Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.
Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan. Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya. Sa mga oras na iyon dahil sa pagkaisip niyang muli ng sitawasyon ng buhay niya ay hindi niya naiwasan na hindi na naman mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya at pakiramdam niya ay gusto na lamang niyang sumuko sa buhay niya. Inilibot niya ang kaniyang mga paningin sa paligi at nakita niya ang mga sasakyan na mabilis na dumadaan sa harap niya. Ano kaya kung magpasagasa na lang siya sa mga ito para matapos na ang pagdurusa niya? Para minsanan na lang ang pagdurusa na nararamdaman niya at pagtapos na yun ay magiging payapa na ang buhay niya? Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya ng mga oras na iyon. Nawawalan na siya ng pag- asa. Kanina pa siya naglalakad ngunit wala man lang kahit isa ang naglakas ng loob na tulungan siya. Wala man lang ni isa na lumapit sa kaniya at tinanong kung okay lang ba siya, kung bakit siya naglalakad mag- isa, wala. Walang may pakialam sa kaniya. Walang nag- aalala sa kaniya at walang nag- iisip sa kaniya dahil sino ba sana siya para pag- aksayahan ng oras na alalahanin? Isa pa ay bakit siya naghahangad ng pag- aalala mula sa ibang tao e samantalang sarili niyang pamilya ay walang pakialam sa kaniya. Sarili niya pang kadugo ang mga iyon. Napasinghot siya at pagkatapos ay nagpunas ng kaniyang mga luha habang naglalakad. Walang kasiguraduhan ay ipnagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad kahit pa wala siyang partikular na destinasyon, kahit pa wala siyang alam na pupuntahan. Magbabakasakali siya na maya- maya lamang ay may handa nang tumulong sa kaniya. Isang oras pa ang lumipas ng kaniyang paglalakad at sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na talaga niya ang pinaghalong pagod, gutom at sakit ng dibdib. Medyo nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata marahil ay dahil sa pagod at ang kaniyang mga tuhod ay pakiramdam niya ay bibigay na. Konting- konti na lang ay matutumba na siya at nararamdaman na rin niya ang panginginig ng katawan niya. Sa parteng iyon kung saan nasaan siya ay halos wala ng dumaraan. Nasaan na nga ba siya? Hindi na rin niya alam. Hindi na siya pamilyar s alugar na iyon at lubos siyang nagpapasalamat na walang masamang loob ang lumalapit pa sa kaniya ng mga oras na iyon. Isang paparating na ilaw ang naaninag niya. Dahil sa determinasyon para mabuhay ay unti- unti siyang naglakad patungo sa kalsada upang parahin sana ito ngunit bago pa man ito makarating sa harap niya ay bigla na lamang siyang natumba at nagdilim ang paningin niya. —--------------- “Anong nangyari? Nabangga mo ba?” tanong ni Silvia sa driver niya. Bigla kasi itong napatigil at halos masubsob pa siya sa unahan ng kotse at nang tanungin niya ito kung bakit ay sinab nito na may babaeng natumba. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa kaniyang cellphone at chine- check ang schedule bukas ng amo niya. Agad niyang isinilid sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay nakipag- unahan na bumaba rito. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang isang babae na nakahandusay sa kalsada at walang malay. “Buhatin mo siya! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!” naghihisteryang saad niya sa kaniyang driver. Agad naman itong sumunod sa kaniya at pagkatapos ay tinulungan ito na maipasok sa loob ng kotse. “Diyos ko po! Anong ginawa mo sa kaniya?” nag- aalalang tanong niya sa kaniyang driver habang nakatitig sa babae. Wala itong malay. Kabang- kaba siya. Baka mamaya ay nakapatay na pala ang driver niya at makasuhan sila. Napahaplos siya sa mukha ng babae at napadalangin na sana ay okay lang ito at wala sanang masamang nangyari rito. Kahit papano ay ayaw niyang makulong. Patingin- tingin siya sa daan at sa babaeng katabi niya. Baka mamaya ay may injury na pala ito sa ulo. “Bilisan mo. kailangan natin siyang madala kaagad sa ospital.” nag- aalalang saad niya sa kaniyang driver at pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay na muling dinukot ang cellphone sa kaniyang bag. Kailangan niyang tawagan ang kaniyang madam para sabihin ang nangyari.ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito. “Mabuti naman kung ganun.” maikling sagot niya. Kung sana lang kasi ay noon niya pa nalaman na wala palang cctv doon. Napabuntong hininga na lang siya.Ilang sandali pa ay naramdaman niya na para bang nakatingin sa kaniya si Shaira kaya dali-dali siyang nag-angat ng ulo at tama ng ang hinala niya dahil nakatingin nga talaga ito sa kaniya. Napataas tuloy bigla ang kanyang kilay. “May problema ba?” tanong niya kaagad dito.Natigilan naman ito sandali at pagkatapos ay napuno ng pag-aalinlangan ang mukha nito kung magsasalita ba ito o hindi. “Ah, ano po kasi…” sabi nito.Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ano nga? Sabihin mo na.” giit niya.Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Nabalitaan ko po
