The Missing Bride

The Missing Bride

last updateHuling Na-update : 2026-11-06
By:  Mizzy KimIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
4views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

One missing bride. One man who doesn't know how to surrender. And one past that will change everything. Limang taong hinahanap ni Ross Vescari ang babaeng tanging minahal niya. Ang babaeng bigla na lang nawala bago sila ikasal--si Andrea. Hanggang sa isang araw, natagpuan niya ang babaeng kamukhang-kamukha ni Andrea. Pero may isang problema. Hindi siya si Andrea. Siya si Faye Torres. Walang alaala si Faye sa lalaking pilit siyang inaangkin. Wala siyang maalala tungkol sa kasal na hindi niya gustong ituloy, sa pag-ibig na minsang naging totoo, o sa trahedyang tuluyang naghiwalay sa kanila. Para kay Ross, siya ang babaeng hinanap niya sa loob ng limang taon. Para naman kay Faye, isa siyang estrangherong handang gawin ang lahat para hindi na siya makatakas muli. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim ng nakaraan, isang mas madilim na katotohanan ang naghihintay sa kanila. May taong gustong pumatay kay Faye, at maaaring ang pagkawala ni Andrea ay simula lamang ng isang mas malaking kasinungalingan. Sa kabila nito, determinado si Ross na protektahan si Faye mula sa mga taong nagbabanta sa buhay nito. At sa hindi niya inaasahang pagkakataon, nagsisimulang mahulog muli ang loob niya. Pero kanino nga ba talaga siya nahuhulog? Is he falling in love with Faye, or is he simply chasing the ghost of Andrea in her?

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1: Kidnap

Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.

Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya.

Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye.

"A-Anong ginagawa mo?"

Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.

Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya.

"Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.

Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye.

"Sabing tumigil ka!"

"Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya.

"Paano ako makikisama kung nakatali ako dito?! Ni hindi kita kilala! Tsaka nasaan ba ako?!" Nilibot ni Faye ang paningin at nakitang nasa isang malaking kwarto sila. Doble o triple ang laki sa kwarto niya sa bahay nila.

Kulay pilak ang mga tela ng kwarto. May king size bed, may sofa, may malaking banyo, at may veranda.

Doon na niya pilit inalala kung anong nangyari sa kanya kagabi bago siya napunta sa lugar na ito.

Nag-iinuman silang magkakaibigan sa isang bar. Pagkatapos no'n ay lumabas siya mag-isa. Kaya lang ay may dalawang lalaking lumapit sa kanya pero mga bastos ang mga ito. Sumubok siyang lumaban pero masyado na siyang lasing noong oras na iyon.

Hanggang sa may isang lalaking dumating. Malabo sa alaala niya ang itsura nito, pero sinapak ng lalaking iyon ang dalawang lalaking pumipilit sa kanya.

Nahilo na siya at pagkatapos no'n ay sinakay na siya ng lalaki sa sasakyan nito.

Kaya ngayon ay nandito na siya.

Nalaglag ang panga niya sa naalala saka siya muling sumubok na gumalaw-galaw para makawala.

Kinidnap ba ako? Pero kung kindinap ako, bakit ako inaayusan? At bakit ang ganda naman ng kulungan ko?

Habang kinukwestyon ni Faye ang mga nangyayari ay bigla na lang nagbukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaki.

Napatitig siya doon.

Matangkad ang lalaking iyon. Nakasuot ng black pants, black shoes, at black na polo na yumayakap sa katawan nito, ang dalawang butones ay nakabukas kaya bahagyang nakikita ang matipunong dibdib nito.

Pinagmasdan siya ni Faye at nakita ang mahabang tattoo nito mula sa leeg, at natitiyak niya na pababa iyon hanggang sa kanang braso nito.

"Mr. Vescari," kinakabahang sambit ng babaeng nagmi-makeup sa kanya. "M-Medyo nahirapan na po akong tapusin yung pag-aayos kay ma'am noong nagising na po siya."

