Share

Chapter 7: From Whom?

SA sumunod na mga linggo ay ang tanging gumigising sa akin sa walang pinipiling oras ay ang pagsusuka at paglalaway sa kung anumang maisip na nakakatakam o kaya naman dahil sa bidyong napapanood sa YouTube. Katulad na lamang ngayon, alas dose y medya nandito ako sa kusina, nagluluto ng tortang talong.

"Diyos kong bata ka! Bakit ka nandito nang madaling araw!" Gulantang na wika ni Manang Lori, ang matagal ng kasambahay nila Vivorie. Magulo pa ang kanyang buhok at papikit-pikit pa ito kaninang naglalakad ngunit halos lumuwa ang mata at nawala na parang bula ang kaantukan nang makita ako. "Kung gutom ka pala ay sana'y nanggising ka ng kasambahay!"

Ngumiti ako sa kanya bago binaliktad ang niluluto, mas lalong natakam sa Amoy. "Ayos lang po ako, Manang! Huwag na po kayo masiyadong mai-stress, sayang ho ang skincare!" Biro ko. "'tsaka, katatapos ko lang pong sumuka at bigla po akong natakam sa tortang talong kaya nagluto na lang po ako, ayaw ko namang mang-istorbo dahil lamang dito..."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status