Share

Chapter 8—Pressure

Kahit na negative naman ako sa lahat ng tests, kailangan ko raw muna magpahinga sa bahay at bawas-bawasan ang mga gawaing nakakaubos ng lakas. Nagbigay din ng resita ng gamot ang doktor at sinabian akong manatili muna sa ospital bago umuwi. Sa mga oras na iyon, hindi ko nakita si Thorn, baka nasa labas ito nagpapahangin.

Makalipas ang dalawang oras, bumalik ang doktor at kasunod nito si Thorn. Pinayagan na kaming umuwi at pinaalala sa amin ang kailangan na gamot at pahinga. Tumango naman kaming dalawa at hindi na kami nagtagal sa loob ng kwarto.

“May gusto ka bang bilhin?” tanong niya sa akin. Papunta kami sa sasakyan niya. Nakaalalay siya sa akin habang dahan-dahan ang paghakbang ko.

Umiling ako nang hindi siya tinitignan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumunod na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya dahil sa huli naming usapan. Kahit na narinig ko ang sinsero na pagpapahayag niya ng kanyang damdamin, balot pa rin ako ng takot.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status