LOGINNapahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya.
Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta. Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay. Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng awa at mapatanong sa kaniyang isip kung ano kaya ang nagtulak rito upang maglayas sa bahay nila? Hindi kaya inabuso ito? Dahil sa kaniyang naisip ay mas lalo pang tumindi ang kaniyang awa na nararamdaman dahil kung inabuso man ito ay alam niyang napakahirap ng pinagdadaaanan nito. Alam niya ang pakiramdam dahil nanggaling din siya sa pamilyang mapang- abuso kung saan ay kahit gusto mong magsumbong ay wala kang alam kung saan ka ba dapat mag- sumbong dahil pakiramdam mo ay magkakakampi silang lahat at kapag ikaw ang nagsumbong ay ikaw pa ang masama. Kahit hindi nya kilala ang dalaga ay bigla niyang hinawakan ang kamay nito. Kanina pa siya dapat umalis ngunit pinili na lamang niya ang manatili sa ospital lalo pa at wala namang pagkakakilanlan sa babaeng nabangga nila. Isa pa ay kung iiwan niya ito doon mag- isa ay baka kung ano lamang ang mangyari rito kaya minabuti na lang din niya na bantayan muna ito. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan ito matutulog. Hihintayin na lamang niya itong magising bago pa man niya ito iwanan. Hindi niya naman maatim na basta na lamang itong iwanan sa ayos nito. —------ Unti- unting nagmulat ng mga mata si Kath at puting kisame ang agad na lumitaw sa kaniyang paningin. Ang huling naaalala niya ay may ilaw ng isang sasakyan at humarang siya sa daan upang parahin ito. Hindi kaya patay na siya? Dahan- dahan niyang inilibot sa kaniyang paligid ang kaniyang paningin at doon niya napagtanto na nasa isa pala siyang silid ng isang ospital. Paano siya napunta doon? Ano bang nagyari sa kaniya? Dahan- dahan siyang napabangon. Ramdam na ramdam niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang matinding pagkahilo at ang kalam ng kaniyang sikumra. Nagugutom siya. Napatitig siya sa isang babaeng nakadukdok sa tabi ng kaniyang kama at pagkatapos ay napkunot ang noo pagkakita rito. Sino ang babaeng ito? Hindi niya ito kilala. Bakit ito nasa kaniyang silid? Bago pa man niya maibuka ang kaniyang bibig upang tanungin kung sino ito ay bigla na lamang itong napaayos ng upo at pagkatapos ay dahan- dahang dumilat ng kaniyang mga mata. Mukhang naalimpungatan ito dahil sa kaniyang ginawang pagbangon at pagkatapos ay napatitig sa kaniya. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito at pagkatapos ay biglang nagliwanag ang mukha ng makita siya. Teka, sino ba ito? Kilala ko ba siya? Hindi niya napigilang itanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa mukha nito. Nasisiguro niya hindi niya ito kilala at ngayon niya lang ito nakita. “Kamusta ang pakiramdam mo hija?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa kaniya. Tila hinaplos ang kaniyang puso nang marinig niya ang pagtawag nitong hija sa kaniya. Sa unang pagkakataon ng buhay niya ay may isang taong tumawag sa kaniya ng hija at itong isang babaeng hindi pa niya kilala. Sa puntong iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata dahil sa kaniyang narinig. Bigla naman itong nag- alala kaagad nang makita ang reaksiyon niya. “Ayos ka lang ba hija? May masakit ba sayo? Teka tatawag ako ng doktor—-” saad nito at akmang paalis na sana sa harap niya nang pigilan niya ito gamit ang kaniyang kamay. Nagtataka naman itong napatingin sa kaniya nang mga oras na iyon. Tumitig siya sa mga mata nito kasabay nang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata. “Pwe- pwede po bang payakap?” tumutulo ang luhang tanong niya rito. Agad namang gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya ngunit agad din naman itong tumugon sa kahilingan niya at niyakap siya. Yumakap din siya rito at pagkatapos ay unti- unting bumuhos pa lalo ang kaniyang mga luha kasabay ng paghaplos nito sa kaniyang buhok na mas lalo lamang nakapag- paiyak pa sa kaniya lalo. —-------------------- Pasinghot- singhot pa rin si Kath habang nakaupo sa kama. Katatapos niya lamang ikwento kay Silvia ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang buhay. Pakiramdam niya ay tila ba nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib dahil sa pagkwekwento niya. Wala man lang kasi siyang mapagsabihan ng pinagdaraanan niya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pagkatapos ay bahagyang pinisil iyon. “Huwag ka ng umiyak.” saad nito. “Sumama ka na lang sakin kung wala ka talagang pupuntahan.” dagdag nito na ikinaangat ng kaniyang mga mata. Dahil sa narinig ay nag- umpisa na namang magtubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan na may makikilala pala siyang isang taon na napakabait at handa siyang tulungan kahit pa hindi naman siya nito kaano- ano at higit sa lahat ay hindi siya nito lubusang kilala. “O huwag ka ng umiyak. Kanina ka pa umiiyak.” muling saad nito at pagkatapos ay pinunasana ng ilang butil ng luha na kumawala mula sa kaniyang mga mata. “Dahil wala naman akong anak ay aampunin na lang kita.” nakangiting saan nito sa kaniya at pagkatapos ay pinisil ang pisngi niya. Labis- labis ang tuwang naramdaman ni Kath nang mga oras na iyon dahil kahit papano ay may matutuluyan na siya at higit sa lahat ay may kukupkop na sa kaniya na maituturing niyang pamilya kahit pa hindi naman niya kadugo mismo. Ilang sandali pa ay inabot na nito ang mga pagkain na nasa tabi ng kaniyang kama kung saan ay malugod niya namang tinaggap dahil nga gutom na gutom na siya. Pagkaabot na pagkaabot pa lamang sa kaniya ng mga pagkain ay kaagad na niya iyong nilantakan at halos mabulunan pa siya. Paano ba naman ay halos ilang kainan na ang na- miss niya at ngayon pa lang siya kakain. Marahil ay iyon din ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa gitna ng daan. Nakangiti lang naman siyang pinagmasdan ni Silvia na kumain. —--------------NAPAHAWAK si Kath sa kanyang ulo nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang paligid kapag iminumulat niya ang kanyang mga mata kaya sa halip na magmulat ng mga mata ay pumikit na lang siya. Inaalala kung bakit sumasakit ang ulo niya ng ganun.Ilang sandali pa ay doon na niya naalala ang nangyari kahapon. Ang natuklasan niyang katotohanan at ang pagkumpronta niya sa kanyang ina. Maging ang pagpunta niya sa bar at—Biglang napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang huling tagpo ng nangyari sa kaniya kagabi. Si Thirdy. Si Thirdy iyon hindi ba? Nakipaghalikan siya kay Thirdy at…Niyuko niya ang kanyang sarili. Nakita niyang ang suot niya pa rin namang damit kahapon ang suot niya at wala din siyang kakaibang nararamdaman sa katawan niya so ang ibig sabihin lang nito ay walang nangyari sa kanilang dalawa. Pero ganun pa man ay hindi niya maiwasang hindi mapahilamos ng kanyang mukha ng wala sa oras dahil sa labis na kahihiyan. Ano na lang ang ihaharap niyang mukha kay Thirdy ngayon at h
NANLALAKI ang mga mata ni Thirdy at hindi makagalaw. Napakabilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay ito ang unang beses na nagkalapit sila ni Kath ng ganito. Muli siyang napalunok. Akala niya ay lalayo din naman ito kaagad ngunit nagulat na lang siya nang idikit nito ang labi sa kaniya.Hindi siya makagalaw. Para iyong panaginip sa kaniya dahil sinong mag-aakala na ang babaeng gusto niya ay hahalikan na lang siya bigla? Pero tama ba ito? Hindi niya maiwasang hindi itanong sa kanyang isip.Tama ba na mangyari ito sa aming dalawa lalo na at lasing siya?Kaya lang ay nakalimutan niya ang kanyang mga agam-agam nang bigla na lang gumalaw ang labi ni Kath at ipinasok ang dila mula sa bibig niya. Sa puntong iyon ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya. Napapikit siya at dahan-dahang tumugon sa halik nito habang unti-unti ring nilalamon ng apoy ang katawan niya.Ang kanyang mukha ay namula dahil sa init na unti-unting binubuhay nito sa katawan niya. Ang ka
