LOGINHUXLEYHabang patuloy na lumilitaw ang katotohanan, biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Harvey.Sinulyapan niya ang screen.“Bro... si Marco."Mabilis kong inagaw ang cellphone sa kamay niya at agad itong inilapit sa aking tainga.“Hello, Bro.”"Bro Huxley!" Halata ang matinding pag-aalala sa boses ni Marco. "Buti naman at nakausap din kita. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka talaga makontak.”Bigla akong kinabahan.“Bakit? Anong nangyari?”Sandaling natahimik si Marco bago muling nagsalita.“Nasa ospital si Jenine.”Kamuntik ko ng mabitiwan ang cellphone dahil sa labis na pagkabigla.Nanginginig ang mga kamay ko sa takot at pangamba."Anong nangyayari sa kanya, bro?"“Nawalan siya ng malay kahapon nang makaalis ang sinasakyan ninyo. Tapos, kani-kanila lang muli na naman siyang nahimatay kaya isinugod na siya ng mga kapatid niya sa ospital.""God..."Biglang tumulo ang luha ko kasabay ng panginginig ng aking kamay. "Saang ospital Marco at pupuntahan ko siya.""Sa St. Matthew Me
HUXLEYSa kabila ng mga sinabi sa akin ni Kuya Harvey, hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ko. Iniisip ko si Jenine at ang anak namin. Hindi ako makatawag, kasi kinuha ang cellphone ko. Pinutol din ang landline connection sa kwarto.Napatingin ako sa labas ng bintana. Mas lalo pang hinigpitan ang pagbabantay sa akin ng mga bodyguards."Damn it!" Pagmumura ko sa sarili.Mayamaya, may kumatok sa pintuan."Sir Huxley..." Isa 'yon sa mga katulong namin. "Kakain na raw ho kayo.""Wala akong ganang kumain." Matigas kong sabi."Pero, Sir..." nag-aalangang wika ng katulong. "Nagagalit na po sina Sir at Ma'am. Pinabababa na po kayo."Hindi ako sumagot.Narinig kong napabuntong-hininga ito bago tuluyang umalis.Kagabi pa walang laman ang tiyan ko, pero hindi naman ako nagugutom. Ilang sandali ang lumipas at bumukas ang pinto. "Hanggang kailan ka ba magpapagutom, Huxley?"Matigas na tanong ni Mommy. "Sisirain mo ba talaga ang buhay mo?"Mariin akong napapikit bago dahan-dahang humarap sa k
JENINE"Hindi!" halos mapasigaw ako habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng bodyguard. "Huxley, h'wag! H'wag kang sumama sa kanila!"Mariin akong tiningnan ni Huxley. Pilit siyang ngumiti kahit kitang-kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata."Babe..." paos niyang sambit. "Mahal na mahal ko kayo ni baby Liam. Hindi ko kayang mailagay ang buhay ninyong dalawa sa panganib.""Hindi! Magkasama tayong aalis dito!"Napailing siya.Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Agad namang umurong ang bodyguard na may hawak sa akin nang senyasan ni Mr. Baltimore.Maingat niyang hinaplos ang pisngi ko."I'm sorry, babe."Hindi ko napigilan ang mapahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay kaming nag-iyakan. "Babe, pangako aayusin ko 'to. Sa ngayon, kailangan ko munang sumama sa kanila alang-alang sa kaligtasan ninyong lahat."Unti-unti siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at bumaling kay baby Liam na mahimbing pa ring natutulog sa mga bisig ko. "I'm sorry, son..." bul
JENINEMakalipas ang ilang minuto, tuluyan na kaming nakahanda. Maingat kong kinarga si baby Liam at sumakay sa sasakyan. Nakasunod naman sa akin si Huxley dala-dala ang mga gamit namin."Bro, nakasunod lang kami sa inyo," wika ni Eduard.Marahang tumango si Huxley.Magkatabi kaming naupo sa backseat kasama si Liam habang nasa passenger seat naman si Marco. Lima kaming lahat sa van, at 'yong iba naman nasa isang van na nakasunod sa amin."Tayo na." Wika ni Marco.Unti-unting umandar ang sasakyan palabas ng rest house.Tahimik ang loob ng van. Tanging mahinang ugong ng makina at ang banayad na paghinga ni baby Liam ang naririnig ko habang mahimbing siyang natutulog sa aking mga bisig.Marahan kong hinawakan ang kamay ni Huxley.Agad niya akong nilingon at bahagyang ngumiti."Babe...""Hmm?""Kapag nakarating tayo sa Bukidnon..."Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam ang magiging buhay natin doon. Hindi na ako isang Baltimore. Isa na akong ordinaryong taong walang yaman at kapangyarih
JENINEParang huminto ang paghinga ko sa sinabi ni Marco.Checkpoint.Ibig sabihin, mahihirapan kaming tumakas.Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Huxley.Hindi ko na namalayan na nanginginig na pala ito.Napansin niya iyon kaya marahan niya akong nilingon."Babe..." mahina niyang sambit.Ngumiti ako kahit pilit."Ayos lang ako."Ngunit hindi ko maitatago sa kanya ang katotohanan na talagang natatakot ako dahil baka madamay dito si baby Liam.Muli na namang nangilid ang mga luha ko."Babe, hey. H'wag kang umiyak," awat ni Huxley. "Malalagpasan natin 'to, makatatakas din tayo, I promise."Marahan akong tumango at mabilis na pinalis ang mga luha ko. Ayaw ko rin naman na mas lalo siyang mabibigatan. Basta, haharapin namin ito ng magkasama.Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mangamba sa kalagayan namin. Paano ako magiging maayos kung bawat segundo, may posibilidad na muling mawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko?Paano na si baby Liam?"Uhm babe, pupuntahan ko nalang muna si baby
HUXLEY"H'wag ka ng masyadong mag-alala, babe. Malalagpasan din natin ang lahat." Wika ko kay Jenine habang isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Alam kong labis siyang nag-alala sa sitwasyon namin, pero lalaban ako para sa kanila ng anak ko kahit hindi ko alam kung hanggang saan, basta hindi ako susuko.Ilang sandali ang lumipas, dalawang magkasunod na van ang pumarada sa tapat ng gate ng resthouse."Babe, sino kaya ang sakay niyan?" Natatarantang tanong ni Jenine. "Baka ang Mommy at Daddy mo, baka natunton na tayo rito.""Babe, relax. Sa tingin ko, hindi naman ganito kabilis nila tayong matunton rito sa Tagaytay. Nasa tagong lugar itong rest house nila Marco.""Tingnan mo," sabi ko nang matiyak na ang mga kaibigan ko ang bumaba ng sasakyan."Marahan siyang tumango.Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming sinalubong sina Marco."Bro, salamat at nandito na kayo." Isa-isa kong silang niyakap."Hindi ba kayo nasundan rito, bro?" tanong ko."Nagawan na namin ng paraan, bro. Nailigaw
JENINE"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindih
JENINEKinuha ko si Liam mula sa crib at dahan-dahang niyakap, inilapat ko siya sa dibdib ko habang nakahiga kami sa kama. Ang init ng maliit niyang katawan ang tanging nagpapakalma sa magulong tibok ng puso ko. Pero kahit anong pilit ko—hindi pa rin ako makatulog. Paikot-ikot lang sa isip ko si Hu
JENINETinupad nga ni Huxley ang sinabi niya na tatawag siya sa akin, kapag nakarating na siya sa LA. Kahit papano'y naibsan ang lungkot na nararamdaman ko, dahil nagvi-video call kami at nakikita ko pa rin siya kahit sa screen lang ng cellphone ko. Hanggang sa unti-unti na akong nakakapag-adjust
JENINEPanibagong araw na naman sa eskwela. Kahit wala akong ganang pumasok, kailangan talagang piliting bumangon para sa pamilya ko. "Anak kung masama naman ang pakiramdam mo, h'wag mong piliting pumasok," wika ni Nanay habang kumakain kami ng almusal."Okay lang naman po ako, Nay." Mahina kong sa







