MasukAliyah has spent her entire life living in the shadow of her sister, Aleli. Aleli often took away the things that made her happy, including her boyfriend, Benedict. She caught them in bed together, and instead of apologizing, Benedict blamed her for his infidelity. He accused her of lacking too much in their relationship, saying that Aleli filled those gaps and was better than her in every way. Aliyah’s heart shattered completely when the two got engaged. At their engagement party, Aleli created a scene, accusing Aliyah in front of their parents of trying to seduce Benedict. Heartbroken and humiliated she ran out of the party. She almost got hit by a car, and with so much stress and shock, she fainted. When she woke up, she found herself in Conner’s bedroom, Benedict’s uncle, a congressman. Conner made her an unexpected offer: a marriage of convenience. He needed a wife to improve his public image for the upcoming election. Aliyah and Conner’s relationship was starting to improve, but it didn’t take long before the fragile foundation they were building began to shake when Aleli found out about her marriage to Conner—a man far wealthier and more powerful than Benedict—started to do things and create issues to ruined her marriage to Conner. Despite that, Aliyah and Conner grew even closer. They discovered each other’s strengths and weaknesses, which only strengthened their bond. Just when Aliyah thought nothing could break them and she was finally ready to admit her love for Conner, his mother arrived along with Conner’s ex-girlfriend and dropped a bombshell—she had returned to tell Conner that they had a child together. But Conner did everything to prove that no matter what happens, he will always choose her above everything else.
Lihat lebih banyakSIMULA nang gabing iyon sa hotel, sinimulan nang iwasan ni Aliyah si Conner. Mas pinili niyang lumayo bago mahulog nang tuluyan sa lalaking hindi naman habang buhay na magiging kanya. May kasunduan lang sila kaya sila nagpakasal.Hindi na niya madalas naiisip si Benedict—sa katunayan, batid niyang tuluyan na siyang naka-move on. Wala na ang sakit. Wala na ang pait. Pero may isang bagay na mas mahirap aminin...Si Conner na ang pumalit sa puwang na iniwan ni Benedict sa puso niya.At nangyari iyon nang hindi niya namamalayan.Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Alam niyang hindi ito dapat mangyari. Hindi puwedeng mangyari. Kailangan niyang tigilan. Kaya mas pinili niyang umiwas bago pa siya tuluyang mahulog—bago pa siya masaktan. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon, ay masasaktan na naman siya, at paniguradong wala nang Conner na dadating para saklolohan siya.Pero hindi madali ang umiwas, lalo na't magkasama silang natutulog sa iisang kama, sa iisang bubong sila nakatira. Nand
Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan