LOGINShe was a maid. Until she became pregnant with his child. Ezrha knew her place… serving the wealthy family she worked for and staying far away from their playboy son, Axelrod Monteverde… But one forbidden night changed everything. Dahil lamang sa pagkakaakalang inaakit siya ni Ezrha. Until three weeks later... Ezrha found out that she was carrying her master’s baby.
View MoreBuong akala ko ay ma-e-enjoy ko na ang day-off ko dahil nasa business trip ang mga amo ko. Ngunit nagkakamali ako…
“Ezrha, pakikuha ng pagkain sa dining area. Tapos dalhin mo sa kwarto ng amo natin,” utos ni Aling Roseta sa akin, ang mayordoma ng bahay na ito. Napabalikwas ako ng bangon, nagbabalak na matulog na sana nang maaga. “P-po? Akala ko ba nasa business trip sina ma’am at sir?” nagtatakang tanong ko. “Ah, pinauwi niya rito iyong anak niya para pansamantalang may tao rito sa bahay. Dalhin mo na muna roon. Alam kong day-off mo pero marami kasi akong gagawin. Huwag kang mag-alala, hindi ka kakainin ng anak ng amo natin,” biro pa ni Aling Roseta. Napangiwi na lamang ako. Alam ko naman na wala talaga siyang gagawin. “Makikipaglandian lang naman iyang matanda na iyan sa guard namin. Mukhang siya yata ang kakainin ngayon,” tukoy ko kay Aling Roseta nang makaalis sa kwarto ko. Naglalakad na ako ngayon papasok sa kwarto ng amo namin. Bigla akong nakuryoso. Sa dalawang taon ko bilang maid, hindi ko pa kasi nakita si sir Axelrod Monteverde ni kahit isang beses. Nakuntento lamang ako sa mga larawan niya na naka-display sa malaking bahay. Nang makarating sa harap ng p***o. Kinatok ko iyon, ngunit walang bumubukas. Nangangalay na ang paa ko kakatayo at kakahintay. Nang panglimang katok ko na, ako na ang kusang bumukas ng no’n sa inip. Bumungad sa akin ang madilim na kwarto at malamig na buga ng aircon sa loob. “S-sir… ito na po ang hapunan ninyo,” walang sumagot. Napatingin ako sa banyo na bukas ang ilaw. Naisipan ko na baka naliligo lang siya. Kaya pinaandar ko na lamang ang ilaw at inilapag ang pagkain niya sa maliit na lamesa. Abala ako sa ginagawa nang may marinig akong sumipol sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino iyon, hindi ko maiwasang mapahanga sa anak ng amo ko. Kung gaano siya kagwapo sa larawan, mas higit na nakakahumaling siyang pagmasdan sa personal. Perpekto ang hulma ng mukha. Umiigting ang panga. Matangos ang ilong. Hugis puso ang mapupulang labi. Nakakapanghina. Hubad ang pang-itaas, basa ang buhok, at nakatapis lamang. Tanging alaga niya lang ang nakatago sa pagitan ng tela na iyon. Hindi ko namalayan na natagalan ang titig ko sa kaniya. “Who are you?” biglang tanong niya. At doon ako natauhan sa pagkatulala sa kaniya. Napatikhim ako bago magsalita. “A-ako si Ezrha. M-maid ako rito. Nandito na po pala, sir, iyong pagkain ninyo,” sagot ko na hindi maiwasang mautal dahil napansin ko ang malalim na titig niya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa suot ko. Nanlaki ng mga mata ko nang mapagtanto na nakasuot lamang pala ako ng maikling bestida. Nakalimutan ko pang magsuot ng bra! “P-pasensya na po. Nakalimutan kong magbihis. Day-off ko ho kasi sana ngayon kaso nautusan ako ni Aling Roseta,” pilit na paliwanag ko sa kung ano man ng iniisip niya. “Inaakit mo ba ako?” deritsahang tanong niya. Bahagya pa itong nakangisi, tila natutuwa sa reaksyon ko. “H-ho? Hindi po! Nagkakamali po kayo ng iniisip,” taranta ko. Natawa lamang ito sa akin. Napaatras ako nang bigla siyang humakbang patungo sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, lalo na nang mapansin ko ang mga mata niyang puno ng pagnanasa. “You think you can fool me? Alam ko ang galawan ng mga babae,” seryosong wika nito. Na para bang kapag totoo man ang iniisip niya. Hindi siya magdalawang-isip na kumagat. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito siya umasta. Kilala ko siya na babaero at marami nang naikama na babae. Alam ko iyon kasi halos araw-araw ko ba namang maririnig iyong sermon ni ma’am Sandra sa kaniya na itigil na ang pambabae niya. Hindi ko rin masisisi kung bakit bumibigay ang babae sa kaniya. Sa ganiyang itsura at matikas na katawan, kahit ako'y manghihina rin, eh. Tuloy-tuloy ang atras ko. Ngunit hindi na nadagdagan ng isa pa nang tumama ang likuran ko sa malamig na pader. Kinuha niya ang pagkakataon upang ikulong ako. Parehong kamay niya ang nakaharang sa maliit kong katawan. “Stop pretending that you’re innocent…” tumaas ang balahibo ko nang yumuko siya para ibulong lamang iyon sa akin. Inosente naman talaga ako! Ngayon lang medyo dumumi dahil kaharap ko siya. “H-hindi talaga. Maniwala ka,” giit ko pa. Napasinghap ako nang yumuko siya at inilapit ang mukha sa leeg ko. Gamit lamang ang isang kamay, naipon niya ang makapal na buhok ko— na para bang isturbo ang harang na iyon sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit imbes na magreklamo, parang may sariling