Share

CHAPTER 2

AMINADO ako. Kahit ako ay umaasa na makuha ang award na iyon tulad nila. I did my very best. Really. Malaki rin kasi ang prize. Fifty thousand pesos. Halos sahod na rin namin iyon sa isang buwan, kaya sino ang hindi maaakit para gawin ang lahat sa award na iyon?

Bagsak ang balikat, bumalik ako sa table ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kailangan kong matapos ang pagchi-check ng mga papeles bago magtanghalian dahil kung hindi, sira ang plano ko para sa araw na ito.

Mr. Sandoval let me today. And I don't want to waste it. Especially, today is a special day. Hindi ko kayang palagpasin ang araw na ito. Kaya bago pa man magtanghalian ay natapos ko na ang ginagawa.

I called Mr. Sandoval on the receiver and told him that I was done with my work. Dala ang patong-patong na papeles, pumasok ako sa loob ng opisina ni Mr. Sandoval.

Napalunok ako nang muli kong maramdaman ang panliliit nang nasa loob na ako ng opisina. I've been here for five years and I'm still not used to being in Mr. Sandoval's office. Laging malakas ang pagkabog ng dibdib ko at kahit air-conditioned ang silid, pinagpapawisan pa rin ang sintido at mga palad ko.

I didn't know why. Siguro dahil nai-intimidate ako sa sobrang linis, organize, at gara ng silid. Black and white ang motif ng opisina. Even the couch and glass table on the left side of the office were the same color as the walls. Paboritong kulay iyon ni Mr. Sandoval. Siguro halos lahat ng mayayaman at successful na tao ay paborito ang kulay na ito.

I couldn't reprimand them, though. Despite its darkness, black truly represents boldness, power, and elegance. Pero kung ako, I will paint my room in pink. Not that I am a woman and that color represents femininity, but it always calms me whenever I am in my worst condition. Like the sun after the storm, giving light and color to the gloomy surrounding.

I cleared my throat to get Mr. Sandoval's attention. Nakayuko pa rin siya sa mga papeles na pinipirmahan, kunot na kunot ang noo at nakapangalumbaba. Parang kahit siya ay inip na inip na sa ginagawa.

"Here's the papers, Sir," I said, putting the pile of papers on his table.

Hindi nag-angat ng tingin si Mr. Sandoval at seryusong-seryoso sa pagpipirma. Kinuha ko ang white folder na pinapabigay ni Mrs. Ambros. Pinatong ko talaga iyon sa pinakaibabaw para hindi ko makalimutan. Mrs. Ambros told me that it was a very important file that Mr. Sandoval must sign before the day goes off.

"Urgent nga po pala itong files na 'to, Sir," sabi ko, inilagay sa tabi ng mga papeles na pinipirmahan niya ang folder. "Kailangan daw po 'to before the day will end."

Mr. Sandoval nodded his head, but still did not give a glance to me.

Napatango ako at napalunok. He was busy with the papers, but I could feel the loud beats of my heart. Napakamot ako sa batok ko. Good thing that I set my hair into a bun. Dahil kung hindi, magugulo ang buhok ko sa pagkakamot. I was like this whenever I feel the tension inside me.

"S-Sir..."

Mr. Sandoval hemmed and hawed.

"Out na po ako," I said, biting my lips after.

He nodded.

Napatango ako bago siya tinalikuran. He really is busy. Kahit isang segundo man lang, hindi siya nag-abala na mag-angat ng mga mata sa akin. Well, the papers were urgent. He needed to sign it before the day went off. Kailangang matapos dahil wala siya ng isang buwan sa kompanya simula sa Lunes.

Before I went off, I told Mrs. Ambros that I had already given the folder to Mr. Sandoval and noted to him that it was urgent. She was very happy to hear that. Kaya siya na rin mismo ang nag-volunteer na mag-aakyat ng kape kay Mr. Sandoval mamayang hapon nang marinig niyang kinakausap ko si Mari tungkol doon.

I also informed Mari and Shiela that Mr. Sandoval was too immersed with the papers, so I didn't have a chance to ask about the best employee of the month. Habang kausap sila, I realized that I didn't want the award. Ayokong lalong sumama ang tingin nila sa akin kapag ako ang napili. Hindi pa maganda na pinayagan akong mag-out nang maaga ngayong araw.

Papasok pa lang ng opisina ng HR kanina ay bumungad na sa akin ang bulungan nila tungkol sa pag-out ko nang maaga.

"Paborito kasi dahil pakitang gilas. Laging binibigyan ng special treatment kasi s****p..."

Isa lang iyon sa masasakit na sinabi ni Murky. Napailing na lang akong lumabas ng building ng SEI. Dumaan ako sa back door dahil ayokong makita at marinig ang pang-iinsulto nila sa akin. Ayokong lalong sirain nila ang araw ko. Because this day... was the worst day in my life.

Sa araw rin na ito, nasaksihan ko ang karumal-dumal na pangyayari kay papa. Today was his fifteenth death anniversary. Papa killed himself. I clearly remember him hanging up with the rope around his neck.

Ito ang dahilan kung bakit nagpaalam ako kay Mr. Sandoval na maaga akong mag-a-out ngayong araw. Gusto kong bisitahin ang puntod ni Papa. And spent the day with him.

Matapos makapananghalian sa isang fast-food chain malapit sa SEI building, tumungo na ako sa sementeryo kung nasaan naka libing si Papa. I also bought some flowers and a candle for him. Nga lang, natigilan ako sa paglapit sa puntod niya nang matanaw ko ang isang babae.

Nakatayo siya sa harap ng puntod at parang taimtim na nagdadasal. With her black dress, it seemed that she was grieving for my late father.

It was impossible, though.

Siya?

Nagdadalamhati?

My tears flowed as I tightened my grip on the handle of the flower basket. Tumalikod ako. Hindi ko kayang makita siya. Maaliwalas ang buong paligid at hindi maalinsangan dahil sa mga punong nasa paligid. Pero dahil naririto siya, para akong sinisilyaban dahil sa galit sa kanya.

While trudging away from that woman, my phone rang inside my handbag. I stopped for a minute and picked the phone up.

It was Tita Flor.

Sinagot ko ang tawag habang nagpapatuloy ako sa paglalakad palapit sa may kalsada. Tanaw ko na ang mga sasakyan na lumalagpas sa tapat ng malaking arko ng sementeryo.

"Pinayagan ka, Ysa?" she asked.

Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. "Oo, Tiya..."

"Nasa puntod ka na ni Kuya?"

"Hindi."

"Bakit?"

I let out a sigh. "Hindi ako tumuloy-"

"Hala! Bakit?" gulat niyang tanong.

Nailayo ko pa saglit ang cell phone sa tainga ko sa biglaang pagtaas ng boses niya bago siya sinagot.

"Let's talk about that later. Nasa unit ka na po?"

"Oo. Paalis na sana ako kaya ako tumawag. Pero hihintayin kita."

"Sige, Tiya."

Ibinaba ko na ang tawag saka ako nag-book ng Taxi sa isang app bago ko ibinalik ito sa loob ng bag. After a minute, dumating na ang puting sasakyan at tumigil sa harap ko.

"Ysabella?"

I was pulling the backseat side door when I heard that woman's voice. Her sweet and soothing voice. I used to love her cuddle songs back then, but now, it was like a haunted sound. Nakakatakot.

Natigilan ako at humigpit ang hawak sa handle ng pinto nang maalala ang dahilan kung bakit dapat kamuhian ko siya.

"Hija, let's talk."

Pinilig ko ang ulo at saka nagpatuloy sa pagpasok sa Taxi. I didn't even try to shot her a glance. Nagpanggap na hindi siya narinig. Hindi siya nakita. Lalo lamang nagngangalit ang bagang ko sa presensya niya.

"Ysabella!" she called in a hurry. "Wait. Let's talk."

But I didn't give her a chance. I immediately unlocked the door. "Tara na ho, Kuya."

Mabuti na lang ay sinunod ako ng drayber. Mabilis niyang pinaandar ang kotse bago pa man maabot ng babae ang pinto sa backseat.

"Ysabella!" she called when the car passed her.

Pumikit ako at pinalabas ang malamyos niyang boses sa kabilang tainga ko. Because her voice was like a dagger that stabbed in my chest- I could feel the slow ripping of my heart.

Siya ang dahilan kung bakit kinitil ni Papa ang sarili niyang buhay. And I couldn't stand near her. Be with her. Breathe the same air with her. Mas lalo lang lumalalim ang sugat sa puso ko.

Naabutan ko si Tiya Flor sa condo unit. Nakatutok ang buong atensyon niya sa K-Drama sa flat screen TV. Nang makita niya ako ay kaagad niya akong sinalubong nang yakap. And I couldn't help myself but to sob on her shoulder.

Five-seven ako. Samantalang si Tiya Flor ay Five-two. Kaya kinailangan ko pang yumuko para lang mas maisubsob ang mukha ko sa balikat niya. Her long wavy dyed-blonde hair smelled like strawberries, reminding my favorite color, and it calm me a bit.

"Anong nangyari?" tanong niya.

I wanted to tell her everything, but I just couldn't. I just continued crying. Hindi rin naman nagsalita ulit si Tiya Flor hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

"Alam mo, kailangan mo na talaga ng love life, Ysa."

Nasa couch na kaming pareho. Ilang minuto na rin ang nakalipas mula nang sumabog ang emosyon ko. Ngayon, kalmado na ako at nagagawa ng tawanan ang eksena sa pinapanood.

I laughed. "I told you already, Tiya. Hindi ko 'yan kailangan. Kuntento na ako sa sarili ko."

It was Tiya Flor turned to laugh. May pait nga lang sa boses niya at halata ang sarkasmo. "Talaga lang, ha?"

"Oo naman."

"Mamatay?"

Inirapan ko siya. "Mamatay man."

Tiya Flor flicked her tongue. Nakuha ng tunog ng paglagatik ng dila niya ang atensyon ko.

I looked at her.

"Kung gano'n... I challenge you," she said, giggling.

Napairap ako at ibinalik ang mga mata sa pinapanood.

"Siputin mo ang ka-blind date mo mamaya."

I scoffed, insulting her. "Iyon lang?" May hamon sa boses ko.

"Oo." Her brows wiggled.

"Deal," I said flatly, crossing my arms across my chest."Pero anong kapalit?"

"Hmmm. 'Yong pulang dress na paborito ko at gusto mo-"

"Really?"

She nodded.

"Cool!" A wicked smile etched on my lips. "But I am telling you, fail itong date na 'to, Tiya Flor."

But that was the worst decision I made in my whole life. Dahil ang gabing iyon ay ang araw kung saan magsisimulang gumulo ang buhay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status