LOGINNapatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin?
Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya. Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata. Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya dahil sa sakit ng dibdib niya na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Akala pa naman niya ay tuluyan ng magiging mapayapa ang buhay niya kapag tuluyan na siyang umuwi sa puder ng lolo niya, ngunit akala niya lang pala iyon. Napamulat siya ng kaniyang mga mata habang tumutulo ang luha roon, inipon niya ang natititra niyang lakas at pagkatapos ay tumayo. Alam niyang kahit maghapon, magdamag man siyang tumayo o umupo sa harap ng gate ng bahay na iyon ay hinding- hindi na talaga siya ulit papapasukin doon. Sino ba naman siya sa pamilyang iyon? Wala siyang halaga at higit sa lahat ay hindi naman siya paborito. Wala siyang kakampi sa bahay na iyon. Sa isang huling sulyap ay sumulyap siya sa mataas na gate at ipinangako sa sarili na hinding- hindi na siya muling tatapak pa sa lugar na iyon. Pinulot niya ang kaniyang bag at pagkatapos ay nag- umpisang maglakad muli. Napakagat labi siya, saan siya pupunta? Wala din siyang dalang pera. Paano na siya? Habang naglalakad ay umiiyak siya. Awang- awa siya sa sarili niya ng mga oras na iyon dahil bakit kailangan niyang pagdaanan at danasin ang lahat ng iyon. Naging mabuti at mabait naman siyang apo sa knaiyang lolo, sinunod niya naman lahat ng inutos nito pero bakit ganuon pa rin ang naging kapalaran niya? Napasinghot siya at pagkatapos ay pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili, kailangan niyang maging malakas para mabuhay pa siya. Nasisiguro niyang may mga taong mababait pa na makilala niya at kukupkop sa kaniya. Kailangan niya lang lumayo doon. —---------------------- “Sinong nagsabi na papasukin niyo sa pamamahay ko ang babaeng iyon?!” umalingawngaw ang sigaw ni Melinda sa buong bahay. Halata sa mukha nito ang labis na galit dahil sa ginawa ng guard at mga kasambahay niya dahil ang pinakabilin niya sa mga ito ay huwag na huwag nilang papapasukin doon ang babaeng iyon. She hated her so much at kapag nakikita niya ang mukha nito o marinig niya lang ang pangalan nito ay kumukulo na agad ang kaniyang dugo. Nakayuko ang mga kasambahay niya at ang guard nila ng mga oras na iyon habang pinapagalitan niya ang mga ito. Sa lahat pa naman ng pinaka ayaw niya ay ang sinusuway ang utos niya. “Napakasimpleng utos ko ay hindi niyo pa masunod!” muli niyang sigaw sa mga ito habang palakad lakad sa harap ng mga ito. Nanginginig talaga siya sa galit ng mga oras na iyon dahil paano ba naman, hindi lang ito basta pumasok sa pamamahay nila kundi pumasok pa talaga ito sa kwarto ng kaniyang ama. Ni katulong nga ay hindi niya pinapapasok doon at tanging siya lamang ang nakakapasok doon at ang asawa niya. Nanatili lamang ang mga itong nakayuko habang nagagalit siya. Napabuga siya ng hangin at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. “Get out. Lumayas muna kayo sa harapan ko.” saad niya s amga ito. Nang hindi gumalaw ang mga ito ay muli niyang sinigawan ang mga ito. “I said get out of my sight!” at dahil sa sigaw niyang iyon ay kumaripas ang mga ito ng takbo paalis sa harapan niya. Naibagsak niya ang sarili sa sofa at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido at napapikit. Sa ganuon siyang posisyon naabutan ng kaniyang asawa at pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. “Whats wrong honey?” malambing na tanong nito sa kaniya habang may hawak- hawak itong baso na may lamang alak. Napamulat siya ng kaniyang mga mata at pagkatapos nang makitang may hawak- hawak itong alak ay mabilis niya iyong inagaw mula sa kamay nito at siya ang uminom. Tuloy- tuloy niyang nilagok ang alak na nasa baso at napapikit nang gumuhit ang init nito sa kaniyang lalamunan. “That bitch came here.” inis na saad niya. “Who?” nakakunot naman ang noong tanong nito sa kaniya. Napaikot ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napatayo. “E di sino pa? E di yung anak sa labas ni Alejandro.