Share

Chapter 14

Excited si Betsy sa araw na ito. Ilang sandali pa ay darating na si Devyn sa apartment para sunduin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend niya na ito. Gusto niyang sumigaw sa galak pero hindi puwede dahil sinisekreto nila ang kanilang relasyon.

Habang inaayos niya ang suot na bulaklaking off shoulder dress ay narinig niya na ang katok sa may pinto. Palundag ang lakad niya nang magtungo sa may pintuan upang buksan ito. Awtomatikong nakaplaster na sa mga labi niya ang matamis na ngiti. Pagkabukas niya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang nakangisi at nakapamulsang boyfriend niya. Nakasuot ito ng kulay asul na T-shirt at black jeans.

“Hey you. Are you ready to go?” bungad ni Devyn.

“Of course! Oh wait . . . I forgot my purse!” Mabilis niya itong tinalikuran muna at nagmamadaling bumalik ng kuwarto para sa naiwan niyang purse. Dahil sa masyadong pagiging excited ay halos makalimutan niya pa ito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status