Share

CHAPTER 3

"SIGURADONG sasama ka?"

Umirap si Aira matapos isara ang compact face powder na huling in-apply niya sa mukha ko. "Of course! Hindi mo alam kung gaano ako ka-excited nang mabasa ko ang text ni Auntie."

Napairap din ako saka tumingin sa salamin ng dresser. Ch-in-eck ko ang pagkakaayos ni Aira sa mukha ko. It was just a simple makeup. Most colours she used were neutral. Pero umangat pa rin ang ganda na meron ako. Especially, hindi niya ginalaw ang buhok ko. Mas bagay talaga kasi sa akin ang straight dahil nai-emphasize nito kung gaano kaliit ang tabas ng mukha ko.

Magaling talaga si Aira pagdating sa mga ganito. I would say that she's like an expert, even if she hasn't had proper training in it. Marunong naman akong mag-ayos ng sarili, pero 'yong pagkakaayos niya, alam niya kung anong features ang iha-highlight.

"You know what, nagtatalon pa ako matapos kong mabasa 'yon!" Kinikilig niya pang dinagdag. "Saka sino ba ang hindi mai-excite, 'di ba? I mean, after those long and boring years of yours, pumayag ka nang makipag-date at last!"

Tumayo ako at lumapit sa queen-sized bed, habang naiiling dahil sa sinabi niya. Naka-pink robe pa rin ako. At ang tatlong dresses na iba-iba ang kulay ay nakahiga sa kama. Si Aira kasi ang mamimili ng susuotin ko. And now seeing those green, yellow, and blue cocktails beneath the pink mattress... I think it was a right choice that Aira picked a dress for me.

Nahirapan akong mamili!

Go with the flow kasi akong tao. Kung anong nariyan, iyon na rin ang isusuot ko regardless kung anong magiging hitsura ko. Hindi rin kasi ako conscious sa sarili ko. Hindi rin ako perfectionist pagdating sa mga ganito. Wala rin naman kasi akong naririnig na hindi magandang feedback tungkol sa pananamit ko- except sa trabaho ko.

"Bakit gan'tong mga kulay ang napili mo?" Inangat ko ang kulay green na dress. Bigay ang mga iyon ni Tiya Flor sa akin. Hindi ko nga lang nasuot dahil mas prefer ko 'yong mga damit kong nailabas ko na.

"Ysa, ano ka ba naman!" angil niya. "Until now, wala ka pa ring idea about sa dress code? Ilang beses na kaya tayong nag-bar!"

"Mas prefer ko 'yong red dress ko-"

Kaagad niyang sinabunutan ang buhok niya at medyo nagulo ang pagkaka-wavy niyon. I could see her frustration through the mirror. "That red pencil-cut dress?"

I nodded at her. A smirk was etched on my lips. Nude din ang kulay ng mga labi ko.

"Gosh! Throw that dress already, Ysa!"

"Bakit naman? I felt beautiful in that dress. Kaya bakit ko itatapon?"

Pinandilatan niya ako ng mga mata saka lumapit sa kinauupuan kong silya.

"You know what, Ysa? 'Yong dress na 'yon, parang credit card ko."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Bakit?" Wala pa man, nag-aabang na ang paghalakhak niya. "Kasi gamit na gamit na!"

Napailing na lang ako nang umugong ang malakas na halakhak ni Aira matapos sabihin ang punchline niya. Good thing that this was a soundproof room. Dahil kung hindi, baka kinatok na kami ng katabi ng unit ko. Rinig ko pa naman na kakalipat pa lang nito kaninang umaga.

"Stop it, Aira." I let out a sigh and bit my lips.

"Oo na!" may halakhak pa rin niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya.

"Bagay sa 'yo 'tong green," sabi niya matapos makabawi sa pagtawa. She held the dress she was talking about. It was just a simple tube top. May butas sa kaliwang parte na maglalantad ng balat sa may tiyan. "Mas lalong made-define nito ang pagka-slim ng katawan mo. And even your skin. Lalo kang puputi."

"Why not the blue one?"

Umiling siya. "Nah, nah. This is your first date, to be exact. Kaya dapat pa-sweetums ka lang pero may pagka-sexy pa rin."

Napatango ako, napaniwala sa explanation niya.

"That blue one... it will make you too demure. Parang Virgin Mary. Nah, nah to that."

"Eh, 'yong yellow?"

Kaagad siyang umiling. "Your skin is not exotic, Ysa! Hindi 'yan bagay sa 'yo."

