LOGINPAGPASOK ni Noah sa kanyang kotse ay muli siyang napasandal sa kanyang kinauupuan. Napasapo siya sa kanyang mukha. Parang isang panaginip ang lahat ng nangyayari sa kaniya ng mga oras na iyon, parang hindi totoo. Ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkadukot kay Kath at sa mga anak niya at higit sa lahat ay ang katotohanan na hindi niya pala anak si Alexa. Pero paano? Paano nangyari ang lahat ng iyon? Ngayon niya naiisip na hindi kaya ginawa ang lahat ng iyon ni Lindy ay dahil ayaw nitong maghiwalay silang dalawa? Na kung sakaling malaman niya na may anak sila ni Kath at malaman niyang hindi niya tunay na anak si Alexa ay hiwalayan niya ito, iyon ba, iyon ba ang kinakatakot nito?Pero sapat na ba ang lahat ng iyon para gawin nito ang mga bagay na iyon? Bakit kailangan pa nitong patayin ang kanyang ina? Bakit?Ngayon ay gusto niyang magsisisi. Ni hindi niya pala lubos na kilala ang babaeng pinakasalan niya. Ibang iba ito sa Lindy na nakilala niya noo, ibang iba na ito. Ilang sandali
WALA pang isang oras ay nasa presinto na kaagad si Noah. Binilisan niya talaga ang pagpunta doon dahil baka importante ang sasabihin ng mga ito sa kaniya o kaya ay may impormasyon na ang mga ito tungkol sa mga anak niya. Halos magdamag at kalahating araw na ang lumipas ngunit parang wala pa rin silang lead sa kung nasaan ang mga anak niya. Hindi niya naman masisi ang mga pulis lalo na at alam niyang ganun kahirap ang maghanap kung wala naman silang lead.“Umupo ka muna.” sabi ng isang pulis sa kaniya kaya umupo naman siya. Sa sumunod na sandali ay narinig niyang hinila ng isa sa mga ito ang kanilang board at inilapit sa harap niya.Tumayo ang pulis sa harapan ng board at siya ay nakatingin lang dito. May mga pictures doon, mga kotse at kung ano-ano pa. Itinuro nito ang isang kotse sa larawang mga naroon. “Nakikita mo siguro ang kotseng ito diba?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang naman.“Ang kotse na ito ay natagpuan namin sa lugar kung saan dinala ang asawa mo. iniwan ng
KAHIT na hindi pa nagigising si Kath at wala pang balitang maayos ay kinailangan ni Noah na umalis sa ospital para dumalo sa libing ng kanyang ina. Hindi naman pwede na hindi siya pumunta doon kahit na pagod na pagod na ang isip niya. Idagdag pa na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan nga ba ang mga anak niya.Wala pa ring lead ang mga pulis. Isang tapik sa balikat niya ang nagpabalik sa katinuan niya. “Ayos ka lang ba?”Nang lumingon siya ay nakita niya si Alec na nakatayo sa tabi niya. Tumango siya ngunit hindi sumagot. Wala siya sa mood para makipag-usap pa sa kaniya. Pagkatapos niyang daluhan ang libing ng ina ay dadaan muna siya sandali sa ospital. Pero uuwi na muna siya bago ang lahat dahil bumalik na daw sa bahay nila ang kasambahay dala si Alexa maging ang guard. Gusto niyang siya mismo ang magtanong sa mga ito.Hindi na nila natagpuan pa si Lindy kahit na ginawa ng lahat ng mga pulis para hanapin ito. Sinubukan din nila itong i-report sa mga k
“Anong plano niyong gawin sa tatlong yan boss?” tanong ng isa mga tauhan niya sa kaniya.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago naging malamig ang mga mata. “Sa tingin niyo ba? Anong pinakamagandang gawin sa kanila?” balik niyang tanong sa mga ito. Ang totoo ang plano niya sana ay pakakawalan niya lang ang mga ito kapalit ni Kath pero paano niya nga iyon gagawin kung hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito natatagpuan. Napakagat siya ng kanyang labi, gusto niyang personal na makausap ito. Hindi siya masisiyahan sa kanyang paghihiganti kung hindi ito ang makakausap niya. Kaya niya nga ginagawa ang lahat ng iyon para makapag higanti sa babaeng iyon.“E kung ipatubos na lang natin sila boss?” tanong nito sa kaniya.Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi. Ipatubos? Hindi pera ang kailangan niya kundi si Kath mismo kaya ayaw niya sa suhestiyon nito. “Hindi na, basta ako ang bahalang makipag-usap sa kanila.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na. “Kayo na muna ang bahala sa
BUMILIS ang tibok ng puso ni Noah nang makita niya ang lalaking nasa harap ng bahay, hindi ang mga bata ang hawak nito kundi si Kath! Ibig sabihin ay hindi ito ang dumukot sa mga bata o inilipat lang nila ang mga anak niya sa ibang lugar? Wala na ring sign ng ibang tao pa doon dahil mukhang nakaalis na ang mga ito.“Sa likod sila dumaa panigurado.” sabi ng isang pulis. Nakatututok ang mga baril nila sa lalaki ngunit walang gustong magpaputok dahil ang lalaking nakahawak kay Kath ay may hawak ding baril at nakatutok din mismo sa ulo ni Kath ang baril kaya takot ang mga pulis.“Ibaba niyo ang mga baril niyo kung hindi ay pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!” sigaw nito sa kanila.Sa kanyang takot para sa buhay ni Kath ay kinumbinsi niya ang mga pulis na ibaba nila ang kani-kanilang mga baril. Kailangan nilang sundin ang sinasabi nito dahil kung hindi ay baka kung ano ang gawin nito kay Kath. takot siya, takot na takot na halos manginig ang kanyang katawan. Kung pwede lang siyang makip
NAPATIGIL si Noah nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Ang tauhan niya ang tumatawag kung saan ay dali-dali niya itong sinagot. “Sir, ito na po ang exact location sir. May ilang kotse akong nakita rito bukod sa kotse ng asawa niyo. May bantay rin sa pinto at mukhang armado sila sir. Susubukan kong makapasok, hahanap po ako ng pwede kong pasukan para masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga anak niyo.” sabi nito sa kaniya.Muling nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Noah ng mga oras na iyon. “Hintayin mo kami diyan. Mabilis kaming makakarating kaya magsilbi ka munang look out sa ngayon. Kung armado sila ay hindi tayo pwedeng kumilos ng basta-basta okay? Diyan ka lang. Baka kapag nahuli ka nila ay ilipat pa nila ang mga bata o mas worst ay baka kung anong gawin nila sa kanila kaya kailangan nating mag-ingat. Papunta na kami diyan.” bilin niya rito.“Okay po sir, naiintindihan ko po kayo.” sagot nito sa kaniya kaagad.Pagkababa niya ng tawag ay muling napakuyom ang kanyang mga kam
NAGISING SI KATH dahil sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. Halos hindi nga niya maimulat ng maayos ang kanyang mga mata kaya paniguradong mugtong-mugto ang mga ito.Dahan-dahan siyang bumangon at napatingin sa labas n
HABANG NAGLALAKAD ay patuloy ang pagbalong ng kanyang mga luha. Sa tagal ng panahon na itinago niya ang mga anak niya mula kay Noah ay hindi niya akalaing sa ganitong paraan pa nito malalaman. Hindi niya maitago sa sarili niya na kinabahan siya, natakot siya na baka ipilit nitong kuhanin nito ang m
NAPAHAWAK SI KATH sa kanyang ulo nang magkaroon siya nang malay. Masakit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabangon bigla nang maalala niya ang huling tagpo bago siya tuluyang mawalan ng malay. Halos mapasabanot siya sa kanyang buhok at nang imulat niya ang kanyang mga mata
“Thank you…” sabi ni Kath kay Clyde pagkalipas ng ilang sandali.Awtomatiko namang napataas ang kilay ni Clyde nang marinig niya ang pagpapasalamat nito. “Thank you for what?” “For accompanying me.” sabi ni Kath at ngumiti rito. “I really enjoyed chatting with you.” dagdag pa niya. Ilang sandali p







