Share

71 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-04-17 23:51:43

Nang matapos ang meeting ay agad na bumalik ng kanyang opisina si Chairman Tuazon nang may bigat sa bawat hakbang. Pagkatapos ay agad niyang isinara ang pintuan at diretsong nagtungo sa kanyang lamesa. Bago siya umupo sa kanyang executive chair ay napabuntong hininga muna siya at halos pabagsak na isinandal ang kanyang likuran sa upuan.

Kapag ganitong patong patong ang problema sa kumpanya, parang ayaw na muna nyang umuwi. Madaragdagan lang ang stress niya sa bahay kapag nakita ang nag-iisang anak na si Gray, na 3 days ago lang ay nalaman niyang nakipagrelasyon sa isang napakabatang babae na halos pamangkin na nito.

Ang mga huling napag-usapan sa meeting ay nagpapasakit ng kaniyang ulo. Tatlong buwan na ang lumipas nang simulan nila ang pagdevelop ng surgical robot. Maraming nasayang hindi lang oras, pati na rin ang malaking budget na inilaan nila sa project na hanggang ngayon ay hindi pa rin makikitaan ni katiting na pag-asa.

Hindi niya magawang hindi mag-alala dahil hindi lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Decembersix Chua
Ang talino namn ni Miss A , maraming alam hahahah.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chasing Dr. Billionaire    150 (Book 2)

    Kanina pa ako nahihirapang magdesisyon. Gusto kong tumanggi at sabihin kay Dad na hindi InovaTech ang mundo ko. Hindi ito para sa akin kaya sa una pa lang hindi na ito ang direksyon na pinili ko, I chose Medicine because I chose peace. Pero nang banggitin ni Dad ang pangalan ni Gigi kusa na lang bumuka ang bibig ko at nagsalita.“I’ll do it.” Wala akong naramdaman ni katiting na pag-aalinlangan na sabihin yun.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dad.“Kung alam ko lang na si Gigi lang pala ang kailangan para mapapayag ka, sana noon pa lang, nakilala na natin siya.” ani Dad na napapailing na lang.Narinig ko na lang na bigla itong tumawa. Kaya taka akong napatingin sa kanya.“Hindi nga pala pwede yun. Baka nung mga panahong kinukumbinsi pa kita– baka dumedede pa ng gatas sa bote si Georgina.” ani Dad at muli na namang tumawa ng mas malakas.Maging Renz at ang doktor at narinig kong mahinang natawa. Napailing na lang ako dahil nakuha pa ni Dad na magbiro sa gitna ng ganitong kaseryoso

  • Chasing Dr. Billionaire    149 (Book 2)

    Gray POVWeeks ago…Natatawa na lang ako sa sarili ko pag naaalala na ang lakas ng loob kong magsabi sa kanya na sa condo na muna ako titira. Ako pala itong hindi kayang malayo sa kanya. Kinain ko tuloy lahat ng sinabi ko.Papunta na sana ako sa bahay ni Andrew para bisitahin ulit si Gigi na hanggang ngayon ay ayaw pa ring umuwi. Miss na miss ko na siya kahit araw araw ko naman siyang nakikita at binibisita. Iba pa rin yung nasa bahay lang namin siya. Kaiistart ko lang ng sasakyan nang makatanggap ako ng tawag mula kay Renz. Ang sabi puntahan ko raw sila sa St. Paul Hospital, isang private hospital. Ni hindi man lang nito sinabi kung anong dahilan kaya ganun na lang ang pag-aalala ko– bakit sa hospital?Kaya heto, nakita ko na lang ang sarili kong nagmamadaling pumasok sa St. Paul na kinakabahan. Pagdating ko sa second floor, agad akong sinalubong ni Renz. “Anong nangyari?” tanong ko agad dito.“Your father will explain later.” kalmado nitong sagot.Napabuntong hininga na lang ak

  • Chasing Dr. Billionaire    148 (Book 2)

