Mag-log inJENINEPasado alas dos ng hapon, at dumating na nga ang napakalungkot na sandali ng muling pagkakalayo namin ni Huxley. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang mapaluha."Babe, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak," wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Napaingos ako. "Hindi ko lang mapigilan, babe.""Naku Ma'am, kapag ganyan kayo, baka hindi na umalis yan si bro Huxley," panunukso ni Marco."Oo, hindi na ako iiyak," mahina kong sabi. Sandali kong isinantabi ang nararamdaman kong lungkot, kailangan kong maging matatag para sa amin ni Huxley kahit ang totoo, sumisikip na ang dibdib ko dahil ilang minuto nalang papasok na siya sa boarding area.Nang magsimula ng mag-announce ang airport staff para sa kanilang boarding time, parang gusto ko na namang maiyak. Pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong mahihirapan si Huxley."Paano babe, papasok na ako," wika niya at muli akong niyakap at kinintalan ng halik sa noo. Pero hindi ko na n
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw ng sayahan kasama si Huxley at ng mga kaibigan niya at ngayon, huling gabi na namin sa Tagaytay. Hindi ko maiwasang malungkot na naman dahil bukas muli na naman kaming magkakalayo ni Huxley. Sa Lunes na rin ang balik ko sa trabaho matapos ang sembreak."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Daphne. "Naku, I'm sure nalulungkot na naman si Ma'am dahil aalis na tayo bukas lalo na si Huxley," wika naman ni Sabrina."Tumingin silang lahat sa akin na para bang nakikisimpatiya sa nararamdaman ko."Babe," mahinang wika ni Huxley saka masuyong hinawakan ang kamay ko. "Kaya natin 'to di ba?"Tumango lang ako at ngumiti sa kanya."Basta ang masasabi lang namin sa inyo Ma'am, bro..." wika ni Marco. "Maging matatag kayong dalawa.""Yes bro. Tama." Pagsang-ayon naman ni Eduard. "Di ba nga love conquers all?""Yes true." Sabay-sabay na saad ng lahat."O sya, let's enjoy muna. This time, wala munang drama," nakangiting pahayag ni Mabel.Napangiti na
JENINENang magsidatingan ang mga kaibigan ni Huxley, naging mas masaya ang paligid. "Maraming salamat talaga sa inyo guys ha. Kung hindi dahil sa tulong niyo, hindi talaga ako makakauwi ng Pilipinas at hindi ko makakasama si Jenine." "Wala 'yon bro Huxley. Anytime, maasahan mo kami," wika ni Marco sabay tapik sa balikat ni Huxley."Yes tama yan, bro. Hindi ka namin kayang pabayaan," pagsang-ayon naman ni Eduard."Basta we are always here to support you and Ma'am Jenine, bro." Sabat naman ni Sabrina.Narinig ko ang isa-isang pagsang-ayon ng grupo at hindi ko napigilang mapangiti. Parang ang gaan sa dibdib. Sino bang mag-aakala na ang mga estudyante kong pasaway noon, ay siya pa palang magiging tunay kong mga kaibigan ngayon.“Grabe kayo… nakaka-emo naman ’yan,” biro ko, pilit na pinapawi ang init na biglang namuo sa mga mata ko.“Ay, Ma’am, huwag ka ngang umiyak,” agad na sabi ni Daphne, sabay abot ng tissue. “Hindi bagay sa’yo ’yung iyakin. Mas gusto namin 'yong personality mo noon
WARNING! MATURE CONTENT AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.JENINEPagkapasok namin sa kwarto, inilock niya ang pinto at maingat niya akong inihiga sa kama. "Babe, sobrang nami-miss kita," wika ni Huxley at masuyong hinaplos ang pisngi ko.Muli siyang tumitig sa mga mata ko at nauunawaan ko 'yon. Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.Muling naglapat ang aming mga labi sa magkahalong pagmamahal at pananabik sa isa't isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa bahagya niyang kinagat ang tenga ko na nagdulot sa akin ng matinding sensasyon. "Huxley..." tanging katagang nasambit ko habang ninanamnam ang bawat paghaplos niya sa balat ko.Habang bumababa ang mga halik niya sa aking leeg, naramdaman kong lalong bumigat ang bawat paghinga ko. Kapwa mainit ang aming katawan, parang nag-aapoy sa matinding pangangailangan at pananabik sa isa't isa.Ang kanyang mga kamay ay marahang dumulas sa aking baywang, parang sinasaliksik ang bawat pulgada ng balat na matagal niyang hindi nahawakan. B
JENINEMaraming kotse ang nakaparada sa parking lot, pagkalabas namin ng airport. Yon ang mga sundo nila ni Eduard. Siguro kung hindi lang nagkaproblema, marahil nandito na rin ang sundo ni Huxley.Mayamaya'y dumating na rin ang family driver ni Marco."Bro, h'wag mo na kaming samahan sa Tagaytay. Dumiretso ka nalang muna sa bahay niyo," wika ni Huxley."Oo nga Marco. Hayaan muna natin itong dalawang 'to na magkasarilinan," nakangiting pagsang-ayon naman nina Sabrina at Daphne."So ano bro, kayo nalang muna ang tutuloy du'n? Anyway, may address naman kaya siguro naman hindi kayo maliligaw," natatawang saad ni Marco. "Pinapaayos ko na rin du'n pati na ang pagkain ninyo.""Maraming salamat bro. Pasensya na kayo, at namumulubi ako ngayon," wika ni Huxley. Bagama't nakangiti siya pero naramdaman ko na hindi talaga siya sanay na walang pera.""Oy, pumunta kayo ha. Aasahan namin kayo roon," muling saad niya."Of course, darating kami. Maybe later na. Kayo na muna ni Ma'am Jenine ngayon," mul
HUXLEYNagdaan ang maraming buwan at ganu'n lang ang setup namin ni Jenine. Nagtatawagan kami tuwing gabi (Philippine time) at umaga naman dito sa Amerika. Unti-unti na rin akong nakakapag-adjust. But of course, nangungulila pa rin ako sa kanya.Isang linggo na lang at magse-sembreak na kami at excited na akong umuwi ng Pilipinas. "Bro, anong plano?" tanong sa akin ni Marco nang minsang magkausap kami sa telepono."Gusto ko sanang umuwi bro, pero hanggang ngayon naka-freeze pa rin lahat ng credit cards ko.""Don't worry about it, di ba nagpromise kami na tutulungan ka namin?""Salamat bro. Pasensya na kayo," mahina kong sabi."No problem bro, kailan mo ba planong umuwi, at sasabay kami sa iyo? I mean, at least sabay tayong dumating ng NAIA."Saglit akong natahimik nang sumagi sa isipan ko si Mommy. Paano kung malaman nila ang pag-uwi ko. Baka mas lalo lang madamay si Jenine."Bro, what's wrong? Ba't bigla kang natahimik?" untag sa akin ni Marco."Naisip ko lang, paano kung malaman i