HALOS padabog na binuksan ni Jessy ang pinto ng silid ni MElinda at hindi niya napigilang mapalingon dito sa labis na inis. “Ano bang problema mo huh? Wala ka bang kamay para kumatok?” inis na tanong niya rito. Dali-dali namang tumayo ang kanyang asawa mula sa kanyang tabi.Nasa umpisa na sila ng maganda sanang pangyayari ngunit napakagaling nitong tumayming at iyon ang kinaiinis niya. Agad niyang sinampot ang baso niyang nasa harapan niya may lamang alak at uminom. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jessy at mukhang diring-diri sa naabutan.“Kadiri. Katatanda niyo na.” nandidiring bulalas nito at pagkatapos ay umupo sa may kama.Awtomatikong tumaas ang kilay niya. Ano namang nakakadiri sa pagtatalik? Isa pa, mag-asawa sila, anong mali doon? Porque ba matanda na sila ay hindi na pwede? Sino namang nagsabi na hindi na pwede? Wala namang batas na nagbabawal sa pagtatalik ng mga may edad na.“Ano bang ipinunta mo rito huh? Kung maggaganyan ka lang dito Jessy ay mas mainam na lumabas ka na
ILANG sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Kath at iniluwa nito ang nakasimangot na si Jessy. Hindi nito kasama si Shaira. Mag-isa lang nitong pumasok doon. Agad na nagtaas ito ng kilay nang maglakad patungo sa harapan niya.“Ano namang dahilan mo para ipatawag mo ako ngayon dito ma’am?” tanong nito sa kaniya na puno ng panunuya at talagang ipinagdiinan pa ang salitang ma’am sa kaniya.Nagtagis ang mga ngipin ni Kath at pagkatapos ay ipinatong ang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang mesa at itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Ang kanyang mga mata na nakatingin kay Jessy ay madilim. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Jessy. Siguro naman ay aware ka na may dadaluhan sana kaming bidding bukas at halos isang buwan mahigit iyong pinaghandaan ng lahat pero nasira lang ng napakabilis.” tuloy tuloy na sabi niya rito.Napahalukipkip ito at pagkatapos ay umupo sa sofa na nasa harapan niya na para bang kapantay lang siya nito at ni wala man lang paggalang. Sa halip
HABANG nagmamaneho si Elsa ay hindi niya pa rin maiwasang hindi isipin ang tungkol sa nalaman niya kanina, na hindi tunay na anak ni Noah si ALexa. Hindi niya maiwang hindi makaramdam ng galit kay Lindy ng mga oras na iyon dahil niloko siya nito. Kaya naman pala ito galit na galit na pinuntahan ni Noah ang mga anak nito kay Kath dahil sa matinding selos.Hindi niya pa rin makontak si Noah kahit na paulit-ulit niya itong tinawagan na. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone. Wala siyang ibang mapagsabihan. Napapikit siya at napabuntong hininga dahil talagang nai-stress na siya. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya.Isa pa, medyo nakaramdam siya ng guilt ng mga oras na iyon dahil pumayag siya at talagang gusto pa niyang makipagtulungan kay Lindy para mawala ang mga tunay niyang apo. Ano na lang kaya ang mga itsura ng mga ito? Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting excitement. Kahit na ayaw niya si Kath ay gusto niya nang makita ang mga tunay na apo niya.Gwapo kay
PARANG itinulos mula sa kanyang kinatatayuan si Lindy sa labis na gulat. Hindi niya akalain na makikita niya sa may pinto ang kanyang biyenan at higit sa lahat, kitang kita niya ang reaksyon nito. Tiyak na malinaw nitong narinig ang mga salitang sinabi niya dahil sa matinding inis niya kay Alexa. Sikreto na dapat ay hindi malaman ng kahit sino lalong-lalo na ni Noah.Hindi siya nakagalaw at ni hindi niya nagawang habulin ito para magpaliwanag. Bumilis kaagad ang tibok ng kanyang puso. Nagpalakad lakad siya at pagkatapos ay napakagat sa kanyang mga kuko habang nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin nang muli na namang umiyak si Alexa at kanina pa siya rinding rindi.Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang leeg nito. Sasakalin niya na lang ito para tuluyan na itong hindi makagawa ng anumang iyak. Isa pa, kasalanan nito ang lahat kung bakit nalaman ng kanyang biyenan ang isa sa mga sikreto niya.Kasalanan nito! At akmang sasakalin niya na sana ito ngunit bigla siyang nakarinig ng k
HABANG NAKASAKAY si Noah sa eroplano ay hindi niya maiwasang hind makaramdam ng excitement. Napapaisip siya kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga anak niya kapag nakita siya ng mga ito, maging masaya kaya sila?Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ito ang unang pagkakataon niya na makita ang mga ito at hindi niya maitatangging kinakabahan siya. Habang nakatingin sa labas ng bintana mula sa eroplano ay nag-iisip na siya kung ano ang pwede niyang ipasalubong sa mga ito. Balak niya kasing bilhan ang mga ito ng regalo since iyon nga ang una nilang pagkikita.~~~NAGISING si Lindy dahil sa sikat ng araw. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata, pakiramdam niya ay para bang umiikot ang paligid niya. Kagabi kasi pagpasok pa niya sa loob ng bahay ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-inom dahil na rin sa sama ng loob niya.Wala siyang ideya kung anong oras na siya natulog at kung paano siya nakarating sa kama. Nang bumangon siya at bababa na sana ng kama ay doon na bumungad sa kaniya