Share

Kabanata 37

Blair Castro

NAGCOMMUTE ako pabalik sa Quezon Province para makita ulit ang mga anak ko. Hindi ko na pinansin si Lukas kahit pa nga nakita niya akong sumakay sa taxi kanina papunta sa station ng bus pabiyaheng Quezon. Hangga't maaari ay gusto kong iwasan ang lalaking 'yon dahil masyado akong nababaliw kapag malapit siya. Ayokong makagawa na naman ako ng kasalanan at masaktan na naman ang bunso kong si Lira.

Kahit pa nga labag sa kalooban ko ang ginawa kong pagbalewala sa kaniya ay mas pipiliin kong suwayin ang puso kong nagmumukmok at naghuhuromentado nang sandaling makita ko siya at talikuran.

Agad akong nakarating sa lugar kung saan nakatira ang kambal. Pakababa ko ng bus ay tumambad sa akin ang mga tao na agad tumingin sa akin. Ang iba ay tiyak na namukhaan ako dahil tumigil sa kani-kanilang ginagawa. Maging ang mga batang naglalaro ay tumigil para makiusyoso sa pagdating ko—tulad

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status