utak ang katawan ko at kusang tumagilid ang leeg ko— dahilan upang mas makagawa iyon ng malaking espasyo sa kaniya. I heard him chuckled on my neck. “Ayoko sa lahat iyong… sinungaling,” madiing wika niya. Hindi ko inaasahan ang pagsunggab niya sa labi ko. Hindi pa ito nakuntento at bigla niya pa iyong kinagat. “Ah…” Imbes na magpumiglas dahil nasaktan, kusang lumabas ang kakaibang daing sa labi ko. “Ganito ang ginagawa ko sa mga sinungaling na labi ng tulad mo. Dapat kinakagat, dinidisiplina,” may pangungutya sa boses niya. Patuloy siya sa paghalik sa akin. Hanggang sa nahanap ko na lamang ang sariling gumaganti sa mapusok niyang halik. Napahawak ako sa dibdib niya, napakapit ako roon bilang suporta. Kung hindi ko kasi gagawin iyon, pakiramdam ko’y maduduwal ako sa kinatatayuan ko. Lumakbay ang kamay niya sa ibang parte ng katawan ko, dahilan upang makaramdam ako ng panghihina. I was about to close my eyes, when I heard him. “Don’t close your eyes. Look at me,” he demanded. Hinang-hina man, sinunod ko siya. Pakiramdam ko'y liyong-liyo na ako sa pinanggagawa niya sa akin. “I’m not done yet. Ako naman dapat,” ngisi niya. Bago pa man ako makapag-react. Binuhat niya ako bigla at dinala sa kama niya. Tinanggal niya ang tuwalya sa baywang niya. Nanlaki ang mga mata ko at halos himatayin nang makita ang alaga niya. Ang laki! Kaya ko ba? Kasya ba? Ngunit nasagot lahat ang katanungan na iyon nang hinubad niya ang saplot ko at itinutok ang kaniya. Isa lamang akong simpleng maid. Hindi ko pinangarap ito ni kahit minsan. Alam ko ang limitasyon ko bilang katulong. Ngunit tila nawala iyon sa isip ko dahil kay Sir Axelrod. Paano na 'to? Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang kalakihan niya. Ngunit nahanap ko na lang ang aking sarili na ang nakakuha ng pagkabirhen ko ay ang aking bilyonaryong amo. At… nagustuhan ko naman iyon!Tinulungan ni Papa si Mama na magsimula ulit. At doon nagsimula ang kuwento nilang dalawa."P-patawarin mo ako, anak. Nilihim ko sa 'yo ang lahat ng ito..." nanginginig na wika ni Mama sa akin. "N-noong nalaman kong anak ni Sandra si Axel, gusto ko kayong paghiwalayin. Ayokong matulad ka sa akin."Napahinto siya sa pagsasalita."A-ang hirap lang kasi..." Napatigil siya habang kinakagat ang ibabang labi, pilit na pinipigilan ang pag-iyak."K-kasi nakikita ko si Axel kay Larex noon. Kung paano niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Kahit anong tulak mo sa kaniya, hinahanap ka pa rin niya."Napayuko si Mama."Ganoon kasi si Larex sa akin dati."Hindi ko alam kung bakit, ngunit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib."M-mahal ko ang Papa ninyo," patuloy niya. "Pero minsan, naiisip ko lang talaga si Larex. Noong nalaman kong naospital siya, hindi ko maiwasang mag-alala."Napatingin ako sa kaniya."Kaya ba siya humingi ng pabor kay Axel na dito sa ospital magpagamot?" tanong ko.Napatan
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng silid ni Sir Larex, katabi si Mama. Ngunit pareho kaming tahimik. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Samantala, naiwan naman sa loob sina Ma'am Sandra at Axel.Hindi ko alam kung paano ko napilit si Axel na manatili sa tabi ng kaniyang ama. Kanina lamang ay ayaw pa niyang gumalaw. Mas gusto na lamang niya akong ilayo roon, marahil dahil hindi na niya kayang makita akong muling masaktan ng kaniyang ina.Ngunit alam kong kailangan siya ni Sir Larex.At kahit gaano kasakit ang lahat, hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama.Napasulyap ako kay Mama.Tulala siya habang nakatitig sa pintuan ng silid. Para bang naroon pa rin ang lahat ng alaala ng nakaraan, naghihintay lamang na muling bumalik sa kaniya.Marami akong gustong itanong.Marami akong gustong malaman.Ngunit masyado akong natatakot sa mga sagot na maaari kong marinig mula s
Halos sabay-sabay kaming napasinghap sa loob ng silid.Napatingin ako kay Axel. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniyang ina."You have no right to hurt Ezrha. How dare you hurt the woman I love, Mom?" bumasag ang boses ni Axel nang sabihin iyon.Napalingon sa akin si Axel. He wiped my tears when he saw them rolling down my cheeks.Ang kanina'y seryosong mga matang ipinukol niya sa kaniyang ina ay agad na lumambot nang ibaling niya ang tingin sa akin.At sa pamamagitan ng titig na iyon, nakilala ko ang lalaking mahal ko.Ang lalaking ni minsan ay hindi nagtaas ng kamay sa akin. He never shouted at me. Hindi niya ako kailanman sinaktan, kahit sa mga panahong pareho kaming nasasaktan at hindi nagkakasundo.Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi niya kailanman ginamit ang galit niya para saktan ako.At ngayon, habang nakatingin siya sa akin, muli kong naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.Ang pagmamahal na kahit anong pagtulak ko sa kaniya palayo ay g
"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews