Share

Chapter 7—Mrs. Veronica

Biglang nagbago ang pintig ng puso ko pagkapasok namin sa bahay. Bawat hakbang ko ay nakakapaso dulot din ng kaba na nararamdaman ko. Hindi ko ito pinapahalata habang nakasunod sa akin ang ginang.

Rinig ang tunog ng takong ng kanyang suot na heels hanggang sa maupo kami sa sofa sa sala. Saka binaba niya ang kanyang bag sa center table saka ako tinignan. Nakadekwatro ito at inobserbahan ako.

Magkahawak ang kamay kong malalamig sa aking hita habang inoobserbahan ang kanyang kilos.

"Mabait ba ang anak ko sayo?" tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay didiretsuhin niya ako na pag-usapan ang namamagitan sa amin ng anak niya.

Lumunok ako para iwaksi ang kaba, "Opo mabait po," sagot ko. Tumango-tango ito saka may kinuha na brown na envelope mula sa bag niya at inilahad sa akin.

Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanyang inilahad, "Ano po ito?"

"Buksan mo," sagot nito. Nanatiling malamig ang tingin niya sa akin.

Nanginginig ko itong inabot. Kaba lang ang tanging narar
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status