    Gigi POV Pagdating ko naman sa mansion diretso na agad ako kay aling Nerissa para sabihin dito ang bilin ni Madam. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking silid. Nagtext muna ako kay Gray para sabihing naka-uwi na ako. Napakatagal bago ako dinalaw ng antok kaiisip sa mga nangyari…, hanggang sa tuluyan na rin kong nakatulog. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may humalik sa aking noo. Kaya napamulat tuloy ako. “Gray?” gulat na sambit ko. “Sorry, I didn't mean to wake you up, kaso ang lakas ng pakiramdam mo.” bulong nito habang hinahaplos ang buhok ko. “Kailangan ko na ring umalis agad. May mga kinuha lang ako dito sa bahay na importante.” sabi pa nito. Ayoko pa sana siya umalis pero alam kong marami itong iniisip ngayon kaya ayoko nang makadagdag pa. “Okay, ingat ka.” sabi ko na lang. “I love you.” bulong niya bago ako siniil ng halik sa labi. “I love you din.” tugon ko. “Try to sleep, okay?” aniya habang hinahaplos ang pisngi ko. Marahan akong tumango

  • Chasing Dr. Billionaire    147 (Book 2)

    Gigi POVICU Wing, Neumann Hospital…Tahimik sa buong corridor ng hospital at maliwanag ang ilaw mula sa overhead panels habang may ilang mga nurse na dumaan. Pareho kaming naka-upo ni Madam sa isang mahabang waiting bench habang yakap nito ang sarili. Kanina pa ito walang tigil sa pag-iyak. Yung hawak niyang panyo at basang basa na sa dami ng iniluha niya.Nakatayo naman si Gray sa gilid nito. Tahimik lang ito habang hinahagod sa likod ng kanyang ina. Samantalang ako ay tahimik lang na lumuluha. Nagi-guilty ako sa nangyari. Pakiramdam ko kasi, ako ang punong dulo kung bakit nagkaganito.Kung hindi dahil sa akin, kung hindi kami nagkakilala ni Gray… Kung hindi nya ako pinakasalan, baka hindi magagalit si Danica, wala sanang tensyon kanina at hindi magkakaganito ang biyenan kong lalaki.Napapikit na lang ako habang pumapatak na naman ang luha. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi lumabas ang aking paghikbi. Silang dalawa ang mas dapat kong inaalala dahil sila itong mas nasasaktan

  • Chasing Dr. Billionaire    146 (Book 2)

    Gigi POV Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Gray na kadarating lang, naka-business suite ito. Madilim ang kanyang mukhang nakatingin sa direksyon namin ni Danica. Para namang napako sa kanyang kinatatayuan si Danica nang marinig ang sinabi ni Gray. Yung pagsampal sana niya sa akin ay hindi na natuloy. “What did you say?” tanong ni Danica habang nanginginig ang boses. Naiwan pa sa ere ang kamay nito. Hindi sumagot si Gray. Sa halip ay humakbang ito at nag-aalalang lumapit sa akin at inilayo agad ako kay Danica ng ilang hakbang. Hinawakan niya agad ako sa magkabilang braso at saka ako sinipat sipat. “What did you say?” tanong muli ni Danica mula sa likuran, habol ang tingin kay Gray. Pero hindi pa rin siya pinansin ni Gray na animo’y walang naririnig. Panay lang ang hagod niya ng tingin sa akin. “Are you okay?” tanong niyang nag-aaalala. Tumango lang ako. “Son, totoo ba ang sinabi mo?” tanong ni Madam. Humarap si Gray sa kaniyang ina nang marinig itong nag

  • Chasing Dr. Billionaire    145 (Book 2)

    Kinabukasan maaga na namang umalis si Gray ng mansion. Muli ay nagising na naman akong wala siya sa tabi ko.Ngayon araw na ito, may General Physics 1 class ako. Feeling guilty tuloy ang nararamdaman ko dahil sa mga kumalat na picture kahapon. Habang naghihintay sa pagdating ni Gray dito sa lecture hall tumabi muna ako sa mga kaibigan ko para makipagkwentuha pero syempre ako ang laman ng usapan.“Ang galing ng IT natin noh. Burado lahat ng pictures.” wika ni Santi.Ikinuwento ko sa kanila kung anong ginawa ni Gray.“Don’t be surprised. Kilala ang InovaTech pagdating sa technology.” sabi ni Jeff na nakaupo sa next to Santi.“Pasalamat ka na lang talaga at blurred ang kuha mo, kasi kung nagkataon, sikat na sikat ka na ngayon dito sa school. Sa labas nga narinig kong yun ang pinag-uusapan.” kwento ni Nica.Tumigil kami sa pag-uusap nang may pumasok na may edad na babae, nakasalamin. Natahimik ang lahat ng magtungo ito sa unahan, ipinatong muna nito ang mga gamit sa desk saka tumikhim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status