Kahit naririnig ay hindi siya binalingan nung lalaki dahil na kay Faye lang ang titig nito.

"It's alright. The money has already sent to your account. You can now leave."

Agad yumuko at nagmadali ang makeup artist para kunin yung mga gamit niya para makaalis na.

"Thank you po, Mr. Vescari!"

Nang makalabas ang babae ay dahan-dahan nang lumapit yung lalaki sa kinauupuan ni Faye. Pero mas dumoble lang ang takot sa dibdib niya nang makitang may baril ito sa baywang.

"Pakawalan niyo siya," utos ng lalaki sa dalawa sa mga malalaking bodyguard niya sa likod.

Agad namang sumunod yung dalawang bodyguard at mabilis na kinalas ang tali sa upuan ni Faye.

"Who the hell are you?" Mariing tanong niya nang mapakawalan siya't makatayo.

"Still pretending you don't know me?"

Tinuro niya ang lalaki. "Anong pinagsasabi mo? Ikaw yung kumidnap sa akin?"

"Correction: Nagligtas sa'yo."

"Nagligtas? Tapos kinidnap mo rin ako at tinali dito? Ang bait mo naman," sarkastikong sambit niya.

Malamig lang siyang tiningnan ng lalaki.

"Sino ka? Nasaang lugar ako? Bakit ako nakasuot ng wedding gown ngayon at bakit mo ako pinaayusan?"

Humalukipkip yung lalaki saka seryoso ang mga matang nakatitig kay Faye.

"Andrea, I am perfectly aware that you know my name. Nandito ka sa bahay ko, at nakasuot ka ng wedding gown dahil isang oras na lang, ikakasal na tayo.."

Nagsalubong ang kilay ni Faye sa mga narinig.

"Anong Andrea ang sinasabi mo? Hindi Andrea ang pangalan ko. At hindi ko alam kung sino ka o kung nasaan ako ngayon. Tsaka ano? Kasal? Bakit naman ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman kilala?"

Dahan-dahang dumilim ang mga mata ng lalaki. Umigting ang panga niya at kinalas na niya ang pagkakakrus ng mga braso.

"You cannot fool me again, Andrea. Limang taon kitang hinanap. Tingin mo'y kakalimutan ko lang lahat ng 'yon?"

"Bakit ba ang kulit mo? Sabing hindi nga ako si Andrea! Faye ang pangalan ko at hindi Andrea!"

Muling umabante ang lalaki habang naniningkit ang mata kay Faye.

"Whatever you say...Faye."

Kumunot ang noo ni Faye dahil kahit tinawag na siyang Faye ng lalaki ay mukhang hindi pa rin ito naniniwala.

Umatras siya nang makitang lumiliit na lang ang distansya nilang dalawa ng lalaki.

"Huwag kang lalapit!" Banta niya.

Pero hindi tumigil sa paglapit ang lalaking ‘yon.

"Fine. Unless you really forgot who I am, I'll introduce myself again.."

Mabilis na naghanap ng panglaban si Faye kung sakaling may gawing masama ang lalaki sa kanya.

"I'm Ross Hudson Vescari,"

Pero sa halip na pakinggan ang lalaki ay lumingon si Faye sa magkabilang gilid niya at doon may nahanap siyang matalim na chinese hairstick sa mesa kung saan nakalagay ang mga gamit ng makeup artist kanina. Dahil sa pagmamadali nitong umalis kanina ay naiwan nito ang ilan sa mga gamit niya.

Kinuha ni Faye 'yon at tinutok kay Ross dahilan para mapatigil ito sa paglapit sa kanya.

Nang makita ng mga bodyguards ang ginawa niyang pagtutok no'n ay sabay-sabay silang naglabas ng baril at tinutok kay Faye.

Dahil doon ay mas lalong nabakas ang takot at panginginig niya. Shit. Dito na ba ako mamamatay?

"Put your goddamn guns down now!" Mariing utos ni Ross sa mga tauhan niya nang makita ang takot na reaksyon ni Faye.

