Share

CHAPTER 102

Author: Spinel Jewel
last update publish date: 2026-05-07 05:23:24

JENINE

"Anong problema, bro?" mahinang tanong ni Huxley. "Bakit kailangang magtago ni Jenine sa loob ng CR?"

Biglang natahimik ang lahat, parang naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

Hanggang sa si Marco na ang unang bumasag ng katahimikan. "Bro Huxley, sa ngayon, hindi mo pa kayang intindihin."

"Kaya kong unawain, bro. Kahit nawala sa akin ang lahat ng alaala pero maintindihan ko kung anong sasabihin ninyo." Seryosong pahayag ni Huxley.

Tiningnan nila ako na tila ba, hinihingi ang permi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marvin Pano
wala na pong update
goodnovel comment avatar
Spinel Jewel
yes po bukas. akala ko wala ng nagbabasa kaya hindi na muna nag uupdate. anyway salamat po
goodnovel comment avatar
Marvin Pano
update po please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Challenging Hearts   CHAPTER 121

    JENINEIkalawang araw ng pamamalagi ko sa ospital at medyo okay na ako, lalo na't nandito si Huxley at hindi umaalis sa tabi ko. "Babe, gusto ko ng lumabas ng ospital. Nami-miss ko na si Liam, eh." Sabi ko, nang minsang magkasarilinan kaming dalawa."Bukas ka pa pauuwiin ng doktor, babe. Kaya tiisin mo nalang muna okay? Anyway, inaalagaan naman ng mabuti ng Nanay mo ang anak natin, kaya walang dapat ipag-alala. Besides, naroon din naman sina Anna at Ronnel di ba?"Marahan akong tumango.Mayamaya, bumukas ang pinto at bumungad ang mukha Leslie."Besh!" Aniya at mabilis na sinugod niya ako ng yakap. "I miss you, besh.""Naku, nag-alala ako sa 'yo, no'ng tumawag si Anna at sinabing naospital ka raw. Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw. Kakauwi ko lang galing Baguio. Ako ang inatasan ni sir Salcedo na umatend ng seminar." Aniya at napatingin kay Huxley. "Hi, Huxley.""Hello Ma'am." "Hays, nalulungkot talaga ako sa inyong dalawa." Aniya at ibinalik ang tingin sa akin. "Ikinuwento s

  • Challenging Hearts   CHAPTER 120

    HUXLEYHabang patuloy na lumilitaw ang katotohanan, biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Harvey.Sinulyapan niya ang screen.“Bro... si Marco."Mabilis kong inagaw ang cellphone sa kamay niya at agad itong inilapit sa aking tainga.“Hello, Bro.”"Bro Huxley!" Halata ang matinding pag-aalala sa boses ni Marco. "Buti naman at nakausap din kita. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka talaga makontak.”Bigla akong kinabahan.“Bakit? Anong nangyari?”Sandaling natahimik si Marco bago muling nagsalita.“Nasa ospital si Jenine.”Kamuntik ko ng mabitiwan ang cellphone dahil sa labis na pagkabigla.Nanginginig ang mga kamay ko sa takot at pangamba."Anong nangyayari sa kanya, bro?"“Nawalan siya ng malay kahapon nang makaalis ang sinasakyan ninyo. Tapos, kani-kanila lang muli na naman siyang nahimatay kaya isinugod na siya ng mga kapatid niya sa ospital.""God..."Biglang tumulo ang luha ko kasabay ng panginginig ng aking kamay. "Saang ospital Marco at pupuntahan ko siya.""Sa St. Matthew Me

  • Challenging Hearts   CHAPTER 119

    HUXLEYSa kabila ng mga sinabi sa akin ni Kuya Harvey, hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ko. Iniisip ko si Jenine at ang anak namin. Hindi ako makatawag, kasi kinuha ang cellphone ko. Pinutol din ang landline connection sa kwarto.Napatingin ako sa labas ng bintana. Mas lalo pang hinigpitan ang pagbabantay sa akin ng mga bodyguards."Damn it!" Pagmumura ko sa sarili.Mayamaya, may kumatok sa pintuan."Sir Huxley..." Isa 'yon sa mga katulong namin. "Kakain na raw ho kayo.""Wala akong ganang kumain." Matigas kong sabi."Pero, Sir..." nag-aalangang wika ng katulong. "Nagagalit na po sina Sir at Ma'am. Pinabababa na po kayo."Hindi ako sumagot.Narinig kong napabuntong-hininga ito bago tuluyang umalis.Kagabi pa walang laman ang tiyan ko, pero hindi naman ako nagugutom. Ilang sandali ang lumipas at bumukas ang pinto. "Hanggang kailan ka ba magpapagutom, Huxley?"Matigas na tanong ni Mommy. "Sisirain mo ba talaga ang buhay mo?"Mariin akong napapikit bago dahan-dahang humarap sa k

  • Challenging Hearts   CHAPTER 118

    JENINE"Hindi!" halos mapasigaw ako habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng bodyguard. "Huxley, h'wag! H'wag kang sumama sa kanila!"Mariin akong tiningnan ni Huxley. Pilit siyang ngumiti kahit kitang-kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata."Babe..." paos niyang sambit. "Mahal na mahal ko kayo ni baby Liam. Hindi ko kayang mailagay ang buhay ninyong dalawa sa panganib.""Hindi! Magkasama tayong aalis dito!"Napailing siya.Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Agad namang umurong ang bodyguard na may hawak sa akin nang senyasan ni Mr. Baltimore.Maingat niyang hinaplos ang pisngi ko."I'm sorry, babe."Hindi ko napigilan ang mapahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay kaming nag-iyakan. "Babe, pangako aayusin ko 'to. Sa ngayon, kailangan ko munang sumama sa kanila alang-alang sa kaligtasan ninyong lahat."Unti-unti siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at bumaling kay baby Liam na mahimbing pa ring natutulog sa mga bisig ko. "I'm sorry, son..." bul

  • Challenging Hearts   CHAPTER 117

    JENINEMakalipas ang ilang minuto, tuluyan na kaming nakahanda. Maingat kong kinarga si baby Liam at sumakay sa sasakyan. Nakasunod naman sa akin si Huxley dala-dala ang mga gamit namin."Bro, nakasunod lang kami sa inyo," wika ni Eduard.Marahang tumango si Huxley.Magkatabi kaming naupo sa backseat kasama si Liam habang nasa passenger seat naman si Marco. Lima kaming lahat sa van, at 'yong iba naman nasa isang van na nakasunod sa amin."Tayo na." Wika ni Marco.Unti-unting umandar ang sasakyan palabas ng rest house.Tahimik ang loob ng van. Tanging mahinang ugong ng makina at ang banayad na paghinga ni baby Liam ang naririnig ko habang mahimbing siyang natutulog sa aking mga bisig.Marahan kong hinawakan ang kamay ni Huxley.Agad niya akong nilingon at bahagyang ngumiti."Babe...""Hmm?""Kapag nakarating tayo sa Bukidnon..."Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam ang magiging buhay natin doon. Hindi na ako isang Baltimore. Isa na akong ordinaryong taong walang yaman at kapangyarih

  • Challenging Hearts   CHAPTER 116

    JENINEParang huminto ang paghinga ko sa sinabi ni Marco.Checkpoint.Ibig sabihin, mahihirapan kaming tumakas.Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Huxley.Hindi ko na namalayan na nanginginig na pala ito.Napansin niya iyon kaya marahan niya akong nilingon."Babe..." mahina niyang sambit.Ngumiti ako kahit pilit."Ayos lang ako."Ngunit hindi ko maitatago sa kanya ang katotohanan na talagang natatakot ako dahil baka madamay dito si baby Liam.Muli na namang nangilid ang mga luha ko."Babe, hey. H'wag kang umiyak," awat ni Huxley. "Malalagpasan natin 'to, makatatakas din tayo, I promise."Marahan akong tumango at mabilis na pinalis ang mga luha ko. Ayaw ko rin naman na mas lalo siyang mabibigatan. Basta, haharapin namin ito ng magkasama.Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mangamba sa kalagayan namin. Paano ako magiging maayos kung bawat segundo, may posibilidad na muling mawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko?Paano na si baby Liam?"Uhm babe, pupuntahan ko nalang muna si baby

  • Challenging Hearts   CHAPTER 15

    HUXLEYHindi ko inaakala na magkaroon pala talaga kami ng celebration sa bahay. Akala ko sa labas lang kami magse-celebrate kasama ng mga kaibigan ko, pero nag order si Mommy ng pagkain. For the first time in my life ngayon ko lang siya nakitang natutuwa sa akin. Masaya naman ako dahil kasama ko s

  • Challenging Hearts   CHAPTER 12

    HUXLEYDumating na ang Foundation Day namin. Lahat kami masaya, dahil syempre wala na namang klase. Pero kinakabahan ako dahil mayamaya, sasabak na ako sa Individual Quiz. Sampu kaming contestants sa Grade 12 under ABM strand. At inaamin ko it's my first time na sasali ako sa contest. Kung hindi ng

  • Challenging Hearts   CHAPTER 10

    HUXLEY Panibagong araw sa eskwela. Nakakabwisit naman, at kailangan ko talagang magsuot ng uniform namin sa ABM buong araw. Hindi naman ako komportable dito, pero kailangan namang sundin 'yong Miss Guevarra na 'yon at bahagi ito ng plano namin ng mga kaklase ko. "Shit! Masyadong pormal, kainis nam

  • Challenging Hearts   CHAPTER 9

    HUXLEY "Ang galing talaga ng plano mo bro!" natatawang sabi ni Marco, habang nasa kotse kami. "Paniwalang-paniwala mo si Miss Guevarra na talagang nagbabago na tayo. "Oo nga. Ang bilis lang palang papaniwalain 'yong babae na 'yon eh. Aba'y siya lang ang nakasuntok sa akin kaya nasaling naman ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status