Sa huli, 'yong green cocktail ang sinuot ko. And I must say, it was the right decision. Umangat nga ang pagkaputi ng balat ko at mas nadepina ang pagka-slim ng katawan ko. And with my right side belly skin being revealed, it made me sexy.

I took a mirror picture of myself before I went off to the bathroom.

Nakapagpalit na rin si Aira mula sa high waist trouser at crop top niya kanina. Now, she was in her yellow pencil-cut dress. Totoo ngang bagay ang kulay yellow sa mga morena. Napapalabas niyon ang pagka-exotic ng kulay ng balat. Especially, Aira na nasa gitna ng pagiging morena at fair skin.

"Arat na!" Isinukbit niya ang signature sling bag niya saka tumayo sa kinauupuang couch.

I smiled and sashayed out of my condo unit. "You sure na sasama ka talaga? Baka mainip ka lang doon."

Humalakhak si Aira kaya agad ko siyang hinarap matapos mai-lock ang pinto.

"Paano naman ako mabo-bore, Ysa?" Inikutan niya pa ako ng mga mata. Parang nakarinig siya ng joke sa akin. "I'm with Miko!"

Habang nagsasalita siya ay nagsimula na akong maglakad papuntang elevator, kaya nang marinig ang pangalan ay natigilan ako saglit at binalingan muli ang kaibigan.

"Miko?"

"Boyfriend ko!" she spat, her cheeks turning red. "As if I'm going to wait for you until you finish your date. Saka hindi naman talaga ka namin sasamahaan. Isasabay ka lang namin. Auntie texted me the place where you and your blind date will meet. Nagkataon na sa Mystique rin ang punta namin ni Miko."

Napatango ako, hindi kumbinsado sa explanation niya. I started walking again. Tumigil lang ako nang bumukas na ang elevator at hanggang sa makapasok na ako nang tuluyan.

Kaagad naman nakasunod si Aira.

"You're not believing me, right?"

I glanced at her through the door of the elevator as it closed.

"Come on, Ysa. Nagsasabi ako ng totoo!" She chuckled. "Actually, kikitain din namin doon ang pinsan niya. Kakauwi lang ng lalaki from the States."

"Okay."

Napatango na lang ako.

Hindi rin naman nagsalita muli si Aira at na-busy na sa cell phone niya. For sure, ka-text niya ang boyfriend niya. Napangiti ako. Napanatag ang loob ko na makitang masaya ang kaibigan sa sitwasyon niya ngayon.

I can't afford to see her slowly losing herself because of love.

Alam ko, nararamdaman ko, pagdaraanan niya rin ang naranasan ni Papa dahil sa pag-ibig na 'yan kahit pa sa past relationships niya, siya ang nakipag-break at mukhang hindi big deal.

I'm wishing not, though.

Sana, mali ang nararamdaman ko.

"He's here!"

Nang marating ang parking lot ng condo, kaagad tumakbo si Aira palapit sa kulay itim na kotse. Seeing how luxurious that car was, for sure, Aira's boyfriend came from a wealthy family.

Sumunod na rin ako sa kanya nang matanaw ang paglabas ng isang lalaki mula sa driver's seat at sinalubong ang kaibigan.

I stopped.

I saw them hugging each other tightly, like they'd missed each other. Halos umabot lang ng dibdib nito si Aira. Ga'no na nga ba sila katagal na mag-boyfriend at girlfriend?

I don't have any ideas.

Lately kasi ay hindi rin kami nagkaroon ng oras para mag-usap ni Aira. She was busy with the opening of their cafe- her family's business.

And I?

I was busy with my work, too. Especially last week, when Mr. Sandoval announced his one-month vacation. Maraming papeles at trabaho rin ang minadali dahil ayaw ni Mr. Sandoval na maraming trabaho ang maiiwan sa anak niya.

But teaching him to be responsible... siguro naman, tama lang na iwan niya ang anak niya nang tambak na trabaho. For him to learn a lot, right?

"Ysa!" Aira called.

Napakurap ako at nabalik sa tamang wisyo. Si Aira na lang ang nasa labas at ang boyfriend niya ay nasa loob na yata ng kotse.

"Arat na!"

"Ah, oo! Nariyan na."

Pinilig ko ang ulo ko saka ako nagmadaling lumapit sa kotse. Lutang ka na naman, Ysa! Tsk!

