LOGINNAGSALUBONG NA ANG mga kilay ni Jago. Kumunot na rin ang noo dahil hindi maintindihan ang sinasabi ng asawa. Sa pakiwari niya ay nasa dreamland pa ito at wala pa sa realidad kaya naman kung anu-ano ang sinasabi.
“Ang lalaki kagabi, Jago. Saan mo siya itinago?”
Ipinakita pa ni Fae ang kanyang kamay na mayroong benda. Hindi iyon pwedeng pabulaanan na hindi totoo. Sigurado siyang may kinalaman ang asawa kung nasaan ang lalaki. Iniisip pa nga niyang baka may ginawa na itong masama dito.
“Hindi ba at siya ang naghatid sa akin dito?”
Isang buwan na lang, mababaliw na ang asawa ni Fae na si Jago sa ibang babae; kaya bago iyon mangyari kailangang may lalaking sasalo sa kanya nang sa ganun ay hindi naman siya gaanong masasaktan at malulungkot. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanap ng papalit sa lalaki kahit bata ito sa kanya. Ibabaling na niya dito ang pagmamahal niya.
“Anong sinasabi mo, Fae? Tulog ka pa ba?”
Agad na namula sa galit ang guwapong mukha ni Jago nang ma-realize ang pagbanggit niya sa lalaki. Sinulyapan niya ang suot na damit ng asawa, pagkatapos ay hinawakan ang kanyang pulso at hinila siya papasok sa walk-in closet ng kwarto.
“Damn, Felicity! Magpalit ka nga muna ng damit! Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na magbihis nang ganito? Kitang-kita na ang buong kaluluwa mo!” umiinit na ang ulong turan ni Jago na panay ang tingin sa likod noon ng asawa.
Hindi na niya nagawa pang palitan ito ng damit ng nagdaang gabi. Hindi na rin niya napansin ang suot nito dala ng mga nangyari. Tiningnan ni Fae ang kanyang kumakaway na dibdib, hindi naman nga iyon masyadong malaki ngunit dahil sa damit ay kapansin-pansin ang bahagyang pagtaas at pagbaba nito na umaasa lamang sa telang suot bilang suporta nito.
“Proud ka pa talagang ipakita sa madla ang bahagi ng katawan mo na hindi naman dapat.”
Sumimangot si Fae. Ano ang pakialam ng isang lalaking hindi siya mahal, magpaka-provocative man siya o hindi?
“Jago, totoo bang pumunta ka sa isang hotel kasama ang mukhang inosenteng aktres noong isang araw?” pag-iiba ni Fae ng kanilang usapan dahil naiinis siyang pinapakialaman nito ang kanyang ginagawa sa buhay, “Sagutin mo ako, Jago.”
“Wala kang pakialam—”
“Kung gayon ay wala ka ‘ring pakialam sa uri ng damit ko. Kung hindi tayo maghihiwalay, hayaan na lang nating tahakin ang sarili nating mga landas na nais. Magiging bulag ako at manhid sa mga ginagawa mo kung kaya naman ay dapat ganun ka rin sa aking mga gagawin. Huwag kang feeling matinong asawa. Hindi mo ako pwedeng hawakan sa leeg ko!”
Sa loob ng maraming taon, hindi niya naramdaman ang sustansya ng pag-ibig ng lalaki sa kanya; kailangan niya naman ng kaunting hormonal stimulation para magpatuloy ang kanyang buhay. Ganito ang pakiramdam ng sumusuko. Komportable. Hindi na niya kailangang maging masaya o malungkot para sa asawa; nagsisimula nang bumalik ang kaluluwa niya ng kabataan niya sa kanyang katawan kaya maghahanap na lang siya ng lalaking papahalagahan din siya.
Ang mga lalaki ay ipinanganak na mapagkunwari; maaari silang lumabas at magsaya, ngunit ang kanilang mga asawa ay dapat manatili sa bahay at maging sunud-sunuran sa kanila. Hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Magiging suwail siya.
Hindi naiiba si Jago. Hindi siya nito mahal, ngunit asawa pa rin siya ng lalaki iyon ay sa pangalan nga lamang makikita.
“Sinusubukan mo ba akong kutyain, Feli? Pagmukhaing masama?” pang-uuyam ng tanong ni Jago, pagkatapos ay may masamang hangarin na inabot at binuksan ang itim niyang deep-v na damit na suot. “Sino sa tingin mo ang magugustuhan ang ganitong katawan? Di mo kailangang maghubad sa harap ng maraming tao. Huwag kang pakawala.”
Tumingin si Fae sa kanyang kabuohan; sinipat iyong mabuti. Ang mga takip sa kanyang nipples ay ganap na natatakpan pa rin ang kanyang pigura, walang kahit isang detalye ang nalantad o naging malaswa sa paningin ng iba. Tinanggal niya ang kanyang kamay at mahinahong inayos ang suot niyang mga damit. Lumiyad pa ang babae para magmukhang malaki.
“Kakain ako ng mas marami mula ngayon, o kung hindi naman ay subukan ko kayang magpagawa ng dibdib?”
“Baliw ka na ba, Feli?!”
Sa wakas ay hindi na nakatiis si Jago. Tumingin siya sa asawa gamit ang mga mata niyang nagliliyab sa labis na inis.
“Mali ba ang nainom mong gamot nitong mga nakaraang araw? Anong pumasok sa kokote mo para gawin iyon?”
Ang Felicity ng nakaraan ay napakamahinahon, mapagbigay, matino, maalalahanin at walang arte sa katawan.
Paano niya nagawang magsalita ng ganoong mga kalokohan?
Kung maririnig ng ama niya ang sinabi nito kanina, baka atakihin siya sa puso ng wala sa oras.
Kung wala si Odessa, hindi siya nito hihiwalayan. Ang kasal na dala lang ng negosyo ay hindi kailanman isang laro na maaaring laruin nang kung ano ang gusto nila; ang isang taong kasing-rasyonal niya ay mahusay sa pagtimbang ng mga kalamangan at kahinaan. At ayaw ni Fae na dumaan sa proseso ng panonood lang kay Jago na umibig muli sa babae nito.
“Kung gayon, hiwalayan mo na ako.”
“Tumigil ka na sa panaginip mong iyan. Pagsisisihan mo ang pagpapakasal sa akin habang-buhay dahil kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ako makikipaghiwalay gaya ng nais mo. Itaga mo iyan sa bato, Felicity Gambello–El Gueco!”
Bumalik sa dati ang malamig na pag-iisip ni Jago, tila nakikita ang mga intensyon ng asawa oras na hiwalayan niya. Umarko naman ang isang kilay ni Fae sa salitang binitawan ng asawa na hindi maglalaon ay lulunukin niya iyon ng buo. Iibig siya kay Odessa. Iiwan siya nito. Mamahalin niya ang babaeng iyon nang sobra at paulit-ulit niya itong pipiliin din.
“Kung gusto mong maghiwalay tayo ng landas, hintayin mo akong pumanaw dahil iyon lang ang tanging paraan, Feli!”
Natigilan si Fae. Handa ba siyang maging martir para pagsisihan niya na naman ang pagpapakasal sa kanya? Hindi niya akalain na ang pagpilit sa kanya na pakasalan ng lalaki ay magdudulot sa kanya ng napakalaking sikolohikal na trauma, na mangangailangan ng matinding paghihiganti para maibsan ito. Sandaling na-blangko ang isipan niya, biglang inabot ni Jago ang kanyang baywang, idiniin pa niya katawan sa kanya. Dinilaan ng lalaki ang kanyang mga labi, madilim at hindi maintindihan ang nilalaman ng mga mata niyang nakatingin sa mukha ng babae na parang hinuhubaran na noon.
“Gusto mo bang—”
“Hindi! Bitawan mo nga ako!”
Ubod ng lakas na itinulak niya palayo ang asawa sa katawan. Ang mga taong nakatakdang maghiwalay ay hindi dapat magkaroon ng hindi kinakailangang pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Saka, hibang na ba ang kanyang asawa ngayon?
Pinikit ni Jago ang mga mata, at ng dumilat iyon ay matalim na siyang tinitigan. Isa siyang napakatalinong tao; dapat ay nakita na niya ang abnormalidad ni Fae sa nakaraang dalawang araw. Hinawakan niya ang baba ni Fae, pinilit siyang pinatingala at tumingin sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang inaasta nito.
“Kakambal ka ba ni Fae? Hmm? Nasaan siya? Ilabas mo siya!”
Paano ay bigla na lang itong kumilos nang kakaiba; ang babaeng matagal ng nagmamahal sa kanya.
“Feli, hindi ganoon kasimple ang kasal natin. Kapag nasira ito, magkakaroon ng hindi mabilang na conflict of interest. Wala akong oras para makipaglaro sa kung anong drama mo ngayon. Kung hindi mo talaga matiis ang kalungkutan at gusto mong lumabas at magsaya, gumamit ka ng protection.” lumapit pa si Jago sa tainga ng asawa para bumulong. “Tandaan mong kailanman ay hindi ko kikilalanin ang magiging anak mo dahil alam kong hindi sa akin iyon galing.”
NAGING PULA ANG ilaw sa unahan, huminto ang kanilang sasakyan, at sa wakas ay iginalaw ni Jago ang kanyang leeg at doon pa lang siya lumingon sa asawa. Napansin niya kasing tutok na tutok ito sa kanyang cellphone na bihira lang nitong gawin noon. Na-curious na siya kung sino ang kausap kaya umulyap na siya noon sa asawa. Doon niya napansin ang kakaibang anyo ng ayos ni Fae ngayon. Sa halip na papuri ang lumabas sa bibig, iba ang nasabi niya. “Mukhang pinaghandaan mong mabuti ang party. Kailangan ba talagang ganyan ang damit mo, Feli?”“Ano bang inaasahan mo? Cocktail party ‘yun di ba? Malamang magbibihis ako ng maganda. Ano bang inaasahan mong suot ko, Jago? Terno na pantulog?”Tinaasan siya ni Jago ng isang kilay. Mukhang tama nga ang mga drama sa TV kung saan binago ng bidang babae ang kanyang istilo at ginulat ang bidang lalaki ay peke lamang. Sa halip na magustuhan nito ang pagbabagong anyo niya, kabaliktaran iyon doon. Tumagal pa ang titig ni Jago sa kanyang hinaharap. Ibinaba
SA TOTOO LANG, hindi pa naman ganoon katanda si Fae; ang 27 ay hindi naman 72. Ngunit ang limang taon ng isang nakakapigil-hiningang pagsasama nila ni Jago at bunga ng isang pangmatagalang anorexia ay nagpamukha sa kanya na mas matanda ang babae sa kanyang edad. Daig niya pa ang mayroon ng ilang anak ang hitsura. Sa isip at pisikal niya iyon makikita. Tumango lang si Fae at habang pabalik ng villa kasama ang driver ay huminto sila sa isang botika upang bumili lang ng maraming food supplements at mga kailangan niyang vitamins para sa kanya.“Manong, komontak ka nga sa isang housekeeping company at maghanap ng ilang maaasahang magiging kasambahay, ‘yung mahusay magluto, mas mabuti kung may sertipiko rin ng isang nutritionist.” Naupo si Fae sa likurang upuan dala ang isang bag ng mga pinamili habang patuloy kinakausap ang driver.“Masusunod po, Madam.” Pagkatapos pakasalan si Jago, iminungkahi ng magkabila nilang angkan na kumuha ng mga katulong para maglinis, mag-ayos ng bakuran, at m
LUMAPAD PA ANG ngisi ng lalaki na animo puri ang narinig kay Odessa. Hindi na maalis noon ang mata sa nobya na halatang inlove na inlove na siya dito.“Namimigay ako ng mga flyers diyan lang sa malapit dito kaya naisipan kong dumaan saglit para makita ka. Dinalhan din kita ng takoyaki. Your favorite!” yabang pa ng lalaki na tinaas na ang bitbit nito doon.Ang ngiti ng lalaking iyon ay katulad ng kay Odessa, ang mga mata niya ay kumukurba na parang gasuklay na buwan sa madilim na kalangitan. Perpektong tugma ito sa babae, ngunit malupit silang pinaghiwalay ni Jago noon dahil sa isang trahedya. Hindi mapigilan ni Fae na makaramdam ng lungkot, kung siya magagawa niyang iwasan ang mas masaktan ang lalaking may pangalang Ryan, paano niya kaya iyon magagawang iwasan? Hindi niya alam.“Ano ka ba? Ang makita mo lang ako at makita kita kahit saglit ay sapat na, Ryan. Sobrang laki kaya ng hirap mo sa pamamahagi ng mga flyers para kumita lang kaya huwag mong sayangin ang pera mo sa pagdadala sa
SA KADAHILANANG MINSAN ng namatay si Fae kaya dapat ay kalmado at payapa na ang puso niya habang nauulit ang mga nakaraan nilang scene ng kanyang asawa. Naalala niya na sa panahong iyon ay nagawa na ng asawang makuha ang kanyang pagkababae na binigay niya sa ikalimang taong anniversary nila na sa panahon ngayon ay hindi pa nangyayari dahil nga nabago ang takbo ng timeline ng kanilang buhay mag-asawa. Hindi si Fae naghanda noong fifth anniversary nila. Kumalabog pa ang puso ni Fae nang maalala ng isipan ang tagpo gayong napagdaanan niya naman ang lahat ng mga ito. Tila may sariling buhay ang kamay ni Fae na umangat at malakas na niyang sinampal ang gwapong mukha ni Santiago.“Anong tingin mo sa akin, babaeng kaladkarin?!” Nagagalit si Fae dahil batid naman nitong birhen pa siya ngunit kung makapagbintang ay akala mo ay nahuli siyang may kaniig na lalaki. Syempre hindi ito maniniwala, saka pa lang ito naniwala noong may nangyari na at buong akala nito ngayon ay wala na siyang puri. Sa
NAGSALUBONG NA ANG mga kilay ni Jago. Kumunot na rin ang noo dahil hindi maintindihan ang sinasabi ng asawa. Sa pakiwari niya ay nasa dreamland pa ito at wala pa sa realidad kaya naman kung anu-ano ang sinasabi.“Ang lalaki kagabi, Jago. Saan mo siya itinago?” Ipinakita pa ni Fae ang kanyang kamay na mayroong benda. Hindi iyon pwedeng pabulaanan na hindi totoo. Sigurado siyang may kinalaman ang asawa kung nasaan ang lalaki. Iniisip pa nga niyang baka may ginawa na itong masama dito.“Hindi ba at siya ang naghatid sa akin dito?” Isang buwan na lang, mababaliw na ang asawa ni Fae na si Jago sa ibang babae; kaya bago iyon mangyari kailangang may lalaking sasalo sa kanya nang sa ganun ay hindi naman siya gaanong masasaktan at malulungkot. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanap ng papalit sa lalaki kahit bata ito sa kanya. Ibabaling na niya dito ang pagmamahal niya. “Anong sinasabi mo, Fae? Tulog ka pa ba?” Agad na namula sa galit ang guwapong mukha ni Jago nang ma-realize ang
PAYAK ANG NAGING ngiti ni Fae na parang gusto ng magmartsa palayo bunga ng pagkapahiya. Nababasa niyang hindi iyon kakagatin ng sariwang isdang binibingwit niya. Namutla na sa gulat na lumingon ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang pa. Kapagdaka ay ilang beses itong paulit-ulit na umiling ang uli na may bakas ng takot.“Pasensya na, iba na lang. May girlfriend na ako.”Aw, buti pa ang lalaking ito girlfriend pa lang loyal na.“Ah, ganoon ba? Oh, pasensya na, hahanap na lang ako ng lalaking walang kasintahan…” kindat niya pa upang buuin ang kumpiyansang nayurakan ng lalaki.Yumuko na doon si Fae, oo, pinamanhid ng alak ang ilang bahagi ng katawan niya at hindi na alam ang ibang sinasabi ngunit malinaw sa kanya ang tugon ng lalaki. Tinanggihan siya nito. Ni-reject. Hindi gumana ang alindog ng katawan niya. Nag-iba siya ng direksyon para magpatuloy sa paghahanap ng lalaki. “Saan na pupunta ‘yun?”“Hayaan niyo lang siyang mag-explore. Ang OA mo, Akira. Parang hindi mo na







