Share

Chapter 6—Guest

Pumasok ako sa cafe ni Amber at dumiretso sa opisina niya. Binati ako ng mga nadadaanan kong mga nagta-trabaho. Nginitian ko din sila pabalik.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang hinihilot ang sentido at nakaharap sa kompyuter. Kumunot ang noo ko sa kanyang hitsura.

"Anong problema mo?" Tanong ko at kumuha ng upuan at tumabi ng upo sa kanya.

I looked over her computer and I saw how her sales was down for this month. Napatingin ako sa kanya at naghintay ng sasabihin niya.

Bumuntong-hininga ito at hinarap ako.

"May ano kasi, problema, may nagpapakalat ng fake news tungkol sa cafe ko kaya mababa yung sales. Ginawan ko naman ng paraan para ma clear yung pangalan namin pero ganun pa rin. Tapos dumadag pa itong mga bagong delivery services. Maghahanap pa ako ng kompanya na magpapartner sa amin," mahabang paliwanag niya. Kaya naman pala.

Napatango ako at napalabi habang nag-iisip ng maaaring solusyon. Hindi madali ang bumaba ang sales ng isang negosyo, baka hindi na ito makabawi at tuloy-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status