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtungo sa mini bar upang muling salinan ng alak ang baso nito. Agad namang lumapit ang asawa niya sa kaniya at pagkatapos ay bumulong. “So where is she now?” halos bulong lang na tanong nito sa knaiya. Napatigil siya sa kaniyang pagsasalin ng alak. Napahigpit ang hawak niya sa baso at pagkatapos ay tumigas ang kaniyang mukha. “I kick her out of this house.” walang emosyon na sagot niya rito. “Sana ang ay huwag na siyang bumalik pa rito or else, wala akong choice kundi isunod siya sa listahan ko.” dagdag niya bago siya muling lumagok sa hawak niyang baso. Samantala ay napangisi naman ang asawa niya dahil sa tinuran niya. ‘Bakit pa kasi siya bumalik ulit rito?’ —------------------ISANG buwan na matapos ikasal ni Noah at Kath. masasabi niyang masaya na sila kasama ang mga anak nila. Tinanggap din ni Kath si ALexa, ang anak ni Noah na ipinakilala ng asawa nitong si Lindy noon. Ngayon ay halos mag-iisang taon na ito. Sa bahay na lang siya ngayon. Hindi na siya hinahayaan pa ni Noah na pumunta sa kumpanya pero paminsan minsa ay gusto niya pa ring tulungan ito hanggang sa isang imbitasyon ang natanggap nila galing sa kaibigan nitong si Alec.Ayon kay Noah ay engagement party na nito iyon dahil sa wakas ay dumating na raw o bumalik na sa bansa ang babaeng pinakamamahal nito. “You ready?” tanong sa kaniya ni Noah nang pumasok ito sa kanilang silid.Sinuyod niya ng tingin ang kanyang sarili sa salamin bago napangiti. Nilingon niya si Noah at tumango. “Let’s go.” sabi niya tyaka lumapit dito.Nakita niya na napatitig ito sa kaniya habang ang mga mata ay punong-puno ng emosyon. “You look stunning. Alam mo ba iyon?” tanong nito sa akniya tyaka siya nito sinalubong at kaa
TATLONG araw na ang lumipas mula noong lumabas silang magkasama.O ayon kay Noah—"Hindi date."Pero ayon sa triplets?"First date ni Mama at Daddy."At hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang tatlo sa pang-aasar."Mama!"Nasa kusina si Kath nang marinig niya ang boses ni Parker.Paglabas niya ay nakita niyang seryosong nakaupo sa sofa ang triplets.Nakatupi pa ang mga kamay.Parang may meeting."...Bakit kayo ganyan?"Tahimik silang nagkatinginan.Pagkatapos ay si Pierce ang nagsalita."Mama.""...Hmm?""We need to talk."Napataas ang kilay niya.Napaka-seryoso ng tono nito.Lumapit siya at umupo sa harap nila."Tungkol saan?"Tahimik.Maya-maya ay tumayo si Ace."Mama..."Ngumuso ito."Miss mo ba si Daddy?"Halos mabulunan si Kath sa iniinom niyang tubig."A-anong?!"Nagtataka siyang tumingin sa tatlo.Pero mukhang seryoso ang mga ito.Hindi mukhang nang-aasar.Hindi mukhang nagbibiro.Napalunok siya."...Bakit ninyo tinatanong?"Si Parker ang sumagot."Kasi lagi kang nakangit
TAHIMIK na nakatayo si Kath sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok niya. At hindi niya maintindihan ang sarili niya. Hindi niya talaga maintindihan. Bakit ba siya kinakabahan?Hindi naman date ang pupuntahan nila diba? Hindi.Hindi talaga. Npa buntong hininga nalang tuloy siya ng wala sa oras.Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili habang inaayos ang simpleng damit na suot niya—isang light blue na dress na hanggang tuhod at puting sandals.Simple lang.Hindi siya nag-ayos nang sobra.Hindi siya nag-effort.Hindi talaga."Mommy." Napatalon siya sa sobrang gulat. Hindi niya namalayan ang pagdating doon ng anak niya. Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo sa pintuan si Pierce habang seryosong nakatingin sa kanya."Bakit?" salubong ang kilay niyang tanong dito.Tahimik itong tumingin mula ulo hanggang paa niya. Pagkatapos ay tumango. "Approved."Napakurap siya."Ano?" Mula sa likod ni Pierce ay sumilip sina Parker at Ace."Wow!" sabay na bulalas ng mga ito."Mommy you are so
