MasukPAYAK ANG NAGING ngiti ni Fae na parang gusto ng magmartsa palayo bunga ng pagkapahiya. Nababasa niyang hindi iyon kakagatin ng sariwang isdang binibingwit niya. Namutla na sa gulat na lumingon ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang pa. Kapagdaka ay ilang beses itong paulit-ulit na umiling ang uli na may bakas ng takot.
“Pasensya na, iba na lang. May girlfriend na ako.” Aw, buti pa ang lalaking ito girlfriend pa lang loyal na. “Ah, ganoon ba? Oh, pasensya na, hahanap na lang ako ng lalaking walang kasintahan…” kindat niya pa upang buuin ang kumpiyansang nayurakan ng lalaki. Yumuko na doon si Fae, oo, pinamanhid ng alak ang ilang bahagi ng katawan niya at hindi na alam ang ibang sinasabi ngunit malinaw sa kanya ang tugon ng lalaki. Tinanggihan siya nito. Ni-reject. Hindi gumana ang alindog ng katawan niya. Nag-iba siya ng direksyon para magpatuloy sa paghahanap ng lalaki. “Saan na pupunta ‘yun?” “Hayaan niyo lang siyang mag-explore. Ang OA mo, Akira. Parang hindi mo naman kilala ‘yan si Fae ah?” “Oo nga naman, malamang hahanap ng next target.” hagalpak ng tawa ni Maya na siyang utak ng lahat. Natigil sa paghakbnag si Fae nang bumangga ang katawan na sa matigas na katawan sa harapan niya. Nabitawan niya ang basong hawak na maingay na bumagsak sa sahig. Tila nabingi doon ang babae. Napatayo na ang mga kaibigan ni Fae at hinanap na nila si Fae kung nasaan. Si Fae na napahawak na sa kanyang ulo dahil sa matinding kirot noon. Nanghina ang katawan niya na parang isdang tinanggal siya sa tubig. Hindi makahinga. Bago pa man siya tuluyang humandusay sa sahig ay may sumalo na sa katawan niyang matipunong mga bisig. Nakaramdam siya ng kakaibang pagnanais na humiga na lang doon at matulog nang tuluyan. Nang idilat ni Fae ang kanyang mga mata, nakita niya ang mukha ng lalaki. Awtomatikong tila natanggal ang kalasingan ni Fae. Si Jago iyon; ang asawa niya! Nagha-hallucinate lang ba siya? Gaya ng dati, malamig ang bawat titig nito sa kanya. Sinubukan niyang kalasin ang mga braso nitong nakapulupot sa katawan niya. Hinayaan siya ni Jago sa nais at hindi pinigilan. Bumagsak siya sa sahig at naramdaman na lang niya ang paghiwa sa balat niya ng piraso ng bubog ng basong nabasag at nabitawan niya kanina. Napatukod kasi doon ang kamay niya. Damang-dama ni Fae ang pagbulwak ng matingkad na pulang mainit na likido palabas ng ginawang sugat ng piraso ng bubog ng baso. Pagkatapos ng ilang segundo pa ng katahimikan, dumilim na ang lahat sa paligid ng babae. Bigla na doong nahimatay na si Fae. “Felicity, sa tingin mo ba ay mapipigilan ako ng pamilya mo sa binabalak ko?” Sa panaginip ng babae matapos lamunin ng dilim ay muling nakita ni Fae ang malupit at malamig na mukha ni Jago ng kanyang nakaraan. Kawawang nakaluhod ang babae noon sa gitna ng magulo nilang sala, habang umaagos ang mga luha sa kanyang mukha. Nanlalabo na ang paningin niya. Kakatapos niya lang malaman na gusto na ni Jago na makipaghiwalay sa kanya at tapusin na ang kasal nila. Pinilit lang naman siya ng mga magulang ni Fae na pakasalan siya, kasama ang mga nakatatanda sa pamilya ng lalaki kung kaya naman walang naging palag doon si Jago. Umaasa silang magbabago ang lalaki at matututunan siya nitong mahalin sa paglipas ng panahon na hindi nangyari sa paglipas ng taon. “Please, Jago, pakiusap…huwag mo ‘tong gawin.” Hindi pinansin ni Jago ang lahat ng payo sa kanya ng matatanda, matigas ang ulong nagpumilit pa rin siya sa kanyang mga ginagawa at panindigan ang kanyang desisyon. Nagawa pa niyang magbayad pa ng malaking halaga para lang masira ang pamilya ni Fae. Ganun kasama ang ugali ng Santiago El Gueco. “Buo na ang pasya ko. Hindi na magbabago, Felicity.” Sa una ay tinutulan at pinagsabihan si Jago ng mga nakatatanda sa pamilyang El Gueco, ngunit kalaunan ay napilitan silang tulungan na lang din ang lalaki na bumangon at linisin ang kanyang pangalan. Dumagdag pa iyon sa sama ng loob ni Fae. Ang masaklap pa doon para kay Fae, kalaunan ay tinanggap din nila si Odessa na kung hadlangan nila noon ay walas bilang babaeng mahal ni Jago. Sa ilalim ng matibay na proteksyon ng lalaki, unti-unti niyang nakuha ang pagsang-ayon ng mga magulang nito na hayaan siya sa kanyang desisyon. Hindi lang iyon, nalaman niya pang buntis na pala noon si Odessa. “Jago, maraming taon kitang minahal, wala ka bang kahit konting nararamdaman para sa akin? Ano bang kulang? Ano ba ang kayang gawin ng babaeng iyon na hindi ko kayang gawin? Sabihin mo! Bakit siya ang pinipili mo? Bakit siya pa?!” palahaw na niya ng iyak. Tinakpan ni Fae ang mukha gamit ang dalawa niyang palad, habang umaagos ang mapaklang mga luha sa pagitan ng mga daliri niya at awang-awa na sa sarili. “Hindi, Felicity. Kaya nga binigyan kita ng pagkakataong maghiwalay tayo nang mapayapa, pero hindi mo ito pinahalagahan. Nagmatigas ka. Giniit mo ang gusto mo. Kaya pagdusahan mo ang bunga!” Tumalikod sa kanya ang asawa na sinundan niya ng tingin gamit ang nanlalabo niyang paningin. Nakaramdam siya ng pagkahilo, at isang matinding kirot ang sumikip sa kanyang dibdib. Sa nakakasakal na paghihirap, bigla siyang nagising. Habol ang hingang napabalikwas na siya ng bangon habang sapo ang kanyang dibdib na tila sasabog ang mabilis at malakas na tibok ng ang puso. Binabangungot na naman siya ng nakaraan. Nakaraan na gusto na sana niyang ibaon sa limot ngunit hindi niya magawa. Pilit pinapaalala sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. “Nasaan ako?” Inilibot niya ang paningin at doon niya napagtanto na nasa sarili niya siyang kwarto. Maliwanag na sumisikat na ang araw sa labas na tumatagos sa salaming bintana na nakahawi ang kurtina, umaawit ang mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno sa kanilang backyard. Pamilyar iyong umaga sa kanya. “Sino ang nag-uwi sa akin?” Tiningnan niya ang kamay na mayroong balot na benda. Lumabas siya. Hindi isang guni-guni ang nangyari. Gamit ang walang sugat na kamay, napahagod na siya sa tumitibok na sentido na parang binabarena sa sakit. Marahil dala iyon ng alak na ininom. Pilit niyang hinagilap kung ano ang mga sumunod na nangyari matapos na masugatan ang kanyang kamay. Napalingon na siya sa may pinto ng marinig na may mga yabag at kaluskos na papalapit. Silang dalawa lang naman dito ng asawa kaya malamang siya ito ang nasa labas at wala ng iba pa. “Kayo na lang, hindi ako interesado ngayon.” naulinigan niyang sambit ni Jago sa siwang ng pinto. Hinintay ni Fae na pumasok ang asawa ngunit hindi naman iyon nangyari. Kasalukuyang nakasandal si Jago sa barandilya ng kanilang ikalawang palapag, may sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Mahina man ang kanyang boses, dinig pa rin ni Fae iyon. Iinot-inot na bumangon ang babae upang sumilip. Pinanatili niyang tahimik ang kanyang yabag papalabas ng silid upang huwag mapansin. Humawak siya sa hamba ng pinto, sinungaw na ang ulo upang tingnan kung ano ang ginagawa noon ni Jago na may kausap pa rin. Hindi na niya napigilan ang sarili nang maalala ang huling kausap na lalaki. “Saan mo siya itinago, Jago?” Napalingon na si Jago nang marinig ang may kahinaan ng boses ng asawa sa may likuran niya. “Sino ang tinutukoy mo, Feli?”NAGING PULA ANG ilaw sa unahan, huminto ang kanilang sasakyan, at sa wakas ay iginalaw ni Jago ang kanyang leeg at doon pa lang siya lumingon sa asawa. Napansin niya kasing tutok na tutok ito sa kanyang cellphone na bihira lang nitong gawin noon. Na-curious na siya kung sino ang kausap kaya umulyap na siya noon sa asawa. Doon niya napansin ang kakaibang anyo ng ayos ni Fae ngayon. Sa halip na papuri ang lumabas sa bibig, iba ang nasabi niya. “Mukhang pinaghandaan mong mabuti ang party. Kailangan ba talagang ganyan ang damit mo, Feli?”“Ano bang inaasahan mo? Cocktail party ‘yun di ba? Malamang magbibihis ako ng maganda. Ano bang inaasahan mong suot ko, Jago? Terno na pantulog?”Tinaasan siya ni Jago ng isang kilay. Mukhang tama nga ang mga drama sa TV kung saan binago ng bidang babae ang kanyang istilo at ginulat ang bidang lalaki ay peke lamang. Sa halip na magustuhan nito ang pagbabagong anyo niya, kabaliktaran iyon doon. Tumagal pa ang titig ni Jago sa kanyang hinaharap. Ibinaba
SA TOTOO LANG, hindi pa naman ganoon katanda si Fae; ang 27 ay hindi naman 72. Ngunit ang limang taon ng isang nakakapigil-hiningang pagsasama nila ni Jago at bunga ng isang pangmatagalang anorexia ay nagpamukha sa kanya na mas matanda ang babae sa kanyang edad. Daig niya pa ang mayroon ng ilang anak ang hitsura. Sa isip at pisikal niya iyon makikita. Tumango lang si Fae at habang pabalik ng villa kasama ang driver ay huminto sila sa isang botika upang bumili lang ng maraming food supplements at mga kailangan niyang vitamins para sa kanya.“Manong, komontak ka nga sa isang housekeeping company at maghanap ng ilang maaasahang magiging kasambahay, ‘yung mahusay magluto, mas mabuti kung may sertipiko rin ng isang nutritionist.” Naupo si Fae sa likurang upuan dala ang isang bag ng mga pinamili habang patuloy kinakausap ang driver.“Masusunod po, Madam.” Pagkatapos pakasalan si Jago, iminungkahi ng magkabila nilang angkan na kumuha ng mga katulong para maglinis, mag-ayos ng bakuran, at m
LUMAPAD PA ANG ngisi ng lalaki na animo puri ang narinig kay Odessa. Hindi na maalis noon ang mata sa nobya na halatang inlove na inlove na siya dito.“Namimigay ako ng mga flyers diyan lang sa malapit dito kaya naisipan kong dumaan saglit para makita ka. Dinalhan din kita ng takoyaki. Your favorite!” yabang pa ng lalaki na tinaas na ang bitbit nito doon.Ang ngiti ng lalaking iyon ay katulad ng kay Odessa, ang mga mata niya ay kumukurba na parang gasuklay na buwan sa madilim na kalangitan. Perpektong tugma ito sa babae, ngunit malupit silang pinaghiwalay ni Jago noon dahil sa isang trahedya. Hindi mapigilan ni Fae na makaramdam ng lungkot, kung siya magagawa niyang iwasan ang mas masaktan ang lalaking may pangalang Ryan, paano niya kaya iyon magagawang iwasan? Hindi niya alam.“Ano ka ba? Ang makita mo lang ako at makita kita kahit saglit ay sapat na, Ryan. Sobrang laki kaya ng hirap mo sa pamamahagi ng mga flyers para kumita lang kaya huwag mong sayangin ang pera mo sa pagdadala sa
SA KADAHILANANG MINSAN ng namatay si Fae kaya dapat ay kalmado at payapa na ang puso niya habang nauulit ang mga nakaraan nilang scene ng kanyang asawa. Naalala niya na sa panahong iyon ay nagawa na ng asawang makuha ang kanyang pagkababae na binigay niya sa ikalimang taong anniversary nila na sa panahon ngayon ay hindi pa nangyayari dahil nga nabago ang takbo ng timeline ng kanilang buhay mag-asawa. Hindi si Fae naghanda noong fifth anniversary nila. Kumalabog pa ang puso ni Fae nang maalala ng isipan ang tagpo gayong napagdaanan niya naman ang lahat ng mga ito. Tila may sariling buhay ang kamay ni Fae na umangat at malakas na niyang sinampal ang gwapong mukha ni Santiago.“Anong tingin mo sa akin, babaeng kaladkarin?!” Nagagalit si Fae dahil batid naman nitong birhen pa siya ngunit kung makapagbintang ay akala mo ay nahuli siyang may kaniig na lalaki. Syempre hindi ito maniniwala, saka pa lang ito naniwala noong may nangyari na at buong akala nito ngayon ay wala na siyang puri. Sa
NAGSALUBONG NA ANG mga kilay ni Jago. Kumunot na rin ang noo dahil hindi maintindihan ang sinasabi ng asawa. Sa pakiwari niya ay nasa dreamland pa ito at wala pa sa realidad kaya naman kung anu-ano ang sinasabi.“Ang lalaki kagabi, Jago. Saan mo siya itinago?” Ipinakita pa ni Fae ang kanyang kamay na mayroong benda. Hindi iyon pwedeng pabulaanan na hindi totoo. Sigurado siyang may kinalaman ang asawa kung nasaan ang lalaki. Iniisip pa nga niyang baka may ginawa na itong masama dito.“Hindi ba at siya ang naghatid sa akin dito?” Isang buwan na lang, mababaliw na ang asawa ni Fae na si Jago sa ibang babae; kaya bago iyon mangyari kailangang may lalaking sasalo sa kanya nang sa ganun ay hindi naman siya gaanong masasaktan at malulungkot. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanap ng papalit sa lalaki kahit bata ito sa kanya. Ibabaling na niya dito ang pagmamahal niya. “Anong sinasabi mo, Fae? Tulog ka pa ba?” Agad na namula sa galit ang guwapong mukha ni Jago nang ma-realize ang
PAYAK ANG NAGING ngiti ni Fae na parang gusto ng magmartsa palayo bunga ng pagkapahiya. Nababasa niyang hindi iyon kakagatin ng sariwang isdang binibingwit niya. Namutla na sa gulat na lumingon ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang pa. Kapagdaka ay ilang beses itong paulit-ulit na umiling ang uli na may bakas ng takot.“Pasensya na, iba na lang. May girlfriend na ako.”Aw, buti pa ang lalaking ito girlfriend pa lang loyal na.“Ah, ganoon ba? Oh, pasensya na, hahanap na lang ako ng lalaking walang kasintahan…” kindat niya pa upang buuin ang kumpiyansang nayurakan ng lalaki.Yumuko na doon si Fae, oo, pinamanhid ng alak ang ilang bahagi ng katawan niya at hindi na alam ang ibang sinasabi ngunit malinaw sa kanya ang tugon ng lalaki. Tinanggihan siya nito. Ni-reject. Hindi gumana ang alindog ng katawan niya. Nag-iba siya ng direksyon para magpatuloy sa paghahanap ng lalaki. “Saan na pupunta ‘yun?”“Hayaan niyo lang siyang mag-explore. Ang OA mo, Akira. Parang hindi mo na