Sa backseat ako sumakay, samantalang si Aira, sa frontseat katabi ng boyfriend niya. I already expected that, though. Ang hindi ko in-expect ay ang pagiging super sweet ng kaibigan sa boyfriend niya. Super clingy niya. It wasn't natural for her. Hindi siya ganoon sa mga past relationship niya.

Napabuntonghininga na lang ako.

"By the way, Hon," sabi ni Aira habang nasa kahabaan kami ng biyahe papuntang Mystique- isa sa mga high-end clubs sa Manila. "This is Aira. My bff. I already told you about her, 'di ba?"

"Yup."

Even in his not-so-deep voice, I could hear the player type of guy in him.

"Ysa, si Miko." Kinikilig pang sabi ni Aira, bumaling pa sa akin saglit. "Ang guwapo niya, 'no?"

Napangiwi ako. "Nice to meet you."

"Same," said Miko, glancing at me through the rear-view mirror for a second. "You look familiar. Did we meet before?"

I shook my head. "Hindi pa 'ata?"

He looked familiar, too. Hindi ko lang isinatinig dahil nakakatawa ang rason kung bakit. He looked familiar because he had the standard face of a player!

Napatawa ako sa isip ko.

"I thought I had met you in my dreams before."

Natigilan ako. For real? Nasabi niya 'yon habang narito si Aira? Ang girlfriend niya?

Damn, this player!

Humalakhak si Aira na ikinalaki rin ng mga mata ko. "You're funny, Hon! Baka nga nagkita na kayo nitong si Ysa in one of your dreams. Minsan lang 'yan lumabas ng condo niya kapag wala sa work! Madalas, pilit pa!"

Is she for real?

Hindi ba siya maghihinala sa sinabi ng boyfriend niya? I'm sure he's a great player. Pero parang isang joke lang iyon para kay Aira!

Nailing na lang ako at tumahimik buong biyahe. I have so many words to tell my friends. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag hindi niya kasama ang boyfriend niya.

Malakas talaga ang kutob ko na sasaktan lang siya ng lalaking ito.

I could sense it!

Tsk!

Nang marating ang building na puno ng iba't ibang ilaw na patay-sindi, kaagad na akong bumaba ng kotse bago pa man makalapit si Miko sa pintuan ng backseat. Malakas ang pakiramdam ko na pagbubuksan niya ako ng pinto. Sabay rin kasi silang bumaba ni Aira.

Halakhak ni Miko ang sumalubong sa akin sa paglabas. Simangot kong binalingan tuloy sila ni Aira sa may gilid ng front seat.

"Bagay sina Aira at ang pinsan ko, Hon," sabi pa ni Miko.

"Why naman?" Aira looked at me and waved her hand. Lumapit naman ako sa kanila. "Dahil they're both pretty and handsome?"

"Nope!" Miko crouched and whispered to Aira. "'Cause they both look grumpy."

Aira shoved Miko's tummy a bit, and they both laughed.

Nagpanggap na lang ako na hindi narinig ang joke na iyon ni Miko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng Mystique. Sa puno ng respetong pagbati ng dalawang bouncer na nakabantay sa may entrance, I am pretty sure that Miko was known at the bar. He seemed like a VIP to them. Kaagad kasi siyang inasikaso at iginiya ng waitress sa kung saan.

"You sure na hindi ka na magpapasama?" tanong ni Aira, nagpaiwan nang sumunod ang boyfriend niya sa babae.

Umiling ako. "Hindi na, Aira. Kaya ko na," sabi ko saka inilabas ang phone mula sa Kate Spade na sling bag ko. "I have my info here."

Aira stared at me.

I smiled and blinked my eyes, reassuring her that I would be fine. Ang mas inaalala ko pa ay 'yong boyfriend niya kasama ang 'sang babaeng naka-bunny maid costume.

Ang sexy no'n!

"You sure?" she asked, still looking worried.

"Oo. Ano ka ba!" Tinapik ko pa ang balikat niya. Aira is sexy in her yellow tube-top cocktail dress, too. It reveals her firm shoulder. "Saka hindi ka ba nag-wo-worry na kasama ng babaeng 'yon ang boyfriend mo?"

Aira looked at her boyfriend. Nasa table na ito at mukhang kausap pa ang waitress. But my smirk faded like smoke when she looked back at me with her smile.

"Miko can't cheat, you know." She giggled. "He loves me that much!"

"Okay. Sabi mo, eh."

Nagpaalam na ako kay Aira at hindi na nagtagal pa. Kailangan ko pang hanapin ang lalaking naka-puting pulo na may golden eagle na nakatatak sa likuran. Hindi naman ako nahirapan hanapin siya dahil nasa may unahan siyang mesa nakaupo. Medyo malayo kina Aira at Miko, pero kung may mangyari mang hindi maganda, madali lang akong makahingi sa kanila ng tulong.

And as if I would stay longer with him. I can feel that this date will be a failure. Sino ba naman kasi ang magkakainteres sa isang babaeng walang ibang ginawa sa buhay niya kundi ang magtrabaho?

Yes, I also went to a bar like this. Pero miminsan lang iyon at kapag napipilit lang ako ni Aira o hindi naman kaya, ni Tiya Flor.

"Hi!" bati ko kaagad sa lalaki.

He stood up and held his hand in front of me. "Hi. You're Ysabella, am I right?"

May ngiting tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. "Oo. I believe you're Davin?"

"Yeah."

"Well... kanina ka pa?"

"Medyo." He flashed me his bright smile as he guided me to my seat on the couch. Labas lahat ng maputi at pantay niyang ngipin. And I have a bad feeling about that.

A great player, too.

"How about drinking this first?" May pagdadalawang isip niyang inabot sa akin ang isang baso ng orange juice. "I'm sure you're thirsty because of the long ride?"

Medyo nauhaw nga ako dahil sa haba ng binyahe namin. Hindi pa nakatulong na puro paglunok ng laway ang ginawa ko kasama sina Aira at Miko kanina. Because I couldn't say a word, my throat ran dry.

Tinanggap ko ang baso at sumimsim. "Thank you."

Thanks to the sweet and sour taste of the juice. It freshened me up!

He smiled sweetly as he went back to his seat. "Thanks that you love orange juice."

"Oo naman. Sino ba naman ang hindi gusto ang orange juice?" sabi ko. "Siguro... most of the population in the world loves orange juice!"

We chuckled.

"Yeah, for sure."

"Excuse me for a bit," I said, and I stood up. "Washroom lang ako."

"Yeah, yeah. You may go. Take your time."

Inubos ko muna ang laman ng baso ko saka ako umalis sa mesa. Daven watched me intently as I drank up the orange juice to the last drop. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon hanggang sa makapasok na ako sa washroom at nag-retouch.

Maybe he was amused to see someone who really loved oranges. Well, it's my favorite drink, but not my favorite fruit. I still love the sweetness of strawberries!

"She's so hot and sexy, bruh!"

Iyon ang sumalubong sa akin nang pabalik na ako ng mesa. Hindi na nag-iisa si Davin. May isang lalaki nang nakaupo sa couch na kinauupuan ko kanina.

"Really?" the guy said, amused. "P'wede na bang pampalit kay Alyena?"

"Damn, bruh! Kahit kaninong babaeng naka-one-night stand ko, walang-wala sa Ysabella na 'yon."

I was taken aback.

"She seems like a virgin, too!" Davin drank the beer from the glass. "Jackpot 'to, bruh!"

"Hindi mo igi-girlfriend?" Tumungga rin ng beer ang lalaki.

"Why would I?"

They laughed.

Napasinghal ako nang marinig iyon. I expected this to happen, but I couldn't help my blood to boil. Biting my lower lip, I stared at Davin's back intently. Good thing that he was sitting with his back to me. For sure, agad niya akong makikita sa kung nasaan ako nakatayo sakaling nakaharap siya sa akin.

I craned my neck and searched for Aira and her boyfriend. Pero wala na ang mga ito sa table kung saan ko sila nakita kanina.

Despair that I couldn't see my friend, I bit my lip until I tasted the metal on my tongue. Dumugo na ang labi ko. Hindi pa nakatulong ang biglaang paglakas ng upbeat music at pagsipagtayuan ng mga tao.

"Where is she, then?" I heard Davin's friend ask.

"Wait. She's in the washroom. Susunduin ko."

Bigla akong nataranta. Kaya walang pagdadalawang isip, isinukbit ko ang mga kamay ko sa braso ng lalaking paraan sa akin.

I was taken aback when his dark, hooded brown eyes looked down on me. I blinked. I had no choice but to do that.

"Ysabella?" I heard Davin call, and he didn't seem sure if he recognized the right person.

I smiled sweetly at the guy, who was towering over me and giving me a loud beat on my heart.

"Let's go?" I said.

Lalong nangunot ang noo ng lalaki. And it couldn't help that Davin was walking towards where I and the guy were standing.

My heart started to beat loud and fast even more.

I took a deep breath and, without hesitating, I pulled the guy and started trudging before Davin came near us.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status