MasukMAS maraming bisita ang nasa burol ng ina ni Noah kaysa nitong mga nakaraan. Ito na kasi ang huling araw nito bago i-cremate bukas at dalhin sa huli nitong hantungan. Magkahiwalay sila ng upuan ni Lindy dahil may mga kinakausap siyang bisita niya tungkol sa negosyo. Idagdag pa na may mangilan-ngilang nakiki-usyoso tungkol sa flood control project na kinasangkutan ng kanyang tiyuhin na nakapangalan sa kanyang kumpanya.Isa pa iyon sa kailangan niyang ayusin ngunit dahil nga nagsunod-sunod ang problema niya ay hindi niya pa ito naasikaso. Napa buntong hininga na lang siya. Maging ang tungkol sa pagkawala ni Kath ay wala pa ring lead hanggang ngayon. Hindi rin siya mapakali sa totoo lang hanggat hindi pa ito nahahanap ngunit maging siya ay wala namang alam na maitutulong sa kaso.Napalingon siya sa kinaroroonan ni Lindy. Nakikipag-usap ito sa ilang asawa ng mga kausap niya at mukha naman itong masaya. Biglang pumasok sa isip niya ang mga kakaibang ikinikilos nito nitong mga nakaraang ar
WALANG ideya si Kath kung ilang oras ng tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang katawan ay nakahiga sa malamig na sahig, walang sapin at wala man lang kumot. Ngunit wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi niya alam ngunit bigla na lang tumibok ang puso niya na para bang kinakabahan siya na hindi niya mawari. Hindi niya alam kung bakit.Oo nga at nanghihina ang kanyang katawan ngunit hindi naman mapayapa ang kanyang isip. Idagdag pa na kanina pa bumabagsak ang talukap ng kanyang mga mata, antok na antok na siya at pagod na pagod na ngunit ayaw niyang matulog dahil baka pagpikit ng kanyang mga mata ay hindi na niya ito muling maimulat pa.Pagkatapos siyang piliting kumain ng panis na pagkain kanina ng isa sa mga lalaking dumukot sa kaniya ay naisuka niya rin. Inilabas niya ang lahat ng kinain niya. Sobrang sakit din ng ulo niya idagdag pa na nanlalagkit na siya. Natapunan din siya ng kanyang suka kanina. Pinipilit niyang maging malakas dahil umaasa si
HINDI sumabay si Lindy kay Noah sa pagpunta sa burol ng ina nito. May naisip na naman kasi siyang plano. Labag sa kalooban niya na nasa bahay nila ang tatlong bastardo nito kaya hindi lang siya basta uupo sa isang tabi at hahayaan lang ang mga ito. Hinanap niya ang tagapag-alaga ni ALexa. Limampung libong piso ang inabot niya rito.Namilog ang mga mata nito dahil sa matinding gulat. “Ma-ma’am, ano po ito? Bakit po binibigyan niyo ako ng pera?” puno ng pagtatakang tanong nito sa kaniya.Ngumiti siya rito. “Well, may isang bagay lang akong gustong iutos sayo. Gusto ko na umalis ka muna rito sa bahay isama mo si Alexa. Umuwi ka sa inyo kung kinakailangan.” sabi niya at muling naglabas ng pera mula sa kanyang bag at muling ibinigay rito. “Gusto kong ibigay mo yan sa guard. Pati siya ay paalisin mo muna tutal ay wala naman siyang kailangang bantayan dito sa bahay.” sabi niya rito habang nakangiti.Napuno naman ng pag-aalinlangan ang mukha ng kasambahay. “Pero ma’am, paano po ang mga anak n
“Wala pa rin po bang balita?” tanong ni Noah kay Silvia. Kinuha niya ang number nito kanina para kung gusto niyang tumawag dito at makibalita ay magagawa niya. Hapon na noong mga oras na iyon at pagabi na kaya naroon na naman siya sa burol ng kanyang ina. Iyon na ang huling araw ng burol nito dahil bukas ay ihahatid na nila ito sa huling hantungan nito.Ang kanyang mga anak ay iniwan niya muna sa bahay nila dahil ayaw niya naman na mapuyat ang mga ito. Bukas niya na lang isasama ang mga ito sa libing ng kanyang ina. Narinig niya ang paghugot nito ng mahabang buntong hininga mula sa kabilang linya. “Wala pa rin silang lead hanggang ngayon. Walang plaka ang sinakyan nilang pinangdukot kay Kath at bukod pa doon ay hindi dumaan ang mga ito sa mga highway na para bang alam nila na may mga cctv doon kaya sa ibang daan sila dumaan.” sabi nito sa kaniya.Kaagad siyang napapikit ng mariin at napatagis ng kanyang mga bagang. Idagdag pa na bukas pagkatapos naman ng libing ng kanyang ina ay kail
