Chapter 24Tanging pagtango lang ang sinagot ko sa tanong niyang iyon. Napahinga siya ng malalim saka tumango na lang rin.“Let’s go,” sabi niya at sinama niya ako sa pagkausap sa mga sadya niya dito sa resort na ito. Pamilyar ang mukha ng mga may-ari dahil halos sikat lahat ng mayayaman dito sa lugar namin. Kaya nang ipinakilala ako ni Third ay todo ang hiyang nararamdaman.“Wow, you got a nice taste,” sabi ng lalaki kaya nahiya ako lalo.“I do, but I want to finish this right away. We have something to do after. I got no time so I hope you understand that,” sabi ni Third at nagsimula na nga silang mag-usap tungkol sa negosyo.Tahimik naman akong nakinig. May mga bagay akong naintindihan at may mga bagay na wala. Pero ang hindi ko lubos na mapigilan ay ang mapahanga lalo kay Third. Sobrang sarap pakinggan ng propesyonal niyang boses.“Thank you so much, Hijo. You never disappoints, I mean your company and your products never disappoints. Hanggang sa magbukas kami ng marami pang branc
Chapter 25Gabi na nang sinipag si Third na bumangon. “Your cheeks are red,” paos na sambut niya nang tumayo ako mula sa kama. Nakatitig siya sa mukha ko at napangisi kalaunan. “Ano?” mahinang tanong ko na ikinailing niya at ikinatawa.“Let’s just clean ourselves. We’ll dine outside. Bukas na lang tayo mamasyal. We have a party to attend tomorrow,” sabi niya saka biglang tumayo.I am wearing his shirt at his wearing his boxers. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom at mukhang alam niya iyon kahit pa wala akong sinasabi.“Mauna na ako?” tanong ko kaya bahagyang napataas ang kilay niya.“We can shower together,” sabi niya kaya natigilan ako. Unti-unti akong umiling saka bahagyang ngumuso.“Third—”“Oh, you are sore,” dagdag niya kaya bigla akong nakaramdam ng labis na hiya.Mas lalo siyang natawa kaya tumalikod na ako at naglakad patungo sa banyo. Binilisan ko ang pagligo at nang makalabas ako habang nakatapis ng tuwalya ay nakita kong abala siya sa kausap niya sa phone. Pero sa gitna n
Chapter 26Sa sumunod na araw ay maaga kaming nagising at lumabas para mamasyal kagaya ng sinabi niya. Hindi maalis ang ngiti sa mga labinko habang tumitingin-tingin sa paligid. Sa Laveda nasanay ako na puro bundok, taniman, at mga puno ang nakikita ko. At ngayon ay may nakikita akong hindi masyadong mataas na building pero manghang-mangha pa rin ako.“Wait until you see Manila. My condo is located at BGC, you’ll love tye view there,” sabi ni Third kaya mangha ko siyang nilingon.“Nakikita ko sa tv na matataas ang buildings doon,” sabi ko.“It’s more than that,” sabi niya saka ako hinila.Pumunta kami sa iba’t-ibang pasyalan at ang huli naming pinuntahan ay ang sobrang laki nila na mall. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nakapasok na ako sa mall dahil may mall naman sa Laveda, malayo nga lang sa amin, pero hindi ganito kalaki. “Let’s go,” sabi niya saka ako dinala papasok sa isang shop na maraming naka-display na cellphones, laptop, at marami pang iba.Pinasahan ko lahat ng
Chapter 27The next day I woke up so early. At gustuhin ko mang bumangon kaagad ay hindi ko magawa dahil nakapulupot ang braso ni Third sa akin at halos daganan na ako ng katawan niya.Natigil ako sa paggalaw para titigan ang mukha niya na mahimbing na natutulog. He looks like a fallen angel. O kaya isang Diyos na mula sa libro ng mga mitolohiya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para paglandasin sa mukha niya. I touched his forehead down to his pointed nose. At ilang sandali pa ay naramdaman ko ang lambot ng mga labi niya.Mukha siyang suplado. But his lips says otherwise. Ang lambot-lambot. He slightly frowned. Mukhang naistorbo ko ang pagtulog niya kaya dahan-dahan akong umupo. At iyon ang dahilan para buksan niya ang mga mata niya. He looks sleepy but still so fine. Namumula ang mga mata niya at ilang beses niyang kinurap bago mahinang nagsalita.“What time is it?” mahinang tanong niya kaya kaagad akong napatingin sa maliit sa orasan.“Five—”“Let’s sleep more,” ungol niya sa
Chapter 28Kahit gustuhin ko mang bumangon nang masilaw ako sa pagsilip ng linawag sa mga kurtina ay nagdadalawang-isip ako. Wala akong lakas ng loob na lumabas sa kwartong ito. Sa mga katulong pa lang ay hiyang-hiya na ako. Paano pa kaya sa pamilya niya?“I’m sick,” mahinang daing niya kaya napangiwi ako. We were so close and I could feel his body. Wala siyang sakit.Dahan-dahan akong tumalikod sa kanya at sa ganoong posisyon niya ako niyakap. Buong akala ko ay babalik siya sa pagtulog pero nakaramdam na lang ako ng kiliti sa batok ko dahil sa paghalik niya. “Sama ka sa akin sa Manila,” mahinang bulong niya habang patuloy na hinahalikan ang batok ko.“Third,” mahinang reklamo ko pero kinagat at sinipsip lang niya ang batok ko.“I’m going to Singapore next week. Isasama kita,” bulong niya at kasabay nito ang pagsinghap ko dahil naramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko.“Third,” sabi ko pero matunog lang siyang ngumisi.“And I inquired in Enderun, the current tuition for Busin
Chapter 29Nanatili ako sa tabi ni Third. At hindi man humihinto ang bumabagabag sa isipan ko pero mas kampante at komportable ako ngayong kami lang dalawa. He’s telling me a lot about their businesses. At hindi ko maiwasang mamangha lalo na dahil tila nakikita ko sa isipan ko kung anong klase ang buhay niya sa Manila.He got everything. Nakakahanga.“I am planning to take my MBA, too,” sabi niya. Kampante kaming nakaupo sa harap ng kotse niya na naka-park sa tahimik at malayo sa kalsada na lugar. Nakatitig siya sa harap habang ako ay nakatitig lang sa kanya.“Mas gugustuhin mo ba doon kaysa dito?” wala sa sariling tanong ko kaya dahan-dahan niya akong nilingon gamit ang naniningkit niyang mga mata.“I always prefer Manila over Laveda…before,” sagot siya saka siya bahagyang napatikhim. Dahan-dahan akong nag-iwas ng tingin saka marahang tumango.“Pinapabalik ka na doon,” mahinang sambit ko at doon siya napabuga ng hangin saka natawa ng kaunti.“Babalik rin naman kaagad ako dito…unless,
Chapter 30Iyak ako ng iyak habang pilit kong pinupulot ang mga gamit kong nagkalat at unti-unting nababasa ng ulan. Pinanood lang ako ng mga guwardiya sa ganoong posisyon at halos wala na akong mukhang maiharap sa kanila dahil sa pagkapahiya.Umalis si Tita. Siguradong umuwi na siya. At alam kong galit na galit siya pero wala akong ibang mapuntahan. Siguradong wala na akong trabaho. Galit na galit sila. Galit na galit si Third.Gusto kong magmakaawa na sana pakinggan niya ako. Gusto kong lumuhod sa harap niya para makiusap. Pero kaya ko bang harapin ang galit niya sa ngayon? Gusto kong humingi ng tawad. Hindi literal na tama si Tita pero pinaniwala ko siya na sinusunod ko ang utos niya kaya may kasalanan rin ako. Kahit sa loob-loob ko ay hindi ang utos ni Tita ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko.Gustong-gusto ko si Third. Gustong-gusto ko siya. At habang binabalikan ko ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ay mas lalo lang akong nadudurog. Imposible nang mangyari lahat ng iyon.
Chapter 31Sinabi ko kay Kayla ang lahat ng mga nangyari. At tulala siya matapos iyon dahil hindi siya makapaniwala. “Teka, Gosh, hindi ko gets. Teka, teka, ano?” gulat na tanong niya kaya napalunok ako saka napapunas sa mga luha kong walang hinto sa pagtulo.“Si Tita kasi—”“Wait, wait, sa una muna tayo. Hindi mo naman inakit ang amo mo, hindi ba? Bakit hindi mo sabihin? Gosh! Hindi ako makapaniwala, Yen! Totoo?!” Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Paulit-ulit niya pa ako tiningnan mula ulo hanggang paa na parang hindi siya makapaniwala na nangyari ang mga sinabi ko.Napasinghap siya kaya namutla.“Naunahan mo pa ako. Pero walang hiya ang Tita mo. Ang sarap itapon sa pacific ocean. Wala na ngang pakinabang wala pang ginawang tama. Pareho sila ng pinsan mong malandi,” inis na sambit niya kaya napahinga ako ng malalim saka napayuko.Kahit ako galit sa ginawa ni Tita at ni Jen. Paano nila nagawa iyon? Bakit nila ibinenta ang bahay? “Anong plano mo ngayon?” marahang tanong niya at