HINDI alam ni Kath kung paano siya nakarating sa isang bra. Dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya ay parang gusto niyang biglang maglasing kahit na hindi naman talaga siya palainom. Gusto niyang mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Sa totoo lang ay hindi niya matukoy kung sino ba ang mali, ang mama niya bang nagtago ng katotohanan sa kaniya o siya mismo.Alam naman pala nito na hindi siya nito anak pero kinupkop pa rin siya nito? Dahil ba sa gusto nitong maghiganti sa kaniya?Nakailang baso siya ng matapang na alak. Habang nilaklak iyon ay napapapikit na lang siya ng mariin at tinitiis ang mainit na pakiramdam habang gumuguhit ito sa kanyang lalamunan. Ang kanyang mga mata ay halos hindi tumitigil sa pag-iyak at dahil siguro sa tapang ng alak na iniinom niya ay unti-unti na siyang nahihilo.Iyon naman talaga ang gusto niya, alam niya na kapag hindi siya uminom ay baka hindi siya makatulog at maging bangag siya bukas ng umaga. Pero anong ipinagkaiba? Kung maglalasing s
PAGPASOK na pagpasok ni Kath sa loob ng bahay nila ay agad na niyang hinanap ang kanyang ina. Nakita niya ang kanyang Tita Silvia sa sala. “Oh Kath, dumating ka na pala. Teka, bat ganyan ang itsura mo? Umiyak ka ba?” magkakasunod na tanong nito sa kaniya ngunit sa halip na sagutin niya ito ay tinanong na lamang niya ito.“Tita, nasaan si Mama?”Bahagya naman itong nagulat. “Ah, nasa taas yata sa may sala doon.” sagot nito sa kaniya. Hindi na niya ito sinagot pa dahil nagdire-diretso na siya sa taas. Sinundan lang naman siya ng kanyang Tita Silvia habang nakakunot ang noo.Pagdating niya sa taas ay agad niyang nakita ang kanyang ina, wala ito sa sala kundi nasa silid nito habang nakaupo sa kama. Nang pumasok siya nang hindi man lang kumakatok ay awtomatiko itong napatingin sa kaniya habang nakataas ang kilay.“May problema ba?” tanong nito sa kaniya.Hindi siya kaagad na nagsalita sa halip ay inilabas mula sa kanyang bag ang larawan na nakuha niya sa vault kasama ng mga sulat na iniwa
NAG-umpisang manginig ang mga kamay ni Kath lalong lalo nang tuluyan nang bumukas ang vault. Dahan-dahan niyang inilabas ang lahat ng nasa loob at doon niya nakita na may ilang sulat na naka-address sa kaniya. Bukod pa doon ay may ilang mga passbook na nakalagay doon at isang larawan.Nang titigan niya ang larawan ay sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Larawan iyon ng isang babae na kamukhang-kamukha ng kanyang ina ngunit ang pagkakaiba lang ay may nunal ito sa mukha. Hindi niya alam ngunit ng mga oras na iyon ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa kanyang katawan. Ang kanyang mga balahibo ay nagsitayuan bigla.Isang tagpo ang bumalik sa kaniya. ‘Amanda?’ tawag ng ama ni Thirdy sa kaniya.Amanda? Nang mga oras na iyon ay kabang kaba siya. Parang ang tanong niya sa kanyang isip ng mga oras na iyon ay tuluyan nang masasagot. Napalunok siya at pagkatapos ay dahan dahan nang binuksan ang sulat na iniwan sa kaniya ng kanyang lolo.Hindi niya alam kung ano ang nakasulat doon pero, k
NAPA buntong hininga si Kath. nakasakay na siya sa kanyang kotse at patungo na sa bahay ng kanyang lolo. Sisilipin niya lang ito dahil kaninang umaga ay nag-hire siya ng maglilinis doon. Halos alas tres na ng hapon at dahil sa dami ng trabaho niya ay talaga namang pagod na pagod siya. Idagdag pa na dahil nga pinag day off niya ng ilang araw si Shaira ay mas nadagdagan pa lalo ang trabaho niya.Pumikit na lang muna siya. Nagpasundo siya sa kanilang driver at sinabi na doon nga siya pupunta. Sa kanyang pagpikit ay hindi niya namalaya na nakaidlip na pala siya hanggang sa narinig na lang niya ang paulit ulit na pagtawag sa kaniya ng driver.Napahawak siya sa kanyang ulo. “Nakaidlip pala ako Manong.” sabi niya.“Oo nga po ma’am e. Mukhang pagod na pagod po kayo.” ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.“Hindi naman po masyado, Manong.” sagot niya na lang at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Pagbaba niya ay napatingala siya sa bahay kung saan siya lumaki. Ni







