing nahahagip ng aking tingin ang price tag. Medyo na-i-intimidate nga ako
I’M NOT MARRIED TO HIM. He wasn’t my boyfriend too, but we would together from now on. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako mula sa nalaman kong rebelasyon tungkol sa pagiging secret baby maker ko ni Orion, ang kaniyang totoong katauhan na isa siyang Mafia Lord ng Dio del Sole Clan at pati na rin ang paglipat namin ng tirahan sa kaniyang puder. Kung nasaan makakasama namin ang kaniyang asawa na si Venus. Marami pa akong gustong itanong sa kaniya ngunit sinugurado niya na siya na ang bahala sa lahat. Medyo natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga bata kapag nalaman nila ang tungkol sa asawa ng kanilang ama. Alam kong masyadong komplikado ang lahat pero alam kong kapag nasa wastong gulang na sila ay mas maiintindihan nila ang lahat. “Mama, ni-panaginip ko po si Ate Juice. Ni-iyak daw po siya,” pagkukuwento ni Ravi habang pinapakain ko sila ng kanilang meryenda. Kasalukuyan kasi kaming pauwi ng Pilipinas. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata sa mga anak kong triplets dahil a
DON’T YOU DARE to messed up and oppose the Mafia Lord’s order or else blood and death would be next. Hindi ako mapakali sa totoo lang habang pinapatulog ang mga anak kong triplets sa kama. Masaya sila at napagod sa kalalaro pati na rin sa pakikipagkulitan kay Orion habang si Venus na panay ang pagmamasid. Sa tuwing babaling ako ng tingin sa kaniya ay kitang-kita ko ang iritasyon at galit do’n ngunit hindi naman niya ako sinasaktan. Ang ganda-ganda at ang lawak ng silid na ito at sumisigaw talaga ang karangyaan. Huminga ako nang malalim dahil talagang hindi ko na mapipigilan ang tadhana. Ang mga anak kong triplets ay ang mga anak ng Mafia Lord. Hindi ko alam kung ano ba iyon pero pakiramdam ko ay kamatayan ang nakakabit sa kapangyarihang iyon. Hinihiling ko na lang talaga na kapag nasa wastong edad na sina Hunter, Ravi at Stella Diana ay hindi sila malagay sa peligro dahil hindi ko kakayanin oras na mayro’ng mangyaring masama sa kanila. Dahan-dahan akong umalis sa ibabaw ng kama at
AT THE END OF THE WAR, there would be blood and death. Tahimik ngunit matalim ang tingin ni Venus sa amin ng mga triplets na inaasikaso ni Orion. Nahihiya nga ako dahil imbes na siya ang bigyang pansin ni Orion ay kami pa ng mga bata ang pinaglalaanan niya ng oras. Pagkatapos no’ng aking nasaksihan sa silid ni Orion ay nalaman ko rin ang hinanakit ni Venus. Mayro’n naman talaga siyang karapatan na magalit sa akin lalo na’t bigla na lang akong sumulpot sa buhay nila at sinira ko pa ang kanilang pagsasama. Mayro’n din naman na nagkakatuluyan sa arranged marriage kagaya ng mga napapanood ko na palabas at babasahin sa mga romance novels. Matutunan din naman ni Orion na mahalin pabalik si Venus. Ngunit nang nagkaro’n na ng resulta ang DNA tests results ay nagbago ang lahat. Ang bilis makuha ang resulta lalo na’t mayaman si Orion at puro mga eksperto ang kaniyang mga kinuha para dito. Naalala ko kung paano mamutla at magunaw ang mundo ni Venus nang nakita niya ang mga resulta at iisa
PEOPLE who made no noise were indeed dangerous. Gulat na gulat ako nang biglang tumakbo papunta sa aking harapan si Jossel. Lalabas kasi ako para pumunta sa playground o hindi kaya sa training ground sa labas dahil paniguradong dinala ni Orion ang mga bata ro’n. Ngunit hindi ko inakalang masosorpresa ako sa biglang pagdating ni Jossel. Patalon-talon siya habang yakap-yakap ako. “Grabe! Hindi ko kaya ang katahimikan at kalungkutan sa lungga ni Dr. TJ. Miss na miss ko kayo ng mga tiyanak, Kate! Happy na happy na akong makarating dito. Nang inalok agad ako ng poging tumuhog sa iyo ay nagpakipot muna ako ng one minute bago ako pumayag,” bulalas ni Jossel. Hindi ko napigilang ngumiti dahil talagang tinototoo ni Orion ang kaniyang pangako kina Hunter, Ravi at Stella Diana na dalhin si Jossel dito. Lagi kasing ikinukuwento ng mga bata na miss na miss na nila si Jossel. “Sobrang nagulat ako nang biglang sinundo ako ng mga poging men in black sa bahay ni Dr. TJ at inabutan ako ng high-tec
BETTER to get hurt by the truth than comforted with lies and secrets. Nanlaki ang mga mata ni Jossel habang nakahawak siya sa kaniyang dibdib nang sabihin ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Venus.“Ano? Asawa siya ng poging nakatuhog sa iyo noon? Teka, paano nangyari iyon? At saka bakit ka naman pumayag na tumira dito kasama ang babaeng iyon?” gulat na gulat na bulalas ni Jossel Huminga ako nang malalim at nilaro ang aking mga daliri sa kamay na nakapatong sa aking mga hita. “Oo, asawa ni Orion si Venus.”Napahilamos naman ng palad siya sa mukha. “At pumayag ka na mayro’ng mangyari sa iyon noon? Aba! Nagpatuhog ka pa talaga sa lalaking mayro’n nang asawa!” “Actually, hindi ko alam na mayro’n nang asawa si Orion noon. . . Dahil gipit na gipit ako noon at wala akong ibang malalapitan para sa pagpapagamot ni Mama dahil sa biglaang aksidente na nangyari sa kaniya ay kuampit ako sa patalim. Nagtungo ako sa Goddess of Pleasure para ibenta ang sarili ko at si Orion ang nak