LUMIPAS ang ilang araw matapos ang "Mission: Balikan si Mama" ng triplets.At mula noon, mas naging kahina-hinala ang tatlong bata.Masyadong tahimik.Masyadong mababait.At iyon ang pinaka-delikadong klase ng katahimikan.Dahil sa karanasan ni Kath bilang ina, alam niyang kapag tahimik ang mga bata, may pinaplano ang mga iyon.At mukhang tama nga siya.Hapon noon.Nasa sala siya habang nagtitiklop ng mga damit.Sa sahig naman ay abalang gumuguhit sina Parker at Ace habang si Pierce ay seryosong nagbabasa ng picture book.Tahimik ang buong bahay.Masyadong tahimik.Napatingin siya sa kanila."Bakit ang tahimik ninyo?"Agad na umiling si Parker."Wala.""Wala?" taas-kilay niyang tanong."Wala talaga," mabilis na sagot ni Ace.Dahan-dahang lumingon si Kath kay Pierce.Tahimik itong nakatingin sa libro."Pierce."Walang sagot."Pierce.""Ayoko maging traydor."Napasinghap sina Parker at Ace."Pierce!"Napapikit si Kath."Aha."Napangiwi si Pierce."Mommy... I tried."Bago pa siya makapag
MAAGANG nagising si Kath kinabukasan dahil sa maliliit na yabag at mahinang bulungan sa labas ng kwarto niya. Napakunot ang noo niya.Alas-sais pa lang ng umaga. Sino namang maagang gumagawa ng ingay? Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto. At ang bumungad sa kanya ay ang tatlong anak niya na nakatayo sa hallway habang seryosong nakapalibot sa isang maliit na papel.Parang may ginagawang mission."Anong ginagawa ninyo?" tanong niya habang nakapamewang.Halos mapatalon sina Parker at Ace."Mommy!"Biglang itinago ni Parker ang papel sa likod niya."Wala!"Napakrus ng braso si Kath."Wala?"Mabagal siyang tumingin kay Pierce.Dahil sa tatlo, ito ang pinaka-hindi marunong magsinungaling.Tahimik na tumingin pabalik si Pierce."secret mission."Napaangat ang kilay niya."Anong mission?"Tumahimik ang tatlo.Pagkatapos sabay-sabay silang tumingin sa isa't isa.At tumakbo."Mga bata!"Pero nagtatawanan lang silang bumaba ng hagdan.Napailing siya.Mga bata ta
DALAWANG linggo na ang lumipas mula nang gabing iyon. Dalawang linggo mula nang sabihin ni Noah ang mga salitang hindi inakalang maririnig ni Kath mula sa kanya."Mahal kita.""At magbabago ako."Hindi na muling nabanggit ni Kath ang usapan nilang iyon. At si Noah? Hindi rin siya nagtanong. Hindi siya humingi ng sagot. Hindi siya nangulit. Pero may isang bagay na napansin ni Kath. Hindi nagsisinungaling si Noah. Talagang nagbabago ito.Maagang umaga pa lang ay abala na si Kath sa kusina habang naghahanda ng almusal para sa tatlo njyang nga anak. Habang nagsasalansan siya ng pancakes sa plato ay narinig niya ang maliliit na yabag mula sa hagdan."Mommy!" Unang bumaba si Parker na magulo ang buhok. Kasunod si Ace na yakap-yakap pa ang unan niya. At sa likod nila, seryosong bumababa si Pierce habang maayos ang suot na salamin nitong laruan. Parang maliit na CEO."Mommy..." seryosong tawag sa kaniya ni Pierce."Hmm?" sagot niya naman ng hindi ito nililingon dahil nga may ginagawa siya."
PARANG wala ng lakas si Kath ng mga oras na iyon. Ni walang malinaw na sagot ang maibigay ang kanyang ina sa kaniya kung nasaan ang mga anak niya. Ang panaginip niya. Parang isang prominisyon ngunit ayaw niyang paniwalaan. Hindi iyon pwedeng mangyari. Hindi.Alam niya na kung nasaan man ang mga ank
ILANG sandali na ang lumipas ngunit wala ni isa sa kanilang tatlo ang nagsalita. Nanatili lang nakatitig ang mga ito sa kaniya na parang nga-iisip hanggang sa isa-isa na ang mga itong nag-iwas ng tingin mula sa kaniya. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala, bakit ganito ang mga ito? Ba
“BAKIT, sino ba siya sayo?” tanong ni Finn kay Thirdy. Wala siyang ibang mahanap na magaling na mag-trace ng taong nawawala kaya niya kinontak ang lalaki dahil baka may kilala ito. Sabi kasi ni Vena ay magaling din naman ito pero ewan niya lang kung kaya ba nito o kaya ay baka may kakilala ito na p
KAHIT na hindi pa nagigising si Kath at wala pang balitang maayos ay kinailangan ni Noah na umalis sa ospital para dumalo sa libing ng kanyang ina. Hindi naman pwede na hindi siya pumunta doon kahit na pagod na pagod na ang isip niya. Idagdag pa na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang







