LOGINPakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi. Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé. Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya. Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
View More“Why? Did they cancel the photoshoot?”
Mabilis na humakbang papalapit sa pinto si Miles at isinara iyon bago pinaupo ang dalaga na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Iniabot ni Miles ang kanyang cellphone kay Kara at nanlaki ang mga mata ng huli nang mabasa sa entertainment news na may video scandal siya.
“W-what s-scandal?” kinakabahang tanong ni Kara kay Miles.
“Oh dear, I think you have been secretly filmed,” malungkot na sagot ni Miles at saka nito iniabot kay Kara ang cellphone para ipapanood ang video.
Makikita sa video na natutulog si Kara sa kama na tanging bra lamang ang suot habang ang kalahati ng kanyang katawan ay balot ng kumot. Nang biglang may kamay ng lalaki ang yumakap sa kanya na mahimbing pa ring natutulog. Maya-maya pa ay naupo ang lalaki ngunit patalikod sa camera at tumayo. Kitang-kita na walang suot na anumang saplot sa katawan ang lalaki.
Tila nanigas ang katawan ni Kara sa napanood.
Thug!
Dinampot ni Miles ang kanyang cellphone na nabitawan ng nanginginig na mga kamay ni Kara. Nakaramdam ng awa at pag-aalala si Miles sa dalaga. Sa lahat ng nakatrabaho niyang modelo, si Kara ang pinakamabait at kanyang paborito. Matino rin itong babae at mula sa may kayang pamilya kaya naman hindi na siya nagtaka nang ligawan at paibigin ito ng nag-iisang anak na lalaki ng Deschanel House of Couture, isa sa sikat na clothing line sa Paris.
“Miles, whatever the video suggested is not true! That’s not me!” naiiyak na sabi ni Kara.
Naunat ang kunot ng noo ni Miles. “Then you should talk to Victor now and explain your side.”
Tumango si Kara bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Miles, habang mabilis naman siyang inalalayan ng huli para sumakay sa elevator upang umakyat sa opisina ni Victor Deschanel. Si Miles na rin ang kumausap sa sekretarya na mabilis namang tumalima at pinagbuksan ng pinto ang dalawang bagong dating.
Pagbukas ng pinto ay nagsimulang umalingawngaw ang boses ng ina ni Victor sa labas ng opisina dahilan upang mas manigas ang katawan ni Kara sa takot sa ina ng lalaki na kahit kailan ay hindi siya nagustuhan. Napahawak si Kara sa kanyang dibdib nang makita ang mukha ng kanyang boyfriend. Kung dati sa tuwing pupuntahan niya si Victor sa kanyang opisina ay masaya itong sumasalubong sa kanya, ngayon ay halos mangitim na sa galit ang asul na mga mata ng lalaki na para bang mangangain ng tao anumang oras.
“You have the nerve to show up your face here?” palusob na sabi ng ina ni Victor kay Kara at saka sunud-sunod na nagsalita ng French. Hindi na napigilan ni Kara ang kanyang mga luha sa mga masasakit na salitang sinabi ng ina ni Victor.
“V-victor, it’s not true. Please believe me,” pagmamakaawa ni Kara.
Magsasalita sana ang lalaki ngunit inunahan siya ng kanyang ina. “Leave this woman! She ruined Deschanel!”
“Mama!” pagsaway ni Victor sa kanyang ina.“Break up with her or you will get nothing from us!” galit na sabi ng mama ni Victor dahilan upang manlaki ang mga mata ng lalaki.
Mabilis na humakbang si Kara papalapit kay Victor at saka niya niyakap nang mahigpit ang kanyang nobyo na nanatiling nakaupo sa kanyang swivel chair.
“Baby, please believe me the video is not true, that’s not me!” paliwanag ni Kara sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Tinanggal ni Victor ang mga braso ni Kara na nakayakap sa kanya. “Then explain to me how it happened?”
Umiling ang dalaga. Sa tono ng salita ni Victor ay alam ni Kara na hindi naniniwala sa kanya ang lalaki. “I don’t know! Maybe they used my face, that’s not me, baby!”
Inabot ni Victor kay Kara ang isang papel na nagsasabi na boluntaryo siyang nagre-resign bilang endorser ng Deschanel. “Sign this. It’s all I could do for you.”
Hindi makapaniwalang tumingin si Kara sa kanyang nobyo. “What do you mean?”
“I will clean this mess for you, but I am breaking up with you.” Ang kanina’y puno ng galit na mga mata ni Victor ay napalitan ng lungkot. “Please sign it, Kara! Don’t ruin my future too.”
Pakiramdam ni Kara ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig niyang mga salita mula kay Victor. Nanginginig niyang dinampot ang sign pen sa mesa ng lalaki at saka pinirmahan ang resignation letter.
Pinawalan pa ni Kara ang isang malalim na buntong-hininga at hindi makapaniwalang tinitigan sa mata ang lalaking akala niya ay mahal siya.
“Leave this place, whore!” sigaw ng ina ni Victor.
Nang makita ni Kara na hindi talaga siya ipagtatanggol ni Victor sa ina, tumayo siya ng tuwid at saka humakbang ng malalaki upang mabilis na umalis sa lugar na iyon.Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang
Parating pa lang ang sinasakyang school bus ni Amari sa drop off area ay napukaw na ang atensyon ng lahat sa kumpulan ng mga estudyante sa isang gilid. Kaya pagbaba ng mga sakay ng school bus ay doon lahat nagtakbuhan ang mga estudyante para makiusyoso.Napatingin sa kanyang orasan si Amari, maaga pa naman kaya nakisilip na rin ang dalagita sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah na masayang nakikipag-usap sa isang babae na nang humarap sa gawi niya ay agad niyang nakilala. Siya ang nanalong champion sa Palo Alto Junior Cooks.Parang may tumusok sa kanyang dibdib na nakikitang nag-uusap ang babae at si Noah kaya tumalikod na siya at naglakad palayo sa lugar na iyon. Nagtataka lang siya kung anong ginagawa ng babae sa ekwelahan niya dahil hindi naman sila schoolmates.Pagdating ng recess, tulad noon ay mag-isa siyang kumakain sa canteen at hindi na siya nagulat nang tabihan siya ni Noah. Inilapag ng lalaki ang isang canned juice sa kanya
“Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t
Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore