공유

Chapter 81

작가: eleb_heart
last update 최신 업데이트: 2025-06-17 18:14:12

ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito.

“Mabuti naman kung ganun.” maikling sagot niya. Kung sana lang kasi ay noon niya pa nalaman na wala palang cctv doon. Napabuntong hininga na lang siya.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya na para bang nakatingin sa kaniya si Shaira kaya dali-dali siyang nag-angat ng ulo at tama ng ang hinala niya dahil nakatingin nga talaga ito sa kaniya. Napataas tuloy bigla ang kanyang kilay. “May problema ba?” tanong niya kaagad dito.

Natigilan naman ito sandali at pagkatapos ay napuno ng pag-aalinlangan ang mukha nito kung magsasalita ba ito o hindi. “Ah, ano po kasi…” sabi nito.

Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ano nga? Sabihin mo na.” giit niya.

Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Nabalitaan ko po
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
sa wakas may update na din ,tnxx po author sa pag update
goodnovel comment avatar
Rachel Japson
nxt please, thanks sa pag update author...
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 94

    NAPA buntong hininga si Kath. nakasakay na siya sa kanyang kotse at patungo na sa bahay ng kanyang lolo. Sisilipin niya lang ito dahil kaninang umaga ay nag-hire siya ng maglilinis doon. Halos alas tres na ng hapon at dahil sa dami ng trabaho niya ay talaga namang pagod na pagod siya. Idagdag pa na dahil nga pinag day off niya ng ilang araw si Shaira ay mas nadagdagan pa lalo ang trabaho niya.Pumikit na lang muna siya. Nagpasundo siya sa kanilang driver at sinabi na doon nga siya pupunta. Sa kanyang pagpikit ay hindi niya namalaya na nakaidlip na pala siya hanggang sa narinig na lang niya ang paulit ulit na pagtawag sa kaniya ng driver.Napahawak siya sa kanyang ulo. “Nakaidlip pala ako Manong.” sabi niya.“Oo nga po ma’am e. Mukhang pagod na pagod po kayo.” ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.“Hindi naman po masyado, Manong.” sagot niya na lang at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Pagbaba niya ay napatingala siya sa bahay kung saan siya lumaki. Ni

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 93

    HINDI pa man tumutunog ang alarm ni Kath ay nagising na siya. Napahawak siya sa kanyang noo at pagkatapos ay napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Anong oras na kagabi ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil napakaraming tumatakbo sa isip niya. Napabuntong hininga siya. Kagigising niya lang pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.Bumangon siya at pagkatapos ay naupo sa kanyang kama. Muli siyang napabuntong hininga bago tuluyang tumayo at naglakad patungo sa bintana ng kanyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil napakaraming nangyayari sa buhay niya. Paulit ulit na tumakbo sa isip niya kagabi ang tanong ng anak niya.Bakit ba kasi napakahirap mabuhay sa mundo? Bakit napakaraming problemang dumarating? Ganito ba talaga?Sana lang ay hindi ikwento ni Ace sa dalawa ang lahat dahil ayaw niya ring masaktan ang mga ito. Sa halip ay bumaba na siya pagkatapos ay dumiretso siya sa min

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 92

    ILANG minuto nang nakasara ang gate ngunit nanatili pa ring nakatayo si Noah sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang pumasok para makita ang dalawa pa niyang anak ngunit nagalit sa kaniya si Kath at alam niya na may karapatan naman talaga itong magalit sa kaniya. Dahil sa kapabayaan niya ay nasaktan si Ace. kung hindi niya sana ito iniwan doon basta ay baka hindi ito nasaktan.Nagdadalawang isip pa nga siya kanina kung ihahatid niya ba ito ngunit nang tanungin niya ito kung gusto ba nitong matulog kasama siya ay mabilis itong tumanggi at sinabing gusto niyang makita ang ina nito kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang ihatid ito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang tumalikod at sumakay sa kanyang sasakyan ngunit nanatili muna siya doon ng ilang minuto. Naihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at napasandal. Hindi pa nga sila ayos ni Kath ngunit mayroon na naman itong dahilan para magalit sa kaniya.Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang ka

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 91

    HALOS nasa sampung minuto nang magkaharap sina Thirdy at Kath ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang umiimik. Napabuntong hininga na lang siya pagkalipas ng ilang sandali bago niya ibinuka ang bibig. “So, may kailangan ka ba?” tanong niya rito. Siya na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila dahil mukhang walang balak magsalita ito.Tumingin ito sa kaniya ngunit nag-iwas din ito kaagad ng tingin. Isa pang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. Alam niya na napakaraming gustong itanong sa kaniya nito. Marahil ay nagulat din ito nang makita ang dalawa. Napakuyom tuloy bigla ang kanyang mga kamay. Hindi naman sa ikinahihiya niya ang mga anak niya kaya lang ay parang hindi pa siya handang ilabas sila sa publiko lalo pa at hindi naman lahat ay matinong mag-isip. Paano na lang kung i-bully ang mga ito?“Nabalitaan kong nasunog daw ang warehouse.” sagot nito pagkalipas ng ilang sandali.“Oo nga.”“Ang sabi pa ay hindi daw aksidente ang nangyaring sunog. Nahuli na ba ang may kasalanan

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 90

    HALOS bumaon ang mga kuko ni Noah sa kanyang palad dahil sa matinding galit. Rinig na rinig niya ang mga paghikbi ni Ace habang ginagamot ang gasgas nito sa tuhod. Paglabas niya kanina sa silid ng kanyang ina ay halos hindi niya alam ang kanyang gagawin nang makita niyang wala doon si Ace. binilinan niya pa naman itong huwag aalis doon at base sa ugali nito ay hindi naman ito basta basta aalis.Mas lalo pa siyang kinabahan nang makita niyang wala doon si Lindy, alam niya pa namang labis ang galit nito sa mga anak niya kaya dali-dali siyang tumakbo palabas dahil baka kung ano ang mangyari sa anak niya at hindi nga siya nagkamali. Mabuti na lang at nakapagtimpi pa siya kanina dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang nagawa niya kay Lindy.Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng pagsisisi na iniwan na lang niya basta ang anak sa labas. Ang akala pa naman kasi niya ay okay lang ito doon ngunit mapapasama lang pala. Hindi kasi pwedeng papasukin ang bata sa ICU. napahilamos na lang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 89

    NAPATAYO si Lindy mula sa kanyang kinauupuan nang makita niya si Noah na naglalakad patungo sa direksyon niya. Ilang araw pa lang niyang hindi ito nakikita ngunit sobrang miss na miss na niya ito at handa na siyang humingi rito ng tawad sana dahil nga sa inasal niya bago ito umalis. Parang nakalimutan niya ang lahat ng sama ng loob niya.“Noah—” natigilan siya nang may mapansin. Bumaba ang kanyang mga mata sa kamay nito at nabura ang kanyang ngiti nang makita ang isang batang lalaki na akay nito na kamukhang kamukha ni Noah mismo. Agad na nagdilim ang kanyang mga mata ang nagtagis ang kanyang mga ngipin. Kung kanina ay handa na siyang humingi ng tawad, ngayon ay umahon na naman ang matinding galit sa dibdib niya dahil sa kasama nito.Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig dahil nasa harap na niya ito nang bigla na lang siya nitong nilampasan na akala mo ay walang nakita. Mas lalo pang sumama ang loob niya at mahigpit na napakuyom ang mga kamay niya. Ang tanging nagawa na lang niya ay

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status