“What?” hindi makapaniwalang napatitig si Lindy sa lalaking nakatayo sa harap niya. Ito ang unang beses niyang narinig ang bagay na iyon pagkatapos ng ilang taon nila bilang mag-asawa at pre-nup? Wala siyang pinirmahang ganun. Umiling siya at naningkita ang mga mata. “Don’t joke Noah.” matigas na sabi niya. “Asawa mo ako kaya irespeto mo ang desisyon ko at—”“Hell, no!” sagot nito sa kaniya. “Wala kang karapatan na pigilan akong iuwi dito ang mga anak ko.” mariin din nitong sagot sa kaniya at ipinagdiinan pa ang mga huling salita. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya akalain na magdedesisyon itong iuwi doon ang mga anak nito galing sa babaeng iyon.“So, ipipilit mo ang gusto mo?” walang ekspresyon ang mukha niyang tanong dito.Sinalubong nito ang kanyang mga mata. “Yes, at wala kang magagawa tungkol dito.” sagot nito sa kaniya dahilan para mapamura na lang siya ng wala sa oras at lumabas dala ang kanyang cellphone. Kailangan niyang masiguro ang sinasabi nitong pumirma siyang pr
MABILIS na dumating si Noah sa bahay nila Kath. kaagad siyang nag-doorbell at hindi nagtagal ay bumukas ang gate. Pinagbuksan siya ng isang nasa mid-fifties ng babae ngunit hindi naman ito ang ina ni Kath at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kaibigan ng Mommy ni Kath.Tumaas ang kilay nito. “Yes?” tanong nito sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti. “Uhm ako po si Noah at—” ngunit bago pa man siya matapos sa kanyang sinasabi ay mabilis siyang pinutol nito. “Kilala kita peroa anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kaniya. Walang ekspresyon ang mukha.“Well, uhm nandito po ako dahil narinig ko ang tungkol kay Kath at—”“At ano? Magtatanong ka kung nasaan siya? Wala pang nakakalap na impormasyon tungkol sa kanya kung iyon ang gusto mong malaman.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ramdam niya ang animosity sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at hindi niya naman ito masisisi dahil alam niyang malapit ito kay Kath at kung anuman ang nagawa niya rito ay talaga namang hindi kapata-p
KANINA pa magkaharap sina Noah at Viviane, nagkakape ngunit wala ni isa sa kanila ang may gustong magsalita. Napakaraming gustong sabihin dito ni Viviane ngunit pinipigil niya ang sarili niya. Sa unang pagkakataon ay tuluyan na niyang nakaharap sa wakas ang lalaking ama ng mga apo niya. Ang lalakin
ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito. “Mabuti naman kung ganun.” maikl
HALOS padabog na binuksan ni Jessy ang pinto ng silid ni MElinda at hindi niya napigilang mapalingon dito sa labis na inis. “Ano bang problema mo huh? Wala ka bang kamay para kumatok?” inis na tanong niya rito. Dali-dali namang tumayo ang kanyang asawa mula sa kanyang tabi.Nasa umpisa na sila ng m
ILANG sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Kath at iniluwa nito ang nakasimangot na si Jessy. Hindi nito kasama si Shaira. Mag-isa lang nitong pumasok doon. Agad na nagtaas ito ng kilay nang maglakad patungo sa harapan niya.“Ano namang dahilan mo para ipatawag mo ako ngayon dito m