Sunod-sunod na binaba ng mga lalaking iyon ang mga baril nila.

Pero umatras ulit si Faye saka umiling.

"I told you, I don't know you."

"But, Andrea--"

"Paulit-ulit ka! Sabing hindi ako si Andrea at wala akong kilalang Andrea."

Muling tumiim ang panga ni Ross, hindi matanggap ang sinasabi ng babae.

"Sinasabi mo lang ba 'to para iwan ulit ako?"

Doon na nakita ni Faye ang pangungilila sa mga mata ni Ross. Pero wala siyang pakielam dahil talaga namang kahit anong pilit niya sa utak niya ay hindi naman niya talaga kilala si Ross.

Umiling ulit si Faye.

"Hindi ako si Andrea. Hindi kita kilala. Hindi kita minahal. Hindi ako magpapakasal sa'yo."

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ni Ross nang marinig ang mga salitang 'yon.

"Uuwi na ako."

"No. You're not going anywhere again," mas malamig na sambit na niya.

"Bakit ayaw mo akong pauwiin? Natatakot ka ba na magsusumbong ako sa mga pulis dahil sa pagkidnap mo sa akin ngayon?"

Kahit galit ay gumuhit pa rin ang ngisi sa labi ni Ross.

"Baby, no one dares to get in my way. Even them."

Napalunok si Faye sa narinig. Tinatakot niya lang ba ako? O wala talaga siyang kinakatakutan?

"What do you mean?" Mas lalo niyang inangat ang hawak niyang hairstick.

"Just... marry me."

"Again, why would I fucking marry you?"

"Because I said so,"

"Hindi ako magpapakasal sa'yo dahil lang sinabi mo lang."

"Well, you have no choice."

Dahil sa namumuong galit ay nagbalak na ng pagtakas si Faye. Hindi siya papayag na walang choice tulad ng sinasabi nito. Hindi siya papayag na wala siyang gawin para sa kabaliwan ng lalaking ito.

Nilibot niya ang paningin at nakita ang apat na malalaking tauhan ni Ross. At hindi lang sila basta-basta dahil lahat sila ay may dalang mga baril.

Hanggang sa nakaisip siya ng ideya.

Mukhang pinagkakamalan siyang Andrea ng lalaking ito. At kung sino man ang Andrea na iyon ay tiyak na mahalaga siya kay Ross. Hinanap daw niya ito ng limang taon, kaya paniguradong hindi papayagan ni Ross na may mangyaring masama sa kanya.

Kaya naman mariin niyang tinutukan ang sariling leeg ng hawak niyang hairstick.

Mas lumakas ang loob ni Faye nang makitang natigilan si Ross.

Doon niya nakumpirmang tama nga ang naiisip niya: Ayaw niyang masaktan si Andrea.

"Hahayaan mo akong umalis dito sa lugar na 'to. Dahil kung ayaw mo, magpapakamatay ako dito." Pilit niyang tinatago ang panginginig ng mga kamay habang dinidiin ang matalim na dulo ng metal na hairstick sa leeg niya.

Noong una'y hindi kumilos si Ross. Pero nang makita niyang dumugo na ang pagkakatusok ni Faye sa leeg niya ay doon na siya bahagyang kinabahan.

"Fine." Mariing usal niya saka pumagilid sa daan.

"Huwag mo akong papasundan sa mga tauhan mo!"

Umigting ang panga ni Ross sa pagpipigil ng galit.

"Huwag niyo siyang susundan.." utos na niya sa mga tauhan niya.

Doon na dali-daling lumabas si Faye habang hawak niya pa rin ang matalim na hairstick.

"Sir, sigurado po ba kayong hahayaan niyong umalis si ma'am?" Tanong ng isa niyang tauhan sa kanya.

Seryosong pinanood ni Ross ang pagtakbo palabas ni Faye.

Kinuyom niya ang mga kamao.

"Of course not."